MasukGumuho ang isa sa mga pangarap ni Naneng Araneta ang magkaroon ng magandang relasyon nang harap-harapan niyang nasaksihan ang panloloko ng kanyang nobyong si Raze Almirante at ang kanyang matalik na kaibigan na si Sheena Lopez—isang gabi sa mismong condo ng nobyo. Matapos ang tatlong-taon na panloloko ng nobyo sa kanya, napagdesisyonan ni Naneng hiwalayan ito't magsimula ng panibagong pangarap—para sa kanyang sarili, at maging sa mga kapatid na rin. Ang pangarap na muntik na sanang maabot, ay nauwi sa isang mabigat sa loob na desisyon. Ngunit, bagaman, nawala man iyon ay alam niyang may panibagong darating—iyon ay ang magkaroon ng panibagong trabaho sa isang malaking kompanya ng Exhibition Space kung saan dito niya ulit makikita si Kid Gabriel Alcantara—ang pinsan ng dating amo nito. Isang gabi sa isang malaking event ng Exhibition Space—hindi inaasahan ni Naneng na ang patikim-tikim lang sana ng alak ay nauwi sa pagkalasing nito. Nang kinabukasan, nagtaka—nagtanong sa sarili kung paano siya napunta sa isang hindi pamilyar na lugar. Saka niya lang naalala ang lahat nang makita si Kid na nakatayo sa paanan ng kama. Dahil sa takot at reputasyon niya bilang babae—nakiusap siya kay Kid na itago na ang lang lahat na nangyari sa kanila. Bagaman, pumayag si Kid nang magkaroon ng isang kondisyon; iyon ay ang maging tagapagbigay ng aliw sa kanya tuwing nangangailang ang katawan nito. Mabigat sa kalooban ni Naneng ang kasunduan na iyon. Ngunit, kinakailangan niyang sumang-ayon dahil kilala niya ang binatang iyon; may pangalan sa kumunidad. Isang Alcantara na magiging bangungot sa kanyang kinabukasan at hindi niya matatakasan; nagtapos sa pagtanggap ng alok.
Lihat lebih banyakPrologo—YEAR 2024—
MAZEKEEN “NANENG” ARANETA "Naneng? Hoy, Naneng! Gising!" Tamad kong inangat ang aking mukha nang kalabitin ako ng aking ka-klaseng katabi. "Bakit ba? Inaantok nga kasi ako! Hindi pa ba siya tapos mag-speech? Kanina pa 'yan, ha?" "Baliw ka talaga! Kanina pa nakatingin si Miss Agila sa 'yo! Araw ng pagtatapos natin—tulog ka!" Nagpatunog ako ng aking dila. Nayayamot—ayaw kong makinig sa mga sinasabi nila. Gusto ko nang matapos ang seremonya nang sa gayun ay makauwi na ako sa bahay. Mas interesado pa akong maglinis ng bahay kesa sa makinig sa mga kasinungalingan nila. "Suma cum laude, my ass!" angil ko. "Nagsuma-cum laude lang naman 'yan siya dahil sa sponsor ng mga magulang niya sa University, eh! Palibhasa, mga mapera! Aray!" "Sshh! Mamaya may makarinig sa 'yo! Tumahimik ka na nga lang diyan!" "Alam mo ikaw, Sheen—tsk! Nevermind." Hindi na ako nagsalita. Mas minabuti ko na lang na huwag bumunganga dahil baka magkaroon pa ako ng kasalanan sa Diyos. "Congratulations, graduates—batch 2024!" Anunsyo ng master of ceremony sa pinakahuling event ng programa. Graduate na kami ng best friend king si Sheena. Graduate na ako sa kursong ginapang ko nang apat na taon. Political Science. "Anong plano mo ngayon 'Neng—ngayon tapos na tayo mag-aral? Magtatrabaho ka na ba?" Nakayakap si Sheena sa akin. Ang ganda ng mga ngiti niya. Natutuwa ako sa kanya. Nang kumalas ako ng yakap, tipid akong ngumiti. "Hindi ko alam. Pag-iisipan ko pa muna kung anong gagawin ko nito pagkatapos. Nasa ospital kasi si Lolo—kailangan ko pa pala siyang bantayan." Naging malungkot ang mukha ni Sheen. Hindi na kami katulad noon na madalas magkasama. Simula nang magkasakit si lolo at labas-pasok sa pagamutan—hindi na kami nakakagalang dalawa. Malaki din ang pasasalamat ko sa kanya dahil nauunawaan niya ang sitwasyon ko. "Hi, Ladies? Congratulations to the both of you." "Raze?!" Patakbo akong lumapit kay Raze—ang tatlong taon ko nang karelasyon—nobyo. "Babe? Sorry, I'm late. Here's your flowers and you cake!" Nagpapacute akong napatanga sa kanya. "Ang sweet! Thank you, Raze." Isang halik sa pisngi ang iginawad ko sa kanya, saka isang mahigpit na yakap. "Respito naman sa akin! Single ako." Biglang sabi ni Sheena—natawa na lang kami pareho ni Raze. "Anyway, gusto ko sanang mag-celebrate ng graduation party kasama ka pero, may hinahabol kasi akong dead line. I'm sorry, babe. Promise, babawi na talaga ako next time." Peke kong ngumiti. Ganito siya madalas. Tamang pakita lang sa akin, at pagkatapos mawawala din kaagad. Naiintindihan ko ang aking nobyo; nagtatrabaho siya sa kompanya ng kanyang pamilya at isa din siyang tagapagmana nito. "A-ayos lang! Alam ko naman kung gaano ka-importante ang kompanya ng pamilya mo sa 'yo. Saka ang mahalaga, nagpakita ka pa rin." "Thank you, babe! You're the best! Promise, next time I'll spend my time to you." "Uhm! Sige na. Baka hinahanap ka na ng daddy mo." "I'll go ahead," paalam niya. Mayamaya ay binalingan si Sheena. "You stay with her?" Ngumiti si Sheena. "Actually, may gathering kami ng family ko ngayon. Kaya hindi rin ako available for graduation party." Gusto kong mainggit sa kaibigan kong si Sheena. Kumpleto ang pamilya—nag-iisang anak ng ama't ina niya. "Ayos lang Sheena. Ayan na pala mga magulang mo." Oo. Um-attend ako ng graduation ceremony na walang magulang na kasama. Walang kamag-anak na um-attend ng graduation ko. Wala akong mga magulang. Maliban sa aking lolo at mga kapatid—may tiyahin naman akong nagbabantay sa kanila... mabunganga nga lang. Lumandas ang mga luha ko sa aking mga mata nang maiwan akong mag-isa. Sinikap ko naman na huwag maluha—talagang emosyonal damage talaga ako ngayong araw na ito. Gamit ang tugang itim, iyon ang ginamit kong pamunas sa aking mga luha. Hapon na nang makauwi ako sa amin. Sa bukana pa lang ng bakuran, naririnig ko na ang mga tawanan ng aking mga kapatid. Napasinghap ako ng hangin sa kawalan, at sinikap na ipakita sa kanila ang maganda kong ngiti. Ngunit, bagaman, napahinto ako sa paglalakad nang tumunog ang aking telepono. Si Bryan—kinakaibigan nito ang nobyo kong si Raze. "Ano'ng kailangan nito't napatawag?" Kunot noo kong salita. Sinagot ko. "Bryan? Napatawag ka?" "Mazekeen, nasaan ka ngayon? Kasama mo ba si Raze?" Nakapagtataka. Bakit niya naman tinatanong kung kasama ko si Raze. "Kanina magkasama kami—nasa bahay ako ngayon." "Gaoon ba? Akala ko ko kasi magkasama kayo ngayon?" Mahina akong natawan. "Kanina—oo. Ngayon, hindi. Busy raw siya, eh. Bakit, Bryan?" "Akala ko kasi ikaw 'yong kasama niya ngayon. Akala ko lang pala—" "Bryan? Hindi magandang biro iyan. Nasaan si Raze? Sinong babae ang kasama?" "I'm not sure, pero pamilyar siya sa akin." "Nasaan ba kasi?" "Nasa condo niya! Saan pa nga ba? Puntahan mo na lang at kumpermahin kung may kasama ba siya o nagmamalikmata lang ako. Sige na. Sige na. Baka nagkamali lang ako. Nga pala, happy graduation." Magtatanong pa sana ako nang bigla na lang pinutol ni Bryan ang linya. Napailing ako, baka pinagtitripan lang ako ng lalaking 'yon. Bagaman, bigla ako nakaramdam ng takot. Dali-dali kong hinubad ang tuga na suot ko at nagmamadaling lumabas ng purok namin; mag-aabang ng masasakyan patungong condo ng aking nobyo. Samantala. Nakayumos ang aking mga kamay dahil sa kaba at takot. Nasa harapan na ako ng pintuan ng condo ni Raze. Hindi ko alam kung tama ba itong ginagawa ko, subalit gusto ko lang naman kumpermahin. Hindi ko na ngawang kumatok. Maingat kong pinihit ang door knob at saka binuksan ang pintuan. Hindi ako gumawa ng ingay. Mayamaya ay napahinto ako sa aking paglalakad nang may narinig akong may umungol na babae. Pamilya ang boses na iyon. "Bilisan mo! Ang sarap mo, Sheena!" "Raze! Sandali—huwag diyan! Ugh!" "Let's do this often, okay?" "Paano si Naneng? Paano kung malaman niya ang tungkol sa atin?" "Hindi niya naman malalaman kung walang may magpapaalam sa kanya, hindi ba? So, quite lang tayo, Sheena." "Masyado kasing pa-santa-santita 'yang girlfriend mo!" "Sshh! She's nothing but, nerd." Napatanga ako sa aking mga narinig. Rinig ko ang malanding tawa ni Sheena. Si Sheena na matalik kong kaibigan simula noong elementary. Si Sheen na itinuring kong kapatid ay nakikipagtalik sa nobyo kong si Raze. "Deep down, Raze! Sige pa!" Napatakip ako sa aking tainga dahil sa sunod-sunod na ungol at ungos ni Sheena habang ang nobyo ko ay sunod-sunod din ang pagbayo sa matalik kong kaibigan. "Ang bababoy ninyo!" Bulyaw ko sa isipan. Hindi ko maisiwalat dahil bigla na lang akong napepe at nabingi sa mga oras na iyon. Tahimik akong umalis sa condo ng aking nobyo habang sila ay naglalaro ng nag-aalab na apoy.Kabanata 89NANENG POINT OF VIEWNagising ako kinabukasan na katabi ko si Gabriel. Hindi pa rin ako makapaniwala na magkasama kami ngayon. Napangiti ako nang makita kong lumagpas ang kumot sa kanyang paa dahil sa haba ng bias nito. Akma na sana akong babangon nang bigla niya akong hilain papalapit sa kanya; nakayapos na siya sa akin."Babanyo ako." Lumuwag ang pagkayapos niya sa akin nang sabihin ko iyon. Bumango ako't nagbihis—lumabas ng kwarto.Napabuga ako ng hangin sa kawalan nang makapasok sa banyo. Napatingin ako sa aking replika sa salamin; nahilamos, sipilyo, at nag-ayos ng buhok.Paglabas ko, nasa sala na si Gabriel; nakaupo ma siya sa kawayan na upuan, at abala na sa kanyang phone. Mayamaya ay may tumawag na siyang sinagot niya kaagad."Yes? Uhm! Okay! Continue. Fifty-six millions; seven paintings. Please, proceed and sent a location. Thank you! Happy new year."Hindi na ako magtataka. Fifty-six millions is just a small amount. He earn, billions to trillions every weeks."A
Kabanata 88NANENG POINT OF VIEWWARNING!!! S P G ! ! !Lakad pabalik ang ginagawa ko sa likuran ng pintuan. Mayamaya ay sumisilip ako sa bintana. Naroon pa sila. Para silang mga istatwa na hindi gumagalaw."You are crazy inlove with this woman!""She had a name; Mazekeen Araneta. She's not just a woman. At saka, huwag na huwag kayong gahawa ng iskandalo rito. Bagong taon at ayaw namin magkaroon nang kahit na anong problema. Walang kinalaman si Naneng rito; kami ang kusang pumunta sa kanila."Nanginginig na ako sa takot. Huwag naman sana humantong sa punto na tatalikdan ni Gabriel at magtatanim naman ng galit si Caleb sa kanilang mga magulang."Ano bang nangyayari sa inyo?! Bagong taon tapos wala kayo sa sarili ninyong pamamahay?! Gabriel—Calebré, anak ko pa ba kayo?" Mahinahon na salita ng ina."Nanay, we"re sorry for making you upset and worried about us. Let's go home Nanay."Habang nakatanaw sa kanila, ramdam ko 'yong paninikip ng dibdib ko. Nag-aaway sila dahil sa akin. Sabihin m
Kabanata 87 NANENG POINT OF VIEW Nakaupo sa isang sulok habang tinitanaw ko ang apat na masayang nagpapaputok ng mga kwitis. Mayamaya lang ay may inilagay si Caleb sa gitna ng daan; sampung kahon iyon at sa pagkakaalam ko, fireworks raw ang tawag do'n. Nilingon ako Gabriel. Nakangiti siya sa akin sabay kindat. Napapailing na lang ako't lumapit sa kanila. "Ang dami niyo naman fireworks. Kayo lang 'yong may napapansin dito." "Nagustuhan mo ba? Ang daming binili ni Caleb. Kulang pa nga raw ito, eh!" Sagot ni Gabriel. Nakikita ko kung gaano ka-saya ang aking mga kapatid. Ito na ata ang pinakamasayang bagong taon ko. "Ang ganda." Mahina kong salita. "Happy new year Naneng," lumapit si Gabriel sabay halik sa pisngi ko. "Let's start over?" Doon lang ako tumanga sa kanya. "Gabriel Alcantara?" "Huh?" "Ano'ng mangyayari kapag bumalik ulit ako sa Exhibition?" "You mean, gusto mong magtrabaho ulit?" "Oo. Wala na akong pera, eh! Kailangan ko nang malaking sweldo. Magkanu ipapasweldo m
Kabanata 86NANENG POINT OF VIEWUmaga nang naghahanda kami para sa bagong taon. Masaya naman kaming tatlo kahit papaano. Matatapos ang taon na walang gulo at walang iniisip na kahit ano."Ate, nagchat na sa akin 'yong in-orderan ko ng lechon belly. Kukunin ko na ba ngayon?""Maaga pa Ivan, mamaya na siguro.""Sige ate 'Neng, sabihan ko na lang na mamaya."Naging abala ako; linis dito, linis doon. Nagbabago ng mga lokasyon ng gamit at naglalagay ng mga panibagong gamit. Napabuntong hininga na lang ako't sumampa sa kawayan na upuanan. Napaidlip ng limang minuto."Ate Naneng! Ate Naneng!" Tawag ni bunso sa akin; papalapit siya sa kinaroroonan ko."Bakit, bunso? Oh? Saan galing 'yang hawak-hawak mong paputok?""Nandiyan sila! Nandiyan sila!""Ha? Sinong sila?"Kumunot ang noo ko nang hilain niya ako palabas ng bahay."Sila! Sila! Nandiyan sila, ate Naneng!"Tumabingi ang ulo ko nang unang lumabas si Caleb. Ang ganda ng ngiti niya sa akin sabay taas ng mga bitbit niya."Happy new year!" W
Kabanata 85KID GABRIEL ALCANTARABagsak ang balikat nang makauwi sa bahay. Pabagsak ang pagsampa ko sa aking katawan at napatingla sa kisame. Napabuga ako ng hangin at sunod-sunod na bumuntong hininga.Ramdam ko ang paglapit ni Caleb. He's sitting next to me with ten centemeter away."The problem is, you were too much greedy, selfish and self-centered. Let her go. Give her peace of mind. Focus to your family; you become a father soon."Napangisi ako. "Father my ass! You know, I'm not the father of her child.""She's your wife.""A contracted wife and Arcus is the father, not me.""Whatever! But, I am telling you, Naneng she'll never comeback to you."I keep my ego silent. I let Caleb scolded me. May punto naman siya—ako lang talaga 'yong may problema."I want her. I want her to comeback, and that's all I need." I said with my lower voice with calm mimd.Morethan two months. Magtatapos na din ang December, at hindi ko pa siya naco-convince. Ang hirap ibalik ang tiwala niya sa akin. I
Kabanata 84NANENG POINT OF VIEW"Magkakilala pala talaga kayo?""Yes!""No!"Nagkatinginan kami ni Gabriel nang taliwas amg sagot ko sa sagot niya sa tanong ni Doktora. Napalaguk ako ng tubig pagkatapos ay tumikhim, while Gabriel keep his guards down. Hindi siya umapila."Ah? Parang may misunderstanding tayo, ano? Nevermind. We're so happy na nagkaroon kami ng bisita. Mazekeen, thank you for coming here with your siblings—for christmas. Ans also, to my daughter's boss—Mister Gabriel Alcantara, right? I didn't expect na magdadala si Mimi ng boss niya tonight."Tumango lang ako kay Doktora."Actually, Mom, Boss Gab is a famous artist for your information. He's the owner of Exhibitaion Space International, also he's father Lemuel Alcantara—""Oh, I see? I know him," magiliw na sagot ni Doktora sa anak—si Mimi. "Thank you for coming here, hijo." Binalingan ako ni Doktora—ningitian.Naging masaya sa kanila ang nuche buena habang ako ay panay iwas sa mga nakaw tingin ni Gabriel sa akin hab

![Haplos Ng Kasalanan [ SPG ]](https://acfs1.goodnovel.com/dist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)




Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Komen