MasukMaligayang Pasko! Salamat sa walang sawang pagsuporta sa aking mga kwento. You are the best gift an author could ever have.
Tumunog ang cellphone ni Stella. Isang ngiting malamig ang sumilay sa labi niya habang pinipindot ang pangalan sa screen.“Stella,” sabi ni Karl sa kabilang linya. “Ano na naman ‘to? Bakit bigla mong gustong mag-file? Seryoso ka ba?”Hindi nag-aksaya ng oras si Stella. “Isampa mo na ang kaso, iutos mo sa iba. Masyadong matigas si Rafael.”Tumahimik sandali si Karl. “Rape case ‘to. Alam mo ‘yan. Kapag sinimulan natin, wala nang atrasan. At--” huminga siya nang malalim, “--bakit mo ba ipinipilit na makasal sina Rafael at Stacey? Akala ko ba… may gusto ka kay Rafael?”Sumikip ang panga ni Stella. “Alam mo, huwag kang makialam. Mas madali siyang agawin kung kay Stacey mapupunta.”“Stella--”“Kapag nakasal na sila,” patuloy niya, mabagal at malinaw, “pwede kong ipadala ulit si Stacey sa mental institution. Isang pirma lang. Isang assessment. Tapos kami na ni Rafael ang magsasama.”Nabigla si Karl. “Stella, you’re sick.”Tumawa si Stella. “At ikaw? Anong tawag ko sa’yo? Traydor sa kaibigan?
Kinagabihan, tahimik na bumukas ang pinto ng condo. Dumating si Rafael.“Babe,” tawag ni Liana, agad lumapit.Ngumiti si Rafael, yung ngiting pilit pero para bang ayaw mag-alala ang kaharap. “Hey.”Walang tanong si Liana. Hindi niya tinanong kung saan galing, o kung ano ang nangyari. Sa halip, hinila lang niya si Rafael papasok sa loob.“Gutom ka na ba? Magluluto pa lang ako.”“Pagtulungan na natin para mabilis.”Nagpunta sila sa kusina. Carbonara ang lulutuin nila. Siya ang naghiwa, si Rafael ang nagprito ng bacon. Nagbanggaan ang siko nila.Tahimik na naghihiwa ng sibuyas si Liana. Medyo namumula na ang mga mata niya, pero tuloy pa rin. Hawak ang kutsilyo, iniisip ang problema ni Rafael.Biglang dumulas ang sibuyas.“Aray!” napaungol siya.Napatingin siya sa daliri niya, may pulang patak ng dugo. Nahiwa siya.“Liana?” agad na tawag ni Rafael mula sa likuran.Hindi pa siya nakakasagot nang nasa harap na niya ang binata. Kinuha nito ang kamay niya, maingat pero mabilis, parang kabisad
“May gusto lang akong sabihin,” ani Stacey.Lumunok si Liana. Ramdam niya ang bigat ng sandaling iyon.“Hindi kita hinahabol para saktan,” dugtong ni Stacey, nangingilid ang luha sa mata. “Gusto ko lang malaman… kung ano ba talaga ang totoo.”Nag-alangan siya pero tumango. Umupo sila sa isang bench. Ilang segundo ng katahimikan ang lumipas.“May relasyon ba kayo ni Rafael?”“Ma’am Stacey, hindi na po ako magsisinungaling sa inyo. Mahalaga sa akin si Rafael at nagkakaunawaan po kami. Pero hindi po ako mapayapa kasi iniisip ko na nakasakit ako ng ibang tao. At kayo nga po ‘yun. Mabigat po sa kunsensya.”“Ikakasal kami kahit ano ang mangyari. Hindi papayag si Ate Stella na hindi matuloy ang kasal. Kaya humanda ka na. Baka matulad ka sa akin,” anitong tumatawa.Hindi niya alam kung maniniwala ba o hindi. Pero sumubok siyang magtanong.“Ma’am Stacey, ano po ang nangyari noong birthday mo?”“Hindi ko na alam,” biglang sabi ni Stacey, nanginginig ang boses. “Kung alin ang alaala ko… at alin
Nakahilig ang ulo ni Liana sa balikat ni Rafael, nakapikit, hinahayaan ang malamig na hangin na maging duyan ng isip niyang puno ng tanong.Walang paliwanag o pangakong madaling bitawan. Presensya lang.Matagal bago nagsalita si Rafael.“Kung lalayo ka man…” mababa ang boses nito, “…dahil sa gulong maaari mong harapin dahil sa akin, mauunawaan ko. Hindi ko gustong idamay ka kaso hindi ko alam kung hanggang saan aabot ang eskandalong ito.”Inangat niya ang ulo, hinawakan ang mukha ni Rafael, at hinalikan niya ang binata. Hindi nagmamadali. Hindi mapusok. Isang halik na malinaw ang intensyon.“Bad times man o good times,” bulong niya sa pagitan ng kanilang hininga, “palagi ako sa tabi mo. Ganoon ang pag-ibig hindi ba?”“Kahit hindi malinaw ang kahapon,” dagdag ni Liana, magkadikit ang noo nila, “pipiliin kita ngayon. Palagi. At naniniwala akong masosolusyunan mo ang problemang kinakaharap mo.”Parang may bumigay sa loob ni Rafael. Hinila siya nito at niyakap ng mahigpit, parang ayaw na
Nauna pang pumasok si Stella sa condo unit ni Liana. Naglakad ito sa loob at nagmasid. Pagkatapos ay umupo ito sa sofa, tuwid ang likod, maingat ang bawat galaw. Ang mga mata nito ay matalim, mapanuri at parang sinusukat ang bawat sulok ng tinitirahan ni Liana.“Relax ka lang,” mahinahong sabi ni Stella, sabay ngiti na tila may malasakit. “Hindi ako nandito para manggulo. Gusto lang kitang kausapin.”Hindi sumagot si Liana. Hawak niya ang strap ng kanyang bag, pilit pinatatatag ang sarili. Ramdam niya ang tibok ng puso niya, mabilis, may halong kaba.“Concern lang talaga ako,” patuloy ni Stella. “Bilang babae. Alam mo naman… may mga bagay na mahirap tanggapin kapag mahal natin ang isang tao. Minsan nagiging bulag na din tayo. I get it. Sino ba naman ang hindi magkakagusto sa isang Rafael Vergara. Pero hindi mo siya lubos na kilala.”“Concern?” tanong ni Liana, mahinahon pero may bakas ng paninindigan. “O nananakot lang kayo?”Bahagyang nagbago ang ngiti ni Stella, isang iglap lang, bum
Nagising si Liana sa ingay sa kusina. Paglabas niya ng kwarto, nadatnan niya si Rafael sa kusina. Seryoso ang mukha habang nagluluto ng sopas. May itlog at tinapay na sa mesa.“Good morning,” mahina niyang bati.Napalingon si Rafael at agad ngumiti, pero hindi umabot sa mata.“Good morning, babe.” Lumapit ito, hinalikan siya sa noo. “Upo ka muna. Malapit na akong matapos.”Umupo si Liana sa mesa, pinagmamasdan siya. May mga sandaling titigil si Rafael sa ginagawa, nakatitig sa kawalan, parang may iniisip na malalim. Tapos babalik ulit sa pagluluto na parang walang nangyari.Napansin niya.Pero pinili niyang manahimik.Pagkatapos kumain, inihatid siya ni Rafael sa school. Hawak ang kamay niya sa buong biyahe, pero mas tahimik kaysa dati. Hindi siya nagtanong. Naniniwala siyang kapag handa na ay ito mismo ang magsasabi sa kanyaPagbaba niya ng sasakyan, hinawakan ni Rafael ang pisngi niya.“Message mo ako kapag tapos na klase mo,” sabi nito.Tumango siya. “Mag-ingat ka.”Ngumiti si Rafae







