Second Time Around

Second Time Around

last update최신 업데이트 : 2022-12-30
에:  jenavocado완성
언어: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
11 평가. 11 리뷰
61챕터
19.6K조회수
읽기
서재에 추가

공유:  

보고서
개요
목록
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.

Despite Mateo making Fayra feel that he could never love her, Fayra did not lose hope. Despite the pain he had caused, she remained by his side. She accepts every emotional pain caused by their marriage, but only until that day comes. Even in her dreams, she is not prepared for this scene. A painful truth, a painful scene. Fayra's marriage was best described as tragic, causing her to grant her husband's longing for so long. But before completely cutting off their ties, Fayra begged for him. Regardless of the consequences of her action, she did not hesitate to pursue what she wanted for the last time. Full of sadness but still content, Fayra leaves peacefully without saying goodbye. And, little did he know, he had granted a wish which would carry a memory of that night that his ex-wife decided not to tell anymore.

더 보기

1화

Begin

"Mateo, ginabi ka na naman---"

"Ano naman ngayon sa 'yo kung ginabi ako?"

Napalunok ako sa naging sagot sa akin ng asawa ko. Unti unting namuo ang luha sa aking mga mata dala ng malamig na pakikitungo niya sa akin. Nagyuko ako't napapikit upang mapigilan pa ang pagluha ko.

Limang buwan na kaming kasal, ngunit sa loob nang mga panahong 'yon ay tila hindi pa yata ako natututunang mahalin ni Mateo magpasa hanggang ngayon. Sa loob ng limang buwan tila galit at pagkasuklam pa rin ang namumutawi sa kaniyang damdamin patungo sa akin.

Bahagya akong nagtaas nang tingin at pinanood siyang mag-alis ng kaniyang sapatos. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko't nakailang beses pumikit pikit dahil sa panlalabo ng aking mga mata.

Hanggang kailan ba ako mamamalimos ng atensyon sa sarili kong asawa? Bakit ba ganito na lang kalala ang pagkadigusto niya't halos hindi niya na ako kinikilala bilang kabiyak niya?

Ngunit sabagay, kailan nga ba ako naging asawa niya sa kaniyang paningin? I wasn't even treated like one by him. 

Napailing ako't pasimpleng suminghot.

"A-Ako kasi. Parang lagi ka na lang nasa opisina mo. May bahay ka rin naman, kung maaari sana, dito ka na lang gumawa sa bahay---" 

"Inuuwian na nga kita, ang dami dami mo pang sinasabi. Tigilan mo ako, Fayra. Kung dito ako magtra-trabaho sa bahay, baka wala akong matapos, lalo na't hindi naman bahay ang pakiramdam ko sa lugar na ito. Para 'tong kulungan sa akin, tch."

Parang akong binarahan sa lalamunan sa narinig. Kung gayon ang tingin niya sa bahay namin, ano pa kaya ako na lagi na lamang nandito at naghihintay sa kaniya? Kung anong nararamdaman niya dito sa bahay gano'n din naman ako, mas dinaig ko lang nga ang isang preso dahil sila, laging may dalaw, samantalang ako, mistulang inabanduna na mag-aantay na lamang kung kailan balak dalawin. 

"Kumain ka na ba? Ahm, nagluto si Manang Celly, halika't maghapunan na tayo. Sakto pala ang iyong uwi, mainit init pa ang ulam at kanin." Pilit ang ngiting yaya ko ngunit isang matalim na tingin ang iginawad niya sa akin.

"Pati ba naman ang pagluluto ay si Manang Celly pa rin? Anong klase ka bang babae at bakit hindi mo magawa ang nga simpleng gawaing dapat at sa 'yo, Fayra? Ha?" Mababakasan ang galit sa kaniyang boses habang ang mga mata'y nag-aalab. "Walang wala ka talaga sa kalingkingan ni Rose. No wonder why all of us, Vejar, are drooling for her to become our wife, malas ko lang at ikaw ang ipinagkasundo sa akin."

"Huwag mo namang sabihin 'yan sa harapan ko, Mateo. Asawa mo pa rin ako."

"Asawa sa papel. Hindi porket pinakasalan kita ay kasama na doon na magiging iba ang pagtrato ko sa 'yo, Fayra. Hindi gano'n 'yon."

"Ngunit sobra ang mga salita mo. I'm still trying to do all the stuff here, Mateo. I'm still learning, kung sana ay nandito ka palagi, makikita mo rin na nagsusumikap akong gampanan ang lahat para sa 'yo."

Sumilay ang ngisi sa kaniyang labi. "Should I be thankful then?" Sarkastiko niyang tanong. 

"H-Hindi naman 'yon ang ibig kong sabihin." Napapayukong sagot ko.

"You know what, I don't care if you're trying or not, Fayra. Manang Celly was here. She was enough for me. I don't need you to care for me. After all, I have Rose. She's more than enough because she can take care of me more than anyone could. "

Pagkasabi niya no'n ay mabilis itong umalis ng sala at dumiretso na paakyat. Isang mainit na patak ng aking luha ang naramdaman kong gumuhit sa aking pisngi habang nakasunod ang paningin ko sa unti unting pagkawala ng bulto ni Mateo sa aking paningin.

Ang bigat ng aking pakiramdam ay mas dumoble pa ata ngayon dahil sa mga narinig ko mula sa kaniya. Masyado naman siyang below the belt, grabe naman 'yong pagpapamukha niya sa aking mas matimbang ang kaibigan kong si Rose sa kaniya. Nakakasama siya ng loob. Ang sakit sa loob.

"I'm the one who's here, Mateo, but why do you always compare me to her whenever there's something in not good at? I'm your wife, but why... but why do i feel like I'm hanging?"

Wala akong nagawa kung hindi ang lumabas ng bahay at dumiretso sa comfort zone ko, ang halamanan. Umupo ako sa may swing at doon idinuyan ang sarili ko habang ninanamnam ang sariwang hangin ng gabi. Nawala ang pagkagutom ko sa buong araw na ito, tila nabusog ako sa pakikitungo ni Mateo sa akin. Payak akong napangiti at napailing.

Hanggang kailan ba ako magdurusa? Hanggang kailan ako manglilimos? Maaari bang matapos na ito bukas?

Ang gusto ko lang naman ay magkaroon ng maayos na buhay kasama ang taong mahal ko, ngunit bakit ayaw ipagkaloob sa akin ng tadhana ang isang ito? Naging mabait naman ako sa lahat, naging mabuti at masunuring anak naman ako, maging sa ibang tao ay maayos akong nakikitungo, ngunit bakit ganito ang buhay may asawa na ibinigay sa akin? Ano bang nagawa kong mali at ganito ang parusang kapalit?

"Hija, hindi ka pa ba kakain? Wala kang umagahan, at tanghalian, masyado na ring gabi, baka naman magkasakit ka na sa ginagawa mong 'yan."

Napataas ang tingin ko kay Manang Celly. Isang ngiti ang ginawa ko at muling pinagmasdan ang maliwanag na buwan.

"Manang, kung sakaling kumain ba ako ngayon, pati ba itong nararammdaman ko ay mabubusog din?" Payak kong tanong. Mula sa gilid ng aking paningin ay nakita kong nanlambot ang ekspresyon ng mukha ni manang.

Napayuko ako at ayon na naman ang mga luhang nag-uunahan sa pagkawala sa akin.

"If ever that happens, ikakain ko na lang nang ikakain ito para mabusog ang puso ko't hindi na mangulila pa at sa pagkakataong 'yon, siguro hindi na ako malulungkot, right manang?" Tanong ko ngunit nakayuko pa rin.

Ramdam ko ang marahang haplos ni manang sa aking likuran. Mas lalo akong napaluha.

"I did everything manang, I tried everything, I even swallowed my pride and worth para lang sa relasyong gusto kong mabigyang buhay, pero bakit... bakit ang sakit sakit? Bakit kailangan sakit ang kapalit?"

Napahagulhol ako at tila muli akong naging bata na inagawan ng candy. Natatawa na lang ako sa sarili ko dahil alam kong mukha na akong kaawa awa ngayon.

"Hija, kung masakit na, huwag mo nang pilitin. Alam kong dapat ipinaglalaban ang pagmamahal sa isang tao, ngunit kung mismong siya na ang may ayaw sa 'yo ano pa bang magagawa mo? Hindi na tadhana ang kalaban mo dito, mismong damdamin na ng taong minamahal mo, anak." Haplos ni manang sa aking likod.

Natahimik ako.

"Huwag kang masyadong magpakababa, Fayra. Matalino kang bata, huwag mong sayangin ang oras at sarili mo sa isang taong ayaw kang pahalagahan. Isalba mo ang sarili mo, anak, habang hindi ka tuluyang lumulubog."

Katahimikan ang sunod na lumukob sa aming pagitan ni manang. Paano ko magagawang hindi magpakababa kung ang nais ko lang naman ay si Mateo, na bigyan din ako ng pansin kahit na minsan? Mahirap ang sinasabi ni manang. Ni kahit mga paa ko nga ay ayaw tumakbo palayo sa masakit na agos ng buhay ko ngayon.

Ilang taon din ang aking hinintay bago ko nakapiling ang taong ninanais ko noon, ilang taon akong nasaktan at hindi ko inaakala na wala pala iyong katapusan kahit pa ngayong nasa isang bubong na lamang kami. Ang pinapangarap kong kalinga na ibinibigay ni Mateo kay Rose noon, ay pinapangarap ko pa rin hanggang ngayon sa kasalukuyan. Akala ko noong mga panahong nasa harap kami ng altar ay mararanasan ko rin ang pag-aalaga niya at ginagawang pakikitungo kay Rose, ngunit hindi pala.

"Aakyat na po ako manang, kayo na lamang ho nila Mira ang kumain at isabay niyo na rin si Mang Jose." Ayos ko sa aking sarili at isang malungkot na pagkakangiti ang iginawad ko kay manang.

Hindi na ako nag-hintay pa, mabilis kong tinahak ang papasok sa bahay at mabilis na umakyat. Ngunit bago ko pasukin ang aking kuwarto ay napadaan muna ako sa silid ni Mateo na nakaawang ang pinto. Wala sa sariling humakbang ako palapit at kaunting sumilip.

Mula sa aking kinatatayuan ay kitang kita ko ang nakatalikod na bulto ni Mateo habang panay ang pagtitipa niya sa kaniyang phone, hindi na ako nagulat nang maya maya ay tumunog iyon at hindi naman magkamayaw na sinagot ni Mateo ang tawag.

Napayuko ako at hinila nang marahan ang kaniyang pinto at kasabay din no'n ay ang pagkakarinig ko sa masayang pagtatanong niya sa araw ng pinakamamahal niyang si Rose.

"Kumusta ang araw mo, Hon? Ayos ba ang niluto kong pagkain mo kanina?"

Napailing ako sa narinig at nilisan na ang pwestong kinalalagyan ko. Nasapo ko ang aking dibdib. Ako ang asawa ngunit ni minsan ay hindi man lang niya ako pinagsilbihan ng ganiyan.

Hindi ko mawari kung ano bang paglalagyan ko sa buhay niya. Masyado niya akong inaabanduna dahil alam niyang hindi naman ako susuko dahil mahal ko siya. Nakakapagod. Ngunit anong magagawa ko? Ayaw namang mamahinga muna ng aking sugatang puso. Gusto pa rin nitong lumaban, kahit masakit na. 

펼치기
다음 화 보기
다운로드

최신 챕터

독자들에게

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

댓글

user avatar
la bonita
mapanakit sa umpisa grabe kawawa talaga c fayra malas sa asawa swerte s kaibigan naman..maganda ang story hnd maxadong mahaba at walang paligoy ligoy...maganda ang ending ...
2024-12-30 04:39:37
0
user avatar
Missy F
Highly recommended..promise, d masasayang oras nyo..read nyo na po
2024-11-11 11:20:36
0
user avatar
gwennaa
Maganda ung kwento, hindi masyadong paligoy-ligoy. Nakakaiyak ung part n nakikiusap n si Mateo. Congrats author ...
2024-07-31 09:49:24
0
user avatar
Caisip Mabs
ganda ng story, naiyak ako dun sa part na nakikiusap sya nung bday niya.
2024-02-15 23:06:44
1
user avatar
jazz
update naman poooooo
2022-12-27 13:44:28
1
user avatar
Ronald Amida
update po pleaseeeeeeee
2022-12-27 13:14:20
0
user avatar
evangielynne anne
Update po please, kaababg abang yung kuwnto
2022-12-27 09:15:46
0
user avatar
ronald manuel
update po agad please, Ang ganda ng story
2022-12-27 09:13:44
0
user avatar
Anyah Areuqad
sna tuloy tuloy pa sunod na episode
2022-11-21 22:55:57
0
user avatar
lisa ybanez
nezt ud po plzz
2022-09-22 07:59:13
0
user avatar
marem
MGanda ung story
2022-09-21 23:18:13
0
61 챕터
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status