Share

CHAPTER 18

last update Last Updated: 2025-04-23 22:30:25

Marahas ang ginawang paglingon ni Laica kay Hendrick matapos niyang marinig ang mga sinabi ni Tracey. Sakto namang nakatitig sa kanya ang asawa niya dahilan para magtagpo ang kanilang mga paningin. Puno ng katanungan ang kanyang mga mata at nahihinuha niyang pansin nito iyon. Hindi niya man isatinig ngunit alam niyang alam nito kung ano ang tumatakbo sa isipan niya. Waring hindi pa nga nito inaasahang babanggitin iyon ni Tracey kaya bakas sa mukha nito ang pagkabigla.

Maya-maya pa’y nakarinig siya ng isang malakas na pagtikhim dahilan para maputol ang pagkakahinang ng mga mata nila ng kanyang asawa. Nang lumingon siya sa may kabisera ng mesa ay nakita niya ang lolo ni Hendrick na nagsisimula nang maglagay ng pagkain sa pinggan nito.

“Let us eat. Lumalamig ang pagkain,” maawtoridad pa nitong saad para sa lahat.

Nagsikilos na ang mga kaharap niya sa mesa. Lahat ay nagsimula na ring kumain. Siya lamang ang tanging hindi tuminag sa kanyang kinauupuan. Pakiramdam niya ay hindi siya nababag
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (6)
goodnovel comment avatar
Cris Padilla
ud po ng marami
goodnovel comment avatar
Myles Berces Canillo
good job laica,mahal ka ni Hendrick Kya wag Kang Susuko.
goodnovel comment avatar
Morbos Ronalyn
next episode please nman po
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Savage Billionaire Series 7: Hendrick Montañez   CHAPTER 30

    Mula sa pagkakayuko ay agad na napaangat ng kanyang ulo si Laica nang makalapit na sa kanya si Mikael bitbit ang tray ng inuming ito mismo ang nag-order. Inilapag nito sa mesa ang dala-dala saka naupo sa kaharap niyang silya. Sinundan niya pa ng tingin ang bawat galaw nito. Isa-isa nang inaalis ng binata ang mga nasa tray at ang para sa kanya ay iniusog pa nito palapit sa kanyang tapat.She looked at what he ordered. Pineapple juice ang para sa kanya samantalang ang para rito ay lemonade naman. Bago siya maupo roon ay nagtanong din ito kung gusto niya ng makakain ngunit tumanggi na siya. Sapat na sa kanya ang inumin habang kausap ito.Hindi na nga siya tumuloy sa grocery store. Nang magtanong ito kung gusto niyang malaman ang totoo ay walang pagdadalawang-isip na sumama siya sa binata. Sa isang kainan siya nito dinala malapit lang din sa grocery store na pupuntahan niya sana.Nakayuko pa rin siya sa inumin na nasa kanyang harapan nang marinig niyang nagwika si Mikael.“Malinis ang inu

  • Savage Billionaire Series 7: Hendrick Montañez   CHAPTER 29

    Tuloy-tuloy ang pag-scroll ni Laica sa kanyang cell phone kasabay ng seryosong pagbabasa sa bawat article na nakikita niya. Lahat ay masusi niyang iniintindi at hinahanapan ng mga impormasyong makatutulog sa kanya. Mga artikulo iyon tungkol sa pamilya Montañez at sa tiyuhin ni Hendrick na si Valentino.Hindi niya alam kung gaano na siya katagal na nagbabasa ng iba’t ibang balita tungkol sa mga ito. It’s not hard to look for some news about their family. Kilalang angkan ang mga Montañez, lalo na sa mundo ng pagnenegosyo. Nakahanap siya ng mga artikulo sa internet na ang paksa ay tungkol sa pamilya ng mga ito. Ang iba naman ay tungkol sa mga business event na dinaluhan nina Hendrick kasama ang iba pa nitong mga kamag-anak.She read everything that crossed her newsfeed. Pero higit sa ano pa man, mga impormasyon tungkol kay Valentino talaga ang hinahanap niya. Gusto niya itong makilala. Gusto niyang malaman kung anong uri ng buhay ang mayroon ito at kung bakit pakiramdam niya ay may malak

  • Savage Billionaire Series 7: Hendrick Montañez   CHAPTER 28

    “Good morning, Sir Hendrick,” magalang na bati sa kanya ng isa sa mga katulong ng kanyang Lolo Benedicto pagkababa na pagkababa niya pa lamang ng kanyang sasakyan. Ni hindi siya tumugon at isang tango lamang ang isinagot dito bago dire-diretso nang naglalakad papasok sa bahay ng kanyang abuelo.Hindi na siya nagtanong pa sa katulong kung nasaan ang lolo niya. Sa ganoong oras ay alam na niya kung saan namamalagi ang matandang lalaki at doon na nga siya dumiretso--- sa may verandah sa ikalawang palapag. Ngunit ilang hakbang na lang sana ang layo roon ni Hendrick nang naging mabagal ang paglalakad niya. Agad niyang natanawang hindi nag-iisa ang kanyang Lolo Benedicto. Kasama nito ang matagal nang kaibigang si Benjamin.“Lolo...” sambit niya sa marahang tinig dahilan para mapalingon sa kanya ang dalawang lalaki.Rumihestro ang isang rekognisyon sa mukha ni Benjamin. Ngayon niya lamang ulit ito nakita makalipas ng maraming taon sanhi para kabakasan ng pagkabigla ang mukha ng lalaki.“Hendr

  • Savage Billionaire Series 7: Hendrick Montañez   CHAPTER 27

    Dama ni Laica ang panlalamig ng kanyang buong katawan dahil sa nakikitang reaksyon ng mga taong nasa paligid niya. Maliban sa lolo at mga magulang ni Hendrick, pati na rin sa private nurse ng matanda, ay may mangilan-ngilan nang napapatingin sa kanilang direksyon. Lahat ay may pagtataka sa mga mata.“What do you think you’re doing, Laica?” pasinghal na tanong sa kanya ni Benedicto na mas lalong nakaagaw ng pansin ng ibang taong naroon.“T-The water is not safe,” sambit niya sa mahinang tinig kasabay ng pagpalipat-lipat ng tingin sa mga ito. “May inilagay sila sa inumin mo, Mr. Montañez.”“What?!” the old man exclaimed.Itinuon ni Laica ang kanyang paningin sa private nurse ng matandang lalaki at hindi nakaligtas sa kanya ang pagkabiglang rumihestro sa mukha nito. Ni hindi siya maaaring magkamali. Bigla itong nataranta nang marinig ang mga sinabi niya.“What do you mean, Laica?” narinig niyang tanong ni Hendrick. Naramdaman niya pa ang paghawak nito sa kanyang braso.She turned to look

  • Savage Billionaire Series 7: Hendrick Montañez   CHAPTER 26

    Abot-abot ang kaba sa dibdib ni Laica nang makapasok na siya sa comfort room. Hindi niya mapigilang makadama ng takot. Kung hindi siya mabilis na nakatakbo palayo ay baka nakita siya ng matandang lalaki. Agad kasi ang pagpihit nito patungo sa kanyang direksyon matapos mailagay sa bottled mineral water ang mga gamot na dala ng isa pang lalaki.Binalikan niya sa kanyang isipan ang narinig na usapan ng mga ito. Halatang may binabalak na masama ang dalawa. Kanino ipaiinom ng mga ito ang tubig na iyon? At ano ang klase ng gamot na inilagay ng matandang lalaki sa naturang inumin?Laica heaved out a deep sigh. Naitukod niya pa ang kanyang mga kamay sa lababong naroon saka matamang pinagmasdan ang kanyang sariling repleksiyon sa malaking salamin. Nawala na sa isipan niya ang tungkol kay Hendrick at Tracey at mas natuon ang pansin sa dalawang lalaking narinig niyang nag-uusap kanina.Slowly, Laica walked towards the comfort room’s door. Marahan na niyang binuksan ulit iyon at pinakiramdaman ku

  • Savage Billionaire Series 7: Hendrick Montañez   CHAPTER 25

    Ilang minuto nang sinisipat ni Laica ang kanyang sarili sa harap ng salamin upang masiguro kung ayos na ba ang hitsura niya. Nakaayos na ang kanyang buhok at nakapaglagay na ng makeup sa kanyang mukha ngunit wari bang hindi pa rin siya kontento sa kanyang hitsura. Lahat ng anggulo ay parang nais niyang siguraduhing wala nang problema.Hindi naman talaga siya mahilig mag-ayos nang magarbo. Sa tuwing papasok sa trabaho o ‘di kaya’y may gig na nakuha ay simple lang naman ang gayak niya. Manipis na makeup nga lang ang inilalagay niya sa kanyang mukha, minsan ay wala pa.Pero iba sa pagkakataong iyon. Iba sa gabing iyon.Ngayon ang pagdiriwang ng anibersaryo ng Montañez Group of Companies. Sanhi iyon kaya kahit hindi siya sanay sa mga ganoong pagtitipon ay kailangan niyang mag-ayos ng kanyang sarili. At hindi lang basta simpleng pag-aayos. She should be glamorously dressed for tonight’s event. Panigurado kasing hindi mga simpleng tao ang bisita ng mga Montañez. Alam niyang lahat ng dadalo

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status