Share

Chapter Two

Author: Yurikendo
last update Last Updated: 2025-03-07 10:32:39

Niyayakap ako ng malamig na simoy ng hangin. Hindi ko na rin alintana ang pagkampay-kampay ng laylayan ng suot kong Hospital gown. Wala na rin namang saysay pa ang buhay ko. Ano kung masilipan naman ako ngayon.

Pagkatapos kong marinig ang sinabi ni Derek kanina ay tuluyan na akong nawalan ng kompiyansa na may pag-asa pang maayos ang relasyon namin. Bigla ko na lang tinanggap ang tadhana ko. Pagkatapos ay saka ko plinano na mawala na lang sa mundo.

Pumikit ako't dinama ang malamig na simoy ng hangin na dumarampi sa aking balat. Ang sarap no'n. Sayang kung narito lang sana si Derek ay tiyak na kukuhaan niya ako ng litrato, mahilig siyang mangolekta ng memories. Kukuhaan niya kung gaano ako kagaling bumalanse sa railings ng rooftop kung nasaan ako ngayon.

"Aahh..." Sumigaw ako. Itinaas ko ang aking makabilang braso na para bang nasa isang magandang tanawin ako.

"Derek, bakit ang unfair mo!" Sigaw ko pa ulit.

"Ang sabi mo mahal mo 'ko! Ang sabi mo ako lang! Ang sabi mo tayo ang magsasama hanggang sa huli... Pero bakit gano'n?"

Tuluyang dumausdos ang luha mula sa aking mga mata patungo sa pisngi ko. Sa wakas ay nagawa ko na ring sumigaw.

Nasayang ang walong taon na relasyon namin, I never imagined any of these to happened this way. Ang daya ng tadhana para sa akin. Nasasaktan ako habang sila ay nagsasaya.

"Karmahin sana kayong lahat, hindi ko kayo mapaptawad. Mga manloloko!"

Dumungaw ako sa ibaba, mataas na rin ang limang palapag, at siguradong hindi na ako bubuhayin nito.

"Sana'y maging masaya kayo... Paalam." Pumikit ako. Mas maigi na siguro ang ganito, mabilisan na lang ang mangyayari, hindi ko na nararamdaman ang sakit na dinulot nila.

Hinayaan ko na dumulas ang aking isang paa mula sa naapakan ko. Mali na kung Mali, ngunit ito ang tama para sa akin ngayon.

Ngunit ang lahat ng kadramahan ko ay naputol na lang ng may kumabig sa aking kamay. Tumingala ako.

Uncle Jethro, ikaw na naman?

"What the h*ll Darlene? Are you crazy?" mamamatay na lang ako ay nabulyawan pa ni Uncle. Ah, tama pa ba na Uncle ang tawag ko sa kaniya gayong tapos na kami ng pamangkin niya.

"Hayaan niyo na ako Uncle, wala na rin namang saysay ang buhay ko."

Hawak ni Uncle ang kamay ko habang ang isa pa niyang kamay ay kumukuha ng puwersa sa pader kung saan nakasampa ang katawan niya. Nang tingalaan ko siya'y pansin ko ang pagngitngit ng ngipin nito senyales na nahihirapan ito.

"Is that what you want? To lose to them? Ayaw mo man lang bang lumaban, kahit subukan mo lang?"

"Ayoko na Uncle, hindi ko rin kakayanin ng mag-isa. Wala na rin ang career ko, wala na 'kong babalikan. Mas mabuti na ang ganito kaya please, pabayaan niyo na ako." Pagsusumamo ko sa kaniya.

"Then you really lose, how coward and pathetic you are. You are giving them the privilage to ruin you. Hindi mo man lang ba naiisip na kung paano kung gawin din nila sa iba ang ginawa sa 'yo? Can you tolerate that?"

Hmm. Tama naman si Uncle pero kasi...

"C'mon Darlene you need to help yourself, hindi ko na kakayanin kung hindi ka pa rin magdedesisyon. 'wag mong sayangin ang buhay mo para sa mga walang kwentang tao."

"Durog na durog na ako Uncle..."

"I know, kaya ako narito. I'll help you... We'll let them pay for what they did."

Naguluhan ako sa sinasabi ni Ninong. Na-curcious kung ano ang pinupunto niya.

"P-paano?"

"Marry me, Darlene. Become a Delos Santos, take your revenge. I'll help you."

"P-po?"

....

Inalok ko ng kasal si Darlene hindi dahil gusto ko. I knew her as may nephew's fianceé but that night change it all. She's a woman to my eyes now. Someone who is capable of being a mother. At siya ang napili ko bilang ina ni Jenny, ang four year old kong anak.

Namatay ang asawa ko sa panganganak kaya naman walang kinilalang ina si Jenny, at ngayon na nagsisimula na itong magkamuwang ay hinahanapan na niya ako ng mommy. Hindi pa niya maiintindihan kung sasabihin ko na namatay ang mommy niya after manganak sa kaniya. Kaya ang naisip kong solusyon ay humanap ng tatayong ina rito.

And Darlene would be a perfect fit. Kaya naman matapos ang ginawang eksena ng sister-in-law ko ay hinabol ko agad si Darlene. Ako ang nagdala sa kaniya sa Ospital at nagpagamot. Sinadya ko na doon siya dalhin kung nasaan sina Derek para mas matauhan siya. Ngunit mukhang maling desisyon pa ata ang nagawa ko, mabuti na lang at naabutan ko siya dahil kung nagkataon ay malamig na bangkay na ito ngayon.

She was 31 years old while I'm on my forty's , but it doesn't matter. The marriage that I am insisting is only on papers.

"Uncle. Jeth."

Lumingon ako sa kinaroonan ng boses na tumawag sa akin. It was Darlene, she already

took a bath. Sa bahay ko na siya dinala para mapag-usapan namin ang tungkol sa inaalok ko sa kaniya. Pumayag siya kaya wala na 'kong magiging problema.

"You look good."

Hindi siya sumagot sa papuri ko, mas na-sense ko ang akwardness sa mukha niya kaya agad kong dinugtungan na ang inuumpisahan kong usapan.

Actually, hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa sa kaniya't in-explain ang gusto kong mangyari. This would be a Contract Marriage, parehas kaming magbe-benefit sa huli, so we must know what rules we should have.

"Okay po sa akin ang gusto niyo, 2 years akong magiging ina ni Jenny kapalit ng pagiging isang santa Delos Santos."

"Good then. Bibigyan kita ng access sa lahat, including the family businesses. I'll give you cards... And most importantly, you'll become one of us. You can have a revenge to all of them." Naupo ako sa swivel chair ko't hinila any drawer mula sa baba. Kinuha ko ang maliit na kahon na kulay pula.

It was a diamond ring.

"Take this," abot ko sa kaniya. "That thing will symbolize our contract."

"Kailangan ko na bang isuot 'to ngayon?"

"Yes you have. I'll call my assistant to arrange the necessary papers for our wedding. I'm sorry but we can't have a church wedding."

Tumango siya. "Okay lang po, Uncle—"

"Jethro, Jeth or call me any names you want but not Uncle... It doesn't sounds good." sabi ko.

Muli ay tumango lang ito. Mukhang okay na siya physically pero ang mga mata nito ay iba naman ang sinasabi. She looks sad, depressed and hopeless.

"Puwede na ba muna akong umalis?"

I paused. Na explain ko naman na ang lahat sa kaniya, we've decided already kaya wala na sigurong pag-uuspan pa. Kung may maalala man ako ay baka bukas ko na lang i-open sa kaniya. Masyadong maraming nangyari ngayong gabi at kailangan niya ng pahinga.

"You can, have a rest, take your time dahil sa susunod na mga araw ay marami ka na ulit gagawin." Pinapaalalahan ko siya.

Inayos ko na tungkol sa kontrata niya sa kaniyang Modeling Company. They are insisting on letting her go, lalo na nang kumalat ang ilang videos sa social medias. Ngunit dahil sa marami akong kakilala pagdating sa bussiness ay nagawa kong baguhin ang desisyon ng Kumpaniya. Tinakot ko ri. sila na aalisin ang almost 25% na share ko sa kompaniya nila. Darlene should still be on her beloved career.

"Salamat," tugon ni Darlene.

I smiled as an answer. Ngunit agad ko rin iyong binawi ng mapansin ang sariwa pa rin nitong sugat sa may pisngi na mula sa pagkakasampal ni Diane kanina. Tinungo ko kung nasaan nakalagay ang aking medicine kit saka kinuha anh mallit na pouch for scar remover. Binuksan ko na 'yon at naglagay ng kaunti sa aking hintuturo.

Hindi siya umalma ng pahiran ko ang sugat sa mukha niya. Imbes ay nahuli ko ang mata niya na nakatitig sa akin. Hindi siya kumilos hanggang sa matapos kong lagyan iyon.

"Better. You need to take good care of your body and face. Judgemental ang mga tao sa industriya na pinasukan mo, kaunting gasgas lang ay tiyak na mapupuna agad nila."

Sinundan ko na lang si Darlene ng tingin hanggang makalabas ito ng silid bago ko kinuha ang cellphone at sagutin ang tumatawag.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Save Me, Uncle Jethro.   Chapter 017

    Darlene's POV"Nakakainis naman 'to si Helsey, hinayaan na lang talaga 'kong bumalik sa Hotel ng mag-isa? At saan naman kaya 'yon pupunta?" Panay ang salita ko habang nasa taxi, Wala nang pakialam pa kung masabihan ni MAnong Driver na baliw.Nasa labas ng windshield nakatutok ang paningin ko, dinaraanan ng mga mata ang bawat establishimento na makita."Mawalang galang na po, Ma'am, pero kayo po ba si Darlene? Yung model po?" Hindi ko in-expect 'yon mula kay Manong, "Ah, opo, ako nga po 'yon." Nakangitii ko pang sabi."Naku! Sabi ko na nga ba eh unang kita ko pa lang po sa inyo alam ko na agad. Paano ba naman kasi, halos araw-araw ko kayong nakikita sa silid ng anak kong babae." Matanda na si Manong, kung susumahin siguro ay nasa fifty years old na ito, ngunit kahit na gano'n ay halatang malakas pa rin ang katawan niya."Ay talaga po ba Manong, maraming salamat naman po kung gano'n. Sana ay na-i-inspire ko siya sa buhay, kahit alam niyo na . . .may mga issue ako.""Naku Ma'am, hindi n

  • Save Me, Uncle Jethro.   Chapter 16

    Ang malutong na halakhak ni Sally ang namutawi sa loob ng kaniyang suite. Kabababa lang niya ng telepono, tuwang=-tuwa siya sa naging balita ng isang Modelo na nakausap. Tuluyang naalis si Darlene sa pagiging Lead model sa Project na sa tingin niya ay dapat na sa kaniya. Naging matagmpay ang pagsulsol niya sa dalawang babaeng kasama ni Darlene sa photoshoot kanina. Tinungga nito ang alak na nasa kopita, ninamnam 'yon hanggang sa humagod sa kaniyang lalamunan. Wala siyang alinlangan na uminom kahit na alam niyang may bata sa kaniyang sinapupunan. "Sa wakas ay unti-unti kong natutupad ang nais ko noon pa man, mula kay Derek hanggang sa career mo ay hindi kita tatantanan, Darlene. Susundan kita kahit sa imyerno pa, masigurado lang na babagsak ka." Sa bawat pagsabay ng puting kurtina sa ihip ng hangin sa balkonahe na tinutuluyan ay siya rin paglipad ng kaniyang kaisipan. Bigla niyang naalala ang panahon kung saan siya ay nagigipit at nabu-bully ng dahil kay Darlene. Isa siyang

  • Save Me, Uncle Jethro.   Chapter 15

    Ang kaninang maayos na buhok ni Darlene ay naglaho, hindi niya na napigilan ang sarili't kinuwestiyon na ang Panginoon sa nangyayari. Pakiramdam niya'y wala siyang silbi, walang karapatan na maging payapa ang kaisipan. Siya ang biktima ngunit siya ang lumalabas na makasalanan. Dalawang kamay niya na ang nakahawak sa buhok, bumaba iyon sa kaniyang mukha't napatakip na lang ng kaniyang bibig. Hindi rin sumasagot si Helsey sa tawag niya, ito na lang ang pag-asa niya alam niya ngayon. "Nasaan na ba siya?" Ang imahe ni Darlene sa salamin ay hindi na magkamayaw sa pagparoon at pa rito, kagat niya ang dulo ng kaniyang daliri, nag-iisip.Ngunit ang buong lakas niya upang kumalma ay bigla na lang naglaho. Hindi na napigilan ni Darlene na maiyak, hindi dahil sa nakulong siya, o dahil sa may posibilidad na hindi siya hanapin at ituloy nila ang shoot nang wala siya kundi dahil sa damage na nararamdaman niya ngayon emotionally. Hindi siya okay sa mga negatibong salita na natatanggap lalo sa mga

  • Save Me, Uncle Jethro.   Chapter 14

    "Sa wakas, ito na ang last na gagawin mo rito. Puwede na tayo umuwi once natapos na 'to. Ayaw ko nang magtagal pa rito, ang toxic ng mga tao." Tila ba bubuyog ang Manager ko habang nililigpit ang mga gamit namin.Hindi ako sumagot pero napatango-tango ako, tama naman siya sa sinabing niyang yon."Paano 'yung after party?" Tanong ko sa kaniya."Hindi mo kailangan 'yon, bakit sumali ka ba sa competition, nanalo ng medalya para magdiwang, huh?" Itinigil niya ang ginagawa't hinarap ako, ako na busy sa aking cellphone habang nagsasagot ng Sudoku.Nang mapansin nito na hindi naman ako nakikinig ay lumapit siya't mas binungangaan ako. "Pagbalik natin sa Opisina ihahanap kita ng Personal Assistant, glam team at bodyguard. Fix ang salary ko para sa pagiging Manager lang, pero ang trabaho ko parang sa apat na propesyon ha."Nakapameywang na ito ngayon."Bakit naman nauwi ang usapan tungkol sa mga 'yan, kaya naman nating dalawa ah." Itinigil ko ang ginagawa't may pagpapa-cute na tiningala siya,

  • Save Me, Uncle Jethro.   Chapter 13

    "Yeah, that's it ganyan nga. Pose to the left side, yeah konting daring lang 'wag masyadong i-over project." Sunod-sunod ang pagpitik ng lente sa mukha't katawan ng mga Modelo para sa unang batch ng LA Vienna Project. Tatlo silang nasa harapan ng sikat ding photographer na si Davidson, at isa sa mga maswerteng model ay si Darlene. Suot niya ang pantalon na fitted sa kaniyang legs at binti, mayroon iyong tastas sa may bandang itaas kaya naman sumisilip ang mapang-akit nitong legs sa mata ng mga taong naroon. Ang top niya ay isang kulay itim na half blazer na mayroon lamang isang butones na siyang nagdudugtong rito upang maitago ang kaniyang dalawang malusog na dibdib. Wala siyang suot na bra maliban sa nipple tape na inilagay upang hindi bumakat ang kaniyang it*ng. Litaw na litaw ang cle*vege nito sa tuwing yuyuko sa harapan ng camera. Napakasexy ni Darlene, lumalabas ang kakaibang ganda nito mula sa facial hanggang sa katawan niya. Tunay ngang mahusay ang babae sa kaniyang larangan.

  • Save Me, Uncle Jethro.   Chapter Twelve

    "What happened?" Pakikiusyoso ng ilang staff na nasa malapit lang. Hindi ako ang eskandalosa kundi ang babae na 'to. Baliw ba siya para tapunan ang sarili niya ng juice tapos ay ako ang sisisihin. Grabe, hindi ko na kinakaya ang pinagagawa ng babaeng 'to ha. "I'm just congratulating her for getting the project, but I was shocked for what she did. Tinapunan niya ako ng juice niya." Kung may best actress award lang siguro ngayon na puwedeng ibigay sa kaniya ay mananalo na 'to sa kadramahan niya. May ilang nakisimpatya sa pag-iyak iyak ni Sally na para bang totoo talaga ang pinaparatang niya sa akin. Nag -abot pa ng tissue ang nasa kabilang lamesa at may iilang nag-badmouth na sa akin. Dahil sa sikat ang hotel na ito ay masyadong maraming mga mata rin ang nakatitig sa gawi namin. Umiwas na nga ako ng mukha nang mapansin pa na may kumukuha na naman ng litrato. Ang malas ko naman talaga sa eskandalo. "Ano'ng nangyari DArlene?" Biglang sulpot ni Helsey sa likuran ko. Akmang ibubu

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status