MasukPlease read my other books in GoodNovel. 1. The Billionaire’s Secret Maid – (latest) Ongoing 2. Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO – (Book 1-5) Ongoing 3. Never Fall Again to the Heartless Billionaire (Book 1-3) - Completed 4. Love for Rent (1.3M views-Book1-7) - Completed 5. The CEO's Cold Ex-Wife - Ongoing 6. Unlove Me Not - Completed 7. The Ex-Convict Billionaire - Completed Maraming salamat po sa suporta!
Sa gitna ng lumalakas na bulungan, humakbang pa palapit si Stacey at hinawakan ang manggas ng jacket na suot ni Sofia.“Haliparot ka,” singhal nito. “Layuan mo ang boyfriend ko.”Parang sabay-sabay na tumusok sa balat ni Sofia ang mga matang nakapaligid sa kanila.Hindi siya agad nakasagot. Alam niyang may pinagdaraanan si Stacey. At isa pa, may katotohanan din naman ang paratang nito, hindi sa pagiging haliparot niya, kundi sa katotohanang gusto niya si Zack kahit alam niyang bawal.Bago pa niya maalis ang jacket, bumalik si Zack at tumayo sa pagitan nila.“Tama na ’yan, Stacey.” Hindi ito sumigaw, ngunit nanlamig ang boses nito. “Wala kang karapatang insultuhin ang estudyante ko.”Napaatras nang bahagya si Stacey. Namula ang mukha nito sa galit at kahihiyan.“Nangako kang hindi mo ako pababayaan!” sigaw nito. “Pero bakit may iba kang inaalagaan? Estudyante lang, binigyan mo pa ng jacket!”Muling bumigat ang dibdib ni Sofia.Iyon din ang pangakong narinig niya kagabi.Kumaway si Zack
May hawak na thermos si Sir Zack. Sa mesa sa harap nito ay may isang tasa at maliit na pakete ng powdered milk.“Bakit gising ka pa?” tanong nito.“Hindi po ako makatulog.”Hindi na niya idinagdag na masakit ang puson niya. Hindi rin niya sinabing paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang nangyari sa gazebo, ang kamay nitong nakahawak sa kanyang pulso, ang mukha nitong napakalapit, at ang sinabi nito na hindi niya kayang kalimutan.Tahimik na inilapag ni Zack ang thermos sa mesa.“Magtimpla ka ng gatas,” sabi nito. “Mainit pa ang tubig.”Napangiti siya.“Salamat po.”Hindi agad sumagot si Zack. Binuksan nito ang thermos at nagsalin ng mainit na tubig sa tasa.“Ako na po,” sabi ni Sofia.Ngunit bago pa niya makuha ang pakete, pinunit na iyon ni Zack. Ibinuhos nito ang powdered milk sa tasa at saka hinalo gamit ang maliit na kutsara.Parang bumalik sila sa cabin. Parehong tahimik. Parehong nagpapanggap na walang kakaiba sa paraan ng pag-aalaga nito sa kanya.Iniabot ni Zack ang tasa.Nan
Dahan-dahang umatras si Sofia.Mahigpit ang hawak niya sa jacket ni Zack na nakabalot pa rin sa kanyang balikat. Ilang minuto pa lang ang nakalilipas, parang may pag-asang sumiklab sa dibdib niya. Ngayon, isang linya lamang ang sapat para patayin iyon.Bakit ba siya nasasaktan?Wala naman silang relasyon. Walang ipinangako sa kanya si Sir Zack. Hindi porke’t hinipan nito ang sabaw para sa kanya, binantayan siyang matulog, at sinalo siya nang mahulog ay may karapatan na siyang umasa.Muli siyang umatras.Naputol ang tuyong sanga sa ilalim ng kanyang sapatos.Lumingon si Zack.“Sofia?”Mabilis siyang tumalikod at naglakad palayo habang pinipigilan ang luhang namumuo sa kanyang mga mata.Narinig niyang may maikling sinabi si Zack sa kausap bago nito tinapos ang tawag. Ilang sandali lang, narinig niyang papalapit ang mabilis na yabag nito.“Sofia, sandali.”Huminto siya at humarap dito.“Gabi na. Bakit nasa labas ka pa?”“Sir, isasauli ko lang po itong jacket ninyo.”Biglang bumuhos ang u
Mabilis na lumapit si Sir Zack sa p***o. Nang buksan niya iyon, isang matandang lalaki ang bumungad sa kanila. Suot nito ang kapote ng campsite, may hawak na radyo sa isang kamay at nakatiklop na payong sa kabila.“Sir Zack, kanina pa po kayo hinahanap ng organizers,” sabi nito. “Pababa na rin ang ibang grupo mula sa summit.”Napahinga nang maluwag si Sofia. Caretaker lamang pala.Pumasok nang kaunti ang matanda at agad napansin ang jacket ni Zack na nakabalot sa balikat niya. Napunta rin ang tingin nito sa dalawang mangkok sa ibabaw ng mesa.“Girlfriend mo ba, Sir Zack?” tanong nito nang nakangiti.Parang biglang nawala ang hangin sa loob ng cabin.“Hindi,” mabilis na sagot ni Zack. “Student assistant ko siya. Masama lang ang pakiramdam niya.”“Ah.” Tumango ang caretaker, pero hindi nawala ang mapanuksong ngiti. “Akala ko kasi—”“Kuya Ben,” malamig na putol ni Zack.Sa kabila ng seryosong mukha ng guro, napansin ni Sofia na bahagyang namula ang dulo ng mga tenga nito.“Bumalik na po t
Huminga si Zack nang malalim, saka sumagot nang malamig at maikli, parang walang puwang ang discussion.“She’s with me.”May saglit na katahimikan sa kabilang linya. Parang may nag-uusap sa background.Dagdag ni Zack, mas kontrolado. “Masama ang pakiramdam. Kasama siya ng caretaker. Continue the hike.”Ibinaba nito ang tawag.Tahimik ulit.At sa sofa, si Sofia, kahit napipikit na ang mata sa antok, nakaramdam ng guilt kahit hindi niya makita ang expression ni Zack.Kailangan pang magsinungaling ni Sir Zack para sa kanya.Pinilit niyang idilat ang mata niya. Pero hindi na niya kaya. Hinila na siya ng antok.***Nagising si Sofia sa init na hindi niya inaasahan.Hindi init ng araw, may hamog pa rin sa labas, at may mahinang patak ng ulan sa bubong ng cabin. Ang init ay galing sa jacket na nakabalot sa kanya, jacket ni Sir Zack. Mabigat, mabango, at amoy Zack.Dahan-dahan niyang iminulat ang mata.At doon niya nakita ang guro.Nakaupo ito sa gilid ng maliit na mesa, nakasandal nang bahagy
Hindi na nagtanong si Sofia habang inaalalayan siya ni Sir Zack palayo sa trail. Tahimik ang paligid, hamog, putik, at huni ng mga ibon. Sa unahan, naririnig pa niya ang sigawan ng mga kaklase niya, palayo sa kanila. Paakyat ang mga ito.Pero sila ni Sir Zack… pababa.“Sir, baka po may maghanap sa inyo. Naiiwan na po tayo.”Hindi siya sinagot agad ni Zack. Isang beses lang itong sumulyap sa kanya.Pagdating nila sa isang makitid na daan na natatakpan ng mga puno, natanaw ni Sofia ang isang maliit na bahay, parang cabin na maayos ang pagkakagawa. Kahoy ang dingding, may maliit na porch, at may bintanang may kurtina.“Sir, pwede po ba dito?” gulat niyang tanong.Kinuha ni Zack ang susi sa bulsa. Binuksan nito ang pinto na parang ito ang may-ari.“Pasok, my family owns this. Relax.”Dahan-dahan siyang pumasok.Sa loob, may kama at sofa. Maroon ding maliit na table. May unan at kumot na nakatiklop sa gilid. May maliit na kitchen counter sa dulo, may kettle, at cabinet. Tahimik at malinis.
Ramdam ni Rafael ang bigat na parang may nakapatong sa dibdib niya.Dumating sina Stella at Stacey, may kasamang abogado.Nagsi-upo ang mga ito sa malaking table.“Rafael,” mahinahong sabi ng isa sa mga abogado, “kung pipirma ka sa kasunduan, agad naming iu-urong ang kaso. Walang kulong. Walang eska
Nagmamadaling lumabas si Rafael.Tahimik ang lobby ng condo pero parang may sumisigaw sa bawat sulok.Nakatayo siya sa harap ng guard desk, hawak ang susi ni Liana na parang ebidensiyang ayaw tanggapin ng puso niya.“Sir,” sabi ng guard, maingat ang tono, “lumabas po si Miss Liana kahapon ng bandang
“Misis, kailangan po ng ultrasound para makita ang heartbeat ng baby,” anang duktor na pumukaw sa malalim niyang iniisip.Tumango na lamang siya. Nakaupo siya sa gilid ng kama at humiga, nakataas nang bahagya ang damit. Nanginginig ang mga kamay niya kahit pinipilit niyang huminga nang maayos. Sa t
Nauna pang pumasok si Stella sa condo unit ni Liana. Naglakad ito sa loob at nagmasid. Pagkatapos ay umupo ito sa sofa, tuwid ang likod, maingat ang bawat galaw. Ang mga mata nito ay matalim, mapanuri at parang sinusukat ang bawat sulok ng tinitirahan ni Liana.“Relax ka lang,” mahinahong sabi ni St







