LOGINMula nang makarating si Liana sa mansyon, iba ang tibok ng puso niya, hindi dahil sa takot, kundi dahil sa kakaibang katiwasayan na dala ng presensiya ni Ninong Rafael. Hindi lang ito ninong. Isang tagapagligtas. At sa sandaling iyon, lihim niyang pinangako, gagawin niya ang lahat to please him. Mag-aral nang mabuti, magtrabaho nang tapat, huwag lalabag sa mga alituntunin.
Tumigil ang sasakyan sa harap ng isang boutique sa bayan. Tumingin si Rafael sa relo, pagkatapos ay sa kanya.
“Bumaba ka,” utos niya, kalmado ngunit walang puwang ang pagtutol. “Bibilhan kita ng mga damit na maayos at disente.”
“Hindi na po--”
Ngunit hindi na siya nito pinansin. Bumaba sila. Sa loob, sinalubong sila ng saleslady na halos yuko ang ulo sa paggalang. Habang sinusukat ni Liana ang mga damit sa harap ng salamin, blouse na sarado ang neckline, slacks na sakto ang haba, at cardigan. Naririnig niya ang mababang boses ni Rafael na nagbibigay ng sukat, kulay, at tela na hindi malambot, hindi manipis. Para bang matagal na niya itong ginagawa para sa isang taong pinoprotektahan. Ganito din ba ito sa kasintahan?
“Sir, may gusto po ba kayong idagdag?” tanong ng saleslady.
“Shoes,” sagot niya. “At bag para sa school.”
Ngumiti ang saleslady. Halatang kinikilig.
“Liana, pumili ka ng bag at sapatos mo.”
“Ninong, wala po akong pambayad.”
“Ako ang bahala.”
Paglabas nila ng boutique, may dumating na notification sa phone ni Rafael. Kumunot ang noo nito. Saglit na sumeryoso ang mukha.
“Tara na,” anitong kinuha ang mga pinamili niya at binuksan ang pinto ng sasakyan para sa kanya.
Sumakay siya, mahigpit ang yakap sa bagong bag, at marahang tumingin sa bintana. Masarap sa pakiramdam na may tao na siyang masasandalan.
Pagdating sa mansyon, bago pa sila makapasok, bumukas ang pinto. Isang magandang babaeng naka-puting dress ang nakatayo sa veranda. Pareho silang natigilan.
Napatingin siya kay Rafael. Hindi nito tinanggal ang tingin sa babae sa veranda.
Pagkabukas nila ng pinto ng mansyon, sinalubong agad sila ng malambing na boses.
“Rafael…”
Hindi nakaligtas sa kanya ang matalim nitong tingin, ‘yung klaseng kaya kang sukatin mula ulo hanggang paa.
“Stella,” malamig na bati ni Rafael. “May kailangan ka ba?”
“Wala naman, na-miss lang kita,” anito saka lumingon kay Liana. “At sino siya?”
Napatigil si Liana, hindi alam kung sasagot. Ramdam niya ang pagsipat ng babae sa damit niyang luma, sa buhok niyang magulo.
“Inaanak ko,” sagot ni Rafael, kalmado. “Anak ni Crisanto Mariano.”
Halos sabay silang nagulat nang marinig ni Stella ang pangalan. “Si Crisanto… kaibigan mong iyon? So this girl, how old is she?”
“Nineteen,” sagot ni Rafael.
“Malapit na po akong maging twenty,” singit.
“Halos ka-edad mo,” sarkastikong tawa ni Stella. “Raf, alam mo bang hindi makabubuti sa reputasyon mo kapag nabalitaan ng mga tao na may babae kang kasama sa iisang bubong? ‘Di ba gusto mong maging tahimik ang buhay mo?”
Tumango si Rafael, nagbago ang tono. Pansamantala lang si Liana dito.”
Ngunit sa bawat salitang iyon, parang tinutusok ng puso niya. Pansamantala lang pala siya.
Habang tumatalikod si Stella, halos magbuga ng apoy ang mga mata nito.
“Sino po si Ma’am Stella?” tanong ni Liana nang makaalis ito.
Sandaling tumahimik si Rafael bago sumagot, malamig na parang yelo. “Isang kaibigan.”
Kaibigan? Parang iba ang pakiramdam niya. Teka, kahawig nito ang babae sa larawan. Ito ba ang girlfriend ng Ninong niya?
***
Kinabukasan, maagang umalis si Yaya Lucy. Naabutan ni Liana sa sala ang ilang plastic at paper bags, may tatak na boutique sa lungsod.
“Para saan po ito?” tanong niya sa Ninong Rafael niya.
“Damit mo,” sagot nito habang nakasandal sa sofa, hawak ang tasa ng kape. “Hindi ka pwedeng lumabas ulit nang ganoon ang suot. Pinatahi ko na rin ang uniform mo sa school.”
Namula siya. “Salamat po, Ninong Rafael. Nakakahiya po.”
“Hiindi ka ba marunong tumanggap ng regalo?”
Ngumiti siya ng pilit. “Hindi lang po ako sanay.”
“Then get used to it,” malamig na sagot nito.
Binuksan niya ang mga paper bag sa kuwarto, mga simpleng blusa, long skirts, pants, cotton tshirts. Sinubukan niyang isuot ang isa, beige na bestida, hanggang tuhod, pero fitted. Habang sinusukat sa salamin, pumasok si Rafael, hawak ang phone, tila may sasabihin pero natigilan nang makita siya.
Agad na nagtakip ng dibdib si Liana, namula. “Pasensiya na po! Hindi ko alam na papasok kayo.”
“Hindi mo kailangang mag-sorry,” sabi nito, mabilis na nagbawi ng tingin. “Zipper mo, bukas.”
Napalingon siya. Totoo, hindi pa niya naisara ang zipper sa likod. Hinawakan niya ang laylayan, nagpipilit abutin, pero hindi kaya.
“Allow me,” wika ni Rafael, mahina ang boses. Lumapit ito, mabagal, maingat, at inilapat ang kamay sa zipper. Dahan-dahang umakyat ang tunog ng metal habang sinasara ito.
“Salamat po,” mahina niyang sabi.
“Next time, sabihan mo si Yaya Lucy o kahit sinong kasambahay,” aniya, sabay atras ng isang hakbang. Ngunit bago pa siya tuluyang lumayo, nagtama ang kanilang mga mata sa salamin.
Sa likod ng malamig nitong anyo, may kung anong apoy na sandaling sumilay, isang bagay na parehong ikinagulat nilang dalawa.
Agad niyang ibinaling ang tingin. Hindi, hindi ito tama.
Upang mapawi ang kaba, kinuha niya ang isa pang damit. “Ang gaganda po ng mga tela. Hindi ko po alam kung paano makakabawi sa lahat ng ginagawa ninyo para sa akin.”
“You don’t have to thank me,” malamig ngunit mababa ang tono. “Ginagawa ko lang ang tama.”
“Ninong…” Nag-aatubili siya. “Gagawin ko po ang lahat para makabawi ako sa lahat ng naitulong ninyo.”
Matagal bago ito sumagot. Inilapag ni Rafael ang hawak na phone sa mesa at humarap nang tuluyan sa kanya.
“Lahat? I don’t expect anything,” mahinahon nitong sabi. “Pero kung sa’yo manggagaling ang pambawi na ‘yan…”
Tumigil ito sandali, bahagyang ngumiti, “…siguro, tatanggapin ko.”
Ang ngiting iyon ay sapat upang umalon ang puson niya. Hindi niya alam kung paano tutugon. Napalunok siya, ramdam ang pag-init ng pisngi. Ang mga salitang iyon, parang may nakatagong kahulugan sa ilalim ng bawat pantig.
“Ano po ang ibig ninyong sabihin, ninong?” tanong niya, halos pabulong.
Tumahimik ang paligid sa loob ng bahay ni Sir Zack.“Liana,” marahang sabi ni Sir Zack. “May relasyon ba kayo ni Rafael?”Hindi siya agad sumagot.May sandaling pumasok sa isip niya ang lahat, ang gulo, ang eskandalo, ang takot, ang posibilidad na mas lalong lumala ang lahat kapag umamin siya. Pwede niyang iwasan. Pwede niyang sabihin na wala. Pwede niyang iligtas ang sarili niya.Pero biglang pumasok ang mukha ni Rafael sa isip niya. Kung paano siya yakapin kapag natatakot siya. Kung paano siya ipagtanggol kahit wala pa siyang paliwanag. Kung paano siya piliin kahit magulo ang mundo.Huminga siya nang malalim.“Mahal ko po siya at mahal din niya ako,” mahina niyang sabi.Pag-amin sa relasyon nila.Hindi depensa o paliwanag.Isang katotohanan lang.Saglit na tumahimik si Sir Zack. Kita sa mata nito ang pagkabigla at pag-unawa.“Salamat sa katapatan,” sabi nito. “Alam kong hindi madali ‘yan lalo sa isang bata pang kagaya mo.”“Sir Zack, natatakot po ako, dahil sa ugnayan po namin ni Ra
Tumunog ang cellphone ni Stella. Isang ngiting malamig ang sumilay sa labi niya habang pinipindot ang pangalan sa screen.“Stella,” sabi ni Karl sa kabilang linya. “Ano na naman ‘to? Bakit bigla mong gustong mag-file? Seryoso ka ba?”Hindi nag-aksaya ng oras si Stella. “Isampa mo na ang kaso, iutos mo sa iba. Masyadong matigas si Rafael.”Tumahimik sandali si Karl. “Rape case ‘to. Alam mo ‘yan. Kapag sinimulan natin, wala nang atrasan. At--” huminga siya nang malalim, “--bakit mo ba ipinipilit na makasal sina Rafael at Stacey? Akala ko ba… may gusto ka kay Rafael?”Sumikip ang panga ni Stella. “Alam mo, huwag kang makialam. Mas madali siyang agawin kung kay Stacey mapupunta.”“Stella--”“Kapag nakasal na sila,” patuloy niya, mabagal at malinaw, “pwede kong ipadala ulit si Stacey sa mental institution. Isang pirma lang. Isang assessment. Tapos kami na ni Rafael ang magsasama.”Nabigla si Karl. “Stella, you’re sick.”Tumawa si Stella. “At ikaw? Anong tawag ko sa’yo? Traydor sa kaibigan?
Kinagabihan, tahimik na bumukas ang pinto ng condo. Dumating si Rafael.“Babe,” tawag ni Liana, agad lumapit.Ngumiti si Rafael, yung ngiting pilit pero para bang ayaw mag-alala ang kaharap. “Hey.”Walang tanong si Liana. Hindi niya tinanong kung saan galing, o kung ano ang nangyari. Sa halip, hinila lang niya si Rafael papasok sa loob.“Gutom ka na ba? Magluluto pa lang ako.”“Pagtulungan na natin para mabilis.”Nagpunta sila sa kusina. Carbonara ang lulutuin nila. Siya ang naghiwa, si Rafael ang nagprito ng bacon. Nagbanggaan ang siko nila.Tahimik na naghihiwa ng sibuyas si Liana. Medyo namumula na ang mga mata niya, pero tuloy pa rin. Hawak ang kutsilyo, iniisip ang problema ni Rafael.Biglang dumulas ang sibuyas.“Aray!” napaungol siya.Napatingin siya sa daliri niya, may pulang patak ng dugo. Nahiwa siya.“Liana?” agad na tawag ni Rafael mula sa likuran.Hindi pa siya nakakasagot nang nasa harap na niya ang binata. Kinuha nito ang kamay niya, maingat pero mabilis, parang kabisad
“May gusto lang akong sabihin,” ani Stacey.Lumunok si Liana. Ramdam niya ang bigat ng sandaling iyon.“Hindi kita hinahabol para saktan,” dugtong ni Stacey, nangingilid ang luha sa mata. “Gusto ko lang malaman… kung ano ba talaga ang totoo.”Nag-alangan siya pero tumango. Umupo sila sa isang bench. Ilang segundo ng katahimikan ang lumipas.“May relasyon ba kayo ni Rafael?”“Ma’am Stacey, hindi na po ako magsisinungaling sa inyo. Mahalaga sa akin si Rafael at nagkakaunawaan po kami. Pero hindi po ako mapayapa kasi iniisip ko na nakasakit ako ng ibang tao. At kayo nga po ‘yun. Mabigat po sa kunsensya.”“Ikakasal kami kahit ano ang mangyari. Hindi papayag si Ate Stella na hindi matuloy ang kasal. Kaya humanda ka na. Baka matulad ka sa akin,” anitong tumatawa.Hindi niya alam kung maniniwala ba o hindi. Pero sumubok siyang magtanong.“Ma’am Stacey, ano po ang nangyari noong birthday mo?”“Hindi ko na alam,” biglang sabi ni Stacey, nanginginig ang boses. “Kung alin ang alaala ko… at alin
Nakahilig ang ulo ni Liana sa balikat ni Rafael, nakapikit, hinahayaan ang malamig na hangin na maging duyan ng isip niyang puno ng tanong.Walang paliwanag o pangakong madaling bitawan. Presensya lang.Matagal bago nagsalita si Rafael.“Kung lalayo ka man…” mababa ang boses nito, “…dahil sa gulong maaari mong harapin dahil sa akin, mauunawaan ko. Hindi ko gustong idamay ka kaso hindi ko alam kung hanggang saan aabot ang eskandalong ito.”Inangat niya ang ulo, hinawakan ang mukha ni Rafael, at hinalikan niya ang binata. Hindi nagmamadali. Hindi mapusok. Isang halik na malinaw ang intensyon.“Bad times man o good times,” bulong niya sa pagitan ng kanilang hininga, “palagi ako sa tabi mo. Ganoon ang pag-ibig hindi ba?”“Kahit hindi malinaw ang kahapon,” dagdag ni Liana, magkadikit ang noo nila, “pipiliin kita ngayon. Palagi. At naniniwala akong masosolusyunan mo ang problemang kinakaharap mo.”Parang may bumigay sa loob ni Rafael. Hinila siya nito at niyakap ng mahigpit, parang ayaw na
Nauna pang pumasok si Stella sa condo unit ni Liana. Naglakad ito sa loob at nagmasid. Pagkatapos ay umupo ito sa sofa, tuwid ang likod, maingat ang bawat galaw. Ang mga mata nito ay matalim, mapanuri at parang sinusukat ang bawat sulok ng tinitirahan ni Liana.“Relax ka lang,” mahinahong sabi ni Stella, sabay ngiti na tila may malasakit. “Hindi ako nandito para manggulo. Gusto lang kitang kausapin.”Hindi sumagot si Liana. Hawak niya ang strap ng kanyang bag, pilit pinatatatag ang sarili. Ramdam niya ang tibok ng puso niya, mabilis, may halong kaba.“Concern lang talaga ako,” patuloy ni Stella. “Bilang babae. Alam mo naman… may mga bagay na mahirap tanggapin kapag mahal natin ang isang tao. Minsan nagiging bulag na din tayo. I get it. Sino ba naman ang hindi magkakagusto sa isang Rafael Vergara. Pero hindi mo siya lubos na kilala.”“Concern?” tanong ni Liana, mahinahon pero may bakas ng paninindigan. “O nananakot lang kayo?”Bahagyang nagbago ang ngiti ni Stella, isang iglap lang, bum







