Share

136. You are not

Author: JMG XXVIII
last update Last Updated: 2025-06-09 23:07:44

Nang magtagpo ang kanilang mga mata, tila nagyelo ang hangin sa paligid.

Nakatayo si David sa di kalayuan—matangkad, gwapo, malamig ang mga mata, at kahit pa kaswal lang ang tindig ay tila ba napaka-intimidating at may mabigat na presensya.

Hindi mapigilan ni Kaira ang panginginig ng kamay habang hawak ang tasa ng tsaa. Ang kanyang mga mata ay nanginginig at umiilag ng tingin, kitang-kita ang kanyang pagkakaguilty.

Iba na rin ang kanyang suot kumpara kanina. Nakasuot siya ngayon ng masikip na pulang bestida na litaw na litaw ang hubog ng katawan. Mababa ang kwelyo, kaya lalong lumitaw ang maputi niyang balat. Ang kanyang mahinhin na anyo ay may halong pang-akit ng isang ganap na babae.

Muli rin siyang nag-ayos ng mukha—mas pulido at mas kaakit-akit.

Ang kabuuan ng kanyang hitsura ay puno ng pang-aakit, at sa unang tingin pa lang, alam mo na agad ang balak niya.

Ngunit isang tingin lang ang ibinigay ni David at saka siya dumaan, binuksan ang pinto ng kanyang kwarto na parang walang nak
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Scumbag Fiancée:Claimed by the Coldhearted Multimillionaire   136. We're the same

    Bahagyang bumukas at muling sumara ang mapupulang labi ni Kaira habang nagsalita, na para bang sinadyang tuksuhin ang lalaki sa harapan niya."Nathaniel, hindi ako mabuting babae… and you, you're nothing but a pervert. A slut and a pervert—don’t you think that’s the perfect match? We’re meant for each other."Parang lumamig bigla ang buong paligid. Nanigas ang mga kamao ni Nathaniel. Umigting ang panga niya, at dahan-dahang tumayo.“Stop it. Just shut your mouth.” Matigas at puno ng galit ang boses niya.Pero hindi natakot si Kaira. Sa halip, mas lalo pa siyang ngumiti, nanunukso, tila tinatanggap ang galit ni Nathaniel na parang haplos lang."Niloko mo lang ako. Kung hindi dahil sa’yo, hindi ko sana paulit-ulit na nasaktan at hindi naintindihan si Arniya..." Malambing pero matalim ang pagkakabitaw ng mga salita niya.Napangisi si Kaira sa sinabi niya, habang si Nathaniel ay napaatras ng bahagya."Inaamin kong ginulo ko ang lahat, pero come on, Nathaniel, you’re not that innocent eith

  • Scumbag Fiancée:Claimed by the Coldhearted Multimillionaire   136. You are not

    Nang magtagpo ang kanilang mga mata, tila nagyelo ang hangin sa paligid.Nakatayo si David sa di kalayuan—matangkad, gwapo, malamig ang mga mata, at kahit pa kaswal lang ang tindig ay tila ba napaka-intimidating at may mabigat na presensya.Hindi mapigilan ni Kaira ang panginginig ng kamay habang hawak ang tasa ng tsaa. Ang kanyang mga mata ay nanginginig at umiilag ng tingin, kitang-kita ang kanyang pagkakaguilty.Iba na rin ang kanyang suot kumpara kanina. Nakasuot siya ngayon ng masikip na pulang bestida na litaw na litaw ang hubog ng katawan. Mababa ang kwelyo, kaya lalong lumitaw ang maputi niyang balat. Ang kanyang mahinhin na anyo ay may halong pang-akit ng isang ganap na babae.Muli rin siyang nag-ayos ng mukha—mas pulido at mas kaakit-akit.Ang kabuuan ng kanyang hitsura ay puno ng pang-aakit, at sa unang tingin pa lang, alam mo na agad ang balak niya.Ngunit isang tingin lang ang ibinigay ni David at saka siya dumaan, binuksan ang pinto ng kanyang kwarto na parang walang nak

  • Scumbag Fiancée:Claimed by the Coldhearted Multimillionaire   135. Tofu

    Mahaba pa ang buhay. Dalawampu’t walo pa lang si David. Kapag natikman na ang tamis ng laman at napukaw ang lahat ng senswal na damdamin, baka tuluyang maging bukas ito sa mga babae. At kung tutuusin, sa laki ng pera ni David, sino bang makakapagsabi kung ilan pa ang kaya niyang itago?“Ha? Ano’ng sabi mo?” tanong ni David, dahil narinig niya ang bulong.Umiling si Arniya. “Wala. Ang sabi ko lang, puro tsismis lang ang sinasabi ni Nathaniel. Wala akong pinaniwalaan doon.”Hinaplos ni David ang ulo niya at pinatong siya sa sahig nang marahan. “Good girl. Yung mga ganyang tao—hindi mo dapat sinasama. Gusto lang nila guluhin ang totoo, manira ng tao, at mag-imbento ng kwento. Kung ngayon, ako ang tsitsismisin niya, bukas baka ikaw na. Kaya sa susunod, layuan mo na ang taong ‘yan, okay?”Tumango si Arniya. Nakita iyon ni David at bahagya siyang nakahinga ng maluwag.Nathaniel, gago ka.Kahit nakita mo na kaming magkasama ni Arniya sa kama, may gana ka pa ring tsismisin ako? Lagot ka sa ak

  • Scumbag Fiancée:Claimed by the Coldhearted Multimillionaire   134. Secret Lover

    Oo, nag-eenjoy siya—pero mas masaya ba siya kesa sa’yo? At least siya, hindi pa sumipot sa engagement party para lang makipaglandian sa fiancée ng iba. Anong silbi ng “affair” kung ang ka-affair mo eh sarili mong fiancée sa harap ng napakaraming tao?“Kahit ano pa ‘yan, mas okay pa rin siya kesa sa’yo.”Pagkatapos niyan, hinila ni Arniya si Sara palayo.Si Nathaniel, nakatitig lang sa likod ni Arniya. Pilit niyang pinipigil ang sarili. Huminga siya nang malalim, pero hindi pa rin mawala ang pamumutla ng mukha niya. Para bang may kuliglig sa loob ng ulo niya na hindi mapatay.“Grabe ka! Literal na pumatay ka na ng lahat—ng feelings!” Sabi ni Sara habang hawak-hawak ang kamay ni Arniya. Nagkunwaring buntong-hininga pero biglang humagalpak sa tawa. “Solid ka, girl! Ang galing mo talaga!”Napangiti si Arniya.“Teka, nagbago na ba si Nathaniel? Na-realize na ba niya na ikaw ang true love niya?”Napangiwi si Arniya, halatang naiinis. “Yuck. Ang creepy mo, sobra.”Nang makita ni Sara ang rea

  • Scumbag Fiancée:Claimed by the Coldhearted Multimillionaire   133. David is a Gay?

    Nang banggitin iyon ni Nathaniel, parang may humaplos sa puso ni Arniya. Parang biglang bumalik sa kaniya ang lahat ng sinabi ng kaniyang ina noong bata pa siya.Noon, masigla at malusog siya. Pero matapos mamatay nang maaga ang kaniyang ama at lolo, natakot siyang baka pareho rin ang kahinatnan niya. Ayaw niyang iwan ang magiging asawa, anak na lalaki, at anak na babae—kaya't bata pa lang siya, pangarap na niyang magkaroon ng malaking ipon.Oo, totoo naman. Hindi lahat nabibili ng pera... pero kung meron ka nito, mas ligtas, mas masaya, at mas malaya kang mabuhay.Naalala niya kung paanong pinapaalala ito sa kaniya ng ama niya—isang mahusay na doktor na palaging nag-eehersisyo, laging naka-smile, laging sinasabi, “Daddy will live until a hundred, Belle.”Pero nagbiro ang tadhana. Sa kasibulan ng buhay nito, pumanaw ang kaniyang ama... kasabay ng pagkawala ng asawa nito—ang ina ni Arniya. Wala na silang dalawa.Namumugto ang mata ni Arniya. Namumuo ang luha habang tahimik siyang nakat

  • Scumbag Fiancée:Claimed by the Coldhearted Multimillionaire   132. Emergency Money

    Hindi ko pa siya nakikita buong araw, pero bakit ganito na ang itsura niya?Magulo ang kanyang kilay, namumula ang mga mata, at maga ang kanyang mga talukap—halatang hindi lang siya basta umiyak, kundi ubos-luha. Para siyang tuyong dahon na tinangay ng hangin, lutang at walang saysay ang mga galaw. Kitang-kita ang matinding pagod sa mukha niya, hindi lang pisikal, kundi pati emosyonal—parang gusto na lang niyang maglaho."Arniya..." mahinang tawag ni Nathaniel. Paos ang boses niya, parang basag. "Can we talk? Just the two of us, please?"Agad na humakbang si Sara palapit at mahigpit na hinawakan ang kamay ni Arniya. Hindi maipinta ang mukha niya—halatang puno ng pag-aalala, pero may halong inis."Bakit mo siya gustong kausapin nang kayong dalawa lang? Para ano? Para murahin? Saktan ulit? Sinasabi ko sa ’yo, Nathaniel, hindi mo teritoryo ’to. Kaya kung may balak kang kalokohan, mag-isip ka muna!"Napayuko si Nathaniel, at isang mapait na ngiti ang gumuhit sa kanyang labi—parang kinain

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status