Tuloy-tuloy na naglakad si Hendrick papasok sa malaking bahay ng kanyang abuelo. Pasado alas-siyete na ng gabi at alam niyang ilang minuto na siyang huli sa oras na itinakda ng matandang Montañez para sa kanilang salo-salo. Bago pa man makarating sa komedor ay rinig na niya ang malakas na kuwentuhan ng mga taong naroon. Sadyang natahimik lamang ang mga ito nang makita siya.
All of them looked at his direction. Halos gusto niya pa tuloy matawa sa reaksyon ng mga ito. Wari bang hindi na inaasahan ng mga itong darating pa siya. Ngayon nga ang gabing itinakda ng Lolo Benedicto niya para magkasama-sama silang pamilya nito. It’s just a family dinner but he knew very well that something was about to happen. Kilalang-kilala na niya ang matandang lalaki. Hindi ito basta-bastang magpapatawag sa kanilang lahat kung wala itong mahalagang iaanunsiyo. “Hendrick…” Ang kanyang inang si Teresa ang unang nakabawi sa biglang pagsulpot niya. Tumayo ito at agad na lumapit sa kanya. “Come here, hijo, join us.” Hinawakan siya nito sa kamay at inakay na palapit sa mahabang mesa. Inudyukan siya nitong maupo sa silyang katabi lamang nito. “I thought you’re not coming anymore, Hendrick. You’re late,” may akusasyon sa tinig na wika ng kanyang Lolo Benedicto. Nakaupo ang matandang lalaki sa kabisera ng mahabang mesang napapalibutan ng labing-dalawang upuan. Sa kanan nito ay nakaupo ang kanyang amang si Felipe, na katabi naman ang kanyang ina at sumunod ang kanyang kinauupuan. Sa kaliwang panig naman ng kanyang abuelo ay ang kanyang Auntie Margarita, ang nakababatang kapatid ng kanyang ama. Katabi rin nito ang asawang si Francisco, sumunod ang anak ng mga itong si Francis. Dalawa lang na magkapatid sina Felipe at Margarita. Napakalayo rin ng agwat ng edad ng mga ito, katulad ng agwat ng edad nila ng kanyang kapatid na si Shiela. Felipe was sixty while his Auntie Margarita was only forty-nine. Ang pinsan niya namang si Francis ay nasa disi-nueve lamang. Mas matanda rito ang kapatid niya. “I’m sorry for being late. May kinailangan lang gawin sa MRC,” aniya na ang tinutukoy ay ang Montañez Recording Company, ang kompanyang itinayo niya dalawang taon pa lang ang nakararaan. It’s from his own money as well as from the help of his friends. Ilan sa mga kaibigan niya ay nag-invest rin sa negosyong itinayo niya. “That recording company,” wika ng kanyang lolo. He’s now old, yet the authority was still on his voice and action. “How is it going, Hendrick?” “Doing fine, Lolo,” aniya sabay bulong ng pasasalamat sa kanyang ina dahil sinumulan na nitong lagyan ng pagkain ang pinggang nasa harapan niya. “Until when will it keep going?” tanong pa ng matanda na naging dahilan para matigilan siya. “P-Papa, his company is doing great. Katunayan, kalalabas lang ng bagong kanta ng isa sa mga mang-aawit nila. Right, hijo?” salo sa kanya ng kanyang ina. Benedicto just shrugged his shoulders. Uminom muna ito ng tubig bago muling nagsalita. “Don’t you know that I organized this dinner because of you?” anito na sa kanya nakatingin. Paismid pa itong ngumiti bago may idinagdag. “You see, kailangan ko pang mag-set ng dinner katulad nito para lang makasama kayong lahat. How can this old man’s life be miserable?” “Papa, you know that we’re just around. Sadyang marami lang kinailangang gawin nitong mga nakalipas na araw,” wika naman ng tiyahin niya. Umiling-iling si Benedicto. “Excuses…” sambit nito. “Anyway, this dinner is all about Hendrick and the company.” “What do you mean?” maagap niyang tanong dito. “I’m old, hijo, just like your dad,” panimula nito ng pagpapaliwanag sa kanya. “Iniwan ko ang Montañez Group of Companies years ago to Felipe…” Sumulyap muna ito sa kanyang ama bago nagpatuloy pa. “He’s retiring as well.” Marahas siyang napalingon sa kanyang ama nang marinig ang mga sinabi ng kanyang abuelo. He didn’t know about it. Oo at may edad na rin ang kanyang ama pero malakas pa ito at alam niyang kaya pang pamahalaan ang kompanyang itinatag pa ng mga magulang ng kanyang Lolo Benedicto. Hindi niya pa tuloy maiwasang mapaupo nang tuwid dahil parang nahuhulaan na niya kung saan papunta ang usapan nila sa gabing iyon. “I want you to take over, Hendrick,” walang pasakalyeng saad ng matandang lalaki. “Me?” aniya. Isa-isa niya pang tinitigan ang mga taong kaharap niya sa mesang iyon. Lahat ay tahimik at waring naghihintay lang sa kung ano pa ang sasabihin ng kanyang lolo. “Why not you, hijo?” buwelta nito sa kanya. “You’re my eldest grandchild… my eldest heir. Kapag nakapagtapos na sina Shiela at Francis, saka sila papasok sa kompanya.” “But here’s Aunt Margarita? Why not let her take the position?’ “Sapat na sa aking humawak ng hindi kataasang posisyon, Rick. You know, I’m also helping your Uncle Francisco on managing his family’s business.” “Don’t argue about it, Hendrick. Ikaw ang panganay kong apo. Hindi ba’t marapat lang na simulan mo nang pangasiwaan ang kompanya ng pamilya natin?” He cursed silently. Hindi iyon ang unang pagkakataong inudyukan siya ng mga itong pamahalaan na ang kompanya ng mga Montañez. Pagbalik niya pa lang galing sa Italy ay nais nang isalin ng mga ito sa pangalan niya ang pagiging presidente ng kompanya. He just refused it and started a recording company instead. And it was okay then. His father was still in the company, dahilan para hindi iyon ipinilit ng mga ito noon. But now, after learning about his father’s retirement, he didn’t know if he could still say no. “So, you’ve plan all of these even before asking for this dinner,” aniya sa mga ito. “Napag-usapan na ninyong iluklok ako sa posisyon bago pa man ang gabing ito.” “Hijo, wala rin namang ibang hahawak ng kompanya kundi ikaw. Ikaw ang panganay na apo. Sina Francis at Shiela ay kapwa nag-aaral pa. You’re fit to be the president of Montañez Group of Companies,” pahayag ng kanyang ama. “What if I refuse to do so?” matapang niyang balik sa mga ito na umani ng pagkabigla mula sa lahat. “Hendrick…” sambit ng kanyang ina sabay hawak sa kanyang kamay. “Tinatalikuran mo ang pagiging Montañez, ganoon ba?” mariing saad ng kanyang abuelo. Hindi maikakaila ang galit sa tinig nito. “Then, let the company go to the shareholders!” “Calm down, Papa…” nag-aalala namang wika ni Margarita. Saglit na naipikit nang mariin ni Hendrick ang kanyang mga mata. “I can’t manage two companies at the same time, Lolo. The recording company needs me---” “It’s just a small company, for goodness’ sake!” galit nitong buwelta sa kanya. “Pinaghirapan ko ang kompanyang iyon, Lolo. From my hardwork and own money---” “Pera na kinita mo rin mula sa kompanya ko,” singit nito sa pagsasalita niya. “I worked for it!” wika niya sa mataas nang tinig. Marahas pa siyang napatayo mula sa kanyang kinauupuan sanhi para magulat ang mga taong kaharap niya. “Nagtrabaho ako sa komapanya. I didn’t get the money for free.” “Exactly,” hindi pa rin nagpapatalong saad ng matanda. “Nakinabang ka sa kompanya, Hendrick.” “But, Lolo---” “You have no choice but to accept it. The company is celebrating its anniversary next month. Ipakikilala kita bilang bagong presidente.” Akmang magpoprotesta pa siya nang may idinagdag ito. “And you should be married by that time, Hendrick. “What?!” bulalas niya nang marinig ang mga sinabi nito. Benedicto smirked. “You know about the company’s regulation. The president managing it should be married, katulad namin ng iyong papa nang simulan naming hawakan ang kompanya.” “That’s bullshit!” “Hendrick,” mariing sambit ng kanyang ina. Sa pagkakataong iyon ay may pananaway na ang tinig nito dahil na rin sa malakas niyang pagmumura. He just couldn’t help it. Alam niya ang tungkol sa patakarang iyon ng kompanya, bagay na para sa kanya ay kalokohan. Bakit kailangang magpatupad ng ganoong patakaran gayong maaari namang pamunuan ang malaking kompanya ng taong walang asawa’t sariling pamilya? His jaws tightened. Napailing pa muna siya bago walang paalam na tumalikod na para umalis. “Hendrick…” narinig niyang tawag ng kanyang ina. “We’re having a dinner with the Lagmadeo family this weekend. Pag-uusapan natin ang kasal ninyo ni Tracy, Hendrick.” Marahas siyang napalingon nang marinig niya ang mga sinabi ng kanyang Lolo Benedicto. Prente pa rin itong nakaupo at para bang isang simpleng bagay lamang ang ibinalita sa kanya. Matalik na magkaibigan ang mga Montañez at Lagdameo. Kilala niya ang mga ito pati na si Tracy. Bata lang sa kanya ng apat na taon ang dalaga at kahit noon pa man ay dama niya nang may gusto ito sa kanya, bagay na walang katugon mula sa kanya kaya hindi humigit sa pagkakaibigan ang kanilang relasyon. “Pati sa bagay na iyan ay naplano mo na?” tiim-bagang tanong niya. “Yes. Galing sa may sinasabing angkan ang mga Lagdameo, Hendrick. Kung si Tracy ang mapapangasawa mo---” “Ano ang karapatan mong magpasya sa buhay ko?!” galit niyang bulyaw sa matandang lalaki. “Hendrick!” sita ng kanyang ama kasabay ng marahas na rin nitong pagtayo. He looked at them angrily. “Hindi ninyo madidiktahan ang buhay ko. Ako lang ang magpapasya para sa sarili ko, hindi kayo.” Hindi na siya naghintay na may sumagot pa sa kanya. Mabilis na siyang tumalikod at tuloy-tuloy na lumabas ng bahay. Agad niyang nilapitan ang kanyang sasakyan at sumakay roon. Nagagalit siya dahil sa manipulasyon ng mga ito, bagay na hindi niya gustong ginagawa sa buhay niya. He was about to start the engine when his phone rang. Hindi niya sana gustong kumausap ng kahit na sino nang mga oras na iyon dahil na rin sa galit na nadarama, pero natagpuan niya pa rin ang kanyang sariing sinasagot ang tawag na natanggap. “Hello,” aniya sa seryosong tinig. Ilang minutong tahimik sa kabilang linya. Nang titigan niya pa ang screen ng kanyang cell phone ay nakita niyang hindi pamilyar ang numerong tumawag. Akmang papatayin niya na ang tawag nang makarinig ng pamilyar na tinig. He immediately put back the phone on his ear and listened to the caller. “Hendrick…” sambit ng malamyos na tinig. “Laica…” he said in a serious tone, his teeth almost gritting. ***** KANINA pa nakatingala si Laica sa gusaling nasa harapan niya. Hindi niya na rin mabilang kung ilang beses na niyang binasa ang mga salitang nakapaskil doon--- Montañez Recording Company, a company owns by… Hendrick? Hindi niya maiwasang mamangha. May sarili na itong kompanya. Naalala niyang iyon ang pangarap ng binata. Lagi nitong bukambibig noon ang kagustuhang makapagpatayo ng sariling recording company dahil na rin sa labis nitong pagmamahal sa musika. And he made it. After seven years, he achieved his dream. Ilang araw na mula nang makabalik ng Manila si Laica. Mula nang magkita ulit sila sa Davao ay hindi na mawala sa isipan niya ang mga sinabi nito. Hindi siya makapaniwalang ito ang dahilan kung bakit naoperahan ang kapatid niya at wala silang binayaran kahit piso sa ospital noon. Labis pa siyang nagtaka kung paano iyon nagawa ng binata. He’s just a simple band vocalist. Iyon ang pagkakakilala niya rito. O sadya bang hindi niya kilala ang lalaking minahal? Nagpakawala na siya ng isang malalim na buntonghininga bago lakas-loob nang pumasok sa gusali. Agad siyang dumiretso sa may reception area. “G-Good morning. I-I’m looking for Mr. Hendrick Montañez.” “May I know your name, Ma’am? Do you have an appointment with Mr. Montañez?” She swallowed hard. Ngayon niya ramdam na magkaiba sila ng katayuan ng binata. Ganoon na ba kahirap na makaharap ito? She forced herself to smile. “L-Laica Lagamon…” pakilala niya. “He told me to meet him today.” Recognition registered on the receptionist’s face. Humarap ito nang tuluyan sa kanya saka ngumiti. “Yes, Miss Laica. Mr. Montañez is expecting you today,” anito sabay baling sa security personnel na nasa malapit lamang. Inutusan nito ang lalaki na samahan na siya sa opisina ng big boss na nahihinuha niyang si Hendrick. Nagpasalamat na siya rito saka sumunod sa lalaki. Naglakad na sila patungo sa may elevator at doon ay sumakay upang pumunta sa ikaanim na palapag kung saan naroon ang opisina ng sadya niya. “This way, Ma’am,” saad ng lalaki saka itinuro ang mesa ng isang babae. Narinig niya pang nag-usap ang dalawa saka siya iniwan na roon ng lalaki. “You are Miss Laica?” tanong ng babae habang kapanabay na niya sa paglalakad sa pasilyong hindi niya alam kung saan papunta. “A-Ako nga ho…” tipid niyang sagot. “I’m Rhian, Mr. Montañez’ secretary. He’s waiting for you inside,” nakangiti nitong sabi sabay lapit na sa isang pintong nakapinid. Nagbigay ito ng tatlong warning knock doon saka bahagyang binuksan. “Sir, she’s here…” Hindi niya rinig kung ano ang sinagot ang nasa loob. Agad na ring humarap sa kanya si Rhian at inudyukan na siyang pumasok. She didn’t have a choice but stepped inside. Dahan-dahan, humakbang si Laica papasok ng opisina kung saan nakita niya ulit ang lalaking hanggang nang mga sandaling iyon ay may kaparehong epekto pa rin sa buong sistema niya…Few more chapters to go for this story. Thank you for everyone who's reading Hendrick and Laica's story. Just some clarification, ang timeline ng Chapter 66 ay ang mga panahong umalis si Rhea at iniwan si Sergio sa SBS5:SERGIO ARGANZA. Baka lang po magkaroon ng kaunting kalituhan dahil may wakas na sa kuwento nina Sergio at Rhea (baka isipin ninyo na nag-away yung dalawa. hehe)I will add a special chapter here, showing some glimpse on my next novel, SBS9:ALTER VLADIMIR SANTILLANES. Abangan...Also, you may now add on your library my new story HIS HEART SERIES 3:HIS RUTHLESS HEART. Available na po rito sa Goodnovel.Thank you...___yvettestephanie___
Halos maihilamos ni Hendrick ang kanang palad niya sa kanyang mukha nang makita ang kanyang mga kaibigan. Lahat ng mga ito ay may ngisi sa mga labi nang makita siyang papalapit sa mesang okupado na ng mga ito. Hindi niya pa mapigilang mapailing nang maupo siya sa espasyong inilaan ng mga kaibigan niya para sa kanya.“What is this?” napapangiti niya pang sabi na ang tinutukoy ay ang pagtitipon-tipon nila. Alam niyang abala ang mga ito pero hayun at wala siyang kamalay-malay na magkikita-kita sila.Binigyan niya pa ng tingin ang mesang nasa harap nila. Naroon na ang ilang bote ng alak at iba’t ibang putaheng pangpulutan na hindi na niya lubusang binigyan ng pansin. Mas pinagtuunan niya ang kanyang mga kasama.Hendrick darted his eyes to his friends. Isa-isa niyang tinitigan ang mukha ng mga ito. Naroon, kasama niya sina Lorenzo, Sebastian, Winston, Sergio at si Vladimir na sadyang sumundo sa kanya mula sa Montañez Recording Company.Nabigla pa siya nang sumulpot sa kanyang kompanya si V
Awang ang bibig na napatitig si Laica sa mukha ni Hendrick. Nanatili itong nakaluhod sa harapan niya habang naghihintay ng kanyang isasagot. His eyes were full of love while staring intently at her. Kahit ilang saglit na ang dumaan na wala pa rin siyang naisasagot ay hindi niya man lang kinakikitaan ng pagkainip ang mukha nito. He was just waiting patiently as if his life depends on her aswer. Sa loob nga ng ilang saglit ay hindi nakahuma sa kanyang kinatatayuan si Laica at mataman na lamang na nakatingin sa kanyang asawa. Shock was an understatement to what she felt right at that moment. Sa dami ng alalahaning nasa dibdib niya nitong mga nakalipas na araw ay hindi niya inaasahang magpo-propose ito ngayon. Katunayan, hindi na niya naisip pang muli itong mag-aalok ng kasal sa kanya. She swallowed hard and stared at the ring that he was holding. Kumpara sa singsing na suot niya na ngayon, masasabi niyang mas mataas ang presyo ng hawak ng kanyang asawa. It was so elegant and Laica knew
Magkatulong na inaalis nina Laica at Luke ang mga prutas na nasa mga supot saka inaayos ang mga iyon sa maliit na tray na nasa ibabaw ng bedside table. Dala ng kapatid niya ang mga prutas na iyon sa ospital kung saan naka-confine ang kanilang ama. Kararating lang nito at agad na niyang tinulungan sa mga dala-dalang prutas na ang mismong tiyahin nila ang bumili.Ikatlong araw na iyon ng kanilang ama sa ospital. Nasa isang pribadong silid na ito at nagpapalakas na lamang. Ayon sa doktor, kung sakaling magtuloy-tuloy ang pagbuti ng kalagayan ni Emil ay maaari na itong makalabas. Wala nang kailangan pang ipag-alala rito dahil base na rin sa paliwanag ng mga doktor sa kanila, masuwerteng walang natamaang ano mang vital organ ang balang tumama rito.And Laica was so thankful for that. Kahit sabihin pang nasa ospital pa ito ngayon, nakahihinga na rin siya nang maluwag.“Ipagsama-sama mo na lang ang mga ito at nang hindi makalat tingnan,” wika niya kay Luke sa marahang tinig na ang tinutukoy
Hindi nakahuma si Laica sa kanyang kinauupuan matapos niyang marinig ang mga sinabi ni Hendrick. Ilang beses na rin niya itong narinig na nagsabing mahal siya nito. Kahit noong magkasintahan pa lamang sila ay sadyang bokal ito sa nararamdaman para sa kanya.But hearing it once again right now made her teary-eyed. Ngayon niya gustong sabihin na sadyang napatunayan na niya kung gaano siya nito kamahal. He was so willing to do everything for her. Kung sakaling hindi lang sila nagkasira noon, maayos sana ang lahat sa pagitan nilang dalawa at hindi sana sila nagkahiwalay sa loob ng maraming taon.“I-I love you too, Hendrick,” aniya sa pabulong na tinig. “B-But please, I don’t want this to happen again. Hindi mo kailangang gantihan ang lahat ng taong nananakit sa iyo.”Alam niyang bahagya itong tinamaan sa huling pangungusap na binitiwan niya. Alam niya rin na nakuha nito ang ibig niyang ipahiwatig at iyon ay ang ginawa rin nito sa kanya--- ang pagplano nitong saktan din siya para makabawi
Maingat na ipinarada ni Hendrick ang kanyang sasakyan sa harap ng gusaling nabili nila ni Vladimir. It was now newly renovated. Napadagdagan na rin nila ito ng karagdagang palapag dahilan para magkaroon ito ng mas malaking espasyong maaari nilang magamit.Ang unang palapag nga ay napagawan na nila ng salon and spa, ang negosyong pinili ng Tita Beth ng kanyang asawa. Nakausap niya na si Laica tungkol sa bagay na iyon at nasabi na niyang ito at ang tiyahin na nito ang pumili ng kung anong negosyong gusto simulan sa naturang lugar. They chose a salon and they named it Glow and Glam Salon.Sa ngayon ay handa na ang lahat para sa pagbubukas nila ng negosyo bukas. Ang cafeteria naman na ipinalagay nila sa ikalawang palapag ay balak nilang isunod ang pagbubukas sa susunod na mga araw.Napatay na niya ang makina ng kanyang sasakyan nang kinuha niya ang kanyang cell phone mula sa may dashboard at inilagay sa kanyang bulsa. Sinusubukan niya sanang matawagan ulit si Laica kanina habang nagmamane