Police Station
Nanginginig ang kalamnan ko sa sobrang takot, halos isang oras na rin ang nakalipas pero hindi pa rin maalis sa isipan ko kung papaano ako bastusin ni Derek. Mukhang nag-iwan iyon ng trauma sa akin dahil sa tuwing may lalapit na lalaki sa akin kahit magtatanong lang ay halos magwala ako sa pag-iyak. Naaalala ko ang mabibigat na kamay ni Derek sa aking leeg at mga braso. Sariwang-sariwa rin sa akin kung paano niya dahasin ang pagpunit sa damit ko at sapilitang angkinin ang aking labi at ilang parte ng katawan ko. Ayaw ko no'n, lalo na't hindi na katulad ng dati ang pagtingin ko sa kaniya. Mas lalo ko lang siyang kinasuklaman, at kahit na kailan ah hindi ko siya mapapatawad. "Uminom ka muna ng tubig." Tiningala ko si Helsey. Binuksan na niya ang bottle ng Mineral water na ibinibigay niya sa akin, inabot ko 'yon at nakinig sa sinabi niya. Nagpapasalamat ako sa presensiya ng Manager ko, kung hindi siya dumating kanina sa may tapat ng kotse ni Derek at tinulungan ako ay paniguradong nagawa na nito ang nais sa akin. "Salamat." Ibinalik ko naman ang bote sa kaniya. Dito na 'ko idineretso sa malapit na Police Station upang makapagblotter. Gusto niya ng warrant of arrest para sa pangbabastos ni Derek. Nakakuha siya ng matibay na ebidensya sa ginawa nito mula sa isang dashcam sa kalapit na sasakyan. Na-check na 'yon ng mga Pulis, solid ang ebidensiya namin kaya naman agad-agad ay aarestuhin nila si Derek. That jerk! "Ihahatid na kita sa inyo, mahirap na baka mamaya ay nandiyan lang ang Ex mo sa tabi-tabi," sabi ni Helsey. Ngunit hindi ako pumayag, mamaya-maya ay tatawagan ko na lang si Jethro. Alas siyete pa lang, ang alam ni Jethro na uwi ko ay alas-otso, ayaw ko rin naman din na maistorbo pa ang tao na 'yon dahil sobrang dami rin ng ganap nito sa buhay. Hindi ko lang alam kung papaanong i-e-explain sa kaniya ang nangyari, sigurado akong hindi makakatakas si Derek sa kaniya. "Sure ka?" tanong pa ni Helsey. Tumango na lang ako bilang sagot dito. Pagkatapos ay tinanong ko siya kung may nakakita bang iba sa amin doon sa parking lot. Kapag oo kasi'y panigurado na mabilis na naman 'yong kakalat sa social media, at ang kasunod ay marami ng reporters ang nakasunod sa akin. "Hindi ko sigurado, mas inuna kong dalhin ka rito. Ikaw, are you sure na walang masakit o ano man sa 'yo? Look at your dress, nasira na rin. Masyadong manipis ang scarf na 'yan para sa 'yo." Tinignan ko ang sarili ko, yeah, mukha akong ewan sa hitsura ko. Magulo ang buhok at pahulas na ang make up sa mukha, but I don't mind it. Parang mas pinoproblema ko pa si Jethro ngayon, hindi nito magugustuhan ang ginawa ng pamangkin niya. "Oh God." "B-bakit?" tanong ko kay Helsey. "Speaking of the dev*ls ay narito na sila." Sumulyap ako sa labas ng station, hindi na 'ko na-sorpresa pa, bilang isang kilalang model at pumasok sa mundo ng may mga paparazzi ay matik na mangyayari ang ganito especially kapag may scadal na napasukan ang isang idol. Umisod kaming dalawa sa kanang sulok ng kinauupuan naming mahaba, natago kami sa may malapit na kurtina. Scoop na naman sa akin 'to kapag nagkataon. "I knew it. I'll call my husband now." Hiningi ko kay Helsey ang cellphone ko ngunit hindi agad no'n iyon ibinigay dahil mas inuna nitong usisain ang tungkol kay Jethro. "M-manager mo 'ko pero ba't hindi ko alam ang tungkol sa asawa mo?" Napatitig ako sa kaniya. Nakalimutan kong sabihin dito, pero... Kailangan ko pa bang sabihin 'yon sa kaniya? Personal ko naman na buhay 'to, at isa pa hindi ko pa na-p-prove na mapagkakatiwalaan nga talaga siya. "I'll explain some other time for now, I need, We need to get out of here. I'll call my husband to pick me up, sumabay ka na sa amin. I'm sure na may magagawa siya para tulungan tayo—" Hindi ko nagtapos ang sinasabi ko nang mapansin na nakatulala na si Helsey sa gawi ng uluhan ako. Sa pagka-curious ko'y nilingon ko 'yon. Heartbeat. It was Jethro. Narito siya. Nakatingin siya sa kinapu-puwestuhan namin ngayon. Mahirap basahin ang sinasabi ng mga mata niya, hindi ko ma-ipaliwanag. Ngunit sa bilis ang hakbang nito upang makatungo sa akin ay alam kong concern siya. O baka delusional lang ako. I spread my arms... a little, nang makita ko siya'y parang gusto kong yakapin ito't sabihin sa kaniya na hindi ako okay. I don't have someone right now, baka naman bigyan niya ako ng kaunting simpatya't makisama na lang ito sa drama ko. But my imagination drowned to the reality. Jethro grab me, he pulled me to the bottom of the building. May kalakihan ang Police Station na ito, hanggang second floor. Hawak niya ako sa aking kamay, hindi kami tumatakbo ngunit sa mga malalaki niyang hakbang ay masasabi kong nagmamadali talaga ito. Hindi rin siya nagsasalita. Gabi na kaya wala nang gaanong naka-duty na mga Police Officers. Iilan lang ata silang mag-n-night shift. Mukhang galing lang din si Jethro sa trabaho niya, ang suot niya'y 'yon pa ring kaninang umaga nang ihatid niya ako sa trabaho ko. Tinignan ko ang kamay namin na magkadaop, then I smiled. Hindi pa nagtatagal ang pagkakakilala ko kay Jethro bilang siya at hindi bilang Uncle ni Derek, at masasabi ko na hindi ito ang ine-expect kong magiging trato niya sa akin. Yes, he's loud sometimes lalo kapag may nagagawa ako na hindi niya gusto pero patience pa rin ang pinapairal niya sa huli. May pagka-moody rin ang tao na 'to, siguro signs na tumatanda na siya but then, he's making a way para magkasabayan kaming dalawa. Nakikita ko rin ang effort niya para mas maging komportable ako, ako na lang ang nagdedeny no'n sa sarili ko. Pero bakit ba? May kasunduan lang kami, walang dahilan para mag assume ako o mahulog sa mga kilos niya. Grabe, ang bilis ko naman mahulog sa iba, limot ko na ba agad 'yong eight years na pag-ibig na nagpabaliw sa akin? Haist. We stopped. Then in a slow mo version I found myself staring at him. Ang lakas ng appeal ni Jethro, kapag matagal mong tinitigan ang mukha niya'y mas lalo siyang gumu-gwapo. Kung kailan umaabante ang edad nito'y saka nagiging mas matikas.. "What happened? I just got a call from my friend that you're here. There are reporters outside, what mess did you make this time?" Ang mga palad niya ang nagbigay init sa aking braso. Tama nga si Helsey, masyadong manipis ang ibinigay niya sa aking pantakip. "Darlene, I'm talking to you." Nakatitig lang ako sa kaniya, hindi ko alam kung saan sisimulan ang kwento. "Hey, you can tell me... C'mon." Biglang naging malumanay ang boses nito. Pumikit ako't nag-isip. Nag-aksaya siya ng oras para lang tulungan ako rito ngayon, I should be thankful and more importantly... I should trust him. Isiniwalat ko sa kaniya ang buong nangyari kanina, kung ano ang ginawa ng pamangkin niya. "That bastard! I warned him already but he really is not listening, huh." Nagngingitngit sa galit si Jethro habang ako'y napaiyak na ulit. Naalala ko bigla ang nangyari kanina, medyo hindi maganda sa mental health ko. "Sshh... Do'nt worry I'll do something about it." Sa dibdib na niya ko itinuloy ang pag-iyak. Hinila niya ako patungo sa kaniya:t, hinagod ang likod ko't pinalakas ang loob by his wisdom. "It's okay, don't worry I'm here." Tumango-tango ako. Still, I'm on his chest, getting some strength. "Bukas na bukas din ay tuturuan ko ng leksyon ang pamangkin ko na 'yon. And maybe we should announce to my family and to everyone that we are connected to each other, now." Inalis ako ni Jethro sa pagkakayakap sa kaniya. "What do you mean?* tanong ko. "I'll announce that you're my wife. Para malaman nila kung sino ang binabangga o babanggain nila in the future. Don't worry I will make sure na magiging maayos ang lahat, especially to my sister Diane, Derek's mother." "Thank you Jethro, Thank you." Nakauwi kami sa bahay na hindi nahuhuli ng mga Reporters, thanks to Chief Aragon sa tulong nito. .... I watch on her while she's asleep. She was like an angel in disguise. Her eyes had a thick and long eyebrows, naturally there. I can picture out how beautiful her face eventhough her eyes were shut. I get on the hair that fall on her face, and tucked it on her ear. Then my finger run on her reddish lips. Temptation, spare me. Ugh. I should not. Good thing that Darlene moved, she grab the pillow that she put in between our bed. "Hmmm..." She murmured. I touched her cheek one more, caressed it. "Goodnight Darlene," I whispered. I gave her a kiss on her cheek. I've been wanting to do this.Darlene's POV"Nakakainis naman 'to si Helsey, hinayaan na lang talaga 'kong bumalik sa Hotel ng mag-isa? At saan naman kaya 'yon pupunta?" Panay ang salita ko habang nasa taxi, Wala nang pakialam pa kung masabihan ni MAnong Driver na baliw.Nasa labas ng windshield nakatutok ang paningin ko, dinaraanan ng mga mata ang bawat establishimento na makita."Mawalang galang na po, Ma'am, pero kayo po ba si Darlene? Yung model po?" Hindi ko in-expect 'yon mula kay Manong, "Ah, opo, ako nga po 'yon." Nakangitii ko pang sabi."Naku! Sabi ko na nga ba eh unang kita ko pa lang po sa inyo alam ko na agad. Paano ba naman kasi, halos araw-araw ko kayong nakikita sa silid ng anak kong babae." Matanda na si Manong, kung susumahin siguro ay nasa fifty years old na ito, ngunit kahit na gano'n ay halatang malakas pa rin ang katawan niya."Ay talaga po ba Manong, maraming salamat naman po kung gano'n. Sana ay na-i-inspire ko siya sa buhay, kahit alam niyo na . . .may mga issue ako.""Naku Ma'am, hindi n
Ang malutong na halakhak ni Sally ang namutawi sa loob ng kaniyang suite. Kabababa lang niya ng telepono, tuwang=-tuwa siya sa naging balita ng isang Modelo na nakausap. Tuluyang naalis si Darlene sa pagiging Lead model sa Project na sa tingin niya ay dapat na sa kaniya. Naging matagmpay ang pagsulsol niya sa dalawang babaeng kasama ni Darlene sa photoshoot kanina. Tinungga nito ang alak na nasa kopita, ninamnam 'yon hanggang sa humagod sa kaniyang lalamunan. Wala siyang alinlangan na uminom kahit na alam niyang may bata sa kaniyang sinapupunan. "Sa wakas ay unti-unti kong natutupad ang nais ko noon pa man, mula kay Derek hanggang sa career mo ay hindi kita tatantanan, Darlene. Susundan kita kahit sa imyerno pa, masigurado lang na babagsak ka." Sa bawat pagsabay ng puting kurtina sa ihip ng hangin sa balkonahe na tinutuluyan ay siya rin paglipad ng kaniyang kaisipan. Bigla niyang naalala ang panahon kung saan siya ay nagigipit at nabu-bully ng dahil kay Darlene. Isa siyang
Ang kaninang maayos na buhok ni Darlene ay naglaho, hindi niya na napigilan ang sarili't kinuwestiyon na ang Panginoon sa nangyayari. Pakiramdam niya'y wala siyang silbi, walang karapatan na maging payapa ang kaisipan. Siya ang biktima ngunit siya ang lumalabas na makasalanan. Dalawang kamay niya na ang nakahawak sa buhok, bumaba iyon sa kaniyang mukha't napatakip na lang ng kaniyang bibig. Hindi rin sumasagot si Helsey sa tawag niya, ito na lang ang pag-asa niya alam niya ngayon. "Nasaan na ba siya?" Ang imahe ni Darlene sa salamin ay hindi na magkamayaw sa pagparoon at pa rito, kagat niya ang dulo ng kaniyang daliri, nag-iisip.Ngunit ang buong lakas niya upang kumalma ay bigla na lang naglaho. Hindi na napigilan ni Darlene na maiyak, hindi dahil sa nakulong siya, o dahil sa may posibilidad na hindi siya hanapin at ituloy nila ang shoot nang wala siya kundi dahil sa damage na nararamdaman niya ngayon emotionally. Hindi siya okay sa mga negatibong salita na natatanggap lalo sa mga
"Sa wakas, ito na ang last na gagawin mo rito. Puwede na tayo umuwi once natapos na 'to. Ayaw ko nang magtagal pa rito, ang toxic ng mga tao." Tila ba bubuyog ang Manager ko habang nililigpit ang mga gamit namin.Hindi ako sumagot pero napatango-tango ako, tama naman siya sa sinabing niyang yon."Paano 'yung after party?" Tanong ko sa kaniya."Hindi mo kailangan 'yon, bakit sumali ka ba sa competition, nanalo ng medalya para magdiwang, huh?" Itinigil niya ang ginagawa't hinarap ako, ako na busy sa aking cellphone habang nagsasagot ng Sudoku.Nang mapansin nito na hindi naman ako nakikinig ay lumapit siya't mas binungangaan ako. "Pagbalik natin sa Opisina ihahanap kita ng Personal Assistant, glam team at bodyguard. Fix ang salary ko para sa pagiging Manager lang, pero ang trabaho ko parang sa apat na propesyon ha."Nakapameywang na ito ngayon."Bakit naman nauwi ang usapan tungkol sa mga 'yan, kaya naman nating dalawa ah." Itinigil ko ang ginagawa't may pagpapa-cute na tiningala siya,
"Yeah, that's it ganyan nga. Pose to the left side, yeah konting daring lang 'wag masyadong i-over project." Sunod-sunod ang pagpitik ng lente sa mukha't katawan ng mga Modelo para sa unang batch ng LA Vienna Project. Tatlo silang nasa harapan ng sikat ding photographer na si Davidson, at isa sa mga maswerteng model ay si Darlene. Suot niya ang pantalon na fitted sa kaniyang legs at binti, mayroon iyong tastas sa may bandang itaas kaya naman sumisilip ang mapang-akit nitong legs sa mata ng mga taong naroon. Ang top niya ay isang kulay itim na half blazer na mayroon lamang isang butones na siyang nagdudugtong rito upang maitago ang kaniyang dalawang malusog na dibdib. Wala siyang suot na bra maliban sa nipple tape na inilagay upang hindi bumakat ang kaniyang it*ng. Litaw na litaw ang cle*vege nito sa tuwing yuyuko sa harapan ng camera. Napakasexy ni Darlene, lumalabas ang kakaibang ganda nito mula sa facial hanggang sa katawan niya. Tunay ngang mahusay ang babae sa kaniyang larangan.
"What happened?" Pakikiusyoso ng ilang staff na nasa malapit lang. Hindi ako ang eskandalosa kundi ang babae na 'to. Baliw ba siya para tapunan ang sarili niya ng juice tapos ay ako ang sisisihin. Grabe, hindi ko na kinakaya ang pinagagawa ng babaeng 'to ha. "I'm just congratulating her for getting the project, but I was shocked for what she did. Tinapunan niya ako ng juice niya." Kung may best actress award lang siguro ngayon na puwedeng ibigay sa kaniya ay mananalo na 'to sa kadramahan niya. May ilang nakisimpatya sa pag-iyak iyak ni Sally na para bang totoo talaga ang pinaparatang niya sa akin. Nag -abot pa ng tissue ang nasa kabilang lamesa at may iilang nag-badmouth na sa akin. Dahil sa sikat ang hotel na ito ay masyadong maraming mga mata rin ang nakatitig sa gawi namin. Umiwas na nga ako ng mukha nang mapansin pa na may kumukuha na naman ng litrato. Ang malas ko naman talaga sa eskandalo. "Ano'ng nangyari DArlene?" Biglang sulpot ni Helsey sa likuran ko. Akmang ibubu