Share

Chapter 01

"Bakit kasi ayaw mo pang iwanan ang Vejar na 'yan, Fayra? Martyr ka pa sa martyr sa totoo lang talaga."

Napanguso ako sa sinabi ni Lyden. Halata ang pagkainis sa tono niya.

Hindi na bago sa akin ang ganitong linyahan niya, simula noong nalaman niyang hindi pa rin kami ayos ni Mateo bilang mag-asawa ay lagi niya na lang akong pinapakalas sa sitwasyon kong ito. Hindi ko rin naman siya masisisi kung may inis siya sa asawa ko, sa lahat ng tao sa buhay ko, si Lyden ang nakakapansin ng totoong pagtrato ni Mateo sa akin.

At nag-umpisa 'yon sa reception ng kasal namin.

The day after I received my college diploma, my parents made the decision to arrange my marriage to one of Don Madeo Vejar's grandsons. At walang iba 'yon kung hindi si Mateo Alarkin Vejar.

Sa reception, hindi niya ako kinikibo, ni hindi niya  man lang nga ako inalalayan gayong napakahaba ng gown ko. Si Lyden ng mga panahong iyon ay nakita ang lahat nang naging gawi ni Mateo, kinompronta niya ito at nagkasagutan silang dalawa. Buti na lang ay masyadong busy ang mga bisita kaya't hindi napansin ang diskusyunan nila noon.

"Alam mo, if you value your worth Fayra, sasaya ka ng bongga. Bakit kasi ayaw mo na lang sukuan? After all, ang daming reason para magawa mo 'yon. Like, now. Your husband's having an affair with his dream lover from his past."

Natigilan ako doon. Napalabi ako at nagyuko ng tingin. Lyden also knew about that issue, hindi sa sinabi ko kung hindi dahil sa nakita niyang nag-check in sa hotel kamakailan lang din ang dalawa. Ako naman, first day pa lang naming nasa iisang bubong ay nilinaw niya nang nagkakamabutihan na sila ni Rose. Wala naman akong magawa kundi ang tanggapin ang katotohanang iyon at manahimik sa tabi at pabayaan sila.

"Isa pa 'yang si Rose, magkaibigan tayo kahit sabihing noon lang at hindi magpa-hanggang ngayon. Pero bakit naman pinatulan niya pa 'yang si Mateo? Porket ba, gusto siya no'ng tao? Hindi ko rin alam kung may sapak ba sa ulo ang babaeng 'yon o talagang nananadya lang siya para makaganti sa 'yo---"

"Den, alam mong ako ang may kasalanan una pa lang." Pigil ko sa kaniya.

Umirap si Lyden sa akin at sumimsim sa kape niya. "Fayra, asawa mo si Mateo, at ipinagkasundo kayo. At isa pa, asawa niya 'yong si Morgan na kapatid ni Mateo, jusko, nakakaloka kayo!"

Isang payak na ngiti ang sumilay sa aking labi.

Dating nanliligaw si Mateo kay Rose. Nang ipakilala siya sa akin ni Rose ay aaminin kong agad akong nagkagusto sa kaniya, wala naman akong intensyong agawin si Mateo, ngunit pamilya na namin ang nagpasya na hindi ko naman tinutulan.

Nawala ako sa sarili ko habang iniisip ang magiging takbo noon nang magiging buhay ko sa piling ni Mateo. Labis labis ang pagkagusto ko sa kaniya na nakalimutan kong may kaibigan pala akong mababangga. Ngunit kahit naman magpaubaya ako ay hindi naman din si Mateo ang ipagkakasundo sa kaniya, dahil planado na ng mga Vejar ang lahat.

Sa isang Fabian ipinagkasundo si Mateo, at ako 'yon. 

Samantalang ang kapatid niya namang si Morgan, ay ipinagkasundo sa isang Monrid. Hindi maaaring hindi masunod 'yon dahil itatakwil sila ni Don Madeo. 

Ngunit tila nakagawa ata nang paraan ang dalawa upang muling ituloy ang naudlot nilang storya. 

"Kailangan kong makausap si Morgan, Lyden. Kung kinakailangang ipaalam ko sa kaniya ang relasyong pinapalalim ng dalawa ay gagawin ko... mabawi ko lamang si Mateo."

"Ang tanong, kaya mo kayang ilaglag ang asawa mo? As far as I know, you can't, Fayra."

Hindi ako kumibo. 

Napakamot ng ulo si Lyden, maging siguro sa akin ay naiinis na ang babaeng ito. "Nagtatake ka ba ng drugs, Fayra?" 

Nanlaki ang mata ko sa lumabas sa bibig ni Lyden, agad akong napalinga sa paligid at mahinang hinampas ang kamay niyang nakapatong sa lamesa. 

"Lyden!" Mahinang suway ko't pinagtaasan niya ako ng kilay. 

"Para kasing high ka sis, kasi tingnan mo ah." Bahagya siyang umusog sa kinau-upuan ko at nag-muwestra pa ng kamay niya. "He's hurting you emotionally sis. Emotionally, but the hell on earth, parang wala lang sa 'yo."

Napanguso ako. "Anong wala lang sa akin. Nasasaktan ako, Lyden, sa totoo lang. Masakit na dito," duro ko sa aking dibdib.

Kahit siguro ipaliwanag ko kung gaano kasakit ang kalagayan ko ngayon ay hindi pa rin sasapat ang lahat ng salita sa mundo para gamitin... upang masabi ng swack ang sakit na mayroon sa akin. Ang sakit na nararamdaman ko ngayon ay walang katulad, walang explinasyon dahil anggulo.

"Hindi halata sis, parang hindi ka nasasaktan, parang enjoy ka lang." Ngiwi niya. 

"Lyden," mahinang pagtawag ko. 

Bumuntong hininga ito at nagbente kwatro. "Kung gano'n bakit ayaw mo pang bumitaw? Hanggang kailan mo ba balak lumaban, sige nga, sabihin mo sa 'kin. Hanggang kailan, aber?"

Napipilan ako saglit. Bakit ba laging ganito ang mga tanong? Masasagot ko ba ito ngayon? Paano kung ang isagot ko ay hanggang bukas na lang, masusunod ba 'yon?

Napailing ako, sa ugali ni Lyden, kailangan may isagot ako sa kaniya, dahil kung wala, hindi titigil ang babaeng ito. 

"Hanggang sa mahal ko pa siya, hanggang sa hindi pa napapatid ang pasensiya ko't hindi pa ako pagod." Diretsong sagot ko. 

Napangiti ako kinalaunan. Iyon ang gusto kong isagot, dahil alam kong hangga't may pagmamahal pa ako para sa kaniya, handa pa rin akong makisama't manatili kahit ayaw ni Mateo. Natibok pa rin ang puso ko, pangalan niya pa rin ang isinisigaw nito, at 'yong sakit, makakaya ko pang tiisin. 

Nang maglandas ako ng tingin kay Lyden ay sunod sunod itong napapailing.

"I don't know what should I say anymore for you to lighten up, Fayra. Pero isa lang pwede kong masabi sa 'yo ngayon," she paused suddenly and looked at me, with a pitiful one. "once you got tired, please, stop na." Nanigas ako sa kinauupuan ko habang nakatingin ako kay Lyden, sa pagkakasabi niya no'n ay kasabay ding umagos ang kaniyang mga luha. "Huwag mo nang subukang lumaban pa, magtira ka para sa sarili mo, Fayra, dahil sa nakikita ko sa 'yo ngayon, nakakaawa ka."

When will I get tired? Limang buwan pa lang naman, wala pa ngang isang taon. Nakakaawa? Nakakaawa ba ang lumaban para sa taong mahal mo? Hindi ba't mas maigi nga iyon? Wala pa naman akong ginagawa, nanatili pa lamang ako sa tabi ni Mateo, nag-uumpisa pa lamang akong bawiin siya kay Rose. 

Mas maigi nang ipaglaban ko 'to, kasi kung dumating ang oras na sawang sawa na ako, may memorya naman ako na may isang taong akong hindi ko sinukuan hanggang sa kaya ko pa. At least hindi ako magsisisi sa huli. 

"Where the hell did you go?!" 

Hindi agad ako nakasagot nang bumungad sa akin ang nanggagalaiting mukha ni Mateo pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa bahay. 

Naglakad ito papalapit sa akin at gano'n na lamang ang pag-atras ko dahil sa kabang ibinibigay niya sa akin. 

"M-Mateo," usal ko ngunit isang mahigpit na pagkakahila sa aking braso ang ginawa niya. Mabilis na nangilid ang aking luha dahil sa higpit ng pulupot niya sa akin. 

"Where did you go, huh? Are you with someone kaya hindi ka nagpaalam?" Nanlilisik ang matang tanong niya. 

Napangiwi ako dala ng sakit at sa kaniyang ibinibintang. "I'm with Lyden, Mateo. B-Bitiwan mo nga ako." Latang lata kong sambit. 

Pilit akong kumakalas sa kaniyang pagkakahawak, ngunit mas humihigpit lamang ang pagkakapulupot niya sa akin. Nasasaktan na ako.

"Call Lyden then, patunayan mong siya ang kasama mo buong maghapon." Utos niya sabay pagbagsak na binitiwan ang aking braso. 

"Why would I, Mateo? Sino pa bang isasama ko buong maghapon? Si Rose?" Wala sa sariling tanong ko kasabay ng pagpunas ko ng luha sa gilid ng aking mga mata. 

Mateo's gaw clenched of what he heard. "Ginagago mo ba ako, Fayra?" 

Napalunok ako. "I'm tired, I don't want to urgue with you, bukas mo na ako sermunan." Sukong pakiusap ko't nilampasan siya. 

Ano bang problema niya? Ngayon lang naman ako hindi umuwi mag-hapon, unlike naman sa kaniyang kung uwiin ako dito ay dapat dumaan muna ang isang linggo o kaya ay dalawang araw. Hindi naman ako nagreklamo, wala nga siyang naririnig na kahit ano mula sa akin. 

Natigilan ako sa paghakbang sa hagdan nang makita ang mga maletang nasa labas ng kuwarto ni Mateo, sakto naman at nakasunod pala ito sa akin kaya't nang malingunan ko siya ay natahimik lamang ako. Siya naman ay diretsong nakatingin sa akin habang hinahakbang ang mga baitang sa hagdan. 

"Pack your things, where going somewhere." Basag niya, kumunot naman ang noo ko. 

"Bakit?"

"Just pack your things, Fayra. Don't question me, go." Taboy nito at pumasok na sa kaniyang kwarto. 

Naiwan akong nakatunganga. Saan naman kaya kami pupunta sa ganitong oras? Dis oras na ng gabi, anong trip ng taong 'to? 

Bumuntong hininga na lang ako at tamad na tamad na pumasok sa aking kwarto. Gusto ko nang magpahinga, ngunit wala naman akong magagawa kung hindi ang sumunod, dahil kung hindi, katakot takot na pag-aaway na naman ang mamamayani sa aming dalawa. 

Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Hindi ko rin alam kung anong mga damit ang kailangan kong dalhin, maging kung ilang piraso, dahil wala namang sinabi ang magaling kong asawa. Puro casual attire ang ipinasok ko sa aking maleta, bahala na kung hindi swack sa pupuntahan namin, may pera naman ako. Puwede naman siguro akong makabili doon. 

"Mateo, ayos na ang gamit ko." Katok ko sa kaniyang kwarto at maya maya ay lumabas na ito. 

Tahimik kaming bumaba, si Mateo na ang nagdala ng gamit ko. Pagkababa namin ay sinalubong kami ni manang. Si Mateo, dirediretso palabas samantalang ako naman ay huminto sandali upang makapag-paalam. 

"Manang, kayo na ho ang bahala sa bahay. Magdadala na lang ho ako ng pasalubong pagkabalik namin para sa inyo nila Mira." Nakangiting sambit ko. 

Iginala ko pa ang aking paningin sa sala, nagbabakasali na andoon si Mira ngunit ni anino niya ay hindi ko makita. Siguro ay nasa kuwarto na niya 'yon, hindi man lang ako makakapag-paalam ng maayos. 

"Hindi na kailangan hija, basta't ipangako mo lang sa akin na magiging maayos ka sa pupuntahan niyong mag-asawa, ha?" 

Napatango ako. "Alis na kami manang, bye po."

Pagkapaalam ko kay manang ay agad akong pumasok sa kotse ni Mateo, sandali nitong kinausap si manang at maya maya ay nagbya-byahe na kami. 

Gano'n pa rin ang katahimikang namamagitan sa aming dalawa. Hindi na rin ang nagtangkang magtanong dahil mamaya ay malalaman ko naman ang distinasyon namin. 

Hindi na ako nagulat ng makitang nasa airport kami, at dinig kong ipinapahanda ni Mateo ang eroplano niya papuntang Palawan. Sa maletang dala namin ay hindi maaaring kung saan saan lang kami magpunta, never nangyari iyon sa loob ng limang buwang pagsasama namin. Katulad no'ng una, dalawang maleta ang dala namin at agad agad siyang nagyaya papunta sa France, turned out, kaya pala kami andoon ay dahil, nagbabakasyon si Rose nang hindi kasama si Morgan na asawa nito. Naging props pa ako para sa kanilang dalawa. 

"Here, " abot ni Mateo sa menu. "Order what ever you wanted."

Sinuyod ko ng tingin ang kabuuan no'n at kahit isang nasa listahan at mukhang ayaw ng sikmura ko. Ibinalik ko ang menu sa kaniya. 

"I don't want to eat, gisingin mo na lang ako pagtapos nang lumipad ang eroplanong 'to sa lugar na nais mo." Aniya ko't inayos ang aking kinauupuan upang gawing higaan. 

Hindi ako nakarinig ng kung ano ano pa kay Mateo. Hinayaan ko na lang din ang sarili kong umidlip muna at magpahinga, dahil may kutob na akong hindi maganda sa babagsakan naming lugar ngayon. 

Sa ugali ni Mateo, hindi imposibleng may kaakibat na plano ang biglaang pag-alis naming ito. At hindi naman siya aalis na kasama, kabilang na lang kung may pakinabang ako sa kaniya. 

I hate to admit the fact, ngunit sa mga panahong ganito, dito ako nakakaramdam ng saya kahit papaano, ngunit sagaran pa rin ang sakit lalo na kung ang isinadya niya ay mismong makapagpaparamdam sa akin, na may hangganan din ang sayang nararamdaman ko sa kaunting panahon.

"Oh, Mateo, I thought hindi kayo makakapunta?" Salubong sa amin ni Morgan.

Bahagya akong natigilan ngunit mabilis ding nakabawi. 

Ilang oras rin ang naging byahe namin papunta sa mismong lugar na ito, at hindi ko inaakalang si Morgan ang sasalubong sa amin. Agad akong napayuko, if Morgan was here, maging si Rose rin ay siguradong nandito. 

Naikuyom ko ang aking kamay.

"Tch, why wouldn't we, Morgan? You and Rose invited me and Fayra, sino kami para tanggihan kayo?" 

Sa narinig ko ay mas lalo kong naikuyom ang aking kamao. Kahit naman hindi siya imbitahin ni Morgan, pupunta pa rin siya, sino ba ang niloloko niya dito--- si Morgan nga pala, ang kawawang kapatid niya ang niloloko niya. 

Ako niloloko nila ng harap harapan samantalang si Morgan naman ay patalikod.

Sumilay ang abot taingang ngiti ni Morgan dahil sa sinabi ni Mateo. Inakbayan niya ito. "I know, Mateo. I know. By the way, Rose want to explore this resort, I can't go with her---"

"Ako na." Mabilis na putol ni Mateo.

Nagkatinginan kami ni Morgan.

"Gusto ko nang magpahinga, where's my room?" Pag-iiba ko at nagpatiuna nang maglakad, landas naman sa magkabila kong pisngi ang aking mainit na luha dala ng muling pinaghalo-halo kong nararamdaman.

I knew it. Sana ay hindi na ako sumama. Kailan ba ako pumayag na sumama dito katulad ng sinasabi niya? Ni hindi nga niya ako tinanong o sinabi man lang kung saan kami mapapadpad. Siya ang kusang nagdedesisyon, dahil kasiyahan niya ang nakasalalay dito.

Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko. Napahinto na lamang ako sa hindi ko malamang daan. Tanaw mula dito ang hampas ng alon na gustong kumawala sa karagatan. Madilim na, ngunit ang mga ilaw sa bawat punong nasa gilid ay nagbibigay liwanag sa gabing binabalutan ng malalim na kadiliman.

Wala sa sariling napaupo ako sa buhangin, habang pinabayaan ko naman sa tabi ko ang aking maleta.

"I don't know why you are crying, but seriously, you're distracting the peaceful scenery tonight."

Napakunot ang aking noo nang makita ang naglalakad na bulto ng lalaki sa aking harapan, ni hindi ko naramdaman ang presensiya niya. Nakatalikod ito papalayo sa akin na ang direksyon ay papunta sa karagatan. Nagsalubong na ang dalawa kong kilay habang tinatanaw siya na tumigil.

"Ilang babae na ang nakita kong umiiyak ngayong gabi, hindi ko na alam kung pang-ilan ka."

"Hindi ako umiiyak." Dali dali kong sambit at pinunasan ang mukha ko. Rinig ko ang pagtawa niya ngunit gayon pa man ay hindi pa rin siya humaharap sa akin.

"Kung gano'n ano 'yang nasa pisngi mo? Laway na galing sa mata?"

Hindi ako nakasagot.

"I had a feeling it was all about love. Right?" He paused and nodded, as if my silence had foreshadowed his own question. "Don't cry for someone who isn't deserving of your tears, Ms. Just some wise words."

"I despise seeing women cry, particularly for the same reason. Men. Nothing will change if you cry your heart out right now. That person, who is the source of your tears, will never understand your pain unless they have experienced what you are experiencing right now."

I bit my lower lip and fiddled with my fingers as I digested this man's words to myself.

He's right.

Mateo will never understand how painful his actions were for me. He will never understand unless he replaces me in these shoes. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status