"Mateo, ginabi ka na naman---"
"Ano naman ngayon sa 'yo kung ginabi ako?"
Napalunok ako sa naging sagot sa akin ng asawa ko. Unti unting namuo ang luha sa aking mga mata dala ng malamig na pakikitungo niya sa akin. Nagyuko ako't napapikit upang mapigilan pa ang pagluha ko.
Limang buwan na kaming kasal, ngunit sa loob nang mga panahong 'yon ay tila hindi pa yata ako natututunang mahalin ni Mateo magpasa hanggang ngayon. Sa loob ng limang buwan tila galit at pagkasuklam pa rin ang namumutawi sa kaniyang damdamin patungo sa akin.
Bahagya akong nagtaas nang tingin at pinanood siyang mag-alis ng kaniyang sapatos. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko't nakailang beses pumikit pikit dahil sa panlalabo ng aking mga mata.
Hanggang kailan ba ako mamamalimos ng atensyon sa sarili kong asawa? Bakit ba ganito na lang kalala ang pagkadigusto niya't halos hindi niya na ako kinikilala bilang kabiyak niya?
Ngunit sabagay, kailan nga ba ako naging asawa niya sa kaniyang paningin? I wasn't even treated like one by him.
Napailing ako't pasimpleng suminghot.
"A-Ako kasi. Parang lagi ka na lang nasa opisina mo. May bahay ka rin naman, kung maaari sana, dito ka na lang gumawa sa bahay---"
"Inuuwian na nga kita, ang dami dami mo pang sinasabi. Tigilan mo ako, Fayra. Kung dito ako magtra-trabaho sa bahay, baka wala akong matapos, lalo na't hindi naman bahay ang pakiramdam ko sa lugar na ito. Para 'tong kulungan sa akin, tch."
Parang akong binarahan sa lalamunan sa narinig. Kung gayon ang tingin niya sa bahay namin, ano pa kaya ako na lagi na lamang nandito at naghihintay sa kaniya? Kung anong nararamdaman niya dito sa bahay gano'n din naman ako, mas dinaig ko lang nga ang isang preso dahil sila, laging may dalaw, samantalang ako, mistulang inabanduna na mag-aantay na lamang kung kailan balak dalawin.
"Kumain ka na ba? Ahm, nagluto si Manang Celly, halika't maghapunan na tayo. Sakto pala ang iyong uwi, mainit init pa ang ulam at kanin." Pilit ang ngiting yaya ko ngunit isang matalim na tingin ang iginawad niya sa akin.
"Pati ba naman ang pagluluto ay si Manang Celly pa rin? Anong klase ka bang babae at bakit hindi mo magawa ang nga simpleng gawaing dapat at sa 'yo, Fayra? Ha?" Mababakasan ang galit sa kaniyang boses habang ang mga mata'y nag-aalab. "Walang wala ka talaga sa kalingkingan ni Rose. No wonder why all of us, Vejar, are drooling for her to become our wife, malas ko lang at ikaw ang ipinagkasundo sa akin."
"Huwag mo namang sabihin 'yan sa harapan ko, Mateo. Asawa mo pa rin ako."
"Asawa sa papel. Hindi porket pinakasalan kita ay kasama na doon na magiging iba ang pagtrato ko sa 'yo, Fayra. Hindi gano'n 'yon."
"Ngunit sobra ang mga salita mo. I'm still trying to do all the stuff here, Mateo. I'm still learning, kung sana ay nandito ka palagi, makikita mo rin na nagsusumikap akong gampanan ang lahat para sa 'yo."
Sumilay ang ngisi sa kaniyang labi. "Should I be thankful then?" Sarkastiko niyang tanong.
"H-Hindi naman 'yon ang ibig kong sabihin." Napapayukong sagot ko.
"You know what, I don't care if you're trying or not, Fayra. Manang Celly was here. She was enough for me. I don't need you to care for me. After all, I have Rose. She's more than enough because she can take care of me more than anyone could. "
Pagkasabi niya no'n ay mabilis itong umalis ng sala at dumiretso na paakyat. Isang mainit na patak ng aking luha ang naramdaman kong gumuhit sa aking pisngi habang nakasunod ang paningin ko sa unti unting pagkawala ng bulto ni Mateo sa aking paningin.
Ang bigat ng aking pakiramdam ay mas dumoble pa ata ngayon dahil sa mga narinig ko mula sa kaniya. Masyado naman siyang below the belt, grabe naman 'yong pagpapamukha niya sa aking mas matimbang ang kaibigan kong si Rose sa kaniya. Nakakasama siya ng loob. Ang sakit sa loob.
"I'm the one who's here, Mateo, but why do you always compare me to her whenever there's something in not good at? I'm your wife, but why... but why do i feel like I'm hanging?"
Wala akong nagawa kung hindi ang lumabas ng bahay at dumiretso sa comfort zone ko, ang halamanan. Umupo ako sa may swing at doon idinuyan ang sarili ko habang ninanamnam ang sariwang hangin ng gabi. Nawala ang pagkagutom ko sa buong araw na ito, tila nabusog ako sa pakikitungo ni Mateo sa akin. Payak akong napangiti at napailing.
Hanggang kailan ba ako magdurusa? Hanggang kailan ako manglilimos? Maaari bang matapos na ito bukas?
Ang gusto ko lang naman ay magkaroon ng maayos na buhay kasama ang taong mahal ko, ngunit bakit ayaw ipagkaloob sa akin ng tadhana ang isang ito? Naging mabait naman ako sa lahat, naging mabuti at masunuring anak naman ako, maging sa ibang tao ay maayos akong nakikitungo, ngunit bakit ganito ang buhay may asawa na ibinigay sa akin? Ano bang nagawa kong mali at ganito ang parusang kapalit?
"Hija, hindi ka pa ba kakain? Wala kang umagahan, at tanghalian, masyado na ring gabi, baka naman magkasakit ka na sa ginagawa mong 'yan."
Napataas ang tingin ko kay Manang Celly. Isang ngiti ang ginawa ko at muling pinagmasdan ang maliwanag na buwan.
"Manang, kung sakaling kumain ba ako ngayon, pati ba itong nararammdaman ko ay mabubusog din?" Payak kong tanong. Mula sa gilid ng aking paningin ay nakita kong nanlambot ang ekspresyon ng mukha ni manang.
Napayuko ako at ayon na naman ang mga luhang nag-uunahan sa pagkawala sa akin.
"If ever that happens, ikakain ko na lang nang ikakain ito para mabusog ang puso ko't hindi na mangulila pa at sa pagkakataong 'yon, siguro hindi na ako malulungkot, right manang?" Tanong ko ngunit nakayuko pa rin.
Ramdam ko ang marahang haplos ni manang sa aking likuran. Mas lalo akong napaluha.
"I did everything manang, I tried everything, I even swallowed my pride and worth para lang sa relasyong gusto kong mabigyang buhay, pero bakit... bakit ang sakit sakit? Bakit kailangan sakit ang kapalit?"
Napahagulhol ako at tila muli akong naging bata na inagawan ng candy. Natatawa na lang ako sa sarili ko dahil alam kong mukha na akong kaawa awa ngayon.
"Hija, kung masakit na, huwag mo nang pilitin. Alam kong dapat ipinaglalaban ang pagmamahal sa isang tao, ngunit kung mismong siya na ang may ayaw sa 'yo ano pa bang magagawa mo? Hindi na tadhana ang kalaban mo dito, mismong damdamin na ng taong minamahal mo, anak." Haplos ni manang sa aking likod.
Natahimik ako.
"Huwag kang masyadong magpakababa, Fayra. Matalino kang bata, huwag mong sayangin ang oras at sarili mo sa isang taong ayaw kang pahalagahan. Isalba mo ang sarili mo, anak, habang hindi ka tuluyang lumulubog."
Katahimikan ang sunod na lumukob sa aming pagitan ni manang. Paano ko magagawang hindi magpakababa kung ang nais ko lang naman ay si Mateo, na bigyan din ako ng pansin kahit na minsan? Mahirap ang sinasabi ni manang. Ni kahit mga paa ko nga ay ayaw tumakbo palayo sa masakit na agos ng buhay ko ngayon.
Ilang taon din ang aking hinintay bago ko nakapiling ang taong ninanais ko noon, ilang taon akong nasaktan at hindi ko inaakala na wala pala iyong katapusan kahit pa ngayong nasa isang bubong na lamang kami. Ang pinapangarap kong kalinga na ibinibigay ni Mateo kay Rose noon, ay pinapangarap ko pa rin hanggang ngayon sa kasalukuyan. Akala ko noong mga panahong nasa harap kami ng altar ay mararanasan ko rin ang pag-aalaga niya at ginagawang pakikitungo kay Rose, ngunit hindi pala.
"Aakyat na po ako manang, kayo na lamang ho nila Mira ang kumain at isabay niyo na rin si Mang Jose." Ayos ko sa aking sarili at isang malungkot na pagkakangiti ang iginawad ko kay manang.
Hindi na ako nag-hintay pa, mabilis kong tinahak ang papasok sa bahay at mabilis na umakyat. Ngunit bago ko pasukin ang aking kuwarto ay napadaan muna ako sa silid ni Mateo na nakaawang ang pinto. Wala sa sariling humakbang ako palapit at kaunting sumilip.
Mula sa aking kinatatayuan ay kitang kita ko ang nakatalikod na bulto ni Mateo habang panay ang pagtitipa niya sa kaniyang phone, hindi na ako nagulat nang maya maya ay tumunog iyon at hindi naman magkamayaw na sinagot ni Mateo ang tawag.
Napayuko ako at hinila nang marahan ang kaniyang pinto at kasabay din no'n ay ang pagkakarinig ko sa masayang pagtatanong niya sa araw ng pinakamamahal niyang si Rose.
"Kumusta ang araw mo, Hon? Ayos ba ang niluto kong pagkain mo kanina?"
Napailing ako sa narinig at nilisan na ang pwestong kinalalagyan ko. Nasapo ko ang aking dibdib. Ako ang asawa ngunit ni minsan ay hindi man lang niya ako pinagsilbihan ng ganiyan.
Hindi ko mawari kung ano bang paglalagyan ko sa buhay niya. Masyado niya akong inaabanduna dahil alam niyang hindi naman ako susuko dahil mahal ko siya. Nakakapagod. Ngunit anong magagawa ko? Ayaw namang mamahinga muna ng aking sugatang puso. Gusto pa rin nitong lumaban, kahit masakit na.
"Bakit kasi ayaw mo pang iwanan ang Vejar na 'yan, Fayra? Martyr ka pa sa martyr sa totoo lang talaga."Napanguso ako sa sinabi ni Lyden. Halata ang pagkainis sa tono niya. Hindi na bago sa akin ang ganitong linyahan niya, simula noong nalaman niyang hindi pa rin kami ayos ni Mateo bilang mag-asawa ay lagi niya na lang akong pinapakalas sa sitwasyon kong ito. Hindi ko rin naman siya masisisi kung may inis siya sa asawa ko, sa lahat ng tao sa buhay ko, si Lyden ang nakakapansin ng totoong pagtrato ni Mateo sa akin. At nag-umpisa 'yon sa reception ng kasal namin. The day after I received my college diploma, my parents made the decision to arrange my marriage to one of Don Madeo Vejar's grandsons. At walang iba 'yon kung hindi si Mateo Alarkin Vejar. Sa reception, hindi niya ako kinikibo, ni hindi niya man lang nga ako inalalayan gayong napakahaba ng gown ko. Si Lyden ng mga panahong iyon ay nakita ang lahat nang naging gawi ni Mateo, kinompronta niya ito at nagkasagutan silang dala
"Would you mind if I sit here?"Isang payak na ngiti ang iginawad ko kay Morgan at marahang umiling, hindi na ako nagtangkang sumagot dahil pakiramdam ko wala akong balak magsalita ngayon.Habang pinagmamasdan ko ang pagkakaupo ni Morgan sa aking tabi ay panay naman ang laklak ko sa kape ko. Nang makitang ayos na siya sa kinauupuan niya ay muli kong ibinalik sa maalong dagat ang aking paningin at hinayaan ang mga mata kong panoorin at pagsawaan ang napakagandang umagang biyaya ng kalangitan ngayon sa akin. Isabay pa ang may kalakasang ihip ng hangin na nagbibigay ng perpektong sangkap sa umagang ito.Sana ganito lagi ang mamulatan ko. Itong parte nang kalikasan ang nakapagbibigay pakalma sa magulo kong kalooban at sa magulo kong isipan.Nasa isang resto kami. Open resto na malapit sa dagat kung kaya't napakaganda ng view. Tahimik din kahit parami na nang parami ang nagsisidatingan na mga tao, na sa palagay ko'y mag-u-umagahan na rin."Kape ka lang?""Oo," sagot ko't sinuyod ng tingin
Sandali pa akong namalagi at nang marinig ko ang boses ni manong na nagtatawag ay agad naman akong tumayo upang salubingin siya. Nang makabalik kami ay wala akong balak na umakyat agad at magkulong na namang mag-isa sa kuwarto namin. Malungkot doon, ayaw ko namang dalhin ang kalungkutang nakapaloob dahil baka tuluyang mabaliw na ako.Naagaw ng paningin ko ang kabilang banda ng Isla. May mga souvenirs shop ang nakahelera at dagsaan ang mga tao.Sinubok kong lumapit at gano'n na lamang ang galak ko nang makita ang iba't ibang key chain, necklace at iba pang maaaring maging abubot na inspired sa mga shells. Namulot ako ng isa at isinukat iyon, napangiti ako sa itsura ng isang bracelet sa aking pulsuhan."That looks great on you." Aniya ng isang boses.Agad na naagaw no'n ang paningin ko't napakunot naman ang noo ko nang hindi ko mahagilap kung kanino galing 'yon."In front of you, Ma'am." Pagkasabi no'n ay napatingin ako sa tindero.My jaw dropped as I realized who was behind that deep v
"Are you happy, Fayra? Masaya ka ba dahil nagkasakitan pa ang magkapatid kagabi ng dahil sa 'yo? Napangisi ako sa sinabing iyon ni Rose. Parehas kaming nasa may buffet ngayon. Mula sa gilid ng aking paningin ay kitang kita ko ang seryoso niyang ekspresyon habang pumipili ng kaniyang pagkain. Two days since we've been staying here, it's only now that the four of us have eaten at the same time. But it was interrupted because the two had a sudden meeting and were still at the hotel, so Rose and I were left alone. This is the ugliest morning and breakfast I've ever had.When I finished choosing what to eat, I went to the table prepared for us. I didn't bother to give Rose a look because I feel like my blood is about to boil for her again, as the scenario of her being together with Mateo last night comes back to me."Nakuha mo na si Mateo, pinag-aaway mo pa ang dalawa. Ano ba talagang gusto mong mangyari, Fayra?" Tanong niya pa. I didn't answer even more. I don't feel like talking to he
While I was looking out the car window back home, I was just silent. It started when we got off the plane. I have no intention of moving. I have no words and no strength to speak now. And one more thing: the words he said to me yesterday were too painful to get out of my mind right away. Those words were worse than the three daggers that could be thrust into me.Ngayon tuloy ay napapaisip ako.Am I truly worse off than Rose?It was like I was bombarded again and again every second I remembered Mateo's words to me. There is some truth in what he said, but I am confused if it is true that I am called a paid woman because my family received money from Don Madeo after the wedding. Am I really that low, even though I didn't use it? Is that the label?Ngunit sa pagkakaalam ko ay regalo lamang iyon ng kanilang pamilya, sa pagkakaalam ko rin ay ginagawa nila iyon dahil sa tradisyon na kanilang nakasanayan at sinusunod. Na kung ang ikakasal mula sa kanilang angkan ay isang lalaki, magbibigay s
CHAPTER 03"If I we're you I'll stick to my plan na, magalit man sila, deserve naman nila ang gagawin mo. After all, mas tutulungan mo pa nga sila, and by that, you may leave the Vejar's circle at any time.""And that is not going to happen, Lyden." Agarang pagsagot ko. "Kaya hindi ko magawang sabihan si Morgan ay dahil na rin sa magiging kalabasan. Kung ibubuking ko sila, Mateo and Rose will leave happily, lalo na't sa ngayon ay alam kong unti unti nang nawawalan ng pakialam si Mateo sa mana niya."A few days had passed after we went to their mansion, ay mas lalong naging malamig si Mateo sa akin, there are times that he will go back to our house with a lot of hickeys on his neck. He knows that I will never react to that, so he didn't even try to cover it up.Ipinagwawalang bahala ko na lang 'yon kaysa sa dumada ako gayong alam ko namang walang pakialam si Mateo. Buti na lang din ay mabilis na gumana ang utak ko, I know Mateo will be irritated if I mess with him, at mailalagay ko lan
"Hindi ka pa ba uuwi dito hija? Masyado nang sinosolo ng kalaguyo ng asawa mo ang dapat na sa iyo. Aba'y, Fayra. Umuwi ka na."Napabuntong hininga ako sa naging salita ni Manang Celly. Halata sa boses niya ang matinding inis. Ngunit ano namang magagawa ko? Ni hindi ko pa nga alam kung handa na ba akong makaharap silang dalawa. Kakayanin ko ba? Nasapo ko ang noo ko. It's so hard to decide when I'm torn between all the choices."Antabayan niyo na lang ho ako mamaya, Manang. Uuwi ho ako." Lakas loob kong saad na ikinatuwa naman ni Manang Celly sa kabilang linya."Oh, siya sige. Ako nang bahala dito, tumawag ka kapag malapit ka na. Hindi ko kayang pakisamahan ang babaeng ito, kaya't mabuti talagang makauwi ka na."Sandali pa kaming nagkausap ni Manang, pagkatapos ay ako na rin mismo ang nagbaba sa tawag. Nilingon ko si Lyden na nakamasid lang habang nagtitimpla ng kape namin. Ngumiti ako sa kaniya at lumapit sa hapag.Wala kaming kibuan. Hindi na rin ako nagtangka pa dahil dumating ang fi
Ako naman ay muling bumalik sa pagkain ko't panay ang tapik sa lamesa nang mabosesan ko ang hindi ko inaasahang panauhin kailanman. "Hon, nakikiliti ako, tumigil ka nga muna!" Pasigaw na suway nito ngunit sinundan ng malalanding hagikhik. "Ang bango bango mo, talagang pinaghandaan mo ako ah." Napaarko ang kilay ko sa narinig, tumayo ako at inilapag sa sink ang platong pinaglagyan ng pinagkainan ko. Isang makahulugang tingin naman ang iginawad ni manang sa akin bago ako tuluyang makalabas ng kusina. "S-Stop, Mateo! Gosh, s-stop!" Halinghing pa na mas lalong nakapagpataas ng aking kilay. Dirediretso akong lumiko sa pesteng pasikot sikot na bahay na ito, ngayon lang ako nainis sa bahay dahil sa pagkalaki laki nito, hindi ko man lang mabilisang masisilip kung ano ang nangyayari sa ibang pasilyo ng kabahayan. "Kuya Mateo!" Dinig kong sigaw ni Mira sa pangalan ng aking asawa. Sumakto din na nasa bakuna na ako ng sala at doon ko nakita ang nakapatong kong asawa sa dati kong kaibigan.