Home / Romance / Secret Affair with My Hot Ninong / Kabanata 141 Finally, Home

Share

Kabanata 141 Finally, Home

last update Last Updated: 2026-02-12 00:09:42

“Patawarin mo ako, naging sunod sunuran ako kay Stella,” may luha na ang mata ni Karl. “Liana didn’t leave you. Tinakot siya ni Stella. Ang DNA test, pinapalitan niya sa akin ng resulta.”

Tumayo si Rafael nang dahan-dahan. Hindi siya sumigaw.

“Karl,” mababa niyang sabi, “kapag nagsinungaling ka… you’re dead to me.”

Umiling si Karl, mabilis. “Hindi na. Isusuko ko lahat. Lahat ng alam ko. Lahat ng ginawa namin.”

Lumabas si Rafael sa visiting room na parang may apoy sa dibdib.

Nanlabo ang paningin
Maria Bonifacia

Please read my other books in GoodNovel. 1. Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO – (Book 1-4) Ongoing 2. Never Fall Again to the Heartless Billionaire (Book 1-3) - Completed 3. Love for Rent (1.3M views-Book1-7) - Completed 4. The CEO's Cold Ex-Wife - Ongoing 5. Unlove Me Not - Completed 6. The Ex-Convict Billionaire - Completed Maraming salamat po sa suporta!

| 18
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (5)
goodnovel comment avatar
Maria Bonifacia
Love triangle po, abangan! Thanks po!
goodnovel comment avatar
sabcuevas
akala ko si stacey ang end game ni zack hehehe
goodnovel comment avatar
Maria Bonifacia
Thanks a lot po!
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Secret Affair with My Hot Ninong   Kabanata 142 Passionate Night

    Ramdam ni Liana ang bumabangong tapang sa dibdib.Hindi na siya tatakbo. Kahit anong mangyari… lalaban siya. Para kay Riley. Para sa buong pamilya na pinapangarap niya.Saglit na lumayo ng bahagya si Rafael.Ang titig nito ay may pitong taong pangungulila, pitong taong pagsisisi, pitong taong pangarap na ngayon lang uli nagsisimula.Muling naglapat ang kanilang mga labi.Sa una, marahan. Halos nanginginig. Parang kinukumpirma nila sa isa’t isa na totoo--na hindi ito panaginip. Na magkasama na sila ngayon.Pero pagdating ng hininga ni Rafael sa kanya. Lumalim ang halik, naging mas gutom, mas desperado, parang hinahabol nila ang mga gabing nawala.“Liana…” bulong ni Rafael sa pagitan ng halik, parang dasal.“Rafael…” sagot niya, basag ang boses, pero buo ang loob.Mula sa kusina, binuhat siya ni Rafael, parang hawak nito ang isang bagay na minsan nang nawala at ayaw na muling mawala. Sa bawat hakbang papunta sa kwarto, sumasabay ang tibok ng puso nila, parang iisang ritmo.Pagdating sa

  • Secret Affair with My Hot Ninong   Kabanata 141 Finally, Home

    “Patawarin mo ako, naging sunod sunuran ako kay Stella,” may luha na ang mata ni Karl. “Liana didn’t leave you. Tinakot siya ni Stella. Ang DNA test, pinapalitan niya sa akin ng resulta.”Tumayo si Rafael nang dahan-dahan. Hindi siya sumigaw.“Karl,” mababa niyang sabi, “kapag nagsinungaling ka… you’re dead to me.”Umiling si Karl, mabilis. “Hindi na. Isusuko ko lahat. Lahat ng alam ko. Lahat ng ginawa namin.”Lumabas si Rafael sa visiting room na parang may apoy sa dibdib.Nanlabo ang paningin niya sa galit.***Tahimik ang kusina, pero ang dibdib ni Liana ay kumakabog. Dumating si Rafael.“Hindi ko alam kung paano ko sisimulan,” mahina Rafael.Nakatingin siya sa sariling mga kamay.“Kahit anong gawin ko, alam kong hindi ko na maibabalik ang nawalang pitong taon. Pero nandito ako ngayon sa harap mo upang ipangako ang hinaharap.”“Tutulungan kita sa pagpapalaki kay Riley,” mahinang sabi ni Rafael. “Kung papayag ka.”Tumango lang siya. Pero mabilis ding bumalik ang pader sa boses niya.

  • Secret Affair with My Hot Ninong   Kabanata 140 The Witness

    Hindi agad napansin ni Liana na nanginginig ang kamay niya habang hawak ang phone.Sa screen, naka-freeze pa rin ang larawan, si Riley na nakangiti, may chocolate sa pisngi, si Rafael na nakayuko para pumantay sa height ng anak, at siya… nasa gilid, pilit ngumiti pero may luha sa mata.Family photo.Unang beses, kumpleto sila.May kung anong sumikip sa dibdib niya. Hindi ‘yung takot lang, kundi ‘yung lungkot na matagal niyang pinigilan, at ‘yung kaligayahang ayaw niyang tanggapin dahil baka may kapalit na kapahamakan.Mabilis niyang pinahid ang luha sa pisngi, parang wala lang. Parang hindi siya nabasag.Pero nakita ni Rafael.Hindi ito nagsalita. Hindi siya tinanong kung bakit siya umiiyak. Hindi siya kinorner. Tumingin lang ito sandali, ‘yung tingin na may pagkaunawa, may pangakong hindi niya bibitawan.Tumunog ang phone ni Rafael.“Lumabas na ang warrant of arrest. Kaso nagtatago na si Stella. Naka-alert mga pulis. Ingat kayo,” ani Zack sa chat. Natulala siya saglit tapos ay muling

  • Secret Affair with My Hot Ninong   Kabanata 139 Tears of Joy

    Nanginginig ang buong katawan ni Stacey habang nakaupo sa gilid ng kama. Hindi maampat ang luha sa mga mata nito.“Ayoko na…” paos nitong sabi, halos hindi marinig. “Ayoko na talaga, Zack. Pagod na ako. Gusto ko siyang ipakulong. Gusto kong matapos na ang lahat ng ito.”Nasa harap nito si Zack, nakaluhod, pinipigilan ang sariling magmura. Lumabas ang litid sa leeg.“Then, we do it,” sabi ni Zack. “Tutulungan ka namin, huwag kang matakot.”Umiling si Stacey. “Kaso… baka hindi ako paniwalaan ng korte.” Napahawak siya sa ulo niya, parang nag-iingat na mabasag ulit ang sarili. “May history ako. Alam mo ’yon. Alam nilang nawawala ako sa sarili. Baka sabihin nilang… guni-guni ko lang ’to.”Parang may kumurot sa dibdib ni Zack. Lumapit siya, niyakap si Stacey nang mahigpit.“Makinig ka,” bulong ni Zack sa buhok ni Stacey. “Hindi ikaw ang baliw. Ikaw ang biktima. At ngayon… may ebidensya tayo.”Sa gilid ng kwarto, tahimik si Rafael, pero gumagalaw ang mata niya na parang scanner. Hawak niya a

  • Secret Affair with My Hot Ninong   Kabanata 138 Win Her Heart

    Napapikit si Charlie. Umakbay pa ang jowa nito. “Sino siya? Don’t tell me you’re cheating.”“Ah…Baby, you’re my oen and only,” tumikhim si Charlie. “Rafael… meet my boyfriend.”“Boyfriend?” ulit niya, gulat na gulat. “So… bading ka?”“Congrats, you discovered the universe,” ani Charlie. “Yes. Bakla ako. Obvious ba?”Parang nag-freeze si Rafael. Tila napaglalaruan yata siya ng imahinasyon. Gusto niyang kurutin ang sarili.“Alam ni Liana?” mahina niyang tanong.Tumango si Charlie. “Alam ni Liana. Matagal na.”Humugot siya ng hangin.“Then bakit…” natigilan siya. “Bakit papakasalan ka pa rin niya?”Umupo si Charlie sa sofa, tinaas ang kamay na parang lecture. “Because she’s scared. Because she wants a wall. Because she’s trying to protect her kid. At advantage din sa akin dahil maitatago ko ang identity ko sa pamilya ko at sa publiko.”Tumahimik si Rafael.“At alam mo ba?” tumingin ito sa kanya nang diretso. “Walang lalaking pinapasok si Liana sa buhay niya for seven years. Madaming nagt

  • Secret Affair with My Hot Ninong   Kabanata 137 Crossing Every Line

    Sa kabilang linya, may saglit na katahimikan… tapos isang malakas na tawa.“Aaww,” ani Stella, amused. “So, you finally discover after so many years.”Bumaba ang boses ni Rafael, mas delikado. “Touch them, and I’ll kill you. Hindi ako mangingiming tapusin ka, Stella!”Bumigat ang hangin sa pagitan nila matapos ang sigaw ni Rafael. Nanginginig pa ang panga niya, umiinit ang dibdib niya sa galit at sa takot na ayaw niyang aminin.Hawak niya pa rin ang cellphone ni Liana, nakataas sa tainga niya, parang armas na biglang naging kutsilyo.Sa kabilang linya, may mahinang tawa. Nakakakilabot.“Wow,” ani Stella, parang nakikipaglaro lang. “Ang tapang mo pa rin, Rafael.”“Lumayo ka sa kanila,” madiin niyang sagot, halos pabulong na delikado. “Huwag kang magkakamaling saktan si Liana at Riley.”Saglit na katahimikan. Tapos mas lumambot ang boses ni Stella, mas nakakapanindig-balahibo.“Kung gusto mong maligtas si Liana at anak mo…” dahan-dahan nitong sinabi, parang iniisa-isa ang mga salita para

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status