Home / Romance / Secret Affair with My Hot Ninong / Kabanata 2 Signing the Contract

Share

Kabanata 2 Signing the Contract

last update Last Updated: 2025-11-07 12:06:07

Umaga nang muli siyang harapin ni Rafael sa opisina sa loob ng mansyon, salamin ang dingding, maayos ang mesa, at parang freezer sa lamig ng aircon.

“Kung gusto mong manatili dito,” anitong mababa at kontrolado ang boses, “gagawa tayo ng kasunduan.”

“Naiintindihan ko po,” sagot ni Liana. “Mag-aaral po ako. Gagawin ko po lahat.”

“Ako ang sasagot sa tuition, allowance, at school needs mo,” dugtong ni Rafael, nakatingin sa dokumentong nasa harap niya. “Pero kapalit, magiging kasambahay ka rito sa mga oras na wala kang pasok sa school. Walang personal na tanong. Walang paglabag sa boundaries. At higit sa lahat…” tumitig ito, tila sinusukat ang kaluluwa niya, “Iwasan mong mapag-usapan sa labas ang kahit ano sa loob ng bahay na ‘to.”

Tumango siya. “Opo.”

Parang wala pa itong trenta, siguro mga twenty-eight, twenty-nine, sampung taon marahil ang agwat sa kanya. Pero sa paraan ng pananalita at tikas ng tindig, mukha itong mas matanda sa bigat marahil ng responsibilidad.

“Ito ang kontrata,” aniya, itinulak ang papel. “Basahin mo.”

Bawat linya, binasa ni Liana, tungkulin, oras, bayad, confidentiality clause. May mga salitang parang abogado ang sumulat, pero malinaw, tutulungan siya, basta’t tutuparin niya ang kasunduan.

“Naiintindihan mo?”

“Opo.”

“Then, sign it.”

Habang pumipirma siya, naramdaman niyang parang humihigpit ang hawla sa dibdib niya. Hindi ito bilang pagkakakulong, kundi isang pintuang isasara niya nang kusa, dahil sa kabila nito, may pag-asang hindi niya kayang bitawan. Paglagda ng huling letra, tumitig siya sa sariling pangalan. Parang opisyal na simula ng buhay na hindi na niya kayang takasan.

“Simula ngayon,” sabi ni Rafael, pinirmahan din ang dokumento, “dito ka na titira. At habang nasa poder kita, ako ang masusunod.”

Ipinakilala siya ni Rafael kay Yaya Lucy, ang matandang babae na may bilugang mukha at labing palaging nakangiti.

“Ako ang nagpalaki sa batang ‘yan,” natatawang sabi ni Yaya, tinutukoy si Rafael. “Pero kahit malaki ang katawan niyan. Minsan, parang bata pa rin ‘yan.”

Ngumiti siya, gumaan ang loob. “Masaya po akong makilala ko kayo, Yaya Lucy.”

“Ikaw ang bahala muna sa hallway at sa library,” utos ni Yaya Lucy. “Sa gabi, mag-aaral ka. Ako ang bahala sa pagkain mo. Huwag kang mahihiyang magsabi kung anong kailangan.”

Habang naglilinis si Liana sa hallway, napahinto siya sa harap ng isang malaking portrait, si Rafael, mas bata ng kaunti, nakatayo sa tabi ng isang babaeng maganda at mukhang konserbatibo.

Lumapit si Yaya Lucy at maingat na bumulong, “Girlfriend ‘yan ni Sir.”

Nalaglag ang duster mula sa kamay ni Liana. “Ahh. Maganda po. Bagay sila.”

“Bago ka pa dumating, matagal nang sarado ang kuwarto ni Ma’am Stacey dito,” dagdag ni Yaya, halos pabulong. “Huwag mong gagalawin. Huwag mo ring tatanungin si Sir. Bawal pumasok dyan.”

Tumango siya, pikit-sarado ang bibig. Pero hindi niya mapigilang mapako ang paningin sa ngiti ng babae sa larawan, ang ngiting hindi niya alam kung kasama pa ba sa buhay ni Rafael, o alaala na lamang na pinipiling itago. Nahiya naman siyang magtanong kay Yaya Lucy.

“Liana, mamalengke ka muna,” utos ni Yaya Lucy kinahapunan, iniabot ang listahan at pera. “Bumili ka ng gulay, karne, at ‘yung paboritong kape ni Sir.”

“Opo, Yaya.”

Mag-isa siyang naglakad papuntang palengke, suot ang bestidang luma at sandalyas na manipis ang talampakan. Mainit ang araw, mataong kalsada, at amoy isda at sibuyas ang hangin. Habang naglalakad, naramdaman niya ang mga matang sumusunod sa kanya, mga kalalakihang lumuluwa ang tingin, mga bulong na parang hampas ng alon sa likod niya. Sanay naman siya sa mga ganitong tingin ng mga lalaki. Dahil talagang maganda ang mukha niya parang santa pero ang kanyang katawan ay mapang-akit.

“Ikaw, ganda… magkano?”

Binilisan niya ang hakbang, kunwari walang naririnig. Sa unang tindahan ng gulay, ngumiti siya sa tinderang brusko ang kilos na nakita niyang piningot ang isa sa lalaking sumisipol sa kanya.

“Pabili po--”

Hindi pa man niya natatapos, nagbago ang mukha ng tindera. “Magnanakaw ka, ano?”

“Po?” aniyang gulat na gulat.

“Aba’t ang iksi ng damit mo! Diskarte mo ‘yan para hindi mapansin ang pagnanakaw mo!”

Napatras siya. Hindi pa man siya nakakahinga, may humila sa buhok niya.

“Hoy! Magnanakaw! Hulihin ninyo ‘to!” sigaw ng tindera.

Gumalaw ang mga tanod sa dulo ng kalsada. Bago pa siya makapagpaliwanag, may dalawang kamay na malalakas ang dumakma sa braso niya.

“Sandali po! Hindi po ako magnanakaw!”

Sumayad ang tuhod niya sa simento ng itulak siya ng isa sa tanod. Umikot ang mga tao, nagkagulo ang tindera at ang mga usisero.

“Ang kapal! Ginagamit ang ganda para magnakaw!”

“Hindi po totoo ‘yan! Wala po akong kinukuha.”

Isang biglang sabunot sa buhok ang nagpasinghap sa kanya. Napakapit siya sa kamay ng babae. Masakit ang hila nito sa buhok niya.

Nakita niyang may dumaan na itim na van sa gilid.

“Tama na po, wala po akong kasalanan.”

Isang busina. Bumaba sa sasakyan si Rafael.

Malamig ang tingin nito na parang nagyelo ang mga tao sa paligid.

Kilala nila si Rafael. Sa bayang ito, ang apelyidong Vergara ay kapangyarihang hindi dapat nilalapastangan.

“Sa mansion nakatira si Liana,” ani Rafael, walang itinatago ang babala sa tono. “Ang sinumang mananakit sa kanya, ako ang kalaban. Ayoko ng mauulit ang ganito.”

Napababa ang mga kamay na dumakma sa kanya. Binitiwan siya ng tanod na tila natauhan. Yung tindera, napaatras, bumuka ang bibig, pero walang salitang lumabas.

Inakay siya nito sa van, nanginginig ang kalamnan niya. Akala niya ay makukuyog na siya. Kinuha ni Rafael ang maliit na first-aid kit, binuksan, at maingat na ginamot ang sugat sa kamay niya. Mainit ang palad nito, ngunit kontrolado ang bawat galaw.

“Next time,” aniya, hindi tumitingin sa kanya, “huwag kang lalabas nang walang kasama.”

“Pasensiya na po…”

“Tingnan mo nga itsura mo.” Saglit na tumitig, umirap ng bahagya. “Wala ka bang matinong damit? Nakalabas ang dibdib mo at iksi ng bestida mo. Noong ten years old mo pa yata ‘yan.”

Namula siya. “Ito lang po ang--”

“From now on, bawal kang lumabas nang mag-isa,” putol ng Ninong Rafael niya.

Napatingin siya sa mukha nito, sa matigas na panga, sa matang tila laging may binabantayan.

“Salamat po,” bulong niya, halos di marinig. “Ninong.”

Napatigil si Rafael. Mariing pumikit ng isang segundo, saka mahinang tumikhim.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
aphroditecuevas
thanks sa update (21-11-2025/16:02)
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Secret Affair with My Hot Ninong   Kabanata 101 When Silence Breaks

    Tumahimik ang paligid sa loob ng bahay ni Sir Zack.“Liana,” marahang sabi ni Sir Zack. “May relasyon ba kayo ni Rafael?”Hindi siya agad sumagot.May sandaling pumasok sa isip niya ang lahat, ang gulo, ang eskandalo, ang takot, ang posibilidad na mas lalong lumala ang lahat kapag umamin siya. Pwede niyang iwasan. Pwede niyang sabihin na wala. Pwede niyang iligtas ang sarili niya.Pero biglang pumasok ang mukha ni Rafael sa isip niya. Kung paano siya yakapin kapag natatakot siya. Kung paano siya ipagtanggol kahit wala pa siyang paliwanag. Kung paano siya piliin kahit magulo ang mundo.Huminga siya nang malalim.“Mahal ko po siya at mahal din niya ako,” mahina niyang sabi.Pag-amin sa relasyon nila.Hindi depensa o paliwanag.Isang katotohanan lang.Saglit na tumahimik si Sir Zack. Kita sa mata nito ang pagkabigla at pag-unawa.“Salamat sa katapatan,” sabi nito. “Alam kong hindi madali ‘yan lalo sa isang bata pang kagaya mo.”“Sir Zack, natatakot po ako, dahil sa ugnayan po namin ni Ra

  • Secret Affair with My Hot Ninong   Kabanata 100 Against the World

    Tumunog ang cellphone ni Stella. Isang ngiting malamig ang sumilay sa labi niya habang pinipindot ang pangalan sa screen.“Stella,” sabi ni Karl sa kabilang linya. “Ano na naman ‘to? Bakit bigla mong gustong mag-file? Seryoso ka ba?”Hindi nag-aksaya ng oras si Stella. “Isampa mo na ang kaso, iutos mo sa iba. Masyadong matigas si Rafael.”Tumahimik sandali si Karl. “Rape case ‘to. Alam mo ‘yan. Kapag sinimulan natin, wala nang atrasan. At--” huminga siya nang malalim, “--bakit mo ba ipinipilit na makasal sina Rafael at Stacey? Akala ko ba… may gusto ka kay Rafael?”Sumikip ang panga ni Stella. “Alam mo, huwag kang makialam. Mas madali siyang agawin kung kay Stacey mapupunta.”“Stella--”“Kapag nakasal na sila,” patuloy niya, mabagal at malinaw, “pwede kong ipadala ulit si Stacey sa mental institution. Isang pirma lang. Isang assessment. Tapos kami na ni Rafael ang magsasama.”Nabigla si Karl. “Stella, you’re sick.”Tumawa si Stella. “At ikaw? Anong tawag ko sa’yo? Traydor sa kaibigan?

  • Secret Affair with My Hot Ninong   Kabanata 99 Starting the Investigation

    Kinagabihan, tahimik na bumukas ang pinto ng condo. Dumating si Rafael.“Babe,” tawag ni Liana, agad lumapit.Ngumiti si Rafael, yung ngiting pilit pero para bang ayaw mag-alala ang kaharap. “Hey.”Walang tanong si Liana. Hindi niya tinanong kung saan galing, o kung ano ang nangyari. Sa halip, hinila lang niya si Rafael papasok sa loob.“Gutom ka na ba? Magluluto pa lang ako.”“Pagtulungan na natin para mabilis.”Nagpunta sila sa kusina. Carbonara ang lulutuin nila. Siya ang naghiwa, si Rafael ang nagprito ng bacon. Nagbanggaan ang siko nila.Tahimik na naghihiwa ng sibuyas si Liana. Medyo namumula na ang mga mata niya, pero tuloy pa rin. Hawak ang kutsilyo, iniisip ang problema ni Rafael.Biglang dumulas ang sibuyas.“Aray!” napaungol siya.Napatingin siya sa daliri niya, may pulang patak ng dugo. Nahiwa siya.“Liana?” agad na tawag ni Rafael mula sa likuran.Hindi pa siya nakakasagot nang nasa harap na niya ang binata. Kinuha nito ang kamay niya, maingat pero mabilis, parang kabisad

  • Secret Affair with My Hot Ninong   Kabanata 98 Serious Threat

    “May gusto lang akong sabihin,” ani Stacey.Lumunok si Liana. Ramdam niya ang bigat ng sandaling iyon.“Hindi kita hinahabol para saktan,” dugtong ni Stacey, nangingilid ang luha sa mata. “Gusto ko lang malaman… kung ano ba talaga ang totoo.”Nag-alangan siya pero tumango. Umupo sila sa isang bench. Ilang segundo ng katahimikan ang lumipas.“May relasyon ba kayo ni Rafael?”“Ma’am Stacey, hindi na po ako magsisinungaling sa inyo. Mahalaga sa akin si Rafael at nagkakaunawaan po kami. Pero hindi po ako mapayapa kasi iniisip ko na nakasakit ako ng ibang tao. At kayo nga po ‘yun. Mabigat po sa kunsensya.”“Ikakasal kami kahit ano ang mangyari. Hindi papayag si Ate Stella na hindi matuloy ang kasal. Kaya humanda ka na. Baka matulad ka sa akin,” anitong tumatawa.Hindi niya alam kung maniniwala ba o hindi. Pero sumubok siyang magtanong.“Ma’am Stacey, ano po ang nangyari noong birthday mo?”“Hindi ko na alam,” biglang sabi ni Stacey, nanginginig ang boses. “Kung alin ang alaala ko… at alin

  • Secret Affair with My Hot Ninong   Kabanata 97 Good and Bad Times

    Nakahilig ang ulo ni Liana sa balikat ni Rafael, nakapikit, hinahayaan ang malamig na hangin na maging duyan ng isip niyang puno ng tanong.Walang paliwanag o pangakong madaling bitawan. Presensya lang.Matagal bago nagsalita si Rafael.“Kung lalayo ka man…” mababa ang boses nito, “…dahil sa gulong maaari mong harapin dahil sa akin, mauunawaan ko. Hindi ko gustong idamay ka kaso hindi ko alam kung hanggang saan aabot ang eskandalong ito.”Inangat niya ang ulo, hinawakan ang mukha ni Rafael, at hinalikan niya ang binata. Hindi nagmamadali. Hindi mapusok. Isang halik na malinaw ang intensyon.“Bad times man o good times,” bulong niya sa pagitan ng kanilang hininga, “palagi ako sa tabi mo. Ganoon ang pag-ibig hindi ba?”“Kahit hindi malinaw ang kahapon,” dagdag ni Liana, magkadikit ang noo nila, “pipiliin kita ngayon. Palagi. At naniniwala akong masosolusyunan mo ang problemang kinakaharap mo.”Parang may bumigay sa loob ni Rafael. Hinila siya nito at niyakap ng mahigpit, parang ayaw na

  • Secret Affair with My Hot Ninong   Kabanata 96 Believing Him

    Nauna pang pumasok si Stella sa condo unit ni Liana. Naglakad ito sa loob at nagmasid. Pagkatapos ay umupo ito sa sofa, tuwid ang likod, maingat ang bawat galaw. Ang mga mata nito ay matalim, mapanuri at parang sinusukat ang bawat sulok ng tinitirahan ni Liana.“Relax ka lang,” mahinahong sabi ni Stella, sabay ngiti na tila may malasakit. “Hindi ako nandito para manggulo. Gusto lang kitang kausapin.”Hindi sumagot si Liana. Hawak niya ang strap ng kanyang bag, pilit pinatatatag ang sarili. Ramdam niya ang tibok ng puso niya, mabilis, may halong kaba.“Concern lang talaga ako,” patuloy ni Stella. “Bilang babae. Alam mo naman… may mga bagay na mahirap tanggapin kapag mahal natin ang isang tao. Minsan nagiging bulag na din tayo. I get it. Sino ba naman ang hindi magkakagusto sa isang Rafael Vergara. Pero hindi mo siya lubos na kilala.”“Concern?” tanong ni Liana, mahinahon pero may bakas ng paninindigan. “O nananakot lang kayo?”Bahagyang nagbago ang ngiti ni Stella, isang iglap lang, bum

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status