Mateo's POV"Ilang araw nang nasa sa 'yo 'yan, bro. Parang wala kang balak na ibigay 'yan kay Fayra."Nag-angat ako ng tingin kay Morgan na kakapasok lang sa opisina ko. Binuksan ko ang drawer at ipinasok ang hawak hawak ko doon. Inabot ko sa kaniya ang mga papeles na tapos ko nang pirmahan kani-kanina lang. "Naghahanap lang ako ng tama panahon. At hindi naman sa wala akong balak. Hindi pa ata handa si Fayra na muling matali sa akin." Malungkot kong saad. Umupo ito sa may couch at pinag-cross ang dalawang binti habang ang paningin ay nasa akin. "Isang taon na kayong nagsasama after mong bumalik. Hindi ka pa rin sigurado kung gusto niya ba o hindi?" Takang tanong niya. Napasandal ako sa upuan ko at napabuntong hininga. "Pakiramdam ko lang naman. May mga times kasi na parang ilang pa rin siya about some things. Maybe because akala niya bumabalik kami sa dati." "That's bad, bro. Don't you think it's a sign?" Napakunot ang noo ko. "A sign of what?" "A sign that you should leave he
Siguro nga dapat munang dinahan dahan muna namin ang lahat. Hindi nagpadalos dalos sa bugso ng damdamin upang hindi kami makagawa ng ubod ng kapusukan. Marami akong natutunan. Natutunan na isa na doon ang pahalagahan ang sarili. Isalba hanggat kaya pa. Dahil sa huli, ikaw lang sa sarili mo ang tutulong mismo sa 'yo. Wala nang iba pa. Hindi ko alam kung kaya ko bang kalimutan pa ang nakaraan na nagturo sa akin maging matatag at tumayo sa sarili kong mga paa. Ngunit hindi na nga ata mawawala sa akin ang nakaraang gusto kong ibaon na ng tuluyan dahil kasama ko na ito hanggang sa ako'y mabawian ng buhay. Cheating is a choice na hindi mo puwedeng sabihin lang na hindi mo sinasadya o kaya natukso ka lang kaya mo nagawa ang isang pagkakamaling iyon. Alam kong walang kapatawaran ang kasalanan iyon. Walang tamang ekplinasyon para makalusot dahil kapalit nang pagkakasalang iyon ay ang hinagpis ng isang taong kinukwestiyon kung ano ang mali at kulang sa kaniya. Akala ko, hanggang doon na lang
"Mateo, ginabi ka na naman---""Ano naman ngayon sa 'yo kung ginabi ako?"Napalunok ako sa naging sagot sa akin ng asawa ko. Unti unting namuo ang luha sa aking mga mata dala ng malamig na pakikitungo niya sa akin. Nagyuko ako't napapikit upang mapigilan pa ang pagluha ko.Limang buwan na kaming kasal, ngunit sa loob nang mga panahong 'yon ay tila hindi pa yata ako natututunang mahalin ni Mateo magpasa hanggang ngayon. Sa loob ng limang buwan tila galit at pagkasuklam pa rin ang namumutawi sa kaniyang damdamin patungo sa akin.Bahagya akong nagtaas nang tingin at pinanood siyang mag-alis ng kaniyang sapatos. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko't nakailang beses pumikit pikit dahil sa panlalabo ng aking mga mata.Hanggang kailan ba ako mamamalimos ng atensyon sa sarili kong asawa? Bakit ba ganito na lang kalala ang pagkadigusto niya't halos hindi niya na ako kinikilala bilang kabiyak niya?Ngunit sabagay, kailan nga ba ako naging asawa niya sa kaniyang paningin? I wasn't even treated l
"Bakit kasi ayaw mo pang iwanan ang Vejar na 'yan, Fayra? Martyr ka pa sa martyr sa totoo lang talaga."Napanguso ako sa sinabi ni Lyden. Halata ang pagkainis sa tono niya. Hindi na bago sa akin ang ganitong linyahan niya, simula noong nalaman niyang hindi pa rin kami ayos ni Mateo bilang mag-asawa ay lagi niya na lang akong pinapakalas sa sitwasyon kong ito. Hindi ko rin naman siya masisisi kung may inis siya sa asawa ko, sa lahat ng tao sa buhay ko, si Lyden ang nakakapansin ng totoong pagtrato ni Mateo sa akin. At nag-umpisa 'yon sa reception ng kasal namin. The day after I received my college diploma, my parents made the decision to arrange my marriage to one of Don Madeo Vejar's grandsons. At walang iba 'yon kung hindi si Mateo Alarkin Vejar. Sa reception, hindi niya ako kinikibo, ni hindi niya man lang nga ako inalalayan gayong napakahaba ng gown ko. Si Lyden ng mga panahong iyon ay nakita ang lahat nang naging gawi ni Mateo, kinompronta niya ito at nagkasagutan silang dala
"Would you mind if I sit here?"Isang payak na ngiti ang iginawad ko kay Morgan at marahang umiling, hindi na ako nagtangkang sumagot dahil pakiramdam ko wala akong balak magsalita ngayon.Habang pinagmamasdan ko ang pagkakaupo ni Morgan sa aking tabi ay panay naman ang laklak ko sa kape ko. Nang makitang ayos na siya sa kinauupuan niya ay muli kong ibinalik sa maalong dagat ang aking paningin at hinayaan ang mga mata kong panoorin at pagsawaan ang napakagandang umagang biyaya ng kalangitan ngayon sa akin. Isabay pa ang may kalakasang ihip ng hangin na nagbibigay ng perpektong sangkap sa umagang ito.Sana ganito lagi ang mamulatan ko. Itong parte nang kalikasan ang nakapagbibigay pakalma sa magulo kong kalooban at sa magulo kong isipan.Nasa isang resto kami. Open resto na malapit sa dagat kung kaya't napakaganda ng view. Tahimik din kahit parami na nang parami ang nagsisidatingan na mga tao, na sa palagay ko'y mag-u-umagahan na rin."Kape ka lang?""Oo," sagot ko't sinuyod ng tingin
Sandali pa akong namalagi at nang marinig ko ang boses ni manong na nagtatawag ay agad naman akong tumayo upang salubingin siya. Nang makabalik kami ay wala akong balak na umakyat agad at magkulong na namang mag-isa sa kuwarto namin. Malungkot doon, ayaw ko namang dalhin ang kalungkutang nakapaloob dahil baka tuluyang mabaliw na ako.Naagaw ng paningin ko ang kabilang banda ng Isla. May mga souvenirs shop ang nakahelera at dagsaan ang mga tao.Sinubok kong lumapit at gano'n na lamang ang galak ko nang makita ang iba't ibang key chain, necklace at iba pang maaaring maging abubot na inspired sa mga shells. Namulot ako ng isa at isinukat iyon, napangiti ako sa itsura ng isang bracelet sa aking pulsuhan."That looks great on you." Aniya ng isang boses.Agad na naagaw no'n ang paningin ko't napakunot naman ang noo ko nang hindi ko mahagilap kung kanino galing 'yon."In front of you, Ma'am." Pagkasabi no'n ay napatingin ako sa tindero.My jaw dropped as I realized who was behind that deep v
"Are you happy, Fayra? Masaya ka ba dahil nagkasakitan pa ang magkapatid kagabi ng dahil sa 'yo? Napangisi ako sa sinabing iyon ni Rose. Parehas kaming nasa may buffet ngayon. Mula sa gilid ng aking paningin ay kitang kita ko ang seryoso niyang ekspresyon habang pumipili ng kaniyang pagkain. Two days since we've been staying here, it's only now that the four of us have eaten at the same time. But it was interrupted because the two had a sudden meeting and were still at the hotel, so Rose and I were left alone. This is the ugliest morning and breakfast I've ever had.When I finished choosing what to eat, I went to the table prepared for us. I didn't bother to give Rose a look because I feel like my blood is about to boil for her again, as the scenario of her being together with Mateo last night comes back to me."Nakuha mo na si Mateo, pinag-aaway mo pa ang dalawa. Ano ba talagang gusto mong mangyari, Fayra?" Tanong niya pa. I didn't answer even more. I don't feel like talking to he
While I was looking out the car window back home, I was just silent. It started when we got off the plane. I have no intention of moving. I have no words and no strength to speak now. And one more thing: the words he said to me yesterday were too painful to get out of my mind right away. Those words were worse than the three daggers that could be thrust into me.Ngayon tuloy ay napapaisip ako.Am I truly worse off than Rose?It was like I was bombarded again and again every second I remembered Mateo's words to me. There is some truth in what he said, but I am confused if it is true that I am called a paid woman because my family received money from Don Madeo after the wedding. Am I really that low, even though I didn't use it? Is that the label?Ngunit sa pagkakaalam ko ay regalo lamang iyon ng kanilang pamilya, sa pagkakaalam ko rin ay ginagawa nila iyon dahil sa tradisyon na kanilang nakasanayan at sinusunod. Na kung ang ikakasal mula sa kanilang angkan ay isang lalaki, magbibigay s