Home / Romance / Secret Affair with My Hot Ninong / Kabanata 1 Meeting the Hot Ninong

Share

Secret Affair with My Hot Ninong
Secret Affair with My Hot Ninong
Author: Maria Bonifacia

Kabanata 1 Meeting the Hot Ninong

last update Huling Na-update: 2025-11-07 12:04:23

Amoy kandila pa ang buong bahay nang dumating si Liana mula sa sementeryo. Nakakabingi ang katahimikan. Wala na ang tawanan ng mga magulang niya, ninakaw ng isang pabayang driver ang buhay ng dalawang taong pinakamamahal niya. Naubos na ang luha niya. Tanging tunog ng ulan sa bubong ang kasama niya habang nagliligpit ng mga gamit ng kanyang mga magulang.

Sa ilalim ng lumang aparador, may isang sobre na natapunan ng alikabok.

Nanginginig ang mga daliri niya habang binubuksan ito.

“Anak, kung sakaling mawala kami, hanapin mo ang Ninong mo, si Rafael Vergara. Malaki ang utang na loob niya sa akin at nangako siyang aalagaan ka.

Kasama sa sulat, isang litrato ng sanggol na karga ng isang lalaking naka-itim na suit. Kaso ay medyo blurred. May nakasulat din na address.

Hindi niya alam kung saan magsisimula, pero alam niyang wala na siyang ibang mapupuntahan.

Sa gabing iyon, habang bumubuhos ang ulan, binigkas niya ang pangalan ng estrangherong iyon sa unang pagkakataon.

“Ninong Rafael…”

***

Nakababa na ng bus si Liana at sumakay ng tricycle.  Sa magkabilang gilid ng daan, puro punong mangga at tubuhan ang nakikita niya. Pagbaba niya ng tricycle, napasinghap siya, ang mansyon ng mga Vergara ay tila palasyo. Tumambad ang malawak na fountain, marmol na hagdan, at mga bintanang kasing-laki ng pinto. Hindi niya akalaing ganito kayaman ang Ninong niya.

“Kung ganito siya kayaman… baka totoong matutulungan niya ako,” bulong niya, pilit pinapalakas ang loob.

Nakita niyang lumakad palayo ang isang lalaking naka-itim, marahil ay security guard. Naiwanang bahagyang bukas ang gate, kaya dahan-dahan siyang pumasok. Tahimik ang paligid, tanging mga kuliglig at hampas ng ulan sa bubong ang maririnig.

“Excuse me…” tawag niya, ngunit hindi na siya nadinig,

Kumakatok siya sa mabigat na pinto. Walang sumagot.

Kumatok siyang muli, mas malakas.

Wala pa rin.

Inabot siya ng kaba. “Baka walang tao…” Pero hindi niya napigilan ang sarili. Wala siyang matutuluyan, malapit ng mag-gabi. Marahan niyang itinulak ang pinto. Bumukas iyon nang may mahinang kaluskos, at malamig na hangin ang bumungad sa kanya.

“Hello? Ninong Rafael?” mahina niyang tawag.

Sa loob, puro mamahaling furniture at mga painting na parang sa museo. Mula sa hallway, may narinig siyang kakaibang tunog, parang ungol o impit na daing. Napahinto siya, nakiramdam. Parang sa pintong bahagyang bukas nagmumula ang daing.

“Ninong?” tawag niyang muli, nag-aalala. Baka may nangyari.

Habang nilalapitan ang pinanggagalingan ng tunog, biglang napatid ang paa niya sa basahan. Napasigaw siya at tuluyang bumagsak sa sahig, diretso sa loob ng kwarto.

“Ayyy!”

Sa isang iglap, parang tumigil ang mundo nang madapa siya sa harapan ng isang walang damit pang-itaas na lalaki. Namumutok ang muscles nito. Bumaba pa ang kanyang mata. Laking gulat niya ng makita itong hawak ang pagkalalaki at nag-mamasturbate. Eksaktong pagpasok niya ang paglabas ng semilya nitong tumilamsik malapit sa kanya. Tila siya itinulos sa kinatatayuan. Napaatras siya ng parang wala lang na itinaas nito ang shorts at lumapit sa kanya.

Hindi siya makapaniwala sa nasaksihan. Napakalaki ng nakita niya. Parang anaconda. Malakas ang kabog ng kanyang dibdib. Unang beses niyang makakita ng live na ari ng lalaki. Nangangatog ang tuhod niya.

“Sorry po!” mabilis na sabi niya, halos madulas pa sa pagtayo.

“Who the hell are you?” malamig at inis na tanong nito.

“P-pasensya na po! A-akala ko po kasi… akala ko may nasasaktan…may nadinig kasi akong dumadaing.” Nanginginig pa rin ang boses niya at nagtangkang lumabas na. Ngunit hinablot siya ito sa braso at isinandal sa pader.

“Answer me,” anitong dumagundong ang boses.

“Aalis na po ako. Bitawan ninyo ako, sisigaw ako! Isusumbong kita sa pulis!”

“Seryoso ka? Ikaw ang basta pumasok sa pamamahay ko ng walang paalam. Trespassing ka! Gusto mong ikaw ang ipakulong ko?!” anitong hawak na siya sa pulsuhan!

“Hindi ko po sinasadya. Aalis na po ako,” nanlalaki ang mata niya at nanginginig ang boses.

“Sino ka?! At bakit ka pumasok ng walang paalam? Magnanakaw ka ba?!”

Napatitig siya sa mga mata nitong hugis almond.

“S-si Liana po ako… hinahanap ko po si Mr. Rafael Vergara.”

Kumunot ang noo nito. “Anong kailangan mo sa kanya?”

“Gusto ko po siyang makita… siya po ang Ninong ko.”

Tahimik sandali. Pagkatapos ay isang mapait na tawa. “Ninong? Inaanak kita?” Umiling ito, may ngiti ng pang-aasar sa labi. “You’re funny. If I were your Ninong, mas gusto kong anakan ka. Tigilan mo ako! I know your kind! Nagpapapansin ka sa akin kaya pinuntahan mo ako dito. Gusto mo akong akitin!”

Nangingilid ang luha niya sa kahihiyan. “Hindi po ako nagbibiro. Totoo po ang sinasabi ko.”

Kinuha niya mula sa bag ang lumang sobre at larawan. “Ito po ang sulat ng Tatay Crisanto ko. Sinabi niyang kayo po ang Ninong ko, Rafael Vergara.”

Nang marinig nito ang pangalan, tila napako sa kinatatayuan ang lalaki. Mabagal nitong kinuha ang sulat, binasa, at unti-unting nag-iba ang ekspresyon.

“Crisanto…” mahina nitong bulong. “Anak ka ni Kuya Crisanto?”

Tumango siya, halos maiyak sa pag-asa. “O-opo. Kayo po si Ninong Rafael?”

Huminga ito nang malalim bago tumango. “Matagal na akong walang balita kay Kuya Crisanto…Anong nangyari?”

Tahimik silang nagkatitigan. Bumalong ang luha sa mga mata niya.

“Wala na po si Itay at Inay. Naaksidente po sila, hit and run. Hindi na po nahuli kung sino ang nakasagasa sa tricycle na sinasakyan nila.”

“Sad to hear that. Condolences. Bakit mo ako hinahanap? Anong kailangan mo?”

“Ninong, ulila na po ako. At sabi ni Itay, tutulungan ninyo ako bilang pagtanaw ng utang na loob sa kanya.”

“Tell me exactly, what do you want?”

Mabilis siyang nagsalita.

“Ninong wala na po akong matitirahan, pwede po bang pumasok na kasambahay? At lulubusin ko na po. Baka po pwedepag-aralin ninyo na din po ako,” aniyang kinapalan na ang mukha.

Tinitigan siya ng Ninong niya mula ulo hanggang paa.

“Magpahinga ka muna. Bukas tayo mag-usap,” anitong itinuro ang katabing kwarto.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Tin Tin Radoc
susme Ninong naabutan ......
goodnovel comment avatar
aphroditecuevas
thanks sa update (21-11-2025/16:01)
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • Secret Affair with My Hot Ninong   Kabanata 101 When Silence Breaks

    Tumahimik ang paligid sa loob ng bahay ni Sir Zack.“Liana,” marahang sabi ni Sir Zack. “May relasyon ba kayo ni Rafael?”Hindi siya agad sumagot.May sandaling pumasok sa isip niya ang lahat, ang gulo, ang eskandalo, ang takot, ang posibilidad na mas lalong lumala ang lahat kapag umamin siya. Pwede niyang iwasan. Pwede niyang sabihin na wala. Pwede niyang iligtas ang sarili niya.Pero biglang pumasok ang mukha ni Rafael sa isip niya. Kung paano siya yakapin kapag natatakot siya. Kung paano siya ipagtanggol kahit wala pa siyang paliwanag. Kung paano siya piliin kahit magulo ang mundo.Huminga siya nang malalim.“Mahal ko po siya at mahal din niya ako,” mahina niyang sabi.Pag-amin sa relasyon nila.Hindi depensa o paliwanag.Isang katotohanan lang.Saglit na tumahimik si Sir Zack. Kita sa mata nito ang pagkabigla at pag-unawa.“Salamat sa katapatan,” sabi nito. “Alam kong hindi madali ‘yan lalo sa isang bata pang kagaya mo.”“Sir Zack, natatakot po ako, dahil sa ugnayan po namin ni Ra

  • Secret Affair with My Hot Ninong   Kabanata 100 Against the World

    Tumunog ang cellphone ni Stella. Isang ngiting malamig ang sumilay sa labi niya habang pinipindot ang pangalan sa screen.“Stella,” sabi ni Karl sa kabilang linya. “Ano na naman ‘to? Bakit bigla mong gustong mag-file? Seryoso ka ba?”Hindi nag-aksaya ng oras si Stella. “Isampa mo na ang kaso, iutos mo sa iba. Masyadong matigas si Rafael.”Tumahimik sandali si Karl. “Rape case ‘to. Alam mo ‘yan. Kapag sinimulan natin, wala nang atrasan. At--” huminga siya nang malalim, “--bakit mo ba ipinipilit na makasal sina Rafael at Stacey? Akala ko ba… may gusto ka kay Rafael?”Sumikip ang panga ni Stella. “Alam mo, huwag kang makialam. Mas madali siyang agawin kung kay Stacey mapupunta.”“Stella--”“Kapag nakasal na sila,” patuloy niya, mabagal at malinaw, “pwede kong ipadala ulit si Stacey sa mental institution. Isang pirma lang. Isang assessment. Tapos kami na ni Rafael ang magsasama.”Nabigla si Karl. “Stella, you’re sick.”Tumawa si Stella. “At ikaw? Anong tawag ko sa’yo? Traydor sa kaibigan?

  • Secret Affair with My Hot Ninong   Kabanata 99 Starting the Investigation

    Kinagabihan, tahimik na bumukas ang pinto ng condo. Dumating si Rafael.“Babe,” tawag ni Liana, agad lumapit.Ngumiti si Rafael, yung ngiting pilit pero para bang ayaw mag-alala ang kaharap. “Hey.”Walang tanong si Liana. Hindi niya tinanong kung saan galing, o kung ano ang nangyari. Sa halip, hinila lang niya si Rafael papasok sa loob.“Gutom ka na ba? Magluluto pa lang ako.”“Pagtulungan na natin para mabilis.”Nagpunta sila sa kusina. Carbonara ang lulutuin nila. Siya ang naghiwa, si Rafael ang nagprito ng bacon. Nagbanggaan ang siko nila.Tahimik na naghihiwa ng sibuyas si Liana. Medyo namumula na ang mga mata niya, pero tuloy pa rin. Hawak ang kutsilyo, iniisip ang problema ni Rafael.Biglang dumulas ang sibuyas.“Aray!” napaungol siya.Napatingin siya sa daliri niya, may pulang patak ng dugo. Nahiwa siya.“Liana?” agad na tawag ni Rafael mula sa likuran.Hindi pa siya nakakasagot nang nasa harap na niya ang binata. Kinuha nito ang kamay niya, maingat pero mabilis, parang kabisad

  • Secret Affair with My Hot Ninong   Kabanata 98 Serious Threat

    “May gusto lang akong sabihin,” ani Stacey.Lumunok si Liana. Ramdam niya ang bigat ng sandaling iyon.“Hindi kita hinahabol para saktan,” dugtong ni Stacey, nangingilid ang luha sa mata. “Gusto ko lang malaman… kung ano ba talaga ang totoo.”Nag-alangan siya pero tumango. Umupo sila sa isang bench. Ilang segundo ng katahimikan ang lumipas.“May relasyon ba kayo ni Rafael?”“Ma’am Stacey, hindi na po ako magsisinungaling sa inyo. Mahalaga sa akin si Rafael at nagkakaunawaan po kami. Pero hindi po ako mapayapa kasi iniisip ko na nakasakit ako ng ibang tao. At kayo nga po ‘yun. Mabigat po sa kunsensya.”“Ikakasal kami kahit ano ang mangyari. Hindi papayag si Ate Stella na hindi matuloy ang kasal. Kaya humanda ka na. Baka matulad ka sa akin,” anitong tumatawa.Hindi niya alam kung maniniwala ba o hindi. Pero sumubok siyang magtanong.“Ma’am Stacey, ano po ang nangyari noong birthday mo?”“Hindi ko na alam,” biglang sabi ni Stacey, nanginginig ang boses. “Kung alin ang alaala ko… at alin

  • Secret Affair with My Hot Ninong   Kabanata 97 Good and Bad Times

    Nakahilig ang ulo ni Liana sa balikat ni Rafael, nakapikit, hinahayaan ang malamig na hangin na maging duyan ng isip niyang puno ng tanong.Walang paliwanag o pangakong madaling bitawan. Presensya lang.Matagal bago nagsalita si Rafael.“Kung lalayo ka man…” mababa ang boses nito, “…dahil sa gulong maaari mong harapin dahil sa akin, mauunawaan ko. Hindi ko gustong idamay ka kaso hindi ko alam kung hanggang saan aabot ang eskandalong ito.”Inangat niya ang ulo, hinawakan ang mukha ni Rafael, at hinalikan niya ang binata. Hindi nagmamadali. Hindi mapusok. Isang halik na malinaw ang intensyon.“Bad times man o good times,” bulong niya sa pagitan ng kanilang hininga, “palagi ako sa tabi mo. Ganoon ang pag-ibig hindi ba?”“Kahit hindi malinaw ang kahapon,” dagdag ni Liana, magkadikit ang noo nila, “pipiliin kita ngayon. Palagi. At naniniwala akong masosolusyunan mo ang problemang kinakaharap mo.”Parang may bumigay sa loob ni Rafael. Hinila siya nito at niyakap ng mahigpit, parang ayaw na

  • Secret Affair with My Hot Ninong   Kabanata 96 Believing Him

    Nauna pang pumasok si Stella sa condo unit ni Liana. Naglakad ito sa loob at nagmasid. Pagkatapos ay umupo ito sa sofa, tuwid ang likod, maingat ang bawat galaw. Ang mga mata nito ay matalim, mapanuri at parang sinusukat ang bawat sulok ng tinitirahan ni Liana.“Relax ka lang,” mahinahong sabi ni Stella, sabay ngiti na tila may malasakit. “Hindi ako nandito para manggulo. Gusto lang kitang kausapin.”Hindi sumagot si Liana. Hawak niya ang strap ng kanyang bag, pilit pinatatatag ang sarili. Ramdam niya ang tibok ng puso niya, mabilis, may halong kaba.“Concern lang talaga ako,” patuloy ni Stella. “Bilang babae. Alam mo naman… may mga bagay na mahirap tanggapin kapag mahal natin ang isang tao. Minsan nagiging bulag na din tayo. I get it. Sino ba naman ang hindi magkakagusto sa isang Rafael Vergara. Pero hindi mo siya lubos na kilala.”“Concern?” tanong ni Liana, mahinahon pero may bakas ng paninindigan. “O nananakot lang kayo?”Bahagyang nagbago ang ngiti ni Stella, isang iglap lang, bum

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status