Share

CHAPTER 17

last update Last Updated: 2025-04-21 22:51:42

Napaupo nang tuwid si Laica sa may passenger’s seat nang pumasok ang sasakyan ni Hendrick sa gate ng isang malaking bahay. Hindi niya pa mapigilan ang bahagyang pag-awang ng kanyang bibig dahil sa paghangang umusbong sa kanyang dibdib.

No doubt, the house in front of her was screaming with so much class. Every detail of it was showing wealth. Halatang ang nakatira roon ay nagmula sa angkang tinitingala sa lipunan. Sa katulad niyang lumaki lamang sa isang payak na pamilya, wala yatang tiyansang makadaupang-palad niya ang katulad ng mga ito.

Laica sighed heavily. Maliban na nga lang sa sitwasyon niya ngayon. Wala siyang mapagpipilian kundi ang harapin ang mga taong nakatira sa bahay na kinaroroonan niya. Asawa na siya ni Hendrick. Ano man ang gawin niya, makakaharap at makakaharap niya pa rin ang pamilya nito.

“Let’s go,” narinig niyang aya na ni Hendrick sa kanya. Nag-alis na ito ng seatbelt sa katawan saka nagpatiuna na sa paglabas ng sasakyan.

Wala nang nagawa pa si Laica kundi ang l
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (3)
goodnovel comment avatar
Morbos Ronalyn
next ipesod po please
goodnovel comment avatar
Victoria Suganob
grabe,iba tlga ugali Ng mayayaman
goodnovel comment avatar
Myles Berces Canillo
grabe nman to si Tracy ang harot,selos tuloy si laika,thanks po miss a sa update
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Savage Billionaire Series 7: Hendrick Montañez   CHAPTER 31

    Hindi agad nakaapuhap ng isasagot si Laica sa tanong ni Hendrick. Mataman na lang kasi siyang napatitig sa mukha nito at halos ikabigla niya pa ang galit na nakikita sa mga mata ng kanyang asawa. He’s mad again. Dahil ba sa pag-uwi niya nang ganoong oras? Dahil sa mas nauna pa itong nakauwi kaysa sa kanya?Laica stood up straight. Hindi niya pinansin ang pagtatanong ni Hendrick at lakas-loob na nagsimula nang maglakad papasok sa unit nito. Dahil sa kanyang pag-abante ay agad itong napaatras para paraanin siya. Halos mapaigtad pa siya nang maglikha ng malakas na tunog ang pabalang na pagsara ni Hendrick sa pinto.She abruptly turned to look at him. Ini-lock na nito ang pinto saka lumingon sa kanya. Nasa mukha pa rin nito ang hindi maitagong galit na alam niyang laan para sa kanya.“Where have you been, Laica?” ulit nito sa tanong kanina.“Hindi ba ako maaaring lumabas ng unit mong ito?” balik-tanong niya na mas lalong nagpadilim sa mukha nito.“Tinatanong kita nang maayos---”“Hindi ma

  • Savage Billionaire Series 7: Hendrick Montañez   CHAPTER 30

    Mula sa pagkakayuko ay agad na napaangat ng kanyang ulo si Laica nang makalapit na sa kanya si Mikael bitbit ang tray ng inuming ito mismo ang nag-order. Inilapag nito sa mesa ang dala-dala saka naupo sa kaharap niyang silya. Sinundan niya pa ng tingin ang bawat galaw nito. Isa-isa nang inaalis ng binata ang mga nasa tray at ang para sa kanya ay iniusog pa nito palapit sa kanyang tapat.She looked at what he ordered. Pineapple juice ang para sa kanya samantalang ang para rito ay lemonade naman. Bago siya maupo roon ay nagtanong din ito kung gusto niya ng makakain ngunit tumanggi na siya. Sapat na sa kanya ang inumin habang kausap ito.Hindi na nga siya tumuloy sa grocery store. Nang magtanong ito kung gusto niyang malaman ang totoo ay walang pagdadalawang-isip na sumama siya sa binata. Sa isang kainan siya nito dinala malapit lang din sa grocery store na pupuntahan niya sana.Nakayuko pa rin siya sa inumin na nasa kanyang harapan nang marinig niyang nagwika si Mikael.“Malinis ang inu

  • Savage Billionaire Series 7: Hendrick Montañez   CHAPTER 29

    Tuloy-tuloy ang pag-scroll ni Laica sa kanyang cell phone kasabay ng seryosong pagbabasa sa bawat article na nakikita niya. Lahat ay masusi niyang iniintindi at hinahanapan ng mga impormasyong makatutulog sa kanya. Mga artikulo iyon tungkol sa pamilya Montañez at sa tiyuhin ni Hendrick na si Valentino.Hindi niya alam kung gaano na siya katagal na nagbabasa ng iba’t ibang balita tungkol sa mga ito. It’s not hard to look for some news about their family. Kilalang angkan ang mga Montañez, lalo na sa mundo ng pagnenegosyo. Nakahanap siya ng mga artikulo sa internet na ang paksa ay tungkol sa pamilya ng mga ito. Ang iba naman ay tungkol sa mga business event na dinaluhan nina Hendrick kasama ang iba pa nitong mga kamag-anak.She read everything that crossed her newsfeed. Pero higit sa ano pa man, mga impormasyon tungkol kay Valentino talaga ang hinahanap niya. Gusto niya itong makilala. Gusto niyang malaman kung anong uri ng buhay ang mayroon ito at kung bakit pakiramdam niya ay may malak

  • Savage Billionaire Series 7: Hendrick Montañez   CHAPTER 28

    “Good morning, Sir Hendrick,” magalang na bati sa kanya ng isa sa mga katulong ng kanyang Lolo Benedicto pagkababa na pagkababa niya pa lamang ng kanyang sasakyan. Ni hindi siya tumugon at isang tango lamang ang isinagot dito bago dire-diretso nang naglalakad papasok sa bahay ng kanyang abuelo.Hindi na siya nagtanong pa sa katulong kung nasaan ang lolo niya. Sa ganoong oras ay alam na niya kung saan namamalagi ang matandang lalaki at doon na nga siya dumiretso--- sa may verandah sa ikalawang palapag. Ngunit ilang hakbang na lang sana ang layo roon ni Hendrick nang naging mabagal ang paglalakad niya. Agad niyang natanawang hindi nag-iisa ang kanyang Lolo Benedicto. Kasama nito ang matagal nang kaibigang si Benjamin.“Lolo...” sambit niya sa marahang tinig dahilan para mapalingon sa kanya ang dalawang lalaki.Rumihestro ang isang rekognisyon sa mukha ni Benjamin. Ngayon niya lamang ulit ito nakita makalipas ng maraming taon sanhi para kabakasan ng pagkabigla ang mukha ng lalaki.“Hendr

  • Savage Billionaire Series 7: Hendrick Montañez   CHAPTER 27

    Dama ni Laica ang panlalamig ng kanyang buong katawan dahil sa nakikitang reaksyon ng mga taong nasa paligid niya. Maliban sa lolo at mga magulang ni Hendrick, pati na rin sa private nurse ng matanda, ay may mangilan-ngilan nang napapatingin sa kanilang direksyon. Lahat ay may pagtataka sa mga mata.“What do you think you’re doing, Laica?” pasinghal na tanong sa kanya ni Benedicto na mas lalong nakaagaw ng pansin ng ibang taong naroon.“T-The water is not safe,” sambit niya sa mahinang tinig kasabay ng pagpalipat-lipat ng tingin sa mga ito. “May inilagay sila sa inumin mo, Mr. Montañez.”“What?!” the old man exclaimed.Itinuon ni Laica ang kanyang paningin sa private nurse ng matandang lalaki at hindi nakaligtas sa kanya ang pagkabiglang rumihestro sa mukha nito. Ni hindi siya maaaring magkamali. Bigla itong nataranta nang marinig ang mga sinabi niya.“What do you mean, Laica?” narinig niyang tanong ni Hendrick. Naramdaman niya pa ang paghawak nito sa kanyang braso.She turned to look

  • Savage Billionaire Series 7: Hendrick Montañez   CHAPTER 26

    Abot-abot ang kaba sa dibdib ni Laica nang makapasok na siya sa comfort room. Hindi niya mapigilang makadama ng takot. Kung hindi siya mabilis na nakatakbo palayo ay baka nakita siya ng matandang lalaki. Agad kasi ang pagpihit nito patungo sa kanyang direksyon matapos mailagay sa bottled mineral water ang mga gamot na dala ng isa pang lalaki.Binalikan niya sa kanyang isipan ang narinig na usapan ng mga ito. Halatang may binabalak na masama ang dalawa. Kanino ipaiinom ng mga ito ang tubig na iyon? At ano ang klase ng gamot na inilagay ng matandang lalaki sa naturang inumin?Laica heaved out a deep sigh. Naitukod niya pa ang kanyang mga kamay sa lababong naroon saka matamang pinagmasdan ang kanyang sariling repleksiyon sa malaking salamin. Nawala na sa isipan niya ang tungkol kay Hendrick at Tracey at mas natuon ang pansin sa dalawang lalaking narinig niyang nag-uusap kanina.Slowly, Laica walked towards the comfort room’s door. Marahan na niyang binuksan ulit iyon at pinakiramdaman ku

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status