Share

Chapter 02

"Would you mind if I sit here?"

Isang payak na ngiti ang iginawad ko kay Morgan at marahang umiling, hindi na ako nagtangkang sumagot dahil pakiramdam ko wala akong balak magsalita ngayon.

Habang pinagmamasdan ko ang pagkakaupo ni Morgan sa aking tabi ay panay naman ang laklak ko sa kape ko. Nang makitang ayos na siya sa kinauupuan niya ay muli kong ibinalik sa maalong dagat ang aking paningin at hinayaan ang mga mata kong panoorin at pagsawaan ang napakagandang umagang biyaya ng kalangitan ngayon sa akin. Isabay pa ang may kalakasang ihip ng hangin na nagbibigay ng perpektong sangkap sa umagang ito.

Sana ganito lagi ang mamulatan ko. Itong parte nang kalikasan ang nakapagbibigay pakalma sa magulo kong kalooban at sa magulo kong isipan.

Nasa isang resto kami. Open resto na malapit sa dagat kung kaya't napakaganda ng view. Tahimik din kahit parami na nang parami ang nagsisidatingan na mga tao, na sa palagay ko'y mag-u-umagahan na rin.

"Kape ka lang?"

"Oo," sagot ko't sinuyod ng tingin ang order niya.

Ang dami niyang pagkain. Iba't ibang uri ng French bread at dalawang klase ng kape ang nakalatag sa tray niya, isang barako at isang karamel na ngayon ay isa isa niyang inilalatag sa lamesa. Nang mapansing nakatingin ako sa kaniyang ginagawa ay ngumiti ito sa akin sabay kindat, umirap naman ako.

"Hindi ka naman gutom no?" Birong tanong ko na sinabayan niya ng halakhak.

"Hindi ako nakapag-gabihan. I got some business to do kaya babawi ako sa almusal."

"Dapat nag-heavy breakfast ka na lang."

"If I do so, hindi ako makakasabay mamaya sa tanghalian na'tin dahil mabubusog ako."

"You're really something, Morgan." Natatawa kong pag-iling na ipinagkibit balikat niya lang.

Hindi na kami nagkibuan pa ni Morgan. Tahimik siyang kumakain at tila wala siyang kasama, nang dahil na din sa mukha siyang walang pakialam sa paligid niya pagkatapos niya akong yayain na saluhan siya ng ilang beses. Napangiti ako at muling inabala ang sarili ko sa kapeng iniinom.

Nang maubos ko iyon ay tsaka ko naman kinuha ang phone ko at nagpadala ng mensahe kay Mateo. Sandali akong naghintay ng sagot niya ngunit tila hindi niya pa nakikita ang ipinadala ko. Hanggang ang kaninang segundo kong paghihintay ay naging kalahating oras na.

Asaan kaya 'yon?

Kaninang umaga ay wala siya sa kama. Maging kagabi nga ay hindi ko napansing pumasok sa kuwarto naming dalawa ang lalaking 'yon.

Lantang gulay kong ipinasok sa aking bulsa ang phone at akmang tatayo na nang magsalita namang muli itong si Morgan, dumighay pa at mabilis na nag-peace sign sa akin.

"Kumusta ang pagiging Mrs, Mateo Vejar mo, Fayra? Maayos ka naman bang trinatrato ni Mateo?" Seryosong tanong niya. Malayo sa tono ng naging boses niya kanina.

Napangisi ako sa narinig na tanong mula sa kaniya. "Anong klaseng tanong 'yan, Morgan? Malamang ay maayos ang trato niya sa 'kin. Asawa niya ako hindi ba?" Balik na tanong ko.

Sinikap kong huwag gumawa ng kahit na anong kapalpakan sa litanya ko o ni maski anong tono. Nasa sistema ko na ang pagpapanggap na ayos lang kami, hindi puwedeng kay Morgan pa ako pumalpak ngayon.

Sandaling nanahimik si Morgan, pagkatapos ay sumandal ito at mahinang tinapik tapik ang mesa, habang ang paningin ay tutok sa akin. Gusto ko na sanang mag-iwas ng tingin ngunit kilala ko itong lalaking ito. Masyadong mabilis manghuli ng tunay na nararamdaman si Morgan at talo ka kung hindi ka marunong magtago sa nararamdaman mo, sa tagal naming magkakilala, ni ligaw niyang bituka ay kilala ko na rin.

"You're lying, don't you?" Nanliliit ang matang tanong nito.

Oo. Nagsisinungaling lang ako, sana ay puwede kong sabihin sa 'yo, kaso parehas lamang tayo sa sitwasyong ito, Morgan. Gusto kong ibukambibig sa kaniya 'yon ngunit pinili ko na lamang na isarili.

Bumuntong hininga ako at napairap. "Stop your conclusion, Morgan. Your brother was not evil to not treat me good." Pagtatanggol ko pa.

Muling naningkit ang mata nito at gumalaw pa ang balikat na animo'y ipagpapabahala niya na lang ang aking naging sagot.

"Well, I'm relieved now if he really treats you better kagaya ng sagot mo. Hindi mo naman ako masisisi kung magtanong ako sa 'yo ng ganitong bagay, dahil parehas naman na'ting alam ang nakaraan ninyo bago kayo ikasal."

Natahimik ako sa kaniyang sinabi. Ang kaninang payapa kong umaga ay tila bumaliktad dahil sa kapatid ng asawa ko. Kung sana ay hindi ko siya hinayaang tumabi sa akin, baka hindi pa ako nakarinig ng masamang salita mula sa bibig niya.

Kabilang kay Lyden, isa rin si Morgan sa mga saksi kung papaano ang naging ikot ng mundo namin noon. Ngunit kung inis si Lyden sa naging kasalan namin, kabaliktaran niya naman si Morgan.

Just what Mateo said. All of them, Vejars' are drooling for her. Habang nanliligaw si Mateo noon kay Rose, si Morgan ay gumagawa na rin ng paraan para sa mapansin siya ng noo'y kaibigan ko. Maging ang ilan sa mga pinsan nila.

Hindi naman na din ako magtataka. If I were one of them, gugustuhin ko rin naman si Rose. She's kind, humble, smart and gorgeous. Halos lahat na ay nasa kaniya, kaya hindi ko rin sila masisisi.

"Kayo, how's the progress?"

Nag-iwas ng tingin si Morgan. Napatango na lang ako at napangiti sa kaniya. Hindi ako nagsalita. Nakiramdam lamang ako kung sasagutin niya ba ang tanong ko o hindi.

Wala akong alam sa kanila. Mas tahimik ang relasyon nilang dalawa kumpara sa amin ni Mateo na umaabot hanggang sa ibang tao. Kung si Morgan at Rose ay maingat, si Mateo naman ay tila gusto nang isigaw sa mundong hindi kami ayos.

"Maayos naman kami. Actually, hindi kami nagkakaroon ng alitan. Maganda ang usapan namin, we'll both try to be comfortable with each other until she can learn to love me back." Sinabayan pa 'yon ng hindi mapigilang ngisi niya.

"She agreed?" Takang tanong ko.

Morgan nodded. "She said, I'm not that hard to love back."

Ilang beses akong napakurap. Pinapaikot niya lang si Morgan. Kung totoong sinabi man niya 'yon, bakit madalas pa rin silang magkita ng asawa ko? Mateo and her even calling each other nonstop. Hindi lang pa-ipot ang ginagawa nila sa kaniya. Tahasan at sukdulang kasinungalingan at pagpapa-asa ang ginagawa nila.

Kinagat ko na lang ang aking pang-ibabang labi ko upang wala akong masabing pagsisihan ko. Wala pa akong plano, hindi pa ito ang tamang oras to tell him na may ugnayan pa rin ang dalawa. I need more time. Right time ika nga. At hindi ko pa rin naman kayang ilagay sa alanganin si Mateo. Asawa ko pa rin siya. Hindi kakayanin ng konsensiya ko kung ako mismo ang maglalagay sa kaniya sa isang sitwasyong lubusan niyang dadamdamin.

Pagkatapos nang maikling pag-uusap namin ni Morgan. Nagpaalam na kami sa isa't isa. Dumiretso ako sa hotel at hinanap kaagad si Mateo sa kwarto namin. Ngunit wala akong nakita maski anino man lang niya.

I once tried calling his phone but it's unattended. Bagsak ang balikat, ay lumabas ako ng kwarto. Nais ko munang mamalagi sa may tabing dagat kung saan malayo sa mga tao, malayo sa mga maiingay. Ang parteng iyon ay tatawirin pa gamit ang bangka. Tutal ay nakakain naman na ako, doon muna ako mamamalagi. Gusto ko sanang yayain si Morgan, kaso mukhang busy pa rin ito.

"Ikaw lang po Ma'am?" Tanong ng isang may katandaang lalaking pinagtanungan ko sa bangka.

"Opo," tipid kong sagot. Tumango ito sabay inalalayan akong makaupo sa bangka. Ilang segundo lang din ang lumipas at tuluyan nang gumalaw ang sasakyan pangkaragatan.

Napapikit ako. Ang sarap ng hangin. Tanging ingay ng makina ang naririnig ko. Malayo sa Maynila na kung saan ang bawat nadidinig ko ay ang maging mabuting asawa ako kay Mateo at pahalagahan ko ang apilyedong ipinagkaloob ng mga Vejar sa akin. Ang ingay na laging may dikta sa bawat galaw ko, dikta kung paano bumati sa mga bisita, dikta kung papaano ang set up sa bahay, at dikta kung papaano kumalas sa sitwasyong pinasok ko. At higit sa lahat, malayo ito sa araw araw na pag-papaalala ni Mateo kung hanggang saan lamang ako sa buhay niya. Malayo sa pagpapadama niya na hindi ako nababagay sa kaniyang pagmamahal. Na kahit isang patak ay hindi ko makukuha.

Pakiramdam ko ngayon, malaya ako. Malaya sa kahit na kanino. Malaya sa mga taong pinapasakitan ako at malayo sa mga taong gusto akong maging maligaya ngunit sakit pa rin ang kapalit sa bawat suhestiyon nila.

It sucks.

It sucks to hear everything they're trying to say to me. They gave me advices, and the only outcome was pain. They're not helping me; they're also making the choices hard for me to choose.

Nang dumaong ang sinasakyan ko sa pampang ay ilang beses akong sinabihan ni manong na susunduin niya ako pagtakip silim na, katulad ng sinambit ko sa kaniya kanina. Isang tango at pasasalamat ang itinugon ko sa matanda, pagkatapos ay tinahak ko na ang parteng puwede kong pakawalan ng mabigat kong pakiramdam.

Mabato ang pampang, ngunit lamang naman ang purong buhangin. Maingat akong naglakad papalikod sa animo'y kuwebang nakapaikot sa isla. Ngunit ang kaninang masayang mga sandali ko ay bigla na lamang binawi sa akin. Ang tanawing gusto kong pakawalan ng aking hinanakit ay tila mas lalo pang nakapagpadagdag sa dinadala ko.

"Fayra..." Animo'y gulat na sambit ni Rose sa aking pangalan habang may pa-atras atras pang nalalaman sa likod ni Mateo.

Nawala ang pagkakangiti ko, pakiramdam ko ay matutumba ako sa kinatatayuan ko nang marinig ang pangalan ko sa bibig mismo ng aking karibal.

Naglandas ang paningin ko sa kanilang dalawa. At gayon na lamang ang pangangati ng kamay ko na makasabunot ngayon mismo dahil sa magkahawak nilang mga kamay.

Mabilis kong inialis sa kanila ang aking paningin at nag-umpisa muling naglakad na tila hindi ko sila nakita. Kitang kita ko pa kung papaano ako sinundan ng tingin nila Mateo, ngunit mas lalo ko lamang binilisan ang paglisan sa kanila.

Kahit ilang beses kong ipinapaalala sa sarili ko na ayos lang, hindi ko pa rin kayang tanggapin na hindi ako ang nais makasama ni Mateo.

Sa nakita ko kanina, mas lalo lamang akong nanghihina. Nawawala sa isipan ko ang mga planong gusto kong gawin gayong alam ko sa sarili ko na masaya sila sa isa't-isa.

Payak akong napatawa. I'm such a villain. An evil villain indeed, for making them hide from others so that they can continue what they started.

Bumuntong hininga ako at umupo sa may buhangin. Kusa na namang nagsisipatakan ang mga luha ko. Bakit ba ang sakit sakit magmahal? Kung puwede ko lang silang ilaglag sa mga Vejar baka hindi na ako umiiyak ngayon. But to think na mas magagalit sa akin si Mateo, nanghihina ako. Hindi ko na alam kung saan pa ako lulugar. Hindi ko na alam kung ano pang gagawin ko. Kung anong desisyon ang tatahakin ko at kung kaya ko pa ba ang buhay na mayro'n ako.

"M-Mommy..." Piyok kong tawag sa aking ina na para bang maririnig niya ang mga hinaing ko ngayon. Tila gusto kong bumalik sa amin at hayaan munang makadama ng tunay na kaginhawaan ang buong pagkatao ko.

I want to return to my parents, where I can experience love and feel deserving of it. To experience the unadulterated affection that only exists in my family, I want to return.

I want to go back to my mommy's arm and cry like a toddler again to ease my pain...

Kung puwede lang. Kung puwede lang sana ay gagawin ko na ngayon mismo. Iiyak ako sa balikat ng aking ina habang sinasabi ko ang mga hinanakit ko sa mundo. Gusto kong pakalmahin niya ako sa paraan na hahagurin niya ang aking likuran at huhuni ng isang awiting ginagamit niya pampatulog sa akin noon. Gusto kong balikan ang mga magulang ko, sila lang naman ang tanging makakaintindi sa akin. Sila lang ang tanging taong hindi ako pipiliting gawin ang isang bagay na ayaw ko kahit labis na kasakitan na ang ibinibigay no'n sa akin. 

Kung puwede lang sana. Babalik ako. Uuwi ako kung saan ko mararamdaman ang isang tunay na pagmamahal na hindi na kailangang limusin ko pa. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status