Share

CHAPTER 4

last update Huling Na-update: 2025-03-20 21:03:54

Kasabay ng paghakbang ni Laica papasok ng opisina ay ang pagtayo ni Hendrick mula sa prente nitong pagkakaupo sa swivel chair. Agad na natuon ang kanyang mga mata sa binata at hindi niya pa mapigilang manibago sa gayak at kilos nito. Kaibang-kaiba kasi iyon sa Hendrick na madalas niyang makasama noon. Kaibang-kaiba iyon sa Hendrick na naging nobyo niya.

He was wearing a business suit right now. Everything about him was screaming authority. Hindi niya makita ang Hendrick na band vocalist, susugod sa iba’t ibang event para mag-gig at maglalaan ng halos isang buong araw kasama siya para magsulat ng kanta. Now, what she’s seeing was a shrewd businessman, authoritative and a man whom anyone would be afraid to talk to.

Nasaan na ang Hendrick na una niyang nakilala? What happened? Bakit ibang-iba na ito?

“Do you need anything else, Sir?” narinig niyang tanong ni Rhian na naging dahilan para maputol ang mataman niyang paninitig sa binata.

“Cancel all my other appointments, Rhian. I won’t accept visitors or any call while I am talking with Miss Lagamon,” puno ng awtoridad na bilin nito sa sekretarya.

“S-Sir, how about the contract signing with Miss Kimberly Leviste? Naka-schedule po iyon ngayon,” imporma ni Rhian dito.

Hindi pa maiwasan ni Laica ang disimuladong mapasinghap nang marinig ang pangalang binanggit nito--- si Kimberly Leviste, isa sa mga nakikilala nang mang-aawit ngayon sa bansa. Kapapanalo pa lamang nito sa isang national singing contest ng sikat na TV network.

Pipirma ito ng kontrata sa recording company ni Hendrick? Ganoon na ba kabigatin ang dati niyang kasintahan? Naalala niyang silang dalawa ang may ganoong plano noon. Pangarap nitong magtayo ng recording company at lagi nilang pinag-uusapan na siya ang numero unong mang-aawit na hahawakan nito.

Nakamit nito ang pangarap, hindi nga lang siya ang kasama nito nang maabot iyon.

“Didn’t you hear what I said?” Hendrick hissed at his secretary. “I said cancel my appointment.”

“A-Ano ho ang idadahilan ko, Sir?” alanganing tanong pa ni Rhian.

“That is your job, Rhian. Kailangan ko pa bang isipin iyan?”

“H-Hindi mo kailangan i-cancel ang iba mong lakad,” singit na niya sa usapan ng mga ito. “Hindi rin naman ako magtatagal, Hendrick.”

“It’s not for you to decide, Laica. Marami tayong pag-uusapan,” mariin nitong saad na nagpatigalgal sa kanya. Mataman muna siya nitong tinitigan bago binalingan nang muli si Rhian. “You know what to do, Rhian. You can now go.”

Isang tango na lamang ang itinugon dito ng babae bago magalang nang nagpaalam sa kanila. Nang mailapat na nito pasara ang pinto at sila na lamang dalawa ni Hendrick ang naiwan ay agad na nabalot   ng pagkailang si Laica. Pakiramdam niya ay biglang lumiit ang silid na kinaroroonan nila. She felt so suffocated because of so much uneasiness she was feeling at that moment.

“Have a seat, Laica,” wika ni Hendrick sa baritonong tinig kasabay ng pagturo nito sa direksyon ng pang-isahang sofa.

Iginala ni Laica ang kanyang paningin sa loob ng opisina nito. Maluwag iyon. Sa hinuha niya, halos kasinglaki na iyon ng bahay na inuupahan nilang magkapatid. Sa kanang bahagi, malapit sa salaming dingding ay nakapuwesto ang executive desk ni Hendrick. Katabi niyon ang isang shelf na naglalaman ng mga folder at envelope na malamang ay konektado sa recording company.

Sa kaliwang panig naman ay isang sofa set kung saan siya nito inuudyukang maupo. May center table roon na kinapapatungan ng ilang magazine. Sa sulok ay isang bureau kung saan maayos na naka-display ang ilang plaque at recognition ng naturang kompanya.

Naputol ang paggala ng kanyang paningin sa opisina nito nang maramdaman niyang humakbang ang binata palapit sa kanya. Agad siyang napatayo nang tuwid at hindi alam kung ano ang gagawin lalo pa’t humahakbang si Hendrick habang sa kanya matamang nakatutok ang mga mata.

“Have a seat, Laica,” ulit pa nito sa sinabi kanina.

Sumunod siya. Pakiramdam, kailangan niya rin talagang maupo. Bahagyang nanghihina ang mga tuhod niya dahil sa muli nilang paghaharap na iyon ni Hendrick.

She did the initiative to call him the other day. Pagkalipas ng ilang araw mula nang makabalik siya galing sa Davao ay tinawagan niya si Hendrick. Gusto niya itong makausap matapos nitong sabihing ito ang dahilan kaya naoperahan ang kapatid niya. Gusto niyang malinawan kung paano nangyari iyon.

“I didn’t expect that you would call that day, Laica,” saad nito. Tuluyan itong lumapit at mas piniling maupo sa mahabang sofa.

“G-Gusto talaga kitang makausap,” aniya sa mahinang tinig. “Gusto kong malinawan kung paanong… a-ang ibig kong sabihin, kung---”

“Kung paanong ako ang nagbayad sa ospital na pinagdalhan mo kay Luke,” pagtatapos nito sa sinasabi niya. “Why, Laica? Hindi mo mapaniwalaan na may kakayahan akong gawin iyon?”

She opened her mouth and was about to say something when Hendrick abruptly stood up. Dahilan iyon para matahimik siya at sundan na lamang ito ng tingin nang humakbang palapit sa mesa nito. Mula sa drawer iyon ay kinuha ng binata ang isang envelope saka bumalik sa kinaroroonan niya. Basta na lamang nito iyon inilapag sa ibabaw ng center table bago nagwika.

“Those were the proofs. You can check it if you don’t believe me.”

May kung ilang saglit na hindi tuminag si Laica sa kanyang kinauupuan. Hindi niya maalis ang kanyang paningin kay Hendrick. Wari bang gusto niya lang sundan ang bawat kilos nito. Deep inside, she wanted to look for the Hendrick that she had loved. Para kasing hindi niya iyon makita sa binatang kaharap niya ngayon. Sadyang ibang-iba na nga ito.

Nagpakawala na siya ng isang malalim na buntonghininga bago dahan-dahan nang inabot ang envelope na nasa center table. Hindi niya alam kung dahil ba sa lamig na nagmumula sa aircon o dahil sa kabang nadarama niya kaya bahagyang nanginginig ang mga kamay niya habang kinukuha ang laman ng naturang envelope. Kaba iyon na hindi niya rin maunawaan kung para saan.

Isa-isang pinasadahan ng basa ni Laica ang mga papel na hawak niya. Halos mapaawang pa ang kanyang bibig nang mapagtantong iyon ang mga resibo ng lahat ng bayarin sa ospital kung saan dinala ang kapatid niya. Date and the total amount were indicated. Lahat ay bayad na at nakapangalan pa kay Hendrick bilang ito ang nagbayad ng bill.

Maang siyang napatingala sa binata. Nagtagpo ang kanilang mga paningin sapagkat nakatunghay din ito sa kanya na wari bang hinihintay talaga ang kung ano ang magiging reaksyon niya.

“I-Ikaw…” aniya sa kawalan ng masabi. “P-Paano---”

“Itinabi ko talaga ang mga iyan dahil alam kong darating ang araw na magtatagpo ulit tayo, Laica. Alam kong makakapaningil ako sa iyo. Why, that amount was no joke. Hindi mo iyan basta-bastang kikitain sa panahon ngayon.”

“P-Paano mong… ang ibig kong sabihin, saan ka kumuha ng ganito kalaking halaga? Kulang-kulang isang milyon na ito, Hendrick. Paano ka nagkaroon ng ganito kalaking halaga? W-We were struggling with the band that time. How---”

“Yes,” mabilis nitong singit sa mga sinasabi niya. “We were struggling with the band, kaya mas pinili mong iwan ang banda at sumama kay Rocco dahil inisip mong mas mabibigyan ka niya ng salapi, hindi ba?”

Agad siyang nag-iwas ng mukha rito. Naiyuko niya ang kanyang ulo at hindi nakaapuhap ng isasagot.

“You’re only after the money, Laica. Kung saan ka mas makikinabang ay doon ka kakapit---”

“Hindi iyan totoo!” biglang bulalas niya sabay angat ng kanyang ulo. “Ngayon mo higit na alam na nagawa ko lang iyon para kay Luke. Para lang kay Luke, Hendrick.”

“Then, why didn’t you tell me about his condition? Bakit hindi mo ipinaalam sa akin gayong ako ang nobyo mo nang mga panahong iyon, Laica? Mas si Rocco ang ginawa mong sandalan kaysa sa akin na kasintahan mo.”

“Dahil---”

“Dahil hindi mo naisip na, financially, kayang-kaya kitang tulungan,” he interrupted angrily. “It’s all about money. Gusto kong isiping nakipagrelasyon ka lang sa akin noon dahil sa napapakinabangan mo ang bandang binuo ko. When it started struggling, nang-iwan ka at mas bumaling sa mas makukuhanan mo ng pera.”

Agad namuo ang luha sa kanyang mga mata. “I-I needed to do it for Luke.”

Napaismid ito. “Para lang ba talaga kay Luke?” buwelta nito. “Or because you were having an affair with Rocco?”

“Hindi iyan totoo---”

“I saw you kissing him,” halos magtagis ang mga ngipin na saad nito. Bakas sa mukha ng binata ang labis na galit, na sa unang pagkakataon ay nakita niya rito. “Ipagkakaila mo ba iyon, Laica?”

She swallowed hard. Hindi niya maitatanggi ang bagay na iyon dahil totoo. Hinalikan siya ni Rocco, pero hindi siya nakipaghalikan rito. Those were two different things. Pero ipapaliwanag niya pa ba iyon rito? Paniniwalaan pa ba siya nito? Pitong taon na ang lumabas. May mababago ba kung sakali? Natapos na ang relasyon nila.

“You really had an affair with him,” konklusyon nito sa pananahimik niya. “Kaya madali lang para sa iyong iwan ako… iwan ang banda dahil maliban sa perang maibibigay niya, may relasyon din kayong dalawa. What happened now? Nasaan na ang pangako niyang bibigyan ka ng magandang career? Kumanta ka sa kasal ng kaibigan ko, which means you are just an event singer?”

Just an event singer--- halos manliit siya sa pantukoy na ginamit nito. Kung ipagkukumpara nga naman, wala siya sa kung ano ang mayroon ito. Kumakanta lang siya sa mga pagdiriwang habang ito ay nakapagpatayo na ng kompanya.

“H-Hindi ako sumama kay Rocco tulad ng iniisip mo,” she said in almost a whisper. “Hindi ko tinanggap ang alok niya.”

“Obviously,” mabilis nitong saad. “Kaya nga wala ka sa kompanya niya, hindi ba? Why, Laica? Dahil ba nalaman mong wala ka nang poproblemahin sa pagpapaopera ng kapatid mo? Hindi mo na kailangan si Rocco, that’s why you dumped him just like what you’ve done to me.”

Mapait siyang napangiti. “Buo na sa isipan mong masama akong babae, Hendrick. What’s the use of explaining? Magpaliwanag man ako ngayon, hindi na rin naman niyon maibabalik ang pitong taong nawala.”

For a moment, Hendrick was silent. Mataman lang itong nakatitig sa kanya hanggang sa maya-maya ay napaismid ito. Nagsimula rin itong maglakad at huminto sa mismong harapan niya.

“Tama ka. Ano pa nga ba ang silbi? At least, nalaman ko kung anong klaseng babae ka, hindi ba?”

“At ikaw? Ano, Hendrick?” buwelta niya rito. Pilit niya pang pinatatag ang kanyang sarili sa harapan nito. “Binabato mo ako ngayon ng masasamang salita. But you, what should I call you? A liar who disguised to be a band vocalist?”

Muli itong napaismid. Halos mapigil niya pa ang kanyang hininga nang basta na lamang itong naupo sa gilid ng center table, sa mismong tapat niya. Dahilan iyon kaya halos ilang dangkal na lang ang layo nila sa isa’t isa.

“Kung sakali bang nalaman mo kung sino talaga ako, iiwan mo ba ako, Laica?” tanong nito sa seryosong tinig. Ni hindi siya nito hinintay na makasagot. Bago pa man niya maibuka ang kanyang bibig para magsalita ay nagpatuloy na ito. “Definitely, no. Mas ako ang pipiliin mo dahil alam mong mapapakinabangan mo ako.”

‘W-Who are you really, Hendrick?”

The corner of his lips twisted upwardly before he answered her. “Hendrick Montañez talaga ang pangalan ko, Laica. Sa bagay na iyan ay hindi ako nagsisinungaling. But I’m not just a band vocalist like what you knew about me. The truth is, I am the eldest grandchild and heir of the owner of Montañez Group of Companies. We own malls and banks here in Metro.”

She gasped inwardly. “Itinago mo sa akin ang totoong pagkatao mo---”

“Dahil ayokong makatagpo ng isang katulad mo, a gold-digger woman who wants nothing but money.”

Laica swallowed hard again to stop her tears from falling. Hindi niya gustong umiyak sa harap nito kahit pa iyon na ang nais niyang gawin dahil sa labis nitong pang-iinsulto.

“But life can be so ironic, hindi ba? Isang katulad mo pa rin ang nakatagpo ko sa mga panahong ang nais ko lang naman ay gawin ang hilig ko na pagkanta.”

“Kung ganyan na ang tingin mo sa akin, bakit binayaran mo pa rin ang operasyon ni Luke?”

His jaws tightened as he answered in almost a whisper. “Dahil gusto kong ipamukha sa iyo kung sino ang lalaking niloko at iniwan mo, Laica. And that money? It’s not for free, sweetheart. I want you to pay it back.”

Bigla siyang nangamba. Saang kamay ng Diyos niya hahanapin ang perang ipambabayad dito?

Naupo siya nang tuwid. Sa kabila ng pangamba, matapang siyang nagsalita sa binata. “G-Give me some time to… to pay you.”

“I want it paid in less than a month, Laica.”

“Hindi ko mahahanap ang ganoon kalaking halaga sa loob lang ng isang buwan, Hendrick,” bulalas niya. “Hindi ko tatakbuhan ang utang ko sa iyo. Bigyan mo lang ako ng sapat na panahon para mabayaran ka.”

“It’s been long overdue, Laica. Pitong taong hindi kita siningil.”

“Hindi ganoon kadaling lumikom ng malaking halaga---”

“Then, I know an alternative way for you to pay me,” putol nito sa pagsasalita niya. “Marry me, Laica.”

“W-What?!”

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
analyn Aguilar
Ms Yve ha yang c Hendrick sumosobra na ha...nanggigigil na ako sarap bunutan ng bol² hahaha
goodnovel comment avatar
Aliyah
thanks sana may lagig update
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • Savage Billionaire Series 7: Hendrick Montañez   CHAPTER 47

    Agad na napalingon si Laica kay Hendrick nang maramdaman niya ang masuyong paghawak nito sa kanyang kamay. Isang ngiti rin ang nakahanda sa mga labi nito para sa kanya bago nagsalita. “Relax, everything will be okay,” marahan nitong saad sabay pisil sa kanyang kamay.Hindi siya sumagot dito at sa halip ay tipid na lamang na ngumiti. Umayos na siya sa pagkakaupo at itinuon na ang kanyang mga mata sa entrada ng restaurant na kinaroroonan nilang mag-asawa--- ang restaurant na pag-aari ng kanyang amang si Emil.Hindi maitatanggi ni Laica ang kabang nasa kanyang dibdib. Kanina pa sila naroon ni Hendrick at hinihintay ang pagdating ng kanyang kapatid na si Luke at ng kanilang Tita Beth. Nakapuwesto sila malapit lamang sa may entrada ng restaurant para madali lang silang makita ng dalawa.It has been three days since her father went to Hendrick’s condo unit. Humiling ito na makita rin ang kapatid niya, bagay na nahirapan pa siyang pagdesisyunan. Nakadarama siya ng hinanakit para sa kanilang

  • Savage Billionaire Series 7: Hendrick Montañez   CHAPTER 46

    Sunod-sunod ang paglunok na ginawa ni Laica habang nakatitig siya sa lalaking kanyang kaharap. Napahigpit pa nga ang hawak niya sa doorknob ng pinto at hindi malaman kung ano ang magiging reaksyon pagkakita rito. Ni sa hinagap ay hindi niya inisip na sasadyain siya nito roon sa condo unit ni Hendrick.“A-Ano... ano ang ginagawa mo rito?” tanong niya sa walang emosyong tinig.“Can we talk, Laica?” malumanay nitong wika sa kanya--- ang kanyang ama, si Emil na mas kilala ng iba ngayon bilang si Benjamin.Ilang saglit siyang hindi tuminag sa kanyang kinatatayuan at mataman lamang na napatiitg sa mukha nito. Pilit niyang pinakiramdaman ang kanyang sarili. Gusto niyang hanapin sa kanyang dibdib ang nangungulilang emosyong dapat ay maramdaman niya para rito. All these years, that was what she was feeling for her parents. She was longing for both of them and was wishing to see them again.Pero hindi niya alam kung bakit hindi niya makapa sa kanyang sarili ngayon ang damdaming iyon na namahay

  • Savage Billionaire Series 7: Hendrick Montañez   CHAPTER 45

    “I still can’t believe it. Talagang anak ni Benjamin si Laica? What a small world, indeed,” hindi makapaniwalang saad ni Teresa sa kanila. Nakaupo ito sa pang-isahang sofa na nasa loob ng study room ng kanyang Lolo Benedicto.Hendrick heaved out a deep sigh after hearing what his mother said. Kausap niya ang kanyang ina, kasama ang kanyang ama at abuelo. Kasalukuyan nga siyang nasa bahay ng matandang Montañez at sa totoo lang ay siya ang humiling na magkaharap-harap silang apat. Iyon ang dahilan kung bakit naroon din ang mga magulang niya sa bahay ng kanyang lolo.Nasa loob sila ng study room ni Benedicto. Nakaupo sa swivel chair ang matandang lalaki. Ang kanyang ina ay nakapuwesto nga sa pang-isahang sofa habang magkatabi naman silang mag-ama sa mahabang sofa. Kanina pa sila nag-uusap-usap at hindi pa nga maiwasang maging paksa nila ang tungkol kina Laica at Benjamin.“Sa tagal naming magkakilala ni Benjamin, ni minsan ay hindi niya man lang nabanggit sa akin na may nauna siyang pami

  • Savage Billionaire Series 7: Hendrick Montañez   CHAPTER 44

    Agad na naimulat ni Laica ang kanyang mga mata nang maramdaman niya ang marahang paghaplos ni Hendrick sa kanyang kanang pisngi. They were still lying on the bed and both naked after the lovemaking that they did on that bedroom. Hindi niya pa nga napigilang makadama ng hiya, higit para sa kanyang sarili, sa tuwing maiisip ang nangyari kanina.Nagtungo sila sa ikalawang palapag ng bahay na pinagdalhan nito sa kanya at sa muli ay hindi napigilan ni Laica ang humanga. Kabuuang anim na silid ang nasa ikalawang palapag, maliban pa sa entertainment area at malawak na teresa kung saan kita ang buong bakuran ng naturang bahay.Hendrick guided her to the master’s room that according to him, would be their room. Katulad sa ibaba ay may mga gamit na rin sa itaas. Sa kanilang silid ay may king size bed na tanging puting bedsheet pa lamang ang nakalatag. May walk-in closet din na nang pasukin niya ay halos magpamangha sa kanya. Malawak kasi iyon na pakiramdam niya ay kasinglaki na ng dating bahay

  • Savage Billionaire Series 7: Hendrick Montañez   CHAPTER 43

    “Sa susunod naming laro, baka puwede kang manood, Ate, para naman makita mo kung gaano kagaling maglaro ng basketball itong kapatid mo,” pabirong saad ni Luke kay Laica habang abala sa pagdidilig ng mga halaman sa harap ng bahay ng mga ito.Hindi niya maiwasang mapangiti dahil sa mga sinabi ng kanyang kapatid. “Napakayabang mo talaga,” ganting biro niya.“Yabang?” anito at saglit pa siyang nilingon bago muling itinuon ang mga mata sa mga halaman. “Hindi iyon pagyayabang, Ate.”She chuckled as she was intently looking at him. Hapon na iyon at kasalukuyan pa rin siyang nasa bahay na tinitirhan nina Luke at ng kanilang Tita Beth. Doon na siya nananghalian at naghihintay na lamang na sunduin siya ni Hendrick. Ayon sa kanyang asawa ay maaga itong aalis sa trabaho dahil may pupuntahan silang dalawa. Kung saan man iyon ay hindi niya pa rin mahulaan.Ang mga nagdaang oras ay inilaan niya sa pakikipag-usap sa kanyang kapatid at tiyahin nila. Tamang-tama at walang pasok sina Luke sa araw na iyo

  • Savage Billionaire Series 7: Hendrick Montañez   CHAPTER 42

    Hindi na alam ni Hendrick kung gaano na niya katagal na pinagmamasdan si Laica habang natutulog. Halos mag-aalas onse na ng gabi at kanina pa nakatulog ang kanyang asawa habang siya ay hindi pa dinadalaw ng antok. Nakaupo lamang siya sa tabi nito at nakasandal pa ang likod sa headboard ng kama samantalang si Laica ay mahimbing nang nakahiga.Naiangat niya pa ang kanyang kanang kamay at agad na hinaplos ang buhok nito. Ni hindi niya mapuknat ang paninitig sa kanyang asawa. Nakatagilid ito paharap sa kanya dahilan para malaya niyang makita ang mukha nitong may bakas pa ng labis na pag-iyak na ginawa nito kanina.He couldn’t help but to pity her. Dama niya ang labis na sakit at hinanakit ni Laica at hindi niya ito masisisi kung makaramdam man ng ganoon. Sino nga ba ang mag-aakala na buhay pa ang ama nito? Ang buong akala niya rin ay ulilang lubos na ito at si Luke at tanging ang tiyahin ng mga itong si Beth na lamang ang kasama sa buhay. Iyon pala, ang lalaking matagal na niyang nakilala

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status