Bahagyang napangiti si Julliane matapos itong marinig. Minahal niya ang lalake mula pa noong bata siya, ngunit isa siyang bituin sa langit.
Mahirap abutin at hindi kailanman matutupad ang pangarap niya dahil may mahal nang iba ang lalake.
"Will you move out after the annulment? Gusto mo tulungan kitang maghanap ng matitirhan?" Tanong ng kaibigan niya sa kanya.
Napabuntong-hininga si Julliane, tamad na lumingon sa gilid, sumandal sa bintana, at mahinang sinabi.
"Dapat akong lumipat sa lugar ng aking ina." Sagot niya sa kaibigan.
Akmang magsasalita ulit ang kanyanh kaibigan nang marinig nito ang boses ng lalake.
“Julliane!" Narinig nito na tinawag ito ng lalake.
"Ibaba ko muna ang tawag, saka na lang tayo mag-usap." Sabi nito sa kaibigan at agad na pinatay ang cellphone.
Nakita ni Julliane ang taong bumababa sa hagdan mula sa gilid ng kanyang mata.
Silver nightgown lang ang suot niya. Hindi siya naglakas-loob na tumingin sa lalake ng seryoso at mabilis na nilagay sa gilid niya ang cellphone na hawak.
Sa isip ni Ismael ay walang alinlangan na maganda ang babae, maging sa mga tuntunin ng background ng pagkakakilanlan o hitsura at pigura.
Nabighani siya sa kanyang pigura mula noong siya ay bata pa, ngunit siya rin ay nabighani sa ibang babae.
Si Julliane ay mas bata sa kanya ng ilang taon. Kaya niya lang pinakasalan ito dahil sa magandang relasyon ng kanilang mga lolo at sa sakit ng babaeng kinabighani niya.
Hinding-hindi tatanggapin ng pamilyang Sandoval ang isang babae na hindi makapag-anak bilang manugang, kaya siya ang naging kandidata para sa kanyang asawa na itinulak ng pamilyang Sandoval, at para kay Crissia, nakipagkasundo ito sa kanya nang pribado.
Ang babae ay kanyang asawa sa pangalan lamang. Tinulungan niya itong malutas ang mga problema ng pamilya Vazquez at inalagaan ang kanyang ina.
Sa ganitong paraan, nakuha ng tatlong partido ang gusto nila.
"Nakasulat sa annulment agreement na ang property na ito ay sa iyo." Sabi niya sa babae, sa sentro ng lungsod na ito kung saan ang bawat pulgada ng lupa ay nagkakahalaga ng malaking halaga, binigyan niya ang babae ng isang sea view apartment na nagkakahalaga ng sampung milyon.
Ngumiti si Julliane.
"Baka hindi matutuwa si Crissia sa bagay na ito."
Ang mga mata ni Ismael ay kumislap sa kawalang-interes nang marinig niya ang tatlong salita ni Julliane sa pagbangit kay Crissia, ngunit pagkatapos ay tumalikod na lamang siya at naglakad patungo sa kusina.
Dito ay tumingin si Julliane sa kanyang relo. Alas diyes na pala sa isip niya!
Nang lumabas si Ismael na may dalang red wine, sinabi niya.
"Mr. Sandoval, dapat..." Hindi ito naituloy ng babae dahil sa pagsasalita ng lalake.
"Umiinom ka ba?" Tanong niya sa babae na nakatingin lang sa kanya.
Lumapit si Julliane at kinuha ang baso ng alak na kahoy.
Paano niya naisip na siya, isang batang babae na nasa twenties, ay hindi maaaring uminom?
Humigop siya ng dahan-dahan.
Mas malambot ang lasa ng high-end na alak. Tumabi ito sa kanya na nakababa ang kilay at bumaba ang mga mata.
Tumingin sa kanya si Ishmael. "Ikaw ay... twenty ngayong taon..."
“Dalawampu't tatlo!" Biglang sagot ng babae.
Bata pa talaga siya noong ikinasal sila. Hindi pa siya handa nong panahong iyon.
Tumango si Ismael at tinignan siya ng taas-baba.
Nakasuot pa rin siya ng itim na pantalon at mahabang gown, ngunit sa pagkakataong ito ang kanyang shirt ay napalitan ng ibang istilo, napaka-ladylike.
Alam ni Ismael na siya ay maganda mula pa man nong bata pa ito, ngunit mas lalo pang gumanda ang babae sa paglipas ng panahon.
Nang matapos ang dalawa sa kanilang inumin, muling sinabi ni Julliane.
"Gabi na, hindi na kita iistorbohin para magpahinga!" Sabi nito sa lalake.
"Nasa labas ang mga tao ni lolo, wala kang mapupuntahan ngayong gabi!" Sabi ng lalake mayamaya.
Hindi naglakas-loob si Julliane na sabihin dito na wala siya talagang mapupuntahan ngayong gabi.
Pagkarating niya pa lang kanina sa airport ay dito na siya dumeretso.
At isa pa ay sinabi ng in-laws niya na dito na siya tumira ngayon na nakauwi na siya.
Nakatingin sa kanya nang may kaunting ngisi ang lalake, ngumiti si Ismael.
"Katulad ng dati." Sabi nito.
Nakita ni Julliane na umakyat na ito sa itaas, at huminga siya nang malalim.
Ano ang ibig sabihin ng katulad ng dati? Tanong niya sa sarili at bahagyang napakamot ng ulo.
Natulog siya sa kama noon at ang lalake ay natulog naman sa sofa?
Logically speaking, kahit na binabantayan sila ng mga tao ni lolo sa ibaba, sa totoo lang, napakalaki ng bahay na ito kaya sapat na itong malaking sofa na ito para matulog.
At isa pa ay may mga kwarto naman dito pero nagtataka pa rin siya sa lalake kung bakit sa iisang kwarto na naman sila magsasama nito.
"Sa tingin mo hindi ako matutulog sa kamang tinulugan mo, 'di ba?" Tila napansin ni Ismael ang kanyang mga alalahanin, nakatayo pa pala ito sa hagdan at nakatingin sa kanya upang paalalahanan siya.
“Julliane.“ Matiim nitong turan.
Sa pag-aakalang ito na ang huling pagkakataon na sila na lang, hindi niya nakumbinsi ang sarili na hindi sumama sa kanya!
Summer vacation ngayon, kaya hindi malamig ang gabi.
Pagkahiga nilang dalawa, parang bumalik sila nong wedding night talaga nila ang unang gabing iyon sa mga sandaling ito.
Ngunit sa ikalawang kalahati ng gabi, sa madilim na espasyo, na nakatayo sa tabi ng kama na napakataas at nakatingin sa kanya.
Si Ismael ay mataman na tinitigan ang mahimbing na tulog na dalaga at wala itong imik.
——
Pinaalalahanan siya ni Ismael nang maaga, kaya maagang gumising at naghanda si Julliane kinabukasan.
Sa isang restaurant sila magkikita ni Crissia at kakain sila ng tanghalian.
Nang makita siya nito, ngumiti si Crissia at hinawakan ang kanyang kamay at kinabig para mayakap.
"Ilang taon na ba tayong hindi nagkita? Lumaki ka na!" Nakangiti nitong turan sa kanya.
Ngumiti lang si Julliane at napatitig sa babae.
"Oo!" Maikli lang nitong sagot sa babae.
Lumaki si Julliane na kasama nila, ngunit may isang kawalan lamang ng paglaki nang magkasama.
Palagi siyang tinatrato nito bilang isang bata.
Pero sa isip niya ay ang batang tinuring nito noon ay asawang legal ng lalakeng katabi nito ngayon na nobyo naman nito.
Kunh isip ang babaeng ito ay isang malaking insulto ito sa babae, pero mabait ito sa kanya mula pa man noon.
At nakita niya na napakalaki na nga ng pinagbago nito. Ang sakit nito ay malubha rin katulad ng sa ina niya.
Pagkapasok na pagkapasok nila sa private room, bago sila umupo, tinanong siya ni Crissia.
"Napakaganda mo lalo Julliane, siguradong maraming gwapong Amerikano na humahabol sa iyo sa ibang bansa!" Sabi nito.
“Oo! Pero isa lang ang gusto ko!" Nakangiting sinagot siya ni Julliane.
Biglang tumahimik sa private room dahil sa sagot niya at tila nawala ang ngiti sa labi ng babae.
Pag-uwi ni Evelyn at Allen mula sa kanilang date ay hindi mapigilan na magtanong agad si Allen kay Julliane.Napailing na lang si Julliane dahil hindi na napigilan ni Evelyn ang bibig at sinabi na pala nito kay Allen na nagdadalang-tao siya."Well, pangatlo ka sa mga nakakaalam." Walang ligoy na sabi ni Mirko kay Allen na parehong ikinatawa ni Julliane at Evelyn.Ang dalawang lalaki ay sabay na napatawa at parehong excited dahil magkakaroon na sila ng pamangkin."Just tell us if you need anything for the baby okay." Biglang sabi ni Allen sa kanya kaya napangiti ng malawak si Julliane dito.Si Evelyn ay napangiti na lang at masayang napatitig sa tatlong masayang nagpapalitan ng opinsyon tungkol sa kung paano nila ipapaalam kay Ismael na magiging ama na ito."Pupusta ako na hihimatayin siya kapag nalaman niya." Sabi ni Allen habang tumatawa.Si Mirko naman ay hindi na kinontra pa ang sinasabi ni Allen dahil tiyak na ito talaga ang mangyayari.Knowing their friend, nakikinita na nila ang
Dalawang buwan na buntis si Julliane, she cannot believe it.The doctor said that she needs a proper rest, may nireseta it9ng vitamins para kanya at para sa kanyang ipinagbubuntis.Kung masaya siya ay higit na mas masaya si Evelyn, hindi pa nga lumalaki ang tiyan niya ay excited na ito na makita ang paglabas ng anak niya.Umuwi sila ni Evelyn mula sa hospital at nagulat sila dahil nasa labas ng kanilang apartment si Mirko at Allen."Anong ginagawa nuyo dito?" Tanong agad ni Evelyn sa dalawang lalaki na agad na pawang nakangiti sa kanilang dalawa."Binibisita kayong dalawa, saan kayo galing?" Tanong ni Allen na agad na hinalikan sa pisngi si Evelyn at saka si Julliane.Si Mirko ay hinalikan siya nito sa noo at niyakap kaya napangiti ng matamis si Julliane."Pumasok na tayo." Sabi ni Evelyn sa kanila na namumula ang pisngi dahil sa paghalik sa pisngi dito ni Allen.Tinago agad ni Evelyn ang dala nitong vitamins na binili nila, at saka naman inasikaso ni Julliane ang dalawang bisita."Ba
Nang makarating sa mall si Julliane ay pumasok siya sa isang cafe at nag-order lang ng chocolate milk.Habang hinihintay niya ang asawa na parating na daw.Nagbukas siya agad ng mensahe dahil may pinadala si Evelyn at mayroon rin galing kay Alvin at kina Mayi.Nangungumusta lang ang mga ito at nami-miss na raw siya ni Mayi at Dina kaya agad siyang napangiti.Nag-reply siya sa mga ito at mensahe naman ni Alvin ang kanyang binasa.He is just asking if she's okay now, o kung maayos ba ang apartment na nalipatan niya, kaya agad siyang nag-reply dito.Ang huling mensahe ay galing kay Evelyn na may halong panunudyo ang mensahe nito.Napailing na lang siya at napangiti dahil alam naman nito na magkasama sila ngayon ni Ismael.Nag-reply na lang siya nito at nagtanong kung anong oras ito eksaktong makakauwi bukas.Dahil sa naging abala siya sa pakikipagpalitan ng mensahe kay Evelyn ay hindi niya namamalayan na may nakaupo na pala sa kanyang harapan."You seen enjoying texting to someone, kaya
Nagising kinaumagahan si Julliane na magaan na naman ang pakiramdam.Pero wala na sa tabi niya si Ismael at nang mapatingin siya sa side table ay may iniwan itong notes para sa kanya.Napangiti si Julliane at agad itong kinuha, binasa niya ito at agad na napangiti.Maagang umalis si Ismael upang umatend ng huling conference at babalik mamayang tanghali.Napangiti na lang siya at agad na kinuha ang cellphone niya at nagpadala ng mensahe dito.Dahil may orientation mamaya sa kanyang eskwelahan ay papasok siya, kaya bumangon na siya at agad na naghanda ng damit at pumasok siya sa banyo.Nang hubarin niya ang kanyang pantulog at napatitig siya sa salamin, mayroong maliliit na tila kagat ng lamok ang nasa d8bdib niya at mayroon din sa kanyang leeg at balikat.She had hickey, at maging sa pababa sa kanyang tyan at puson.Ismael give her this kind of hickey, at wala itong pakialam kaya naman namula nang husto ang kanyang pisngi.Dahil sa naaalala niyang mainit na sandali nila ni Ismael ay la
Si Julliane ang unang nagbaba ng tingin dahil nakangisi na si Ismael ng wala sa loob "Kumain ka na." Sabi ni Ismael sa babaeng namula dahil sa isang advertisement, saka tumalikod at naglakad patungo sa kusina.Nag-agahan sila ng tahimik at dahil na rin abala si Ismael sa kausap nito sa telepono.Trabaho talaga ang pinunta nito dito, at kausap nito ang isa sa mga investor nito."Asawa ko aaalis ako, may meeting ako ngayong umaga. Da tanghali ay kumain tayo sa labas okay susunduin ka ng driver ko." Sabi ni Ismael habang inaayos ang kurbata nito na nakasuot na ito ng suit.Ang tinawag sa kanya ni Ismael ay hindi niya makalimutan.Tumango lang si Julliane at lumapit siya kay Ismael at siya na ang nag-ayos ng kurbata nito."Okay, ako dito lang ipagpapatuloy ko ang pag-aayos ng mga gamit namin." Sabi ni Julliane kay Ismael na tumango lang at hinalikan siya sa noo bago ito tuluyang lumabas ng apartment.Habang maaga pa ay nagsimula na siyang ayusin ang mga gamit sa kanyang kwarto, alas nuwe
Si Julliane ay nagising dahil nakaramdam siya ng tawag ng kalikasan. Pero napatitig siya sa labas ng veranda kung na saan si Ismael, tila may kausap ito sa telepono. Kaya lumakad siya paika-ika sa banyo at pumasok dito, napatitig na lang si Julliane sa sarili niya sa salamin at napahinga ng malalim. They did it again, nagpadala na naman siya sa kanyang asawa. Well, wala naman dapat sisihin kundi ang kanyang sarili dahil naging mahina na naman siya pagdating sa lalaki. Pagkalabas ni Julliane sa banyo ay nakaupo na si Ismael sa kama at hinihintay siya. "Hindi mo ako tinawag para alalayan ka." Sabi nito sa kanya kaya napatingin siya dito. "Hindi naman na kailangan, kaya ko naman. Anong oras pa lang balik ulit tayo sa pagtulog." Sabi ni Julliane dito kaya tumango lang si Ismael at inalalayan siya ulit na makahiga sa kama. "Ismael matulog na ulit tayo." Bulong ni Julliane kay Ismael dahil hinahalikan na naman siya nito sa leeg. Nakayakap na ito ng mahigpit sa kanya at unti-unti na