LOGINKabanata 3
NANENG POINT OF VIEW Napakurap ako. Hindi pa rin sumisink-in sa utak ko ang katotohanan na si Kid ang mag-i-inyerview sa akin. "Ikaw ang boss ng Exhibition Space?" Napangiti si Kid, "Pwede rin hindi—kung hindi mo paniniwalaan." Hindi ko alam kung nagbibiro ba siya o nang-aasar. Inuuto ata ako ng lalaking 'to! "'Yong totoo?" Seryoso kong sabi. Mayamaya ay may kinuha siya sa drawer ng table niya't inilapag iyon sa itaas ng lamesa; pinaharap sa akin ang desk name plate. "Kid Gabriel Labrador—Alcantara. Chief Executive Officer." Nagawa niya pa talaga akong asarin sa lagay na iyan? Peke akong ngumiti. Gustuhin mo mang manlaban ay napaisip ako na baka hindu niya ako kukunin bilang empliyado niya. Kailangan kong magpakabait. Kailangan ko ang trabahong ito. Nabawasan ko na rin 'yong perang saving ko na binigay sa akin. "I have no idea na ikaw pala ang CEO ng ESI. Wala naman kasing sinabi si—" "Si attorney Xyrine?" Marahan akong tumango. "Hmm..." Napasinghap ng hangin sa kawalan si Kid. Kaagad niyang tinignan ang mga dokumentong mga dala ko't isa-isa niyang tinignan iyon. Tinignan niya lang—hindi niya binasa. "Mazekeen Araneta, fresh graduate fron Arellano University—Bachelor of Arts in Political Science. Single, twenty years old," umangat ang mukha ni Kid. Sinipat ang mukha ko. "You look very young—eighteen? Just kidding. So, bigyan mo ako ng valid reason kung bakit kukunin kita as my new secretary?" "New secretary?!" Bulalas ko. Sumalubong ang mga kilay ni Kid. Hindi inaasahan ang biglaang sabat ko. Binalingan ni Kid ang sekretaryang si Miss Helen. "Sinunod ko lang ang sinabi mo Sir Gab." Pagtatama ng babae. Mayamaya ay bumalik ang tingin niya sa akin at saka tumayo. Lumapit sa kinauupuan ko't tumungo sa aking likuran. Hinawakan ang magkabila kong balikat sabay lapit ng mulha niya sa gilid ng tainga ko. Nagsitayuan ang mga balahibo ko nang bumulong siya roon. "Two-hundred thousand with weekly day off. Payable ang overtime. Are willing to be my personal secretary?" Akma akong tatayo nang pinigilan niya ako. Napako ako na lang ako sa aking kinauupuan. "Nagbibiro ka ba?!" "Attorney Xyrine recommended you to me. You are capable to do anything, right? Just agree with me and everything will go with the flow. It's your choice pa rin naman. Pero isipin mo na lang si Attorney Xyrine." Tila ba'y pinakapakonsensya ako ng lalaking ito. Ginagamit niya pa talaga si Ma'am Marie na panakot sa akin. Pero may punto pa rin naman si Kid. Napaisip ako; malaki ang sweldo, bayad din ang overtime. Inalis ko ang mga kamay niya sa balikat ko. Tuwid akong tumayo sa harapan niya't yumukod. "Thank you for inviting me here Sir Gabriel Alcantara. Kailan po ang permahan ng kontrata?" Nagpapacute pa na sabi ko sa kanya. Bawal ang hiya-hiya sa panahon ngayon. Krisis sa Pilipinas—kwarta ang kailangan ng mga tao ngayon. Kwarta ang kailangan ko para sa aking mga kapatid, para sa sarili ko at pangarap kong maging abogado. "Seriously? Gusto mo talagang magtrabaho rito? No turning back Naneng." "Mazekeen po Sir Gabriel Alcantara." Pagtatama ko na may magalang na pananalita. Humakbang siya papalapit sa akin—humakbang naman ako paatras sa kanya. Ayaw kong gawin advantage ang pagiging magkakilala namin. Amo pa rin siya. Boss ko na rin siya. "Tomorrow, may exhibition event sa building na ito—sa ground floor to fifth floor to be exact. Sa unang araw ng trabaho mo, you need to check and verify all the guest na pumapasok," suminya si Kid kay Miss Helen. May inabot na ipad si Miss Helen sa akin at may ipinakita. Tinignan ko naman iyon. "Nandiyan sa master list na iyan ang pangalan ng mga bisita. Verify mo lang—iyan ang unang task mo sa unang araw ng trabaho mo." Patago akong ngumiti. Napakasimple lang naman pala ng trabaho ko. Peteks lang 'to sa akin. "Anong oras ang event Sir Alcantara?" Magalang kong wika. Kumunot ang noo niya. Parang hindi ata komportable sa tawag ko. Napailing siya. Binaliwala ang narinig. "Thirteen-thirty sharp. Dapat maaga ka pa nang mapag-aralan mo ang gagawin mo bukas. Is it okay for you Miss Mazekeen?" Madali lang pala, at saka hapon ang event—keri ko ang trabaho. "Copy and noted Sir Alcantara—" "Just call me, Sir Gab. No more, no less. Just Sir Gab." "Noted Sir Gab!" Masunuri naman ako. Madali rin kausap. Matapos makipagdeal kay Kid ay nakahinga ako ng maluwag dahil nawala ang kaba ko nang umalis siya. Napatanong pa ako kay Miss Helen kung bakit kailangan ni Kid ng isa pang sekretarya. Nilinaw naman sa akin ni Miss Helen ang magiging papel ko sa trabaho. Pinag-tour din ako ni Miss Helen sa building na 'di bababa sa 45th floor. "Personal secretary ka ni Boss Gab. Ako kasi—secretary ng ESI—hindi personal secretary ni Boss Gab. Gets mo?" "Ano?! Personal secretary?! Niloloko ba ako ng lalaking 'yon?!" Umiling si Miss Helen. "Hindi ugali ni Boss Gab ang magbiro sa oras ng trabaho. At alam mo ba first major event ni Boss Gab ang exhibition bukas? Billions of dollar ang papasok sa kanya bukas. Hindi biro ang makipag-deal sa mga international client. And he tried his best na makuha niya ang quota nito bukas." "Quota?" Takang tanong ko. Sunod-sunod na tumango si Miss Helen. "Trillion dollars ang capital ni Boss Gab sa exhibition na ito. So, kailangan bukas doble o triple ang balik nun bukas." "Trillion?! Paano?" "Seryoso, wala kang alam sa arts? Katulad ng painting na iyan. Sa palagay mo magkanu iyan kapag na deal?" Sumeryoso ang mukha ko. Simple lang naman ang painting na iyan. "Tansya ko mga nasa twenty-five thousand?" Mahinang natawa si Miss Helen. Bakit?! May nakatatawa ba sa sinabi ko?! Tsk! "Worth two point three million lang naman iyan. Lowest price na iyan as of now." "As of now?! Ibig mo bang sabihin—dodoble pa ang presyo niyan bukas? Diyos ko! Arw you kidding me?" "Sana nga biro lang, pero totoo lahat ang mga sinasabi ko. Boss Gab is not just a business owner. He's an artist itself. International artist. He's worth net; hundred-sixty-five billion dollars." Biglang nanlambot ang mga tuhod ko sa aking narinig. Ang lalaking pagala-gala sa mansyon nina Señior Alfonso at Madame Isabela. Ang lalaking nakikiagaw ng kape ko sa umaga. Ang lalaking mas komportableng matulog sa sofa kesa sa kama, at ang lalaking butas-butas ang suot na damit ay hindi lang basta lalaki. Kundi... isang trilyonaryong lalaki.Kabanata 89NANENG POINT OF VIEWNagising ako kinabukasan na katabi ko si Gabriel. Hindi pa rin ako makapaniwala na magkasama kami ngayon. Napangiti ako nang makita kong lumagpas ang kumot sa kanyang paa dahil sa haba ng bias nito. Akma na sana akong babangon nang bigla niya akong hilain papalapit sa kanya; nakayapos na siya sa akin."Babanyo ako." Lumuwag ang pagkayapos niya sa akin nang sabihin ko iyon. Bumango ako't nagbihis—lumabas ng kwarto.Napabuga ako ng hangin sa kawalan nang makapasok sa banyo. Napatingin ako sa aking replika sa salamin; nahilamos, sipilyo, at nag-ayos ng buhok.Paglabas ko, nasa sala na si Gabriel; nakaupo ma siya sa kawayan na upuan, at abala na sa kanyang phone. Mayamaya ay may tumawag na siyang sinagot niya kaagad."Yes? Uhm! Okay! Continue. Fifty-six millions; seven paintings. Please, proceed and sent a location. Thank you! Happy new year."Hindi na ako magtataka. Fifty-six millions is just a small amount. He earn, billions to trillions every weeks."A
Kabanata 88NANENG POINT OF VIEWWARNING!!! S P G ! ! !Lakad pabalik ang ginagawa ko sa likuran ng pintuan. Mayamaya ay sumisilip ako sa bintana. Naroon pa sila. Para silang mga istatwa na hindi gumagalaw."You are crazy inlove with this woman!""She had a name; Mazekeen Araneta. She's not just a woman. At saka, huwag na huwag kayong gahawa ng iskandalo rito. Bagong taon at ayaw namin magkaroon nang kahit na anong problema. Walang kinalaman si Naneng rito; kami ang kusang pumunta sa kanila."Nanginginig na ako sa takot. Huwag naman sana humantong sa punto na tatalikdan ni Gabriel at magtatanim naman ng galit si Caleb sa kanilang mga magulang."Ano bang nangyayari sa inyo?! Bagong taon tapos wala kayo sa sarili ninyong pamamahay?! Gabriel—Calebré, anak ko pa ba kayo?" Mahinahon na salita ng ina."Nanay, we"re sorry for making you upset and worried about us. Let's go home Nanay."Habang nakatanaw sa kanila, ramdam ko 'yong paninikip ng dibdib ko. Nag-aaway sila dahil sa akin. Sabihin m
Kabanata 87 NANENG POINT OF VIEW Nakaupo sa isang sulok habang tinitanaw ko ang apat na masayang nagpapaputok ng mga kwitis. Mayamaya lang ay may inilagay si Caleb sa gitna ng daan; sampung kahon iyon at sa pagkakaalam ko, fireworks raw ang tawag do'n. Nilingon ako Gabriel. Nakangiti siya sa akin sabay kindat. Napapailing na lang ako't lumapit sa kanila. "Ang dami niyo naman fireworks. Kayo lang 'yong may napapansin dito." "Nagustuhan mo ba? Ang daming binili ni Caleb. Kulang pa nga raw ito, eh!" Sagot ni Gabriel. Nakikita ko kung gaano ka-saya ang aking mga kapatid. Ito na ata ang pinakamasayang bagong taon ko. "Ang ganda." Mahina kong salita. "Happy new year Naneng," lumapit si Gabriel sabay halik sa pisngi ko. "Let's start over?" Doon lang ako tumanga sa kanya. "Gabriel Alcantara?" "Huh?" "Ano'ng mangyayari kapag bumalik ulit ako sa Exhibition?" "You mean, gusto mong magtrabaho ulit?" "Oo. Wala na akong pera, eh! Kailangan ko nang malaking sweldo. Magkanu ipapasweldo m
Kabanata 86NANENG POINT OF VIEWUmaga nang naghahanda kami para sa bagong taon. Masaya naman kaming tatlo kahit papaano. Matatapos ang taon na walang gulo at walang iniisip na kahit ano."Ate, nagchat na sa akin 'yong in-orderan ko ng lechon belly. Kukunin ko na ba ngayon?""Maaga pa Ivan, mamaya na siguro.""Sige ate 'Neng, sabihan ko na lang na mamaya."Naging abala ako; linis dito, linis doon. Nagbabago ng mga lokasyon ng gamit at naglalagay ng mga panibagong gamit. Napabuntong hininga na lang ako't sumampa sa kawayan na upuanan. Napaidlip ng limang minuto."Ate Naneng! Ate Naneng!" Tawag ni bunso sa akin; papalapit siya sa kinaroroonan ko."Bakit, bunso? Oh? Saan galing 'yang hawak-hawak mong paputok?""Nandiyan sila! Nandiyan sila!""Ha? Sinong sila?"Kumunot ang noo ko nang hilain niya ako palabas ng bahay."Sila! Sila! Nandiyan sila, ate Naneng!"Tumabingi ang ulo ko nang unang lumabas si Caleb. Ang ganda ng ngiti niya sa akin sabay taas ng mga bitbit niya."Happy new year!" W
Kabanata 85KID GABRIEL ALCANTARABagsak ang balikat nang makauwi sa bahay. Pabagsak ang pagsampa ko sa aking katawan at napatingla sa kisame. Napabuga ako ng hangin at sunod-sunod na bumuntong hininga.Ramdam ko ang paglapit ni Caleb. He's sitting next to me with ten centemeter away."The problem is, you were too much greedy, selfish and self-centered. Let her go. Give her peace of mind. Focus to your family; you become a father soon."Napangisi ako. "Father my ass! You know, I'm not the father of her child.""She's your wife.""A contracted wife and Arcus is the father, not me.""Whatever! But, I am telling you, Naneng she'll never comeback to you."I keep my ego silent. I let Caleb scolded me. May punto naman siya—ako lang talaga 'yong may problema."I want her. I want her to comeback, and that's all I need." I said with my lower voice with calm mimd.Morethan two months. Magtatapos na din ang December, at hindi ko pa siya naco-convince. Ang hirap ibalik ang tiwala niya sa akin. I
Kabanata 84NANENG POINT OF VIEW"Magkakilala pala talaga kayo?""Yes!""No!"Nagkatinginan kami ni Gabriel nang taliwas amg sagot ko sa sagot niya sa tanong ni Doktora. Napalaguk ako ng tubig pagkatapos ay tumikhim, while Gabriel keep his guards down. Hindi siya umapila."Ah? Parang may misunderstanding tayo, ano? Nevermind. We're so happy na nagkaroon kami ng bisita. Mazekeen, thank you for coming here with your siblings—for christmas. Ans also, to my daughter's boss—Mister Gabriel Alcantara, right? I didn't expect na magdadala si Mimi ng boss niya tonight."Tumango lang ako kay Doktora."Actually, Mom, Boss Gab is a famous artist for your information. He's the owner of Exhibitaion Space International, also he's father Lemuel Alcantara—""Oh, I see? I know him," magiliw na sagot ni Doktora sa anak—si Mimi. "Thank you for coming here, hijo." Binalingan ako ni Doktora—ningitian.Naging masaya sa kanila ang nuche buena habang ako ay panay iwas sa mga nakaw tingin ni Gabriel sa akin hab







