Umaga nang muli siyang harapin ni Rafael sa opisina sa loob ng mansyon, salamin ang dingding, maayos ang mesa, at parang freezer sa lamig ng aircon.“Kung gusto mong manatili dito,” anitong mababa at kontrolado ang boses, “gagawa tayo ng kasunduan.”“Naiintindihan ko po,” sagot ni Liana. “Mag-aaral po ako. Gagawin ko po lahat.”“Ako ang sasagot sa tuition, allowance, at school needs mo,” dugtong ni Rafael, nakatingin sa dokumentong nasa harap niya. “Pero kapalit, magiging kasambahay ka rito sa mga oras na wala kang pasok sa school. Walang personal na tanong. Walang paglabag sa boundaries. At higit sa lahat…” tumitig ito, tila sinusukat ang kaluluwa niya, “Iwasan mong mapag-usapan sa labas ang kahit ano sa loob ng bahay na ‘to.”Tumango siya. “Opo.”Parang wala pa itong trenta, siguro mga twenty-eight, twenty-nine, sampung taon marahil ang agwat sa kanya. Pero sa paraan ng pananalita at tikas ng tindig, mukha itong mas matanda sa bigat marahil ng responsibilidad.“Ito ang kontrata,” an
Last Updated : 2025-11-07 Read more