Mula sa pagtitig sa mga pinipritong hotdog ay napabaling ang mga mata ni Laica sa may entrada ng kusina nang sumulpot doon si Hendrick. Halatang kagigising pa lamang nito, tanging boxer shorts ang suot at may tuwalyang nakasabit sa kanang balikat.Hindi niya pa mapigilang disimuladong pagmasdan ang maskulado nitong katawan. Nang lumabas siya kanina mula sa silid nito ay saglit niya pa itong sinilip sa may sala at nakitang balot ng kumot habang mahimbing pang natutulog. Hindi na niya ito inistorbo pa at tumuloy na lamang sa kusina para maghanda ng almusal. Matapos ng naging pagtatalo nila kagabi ay ni hindi niya alam kung paano ito haharapin ngayon. Ni hindi na siya lumabas pa ng silid kagabi dahilan para lumipas ang magdamag na hindi maayos ang lahat sa kanilang dalawa.Well, kailan ba naging maayos ang lahat sa kanilang mag-asawa? Laging nauuwi lang sa bangayan ang bawat pag-uusap na namamagitan sa kanilang dalawa. Mas maigi pa yatang maging abala sila sa kanya-kanyang trabaho para h
Sunod-sunod ang paglunok na ginawa ni Laica kasabay ng paggala niya ulit ng kanyang paningin sa paligid. Karamihan sa mga taong naroon ay sa direksiyon na nila nakatutok ang mga mata. Samu’t saring emosyon na ang bumabalot sa kanya dahil doon at kung posible lang na magpalamon na lamang sa lupa ay ginawa na niya.Everyone was looking at them with so much curiosity. Maging ang mga kaharap ni Hendrick ay ganoon din ang naging reaksyon. Tanging ang kanyang asawa at si Tracey lamang ang may naiibang emosyong nakalarawan sa mga mukha. Kay Tracey ay pagkabigla. Waring hindi nito inaasahang makikita siya roon. Samantalang si Hendrick, habang mataman itong nakatingin sa kanya at sa lalaking nakabungguan niya ay hindi nakaligtas sa paningin ni Laica ang pagtiim ng mukha nito. Kung sa kanya o sa lalaking kaharap niya ito nagagalit ay hindi niya sigurado.“You ruined my suit!” pasinghal pang sabi ng lalaki sanhi para mapalingon ulit dito si Laica.Hindi maitago ang galit sa mukha nito. Basang-ba
Tuloy-tuloy na humakbang si Hendrick patungo sa may komedor ng bahay ng kanyang Lolo Benedicto. Ayon sa katulong na nakasalubong niya kanina ay naroon daw ang kanyang abuelo na kanina pa naghihintay sa kanya. Dumaan nga siya sa bahay nito nang makatanggap siya ng mensahe mula matandang lalaki na nagsasabing magtungo siya roon.Sa entrada pa lang ng komedor ay nakita na niya agad ang lolo niya. Nakaupo ito sa may kabisera ng mesa at kasalukuyan nang pinaghahain ng private nurse nitong si Mikael. Agad pa ngang napatingin sa kanya ang dalawa nang humakbang na siya palapit.“Lolo, I received your message. Bakit mo ako gustong makausap?” walang pasakalyeng saad niya rito.Mula sa diyaryo nitong binabasa ay tuluyang natuon ang atensyon ng matanda sa kanya. “Good morning too, Hendrick,” sarkastiko nitong bati sa kanya. “Kararating mo lang at sa halip na batiin mo ako ay iyan agad ang bungad mo sa akin.”Hendrick heaved out a deep sigh. Maaga pa nga ngunit dahil sa natanggap na mensahe mula s
Hi, guys... Gusto ko lang po mag-thank you sa lahat ng nagbabasa ng Savage Billionaire Series 7:Hendrick Montañez at sa lahat ng stories under ng series na 'to... Sa mga nabibitin dahil hindi daily update ang story nina Hendrick at Laica, pasensiya po. May isang story pa po kasi akong sinusulat kaya alternate po ang pag-update ko sa kanila. Anyway, sana ay mabasa ninyo rin po ang ongoing series ko dito sa Goodnovel. HIS HEART SERIES *His Heart Series 1:His Scarred Heart (complete na po dito sa Goodnovel) *His Heart Series 2:His Stone Heart (ongoing pa po as of now (May 2025) at alternate kong ina-update with Hendrick's story) ***ang ibang stories sa series na ito ay mailalagay pa sa Goodnovel soon*** Maraming salamat po...
“When are you coming home, Hendrick? I just want to remind you about the family meeting that your Lolo Benedicto is conducting. You have to be here before that day, hijo,” mahabang pahayag ni Teresa, ang kanyang ina. Kasalukuyan niya itong kausap sa kanyang cell phone habang abala siyang inaayos ang mga damit na isusuot niya para sa okasyon sa araw na iyon. Hendrick sighed heavily. Inilapag niya muna ang tuxedo sa ibabaw ng kama saka itinuon ang buong atensyon sa pag-uusap nilang mag-ina. Dala ang kanyang cell phone na nakatapat pa rin sa kanyang tainga ay humakbang si Hendrick patungo sa verandah ng silid na kinaroroonan niya. “I’ll be home this weekend, Mom, and that is three days before the family meeting that you are telling me.” Lumanghap siya ng sariwang hangin habang pinagmamasdan ang malawak na dagat na tanaw mula sa kinatatayuan niya. Hindi niya pa maiwasang mamangha sa ganda ng tanawing nasa kanyang harapan. “Just be sure, Hendrick. Hindi makauuwi si Shiela. At least, ika
Inisang lagok ni Hendrick ang champagne na nasa kopita niya habang ang mga tao naman sa kanyang paligid ay masigabong nagpalakpakan. Natapos na kasing kumanta ang wedding singer sa kasal nina Lorenzo at Tamara, sanhi para matapos na ring sumayaw ang bagong kasal. Bago pa tuluyang umalis sa gitna ay pinatakan pa muna ni Lorenzo ng isang halik ang mga labi ni Tamara na mas nag-ani ng hiyawan at palakpakan sa mga tao.He smirked. Ang iba ay talagang kikiligin sa nakikitang sweetness ng mag-asawa. Nakatutuwa naman talagang malaman na natagpuan na ng kaibigan niya ang babaeng makakasama habang buhay. Maging siya man ay labis na masaya para sa mga ito. Hindi niya lang talaga magawang sumabay sa pagsasaya ng mga kasamahan niya dahil sa isang rason--- ang babaeng kumanta kanina sa kasal nina Lorenzo, maging ngayon sa reception ng mga ito.He knew her… Hendrick knew her so well. Ito ang babaeng naging dahilan kung bakit iba na ang pananaw niya sa pag-ibig. Ito ang babaeng naging dahilan kung b
Tuloy-tuloy na naglakad si Hendrick papasok sa malaking bahay ng kanyang abuelo. Pasado alas-siyete na ng gabi at alam niyang ilang minuto na siyang huli sa oras na itinakda ng matandang Montañez para sa kanilang salo-salo. Bago pa man makarating sa komedor ay rinig na niya ang malakas na kuwentuhan ng mga taong naroon. Sadyang natahimik lamang ang mga ito nang makita siya.All of them looked at his direction. Halos gusto niya pa tuloy matawa sa reaksyon ng mga ito. Wari bang hindi na inaasahan ng mga itong darating pa siya.Ngayon nga ang gabing itinakda ng Lolo Benedicto niya para magkasama-sama silang pamilya nito. It’s just a family dinner but he knew very well that something was about to happen. Kilalang-kilala na niya ang matandang lalaki. Hindi ito basta-bastang magpapatawag sa kanilang lahat kung wala itong mahalagang iaanunsiyo.“Hendrick…” Ang kanyang inang si Teresa ang unang nakabawi sa biglang pagsulpot niya. Tumayo ito at agad na lumapit sa kanya. “Come here, hijo, join
Kasabay ng paghakbang ni Laica papasok ng opisina ay ang pagtayo ni Hendrick mula sa prente nitong pagkakaupo sa swivel chair. Agad na natuon ang kanyang mga mata sa binata at hindi niya pa mapigilang manibago sa gayak at kilos nito. Kaibang-kaiba kasi iyon sa Hendrick na madalas niyang makasama noon. Kaibang-kaiba iyon sa Hendrick na naging nobyo niya.He was wearing a business suit right now. Everything about him was screaming authority. Hindi niya makita ang Hendrick na band vocalist, susugod sa iba’t ibang event para mag-gig at maglalaan ng halos isang buong araw kasama siya para magsulat ng kanta. Now, what she’s seeing was a shrewd businessman, authoritative and a man whom anyone would be afraid to talk to.Nasaan na ang Hendrick na una niyang nakilala? What happened? Bakit ibang-iba na ito?“Do you need anything else, Sir?” narinig niyang tanong ni Rhian na naging dahilan para maputol ang mataman niyang paninitig sa binata.“Cancel all my other appointments, Rhian. I won’t acce
Hi, guys... Gusto ko lang po mag-thank you sa lahat ng nagbabasa ng Savage Billionaire Series 7:Hendrick Montañez at sa lahat ng stories under ng series na 'to... Sa mga nabibitin dahil hindi daily update ang story nina Hendrick at Laica, pasensiya po. May isang story pa po kasi akong sinusulat kaya alternate po ang pag-update ko sa kanila. Anyway, sana ay mabasa ninyo rin po ang ongoing series ko dito sa Goodnovel. HIS HEART SERIES *His Heart Series 1:His Scarred Heart (complete na po dito sa Goodnovel) *His Heart Series 2:His Stone Heart (ongoing pa po as of now (May 2025) at alternate kong ina-update with Hendrick's story) ***ang ibang stories sa series na ito ay mailalagay pa sa Goodnovel soon*** Maraming salamat po...
Tuloy-tuloy na humakbang si Hendrick patungo sa may komedor ng bahay ng kanyang Lolo Benedicto. Ayon sa katulong na nakasalubong niya kanina ay naroon daw ang kanyang abuelo na kanina pa naghihintay sa kanya. Dumaan nga siya sa bahay nito nang makatanggap siya ng mensahe mula matandang lalaki na nagsasabing magtungo siya roon.Sa entrada pa lang ng komedor ay nakita na niya agad ang lolo niya. Nakaupo ito sa may kabisera ng mesa at kasalukuyan nang pinaghahain ng private nurse nitong si Mikael. Agad pa ngang napatingin sa kanya ang dalawa nang humakbang na siya palapit.“Lolo, I received your message. Bakit mo ako gustong makausap?” walang pasakalyeng saad niya rito.Mula sa diyaryo nitong binabasa ay tuluyang natuon ang atensyon ng matanda sa kanya. “Good morning too, Hendrick,” sarkastiko nitong bati sa kanya. “Kararating mo lang at sa halip na batiin mo ako ay iyan agad ang bungad mo sa akin.”Hendrick heaved out a deep sigh. Maaga pa nga ngunit dahil sa natanggap na mensahe mula s
Sunod-sunod ang paglunok na ginawa ni Laica kasabay ng paggala niya ulit ng kanyang paningin sa paligid. Karamihan sa mga taong naroon ay sa direksiyon na nila nakatutok ang mga mata. Samu’t saring emosyon na ang bumabalot sa kanya dahil doon at kung posible lang na magpalamon na lamang sa lupa ay ginawa na niya.Everyone was looking at them with so much curiosity. Maging ang mga kaharap ni Hendrick ay ganoon din ang naging reaksyon. Tanging ang kanyang asawa at si Tracey lamang ang may naiibang emosyong nakalarawan sa mga mukha. Kay Tracey ay pagkabigla. Waring hindi nito inaasahang makikita siya roon. Samantalang si Hendrick, habang mataman itong nakatingin sa kanya at sa lalaking nakabungguan niya ay hindi nakaligtas sa paningin ni Laica ang pagtiim ng mukha nito. Kung sa kanya o sa lalaking kaharap niya ito nagagalit ay hindi niya sigurado.“You ruined my suit!” pasinghal pang sabi ng lalaki sanhi para mapalingon ulit dito si Laica.Hindi maitago ang galit sa mukha nito. Basang-ba
Mula sa pagtitig sa mga pinipritong hotdog ay napabaling ang mga mata ni Laica sa may entrada ng kusina nang sumulpot doon si Hendrick. Halatang kagigising pa lamang nito, tanging boxer shorts ang suot at may tuwalyang nakasabit sa kanang balikat.Hindi niya pa mapigilang disimuladong pagmasdan ang maskulado nitong katawan. Nang lumabas siya kanina mula sa silid nito ay saglit niya pa itong sinilip sa may sala at nakitang balot ng kumot habang mahimbing pang natutulog. Hindi na niya ito inistorbo pa at tumuloy na lamang sa kusina para maghanda ng almusal. Matapos ng naging pagtatalo nila kagabi ay ni hindi niya alam kung paano ito haharapin ngayon. Ni hindi na siya lumabas pa ng silid kagabi dahilan para lumipas ang magdamag na hindi maayos ang lahat sa kanilang dalawa.Well, kailan ba naging maayos ang lahat sa kanilang mag-asawa? Laging nauuwi lang sa bangayan ang bawat pag-uusap na namamagitan sa kanilang dalawa. Mas maigi pa yatang maging abala sila sa kanya-kanyang trabaho para h
“Where the hell have I been?” ulit ni Laica sa tanong ni Hendrick habang inilalapag sa ibabaw ng isang bureau ang dala niyang bag. “Kung impiyerno ang tawag mo sa trabaho ko, puwes doon ako galing.”Hindi niya itinago ang inis sa kanyang tinig. Simula nang magkita sila ulit ni Hendrick ay wala pa siyang natatandaang nagkausap silang dalawa sa maayos na paraan. Galit at pang-iinsulto ang lagi niyang nakukuha mula rito. Katulad na naman sa gabing iyon. Pagod na siya’t lahat-lahat pero ganoon pa ang salubong nito sa kanya. Couldn’t they talk like two civilized persons? Iyong kahit hindi maayos ang lahat sa pagitan nilang dalawa ay may kaunti pa rin sanang respeto?She sighed heavily. Malabo yatang makatanggap siya niyon mula sa kanyang asawa.“Napag-usapan na natin ito, hindi ba? You are not working anymore, Laica,” mariing saad ni Hendrick na agad nagpalingon sa kanya.“Tama ka, Hendrick. Napag-usapan na natin ito at nasabi ko na rin sa iyo na hindi ako hihinto sa pagtatrabaho. Pinapag-
Mula sa pagbabasa ng ilang mahahalagang dokumento ay napaangat ng ulo si Hendrick nang biglang bumukas ang pinto ng opisinang kinaroroonan niya. Napaupo siya nang tuwid nang makita ang kanyang Lolo Benedicto na inaalalayan ng private nurse nito sa paglalakad palapit sa kanya.“Lolo...” saad niya.“Should I be thankful that my grandson is here in my company and managing it?” anito. Hindi niya alam kung natutuwa ba talaga ito o nang-uuyam.“Are you here because you’re checking on me?” buwelta niya naman. Ni hindi niya rin itinago ang sarkasmo sa kanyang tinig.Alam niyang iyon ang dahilan ng pagparoon nito. Gusto lamang nitong siguraduhin kung ginagawa niya nga ba ang trabaho niya sa Montañez Group of Companies. Dahil sa ilang linggo mula sa araw na iyon ay uupo na siya bilang presidente ng nasabing kompanya, alam niyang oobligahin na talaga siya ng kanyang abuelo na palagian nang magtungo roon.But it was something that he couldn’t do. Hindi niya rin naman maaaring pabayaan ang Montañe
Pasado alas-siyete ng umaga nang magising si Laica nang sumunod na araw. Dali-dali siyang bumangon at inayos ang kamang hinigaan saka pumasok sa banyo upang maghilamos at magmumog. Siniguro niya pang maayos na ang kanyang sarili bago siya lumabas ng naturang silid.Katulad nang nagdaang gabi, hindi sa silid na iyon natulog si Hendrick. Alam niyang sa sofa sa sala ito nagpalipas ng magdamag. Mas pinili nitong doon na lamang matulog kaysa ang tumabi sa kanya sa mismong kama nito. Bagay iyon na kahit hindi niya aminin sa kanyang sarili ay nakadagdag pa ng sakit sa kanyang dibdib.Not because she was anticipating for something to happen between them. Hindi naman iyon ang kanyang punto. Hindi niya lang maiwasang isipin na ganoon na ba talaga siya kadisgusto ni Hendrick ngayon para hindi na nito naisin pang tumabi sa kanya?Hindi niya pa maiwasang alalahanin ang mga nangyari kahapon. Matapos nilang manggaling sa bahay ng lolo nito ay halos hindi sila nagkibuang dalawa. Hindi niya maunawaan
Marahas ang ginawang paglingon ni Laica kay Hendrick matapos niyang marinig ang mga sinabi ni Tracey. Sakto namang nakatitig sa kanya ang asawa niya dahilan para magtagpo ang kanilang mga paningin. Puno ng katanungan ang kanyang mga mata at nahihinuha niyang pansin nito iyon. Hindi niya man isatinig ngunit alam niyang alam nito kung ano ang tumatakbo sa isipan niya. Waring hindi pa nga nito inaasahang babanggitin iyon ni Tracey kaya bakas sa mukha nito ang pagkabigla.Maya-maya pa’y nakarinig siya ng isang malakas na pagtikhim dahilan para maputol ang pagkakahinang ng mga mata nila ng kanyang asawa. Nang lumingon siya sa may kabisera ng mesa ay nakita niya ang lolo ni Hendrick na nagsisimula nang maglagay ng pagkain sa pinggan nito.“Let us eat. Lumalamig ang pagkain,” maawtoridad pa nitong saad para sa lahat.Nagsikilos na ang mga kaharap niya sa mesa. Lahat ay nagsimula na ring kumain. Siya lamang ang tanging hindi tuminag sa kanyang kinauupuan. Pakiramdam niya ay hindi siya nababag
Napaupo nang tuwid si Laica sa may passenger’s seat nang pumasok ang sasakyan ni Hendrick sa gate ng isang malaking bahay. Hindi niya pa mapigilan ang bahagyang pag-awang ng kanyang bibig dahil sa paghangang umusbong sa kanyang dibdib.No doubt, the house in front of her was screaming with so much class. Every detail of it was showing wealth. Halatang ang nakatira roon ay nagmula sa angkang tinitingala sa lipunan. Sa katulad niyang lumaki lamang sa isang payak na pamilya, wala yatang tiyansang makadaupang-palad niya ang katulad ng mga ito.Laica sighed heavily. Maliban na nga lang sa sitwasyon niya ngayon. Wala siyang mapagpipilian kundi ang harapin ang mga taong nakatira sa bahay na kinaroroonan niya. Asawa na siya ni Hendrick. Ano man ang gawin niya, makakaharap at makakaharap niya pa rin ang pamilya nito.“Let’s go,” narinig niyang aya na ni Hendrick sa kanya. Nag-alis na ito ng seatbelt sa katawan saka nagpatiuna na sa paglabas ng sasakyan.Wala nang nagawa pa si Laica kundi ang l