Share

Chapter 4

CHAPTER 4

Kunot na kunot ang noo ni Sebastian nang makatanggap siya ng text message mula sa kanyang sekretarya na nagtatanong kung pupunta pa ba siya sa opisina. 

Magpapaalam daw kasi ito na magha-half day lang. 

Anong gagawin nito ngayong hapon? Makikipag-date sa lalaking pinabantay niya sandali nang madala niya ito sa clinic?

Sana pala ay pinalayas na niya si Arnaiz nang sumunod ito sa kanya. 

Kumuha lang naman siya ng doktor kaya siya umalis ngunit pagbalik niya ay hawak-hawak na ni Neshara ang kamay ng lalaki. 

Nag-init ang ulo niya nang makita si Neshara na umagang-umaga ay nasa working area ng Arnaiz na iyon at may pabigay-bigay pa ng cake. 

Are they an item? Dating?

Ilan ba ang dine-date ngayon ng babae? Narinig niya pa kanina na may sinasabihan ito ng I love you sa telepono. 

Sh!t talaga! Hindi pa man lang nga siya nakagalaw, marami na palang nakapila. 

Neshara Fil Mijares is  making him crazy. F ucking crazier than before. 

“Hindi ka aalis. Double check the estimated finances for the reconstruction of the lab.”

Humugot ito ng malalim na hininga sa kabilang linya. 

Lintik! Kalmadong-kalmado habang siya ay umuusok na ang ilong sa driver seat ng kanyang kotse.

“Financial Department po ang gagawa no’n, Sir.”

“I said double check. You’re my secretary. I am ordering you to double-check that d amn money.”

“Sir, may importante po akong lakad ngayon,” mariin nitong sabi.

“Resign then.”

“Tapos paalisin mo kaming lahat?” Now, she’s talking back!

“Exactly.”

Narinig niya ang mahihinang pagmumura nito na hindi niya naman pinansin. 

Nang ibinaba nito ang tawag ay saka naman niya ni-dial ang tao niya sa loob ng MedBrain.

“Report to me kung umaalis ba sa working station niya si Mr. Purisima.”

Dinagdagan pa ng mainit na panahon ang init ng ulo niya. Mabigat ang traffic sa Naga City. 

D amn it! 

Hindi naman ganon dati ang siyudad ng Camarines Sur. 

Nang ipinatapon siya ng mga magulang sa probinsya, ay maluwag palagi ang kalsada. Ngayon, malapit ng mag-ala una y medya ng hapon ay nasa gitna pa rin siya ng kahabaan ng highway. 

Late na late na siya sa event na pupuntahan. 

Sana pala ay nagsabi na lang siya sa principal ng King Royale School na maghanap na lang ang mga ito ng ibang guest speaker kung alam niyang mai-ipit siya sa daan. 

Isa ang nasabing paaralan sa mga pribadong institusyon na inii-sponsor-an ng Rocc’s Corporation. Hindi pwedeng hindi siya sumulpot dahil personal na hininging pabor iyon sa kanya ng ina. 

Inanunsyo ang pagdating niya. Kapagkuwan ay sinimulan na ang program ng King Royale School’s Foundation Day. 

‘Sir, Mr. Purisima went to Ms. Mijares’s table.’

Gigil na ni-dial niya ang numero ng tao niya kahit pa nagsisimula na ang programa. Tumayo siya at sinenyasan ang punong-guro na lilipat muna sa ibang lugar para marinig niya ang sinasabi ng kausap.  

“Bigyan mo ng memo na huwag siyang papasok sa kompanyang iyan ng kalahating taon.”

“Sir, baka magreklamo sa DOLE.”

“Wala akong pakialam. Papasakan ko ng pera ang bibig.”

Agad sumunod ang kanyang kausap nang tumaas na ang kanyang boses. Sigaw lang pala ang katapat, kokontrahin pa siya. 

“Teacher, barrow ko po ang cellphone mo. Bidyow mo po ako.”

Napalingon siya sa batang lalaking may hawak-hawak na violin. Hinihigit-higit nito ang laylayan ng uniporme ng teacher nito.  

“Hindi ko pa po nakikita si Mommy. Baka busy po siya sa work. Okay lang, Teacher. Nonood na lang siya ng video.”

“Ay, Sevi. Sorry, naiwan ni Teacher ang cellphone.”

Kumurba ang maliit na bibig ng bata at napayuko. “Gusto po ni Mommy ko na nonood niya ako mag-violin.”

Tumaas ang sulok ng labi ni Sebastian nang mapagmasdan kung paano nito hawakan ang instrumento. Mukhang alam ang ginagawa at sanay na magpatugtog niyon. 

“Ganito na lang, maghahanap na lang ako ng may cellphone para video-han ka. Okay ba iyon?”

Mabait na tumango ang bata. 

“Maghanda ka na kasi ikaw na ang susunod. Galingan mo, ha?”

Nang tuluyang makapasok ang dalawa sa backstage ay bumalik na rin siya sa kanyang kinauupuan.

“Let’s give applause to our talented young boy from Grade 1-A, Sevi.”

Awtomatikong itinaas niya ang kanyang cellphone para kunan ito ng video.  

Tumayo ng tuwid ang bata sa gitna ng stage. Dalawang ulit nitong pinasadahan ng tingin ang manonood bago inabot ang microphone.

“Wala po si Mommy ko,” wika nito sa malungkot na boses. “Bi-bidyow niyo po ako, ha. Para nonood siya. Lab kita mommy ko.”

Halos lahat ng nasa hall ay naglabas ng cellphone na ikinamangha niya. Hindi lang pala siya ang nagpadala sa inosente nitong boses.

“That kid is one of our best students here in King Royale,” mahinang bulong sa kanya ng Principal. 

“How old is he?” 

May pagmamalaki ang ngiti ng punong-guro nang lingunin siya. 

“Five. Dapat nasa kinder pa lang siya but we accelerated him to grade one. After their exam this month, we are planning na i-accelerate na siya sa grade 3. Sana nga lang ay hindi kami magkaproblema sa nanay niya. His mom wants Sevi to enjoy his childhood as possible. Naiintindihan ko naman kasi single mother.”

Itinuon niya ang buong atensyon sa bata. Nakapikit ito habang tumutugtog. 

The weird thing was, he can actually remember his little self with him. He used to be a genius kid and loves to play violin—an overachiever in grade school.

Tinalikuran niya ang lahat ng iyon nang magrebelde siya. 

Nagpalakpakan ang mga manonood nang magalang na nag-bow si Sevi bago ito umalis sa stage. Nagpatuloy ang iba pang performance ngunit ang atensyon niya ay nasa video file ng batang iyon sa kanyang cellphone. 

Nagbigay siya ng kaunting speech tungkol sa patuloy na pagsuporta ng Rocc’s Corporation sa eskwelahan. Pagkatapos, ay niyaya na siya ng principal na kumain kasama ang mga estudayante at mga magulang na dumalo.  

“Teacher, ayaw ko po niyan. Hindi po ako makaka-breathe kasi may peanut butter.”

Hindi niya maalis ang tingin sa batang Sevi ang pangalan. May kung ano ang bata na parang hinihila ang atensyon niyang ituon dito.

“Okay. Ito na lang chicken at saka cake.”

Mabait naman na kinuha ni Sevi ang platong ibinigay ng Teacher nito. 

“Thank you po, Teacher.”

Sumama ito sa iba pang bata na nasa mesa. 

Sebastian noticed the kid’s green eyes. Green, just like him. 

“You’re so good playing violin, Sevi,” kilig na kilig ang batang babaeng katabi nito  na ikinataas ng sulok ng labi niya. 

Lalo pa nang nilingon ito ni Sevi at malambing na nagpasalamat. “Thank you. Magaling ka rin sumayaw.”

Sebastian chuckled when the little girl’s cheeks reddened. 

Halos kumislap pa ang mata ng batang babae habang nakatingin kay Sevi na mukhang walang ideya na maraming nagkaka-crush dito.

Tumayo siya nang makita niyang tumayo ito at nagpaalam na pupunta sa comfort room. 

Nagulat pa si Sevi nang makita siyang nakatayo sa harapan ng lavatory. 

Bumadha ang rekognasyon sa mga mata nito at ngumisi sa kanya. 

This kid was adorable.

“Ikaw po iyong bisita,” wika nito sa kanya. 

Hindi siya agad sumagot bagkus, ay pinanood niya itong umakyat sa plastic stair para maabot nito ang sink. 

“You need help?” tanong niya nang mapansing hindi nito abot ang disinfectant. 

“Aabot ko po ang sabon.”

Kinuha niya ang inaabot nito. Agad namang naghugas ng kamay ang bata. 

Halata sa kilos na maagang natuto sa mga bagay-bagay. 

Wala naman itong reklamo nang kargahin niya pababa. Kapagkuwan, ay tiningala siya.

“Ano po ang name mo?”

“You shouldn’t talk to a stranger. Your mom didn’t tell you that?”

“Hindi naman ikaw stranger, Sir. Kilala ka ni Teacher po saka ni Ms. Principal. Bi-video ka kanina di ba?”

“Yes.”

“Send mo po sa messenger ng mommy ko, ha?”

“You don’t have a phone?”

Umiling ito. “Baby pa ako ni Mommy ko po. Bawal pa ng sariling phone.”

Kumapit ito sa kanyang kamay kaya napatingin siya roon. 

There was a strange feeling sinking in his system. 

May kung ano sa presensya ng bata na hindi niya matukoy. 

“Mommy said, she’ll come po. Pero tapos na ako mag-play ng violin, wala pa siya. Baka marami siyang work, hindi niya agad natapos.”

“What do you feel about that?” Tumigil siya sa paglalakad nang madaanan nila ang bench. 

Ayaw niya munang bumalik sa loob. Gusto niya pang makausap si Sevi. 

“Sad po pero I understand my mommy naman. Wo-work kasi po siya ng marami para may food kami at saka house tapos pang-school ko.”

Tumaas ang sulok ng kanyang labi at bahagyang ginulo ang buhok nito. 

“Heard you’re a genius kid.”

“Kaunti lang po, Sir—”

“I’m Sebastian.”

“Mana po ako kay Mommy ko na very pretty, best pa na mommy, Sir Seb.”

He chuckled with his bubbliness. “You have friends here?”

“Few lang po. Some said I’m freak. Bad ang pagsabi ng freak po di ba?”

“Yeah.”

Lumabi si Sevi—no, mas mukhang naiirita ito sa mga nambu-bully rito.

“They don’t like to be friends with me.”

“How about you’ll go to school for smart kids like you?”

Umiling si Sevi. “Ayaw ko po, Sir Seb. Magka-cry po si Mommy. I don’t like her crying. She’ll work very hard too. I don’t want her to be tired.”

Hanga na talaga siya sa bata. 

Amuse siyang tumawa at muling ginulo ang buhok nito. 

“She seems amazing. I want to meet your mom.”

Tinitinigan siya nito ng ilang sandali bago bumusangot sa kanya. 

Tumalim ang tingin sa kanya ni Sevi, naglapat ang maninipis nitong mga labi. 

“Ayaw ko mag-boyfriend Mommy ko!”

Gulat na nasundan niya na lang ito ng tingin nang nanakbo ito paalis.  

Mga Comments (9)
goodnovel comment avatar
Calista Dale
goods yan baby.. no boyfriend for mommy ha evwn kay daddy mo ayawan mo din haha
goodnovel comment avatar
Bella Martinez
anu kau ngaun..nga nga ky sevi..
goodnovel comment avatar
Virginia Barrientos Lumapas
Ayan ang napapala NG mga Mayamang arestokrata mapaghosga sa mahirap
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status