The CEO's Contractual Bride

The CEO's Contractual Bride

last updateLast Updated : 2026-11-02
By:  Twilight LumenOngoing
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
6Chapters
10views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

MATURE CONTENT: R18+ Ang mga maiinit na tagpo ng CEO na si Engr. Lance Azariel Verdejo at Ar. Maxine Bahati Solaris sa kanilang opisina ang naging dahilan upang mas lumalim ang pagtingin ng CEO sa babaeng arkitekto. Ngunit paano kung malaman nito na ang babaeng nagugustuhan niya ay may fiancé na pala?

View More

Chapter 1

Chapter One

Chapter 1: Maxine Bahati Solaris

“Aika, may balita na ba sa gawi mo?” mahinang tanong ni Maxine habang nagtitimpla ng kape sa kusina ng condo ng kaibigan niyang tinutuluyan ngayon. 

Nanginginig ang kamay at maitim na ang eyebags niya dahil sa ilang gabi nitong pagpupuyat kahahanap ng trabaho online.

Umiling ang kaibigan niya habang nakatingin sa laptop nito at nag-scroll sa mga emails. “Wala pa rin. Hindi ko kasi ma-brought up kay gwapings lahat ng recent job applicants na may edge sa available position at laging galit e. Wala atang alam gawin ‘yon kundi magalit.” 

'Gwapings.'

Iyon ang tawag ni Aika— ang best friend ni Maxine, sa CEO ng Vanxe Atelier Group, ang pinaka malaking Design and Construction Company sa Asia led by Engr. Lance Azariel Verdejo. 

Madalas niyang marinig ang descriptive word na iyon pero base sa mga kwento ng kaibigan niya na halos lagi raw galit itong boss niya, parang wala siyang maapuhap na kahit anong kagwapuhan dito. 

“Do you think there’s a chance?” Max licked her lower lip. Cracked, tuyo, at nagbabalat dahil sa dehydration at puyat. Napayuko na lang siya at nakita ang sariling itsura sa repleksyon sa mainit na kape sa kamay niya. “Kahit konti, may chance pa ba ako?” 

Isang dagok sa pamilya ni Max ang nagpahina sa kaniyang loob na i-pursue pa ang architecture. 

Nang malugi ang kumpanya nila dahil sa pagtakbo ng budget ng kasosyo ng kaniyang ama at paratangan ng kung ano-anong kasinungalingan ang pamilya nila ay nawalan na ng tiwala ang dati nilang mga kliyente na maari pa sanang magbigay ng ibang project pero kasabay nito ay ang pagkawala rin ng tiwala niya sa kaniyang sarili. 

Hindi namalayan ni Max na pinuntahan na pala siya ni Aika sa kinatatayuan nito kundi dahil sa magaan na yapos sa kaniyang balikat. 

“Maxine Bahati Solaris. You are one of the topnotchers ng Architecture Licensure Exam batch 2023. Ikaw ang dating Project Manager ng Solaris Construction na humawak ng iba’t ibang mabibigat na projects,” malumanay ngunit may diin ang mga salita ng kaibigan niya. “Kaya h’wag na h’wag mong iisipin na wala ka ng chance sa field na ‘to.” 

Nararamdaman ni Max ang mainit na luha na nanunulay sa mga mata niyang pagod na. 

Pagod na sa paghahanap ng trabaho araw at gabi. 

Pagod ng lumuha dahil sa mga maling paratang sa kanilang pamilya. 

Pagod ng i-reject ng mga employers dahil sa kahihiyang dala ng pangalan niya. Pagod na sa lahat. 

'Tapos na ba ang lahat para sa‘kin?' 

“Maxine. Look at me, girl. Nasaan ang Bahati na nakikipagbardagulan sa mga workers? Nasaan ang confident, strong-headed woman na nakikipagbuno sa mga forman pati sa Build Manager kapag may hindi umayon sa plano?” Aika slightly shook her and met her eyes. “Iyon ang kaibigan ko.”  

Bahagyang umiling si Max, “Aika, I’m not that kind of person anymore—” 

“Chismis lang ‘yan. Walang katotohanan,” mariing sabat nito. “Kagaya ng mga scandals ng mga artista, lilipas din iyan. And besides, hindi lang arkitektura ang trabaho sa mundo. Napakarami pa and someday makikita mo ulit ang magpapatibok ng puso mo gaya ng pagpapatibok ng arkitektura sa puso mo. Saka maganda naman hubog ng katawan mo, may jogabels ka naman, gusto mo mag mag-bibemax ka na lang? Tuwad-tuwad ka lang do’n may milyones ka na.” 

“Anak ng lumpiang ina ka naman, Aika,” natatawang sagot ni Max. 

Pero tama siya. Hindi natatapos ang mundo dahil lang sa nabangkaroteng kumpanya at chismis na lumilipas. 

With a weak nod she smiled, “Tama ka. Maybe it’s time for a career change.” 

“That’s my girl!” Aika cheered. “Come on, lumabas muna tayo kahit ilang oras lang para makapag-unwind ka. Maligo ka na at ang lagkit mo na. And by the way, magdala ka na rin ng resume just in case.” 

Bahagyang napatawa si Max.

Itong kaibigan niya ang never humusga sa kaniya kahit pa sa dinamirami ng masamang salitang binabato sa kaniya. 

Pamilya ng magnanakaw.

Mga buwaya. 

Mga sinungaling.

Iwinaksi ni Max ang kanyang mga iniisip at mabilis na naligo at minamadali na siya ni Aika. Nag-book lang ito ng taxi at pumunta sa Lemonholic— ang pinaka malapit na bar na may mataas na ratings sa lugar nila.

“Sure ka bang afford natin dito?” nangingiming tanong ni Max habang tinitignan ang mga tao roon na sumasayaw sa tugtog at ang iba ay nasa counter lang at umiinom ng tahimik. 

“Of course. Payday kahapon.” She winked. “Order na, si mommy na ang bahala sayo.” Sabay tawa ng malakas. 

“Eww. Stop saying that.” Max grimaced.

Uupo na sana si Maxine sa stool sa harap ng counter ng biglang nagsalita ang lalaki sa tabi niya. 

“Ms. Aika?” His voice was deep enough to mask itself in the bass of the music. Pero narinig ito ni Max dahil sa lapit ng distansya. “I thought I told you to give me the list of potential applicants tonight. Pero bakit ikaw ang nasa harap ko instead of the list?” 

Napalingon ang dalawang babae mula sa kinauupuan nila at doon lang napansin ni Max na kahit sa kanilang pagkakaupo ay hamak ang tangkad ng lalaki sa kanila. 

Ang nakakunot niyang noo at matatalas na mata ang nakapagpa atras kay Aika, “Uhmm, ipa-pass ko po first thing in the morning… Engr. L-Lance.” 

Halata sa mga mata nito na may impluwensya na ito ng alak ngunit hindi pa sapat para matawag na lasing. Naka-unbutton ang shirt nito kaya makikita ang leeg at collarbone may ilang piraso din ng buhok ang naka-frame sa mukha nito nag-emphasize sa itsura niya. 

So, ito pala ang Boss.

Totoo nga pala ng sinabi ni Aika na gwapo ang CEO ng Vanxe Atelier Group pero para kay Max, walang appealing sa nakikita niya ngayon kung paano niya itrato si Aika. 

“Halika na. Uwi na tayo,” bulong ni Max habang hinahatak si Aika. “Mag-work ka na lang tonight para wala ka ng problema bukas.” 

But she was stopped from her tracks when the so-called CEO grabbed her wrist and spun her to face him. “At sino ka naman para sumabat?” nagliliyab ang tingin ng lalaking ito habang mahigpit na nakahawak sa palapulsuhan ni Max. 

Mabilis na uminit ang dugo ni Max, gusto niyang ibaligtad sa kinauupuan ang lalaking ito pero kailangan niyang kontrolin ang temper niya dahil ayaw niya na magkaroon pa ng masamang balita tungkol sa kaniya, “M-Max Solaris—” 

Hindi pa man niya tuluyang nababanggit ang kaniyang pangalan, biglang dumulas ang lalaki mula sa kaniyang kinauupuan, dahilan upang mapasalpok ang mukha nito sa malulusog na dibdib ni Maxine.

Mabilis na bumitas at napaayos ng upo si Lance, at ilang segundo silang nagkatitigan bago biglang napasigaw ang babae.

“AHH! Manyak!”

Napakunot ang noo ni Lance, tuluyang naglaho ang galit sa kaniyang mukha dahil sa gulat.

Hindi niya intensiyong mangbastos ng kahit sino. Manakot, oo. Manindak, puwede. Pero manghipo ng babae nang walang pahintulot? Wala iyon sa bokabularyo niya.

“I’m sorry! I didn’t—”

PAK!

Isang malakas na sampal ang tumama sa kaniyang pisngi, tuluyang nagpahinto sa kaniyang sasabihin.

Napalingon si Lance sa gilid, hindi makapaniwalang sinampal siya ng babaeng hindi man lang nagdalawang-isip na tumakas kasama ang kasama nito. 

Bago pa siya makabawi sa pagkabigla, mabilis na tumakbo palabas ang dalawang babae, iniwan siyang nakaupo roon habang hawak ang namumulang pisngi. 

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


No Comments
6 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status