Share

CHAPTER 20

last update Terakhir Diperbarui: 2025-04-29 10:44:36

Mula sa pagbabasa ng ilang mahahalagang dokumento ay napaangat ng ulo si Hendrick nang biglang bumukas ang pinto ng opisinang kinaroroonan niya. Napaupo siya nang tuwid nang makita ang kanyang Lolo Benedicto na inaalalayan ng private nurse nito sa paglalakad palapit sa kanya.

“Lolo...” saad niya.

“Should I be thankful that my grandson is here in my company and managing it?” anito. Hindi niya alam kung natutuwa ba talaga ito o nang-uuyam.

“Are you here because you’re checking on me?” buwelta niya naman. Ni hindi niya rin itinago ang sarkasmo sa kanyang tinig.

Alam niyang iyon ang dahilan ng pagparoon nito. Gusto lamang nitong siguraduhin kung ginagawa niya nga ba ang trabaho niya sa Montañez Group of Companies. Dahil sa ilang linggo mula sa araw na iyon ay uupo na siya bilang presidente ng nasabing kompanya, alam niyang oobligahin na talaga siya ng kanyang abuelo na palagian nang magtungo roon.

But it was something that he couldn’t do. Hindi niya rin naman maaaring pabayaan ang Montañe
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (3)
goodnovel comment avatar
Maritess Bautista Castillo
More update po
goodnovel comment avatar
analyn Aguilar
pero yung Benjamin Da Silva tlga agaw eksena sa akin ei...bka xa yung ttay nila Laica
goodnovel comment avatar
analyn Aguilar
galit galitan na nmn c Hendrick..bakit ba lagi kayong nagbabangayan....hay di ba pwd huminahon mnsan kaya lagi di kayo mgkasundo ei ang tataas ng pride nyu...pero gusto ko yung character ni Laica palaban di yung iyakin lng sa tabi at sunud sunuran
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Savage Billionaire Series 7: Hendrick Montañez   CHAPTER 31

    Hindi agad nakaapuhap ng isasagot si Laica sa tanong ni Hendrick. Mataman na lang kasi siyang napatitig sa mukha nito at halos ikabigla niya pa ang galit na nakikita sa mga mata ng kanyang asawa. He’s mad again. Dahil ba sa pag-uwi niya nang ganoong oras? Dahil sa mas nauna pa itong nakauwi kaysa sa kanya?Laica stood up straight. Hindi niya pinansin ang pagtatanong ni Hendrick at lakas-loob na nagsimula nang maglakad papasok sa unit nito. Dahil sa kanyang pag-abante ay agad itong napaatras para paraanin siya. Halos mapaigtad pa siya nang maglikha ng malakas na tunog ang pabalang na pagsara ni Hendrick sa pinto.She abruptly turned to look at him. Ini-lock na nito ang pinto saka lumingon sa kanya. Nasa mukha pa rin nito ang hindi maitagong galit na alam niyang laan para sa kanya.“Where have you been, Laica?” ulit nito sa tanong kanina.“Hindi ba ako maaaring lumabas ng unit mong ito?” balik-tanong niya na mas lalong nagpadilim sa mukha nito.“Tinatanong kita nang maayos---”“Hindi ma

  • Savage Billionaire Series 7: Hendrick Montañez   CHAPTER 30

    Mula sa pagkakayuko ay agad na napaangat ng kanyang ulo si Laica nang makalapit na sa kanya si Mikael bitbit ang tray ng inuming ito mismo ang nag-order. Inilapag nito sa mesa ang dala-dala saka naupo sa kaharap niyang silya. Sinundan niya pa ng tingin ang bawat galaw nito. Isa-isa nang inaalis ng binata ang mga nasa tray at ang para sa kanya ay iniusog pa nito palapit sa kanyang tapat.She looked at what he ordered. Pineapple juice ang para sa kanya samantalang ang para rito ay lemonade naman. Bago siya maupo roon ay nagtanong din ito kung gusto niya ng makakain ngunit tumanggi na siya. Sapat na sa kanya ang inumin habang kausap ito.Hindi na nga siya tumuloy sa grocery store. Nang magtanong ito kung gusto niyang malaman ang totoo ay walang pagdadalawang-isip na sumama siya sa binata. Sa isang kainan siya nito dinala malapit lang din sa grocery store na pupuntahan niya sana.Nakayuko pa rin siya sa inumin na nasa kanyang harapan nang marinig niyang nagwika si Mikael.“Malinis ang inu

  • Savage Billionaire Series 7: Hendrick Montañez   CHAPTER 29

    Tuloy-tuloy ang pag-scroll ni Laica sa kanyang cell phone kasabay ng seryosong pagbabasa sa bawat article na nakikita niya. Lahat ay masusi niyang iniintindi at hinahanapan ng mga impormasyong makatutulog sa kanya. Mga artikulo iyon tungkol sa pamilya Montañez at sa tiyuhin ni Hendrick na si Valentino.Hindi niya alam kung gaano na siya katagal na nagbabasa ng iba’t ibang balita tungkol sa mga ito. It’s not hard to look for some news about their family. Kilalang angkan ang mga Montañez, lalo na sa mundo ng pagnenegosyo. Nakahanap siya ng mga artikulo sa internet na ang paksa ay tungkol sa pamilya ng mga ito. Ang iba naman ay tungkol sa mga business event na dinaluhan nina Hendrick kasama ang iba pa nitong mga kamag-anak.She read everything that crossed her newsfeed. Pero higit sa ano pa man, mga impormasyon tungkol kay Valentino talaga ang hinahanap niya. Gusto niya itong makilala. Gusto niyang malaman kung anong uri ng buhay ang mayroon ito at kung bakit pakiramdam niya ay may malak

  • Savage Billionaire Series 7: Hendrick Montañez   CHAPTER 28

    “Good morning, Sir Hendrick,” magalang na bati sa kanya ng isa sa mga katulong ng kanyang Lolo Benedicto pagkababa na pagkababa niya pa lamang ng kanyang sasakyan. Ni hindi siya tumugon at isang tango lamang ang isinagot dito bago dire-diretso nang naglalakad papasok sa bahay ng kanyang abuelo.Hindi na siya nagtanong pa sa katulong kung nasaan ang lolo niya. Sa ganoong oras ay alam na niya kung saan namamalagi ang matandang lalaki at doon na nga siya dumiretso--- sa may verandah sa ikalawang palapag. Ngunit ilang hakbang na lang sana ang layo roon ni Hendrick nang naging mabagal ang paglalakad niya. Agad niyang natanawang hindi nag-iisa ang kanyang Lolo Benedicto. Kasama nito ang matagal nang kaibigang si Benjamin.“Lolo...” sambit niya sa marahang tinig dahilan para mapalingon sa kanya ang dalawang lalaki.Rumihestro ang isang rekognisyon sa mukha ni Benjamin. Ngayon niya lamang ulit ito nakita makalipas ng maraming taon sanhi para kabakasan ng pagkabigla ang mukha ng lalaki.“Hendr

  • Savage Billionaire Series 7: Hendrick Montañez   CHAPTER 27

    Dama ni Laica ang panlalamig ng kanyang buong katawan dahil sa nakikitang reaksyon ng mga taong nasa paligid niya. Maliban sa lolo at mga magulang ni Hendrick, pati na rin sa private nurse ng matanda, ay may mangilan-ngilan nang napapatingin sa kanilang direksyon. Lahat ay may pagtataka sa mga mata.“What do you think you’re doing, Laica?” pasinghal na tanong sa kanya ni Benedicto na mas lalong nakaagaw ng pansin ng ibang taong naroon.“T-The water is not safe,” sambit niya sa mahinang tinig kasabay ng pagpalipat-lipat ng tingin sa mga ito. “May inilagay sila sa inumin mo, Mr. Montañez.”“What?!” the old man exclaimed.Itinuon ni Laica ang kanyang paningin sa private nurse ng matandang lalaki at hindi nakaligtas sa kanya ang pagkabiglang rumihestro sa mukha nito. Ni hindi siya maaaring magkamali. Bigla itong nataranta nang marinig ang mga sinabi niya.“What do you mean, Laica?” narinig niyang tanong ni Hendrick. Naramdaman niya pa ang paghawak nito sa kanyang braso.She turned to look

  • Savage Billionaire Series 7: Hendrick Montañez   CHAPTER 26

    Abot-abot ang kaba sa dibdib ni Laica nang makapasok na siya sa comfort room. Hindi niya mapigilang makadama ng takot. Kung hindi siya mabilis na nakatakbo palayo ay baka nakita siya ng matandang lalaki. Agad kasi ang pagpihit nito patungo sa kanyang direksyon matapos mailagay sa bottled mineral water ang mga gamot na dala ng isa pang lalaki.Binalikan niya sa kanyang isipan ang narinig na usapan ng mga ito. Halatang may binabalak na masama ang dalawa. Kanino ipaiinom ng mga ito ang tubig na iyon? At ano ang klase ng gamot na inilagay ng matandang lalaki sa naturang inumin?Laica heaved out a deep sigh. Naitukod niya pa ang kanyang mga kamay sa lababong naroon saka matamang pinagmasdan ang kanyang sariling repleksiyon sa malaking salamin. Nawala na sa isipan niya ang tungkol kay Hendrick at Tracey at mas natuon ang pansin sa dalawang lalaking narinig niyang nag-uusap kanina.Slowly, Laica walked towards the comfort room’s door. Marahan na niyang binuksan ulit iyon at pinakiramdaman ku

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status