Sa bahay pa rin ng mga Sandoval, nang sumapit ang gabi ay nasa silid na nila ang mag-asawang Ibrahim at Katarina.Marahang pinalo ni Katarina ang braso ng asawa na ikinagulat naman nito.“Bakit napakakalmado mo kanina? May binabalak ka na naman sa mga apo mo!?“ Inis nitong sabi sa asawa na tumawa lang ng mahina.Si Ibrahim ay anim na pu't siyam na taong gulang na ngunit malakas pa rin at aktibo pa rin bilang chairman ng kumpanya ng kanilang pamilya.“Ginawa ko naman at sinabi ang napagusapan niyo ni Analou, hinayaan ko na ang mga bata sa kung ano ang gusto nila.“ Ito ang sabi ni Ibrahim sa asawa niya.Napaisip ang don sa nangyari kanina, nakita niya ang pagkagulat sa mukha ni Ismael.Kaya nasisiyahan ito sa mga nangyayari, ngayon maghihintay na lang siya na ito na mismo ang hahabol kay Julliane.At tatawa na lang siya ng malakas kapag bumalik ang kanyang suwail na apo sa harap at hingin ang kanyang tulong.——Hindi mapigilan na hindi maging balisa ni Julliane nang makauwi siya mula sa
Sa nakalipas na dalawang araw ay walang naging problema si Julliane, walang Ismael na nagpakita sa kanya.Bagay na pinagpapasalamat niya.Araw ng linggo ngayon at nandito si Alexis ang kanyang kaibigan, may dala itong pagkain para sa pananghalian nila.Si Alexis ay kaklase niya mula elementarya hangang sa tumunton sila ng highschool at sabay na naka-graduate, dangan nga lang ay naghiwalay sila sa koliheyo dahil unuwi ito sa kanilang probinsya sa Bicol at doon nag-aral.Lumuwas ito dito sa Manila para bisitahin siya at makita.“Kung ganon ay basbas na lang ng batas ang magpapasawalang bisa ng kasal niyo ni Ismael.“ Sabi nito ss kanya habang nagkukwentuhan sila.“Oo, hindi na rin tumutol pa ang mga magulang niya.“ Sagot niya rito na napa-ismid na lang.“Sigurado ako na magbubunyi ang Crissia na iyon.“ Pasaring nito kaya napatitig si Julliane dito at sumangayon.Kinwento niya ang nangyari sa nagdaan na byernes nong masayang pumunta dito si Crissia.“Ang kapal ng mukha niya, hindi nakakat
Nagising ng maaga si Julliane kinabukasan, maganda na ulit ang panahon sa labis niyang pasasalamat.May pasok siya ng alas nuwebe, ang unang araw niya sa trabaho.Alas singko pa lang ay bumangon na siya para umuwi ng maaga sa bahay.Pagbaba niya ay abala na ang mga katulong sa paglilinis, napatingin ang iba sa kanya at binati siya ng mga ito.Si Mama Ana ay laging maagang nagiging ay napangiti at binati siya ng masigla.Dito ka na mag-almusal hija, sabayan mo kami ng papa mo.“ Sabi nito kaya hindi ko na ito tinangihan pa.Binati rin ako ng masigla ni Papa Isagani na naka-suit and tie at kamukhang-kamukha talaga ito ni Ismael.“Anong oras ang trabaho mo sa opisina hija?“ Kaswal na tanong ni Mama Ana kaya napatingin ako dito.“Alas-nuwebe po, malapit lang ang opisina dito kaya hindi ko kailangan na magmadali sa pagpasok.“ Sagot ko dito kaya napangiti lang ito at binigyan ako ng mushroom soup kaya nagpasalamat ako dito at magana akong kumain.Nang matapos siyang kumain ay naalala niya an
Natapos ang araw ni Julliane na may productive, nakakapagod dahil lahat ay abala at may hinahabol na qouta. Pero masaya pa rin siya.“Pasensya ka na Julliane, ang unang araw mo sa trabaho ay nakakapagod agad.“ Ito ang paghingi ng paumanhin sa kanya ni Miss Alora.Ngumiti lang si Julliane sa babae at bahagyang umiling, saka niya inayos ang kanyang gamit.Alas singko ang tapos ng kanilang trabaho, kaya maaga pa ito para kay Julliane.Nagpaalam na sa kanya si Miss Alora kaya magalang siyang tumango dito.Napatingin si Julliane kay Mayi at Dina na kapwa niya editor.“Ang sakit ng likod ko.“ Reklamo ni Mayi kaya napangiti lang si Julliane.“Ikaw Julie, napagod ka ba?“ Tanong ni Dina kaya napangiti lang siya rito.“Nakakapagod pero worth it naman.“ Sagot ni Julliane dito kaya napangiti lang ang dalawang babae.“By the saan ka nakatira?“ Kaswal na tanong ni Mayi kaya sinabi niya rito na sa isang subdivision siya nakatira malapit lang dito, at pwede siyang maglakad pauwi dahil alsmost ten mun
Isang linggo ang matulin na lumipas, naging abala si Julliane sa kanyang bagong trabaho. Naging maganda ang pakikitungo sa kanya ng kanyang team sa department b, pero sa isang normal na araw at trabaho ay hindi maiiwasan ang magkaroon siya na kaalitan. Hindi naman kaalitan pero ang pakikialam ng kabilang departamento sa kanila ay hindi maganda para sa kanyang trabaho. “Hayaan mo na lang sila Julie, hindi maganda ang pumatol pa tayo sa kanila.“ Ito ang sabi ni Dina sa akin, sumangayon rin naman si Mayi. Bukod pagpaparinig ng babae kahapon at kanina sa kabilang department habang nanananghalian kami ay simple lang ito para kay Julliane. “Hindi naman ako papatol, sa kanya pero kapag sumobra na siya ay hindi ako magsasawalang kibo na lang.“ Bulong ko kaya napatango na lang ang dalawa. Saan nga ba magsimula ang ang lahat ng ito? Si Mr. Gary Sullivan ay ang Senior Editor sa deparment nina Julliane. Isa itong hearttrob dito sa Pub house, lahat ng babae dito ay may gusto dito. At si E
Isang linggo pa ulit ang matulin na lumipas, mula nong huling pagpunta ni Julliane sa condo ni Ismael. Wala na siyang balita ulit sa lalaki at nakahinga siya ng maluwag sa bagay na iyon. Naging mas maayos ang araw niya, laging abala si Julliane sa trabaho at ito ang pabor sa kanya dahil hindi ito nag-iisip ng husto. Pero nandito pa rin ang may pailalim na pagpuna sa kanya ni Evelyn sa kabilang department. Ayaw niya itong patulan dahil kung gagawin niya ito ay, sinabi na rin nito pikon siya. “Magta-tanghalian na ba kayo?“ Napatingin kami ni Mayi sa SE namin na si Mr. Sullivan kaya kinabahan si Julliane. “We are, sir.“ Sagot ni Dina na alam na kung ano ang susunod na sasabihin nito. Ilang beses na nila itong tinangihan, pero ngayon nandito na naman ito. Huminga ng malalim si Julliane at nilakasan nito ang loob para makausap ang lalaki. “Sir Gary, pwede ba tayong mag-usap mamaya after work?“ Ito ang sabi ni Julliane sa lalaki na tila nagliwanag ang mukha at agad na tumango. “I
Huwag mo siyang tingnan. Wag mo siyang pansinin! Ito ang bulong ni Julliane sa isip niya.Awkward pa rin sila habang nagda-drive si Ismae.Tumingin si Ismael sa kanya ng ilang beses, pero iwas talaga ang kanyang tingin dito.Nakasandal lang siya ng mahina sa upuan at nakatingin sa labas ng bintana, walang imik kanina pa.Pero napamura ito dahil may bigla na lang na nagmaneobra na sasakyan sa kanya.Medyo nataranta siya at hindi niya maiwasang tumingin ulit sa kanya.Ano kaya ang nasa isip nito? Kailangan ba na alamin pa ito ni Julliane sa mga sandaling ito, hinalikan siya nito.Ang first kiss niya na hindi niya inaasahan, oo inaasam na niya mula pa man noon na ito ang maging first kiss niya.Minamahal niya ito ng palihim at minsan nang gustong maramdaman sa labi niya ang labi nito.Dumating ang sasakyan sa ibaba ng kanyang bahay, at walang umimik sa kanila.Si Julliane ay bumalik sa kanyang katinuan, tumalikod at tumango para pasalamatan siya."Salamat sa paghatid sa akin, mag-ingat k
Inuwi na lang ni Julliane ang agahan niya at kinuha ito sa counter at nagpasalamat sa cashier.Pero bago ito ay pinadala muna nito ang pagkain ni Crissia kung saan ito nakaupo.Pagkauwi ni Julliane sa bahay niya ay may kotse na naman na nakaparada sa tapat ng bahay niya.“Goodmorning.“ Bati ni Ismael na lumabas ng sasakyan nito kaya napahinga ng malalim si Julliane.“Anong kailangan mo?“ Tanong nito sa lalaki imbes na batiiin rin niya ito na tinignan ang dala niya kaya napangiti ito.“Hindi pa ako kumakain pwede mo ba akong papasukin sa loob?“ Tanong nito kaya tumango na lang si Julliane.Naalala nito si Crissia na ilang beses na siyang sinabihan na iwasan ang lalaking ito, pero ano ang magagawa nito? Hindi kayang pigilan ni Julliane ang lalaking ito.Ayaw niya bang makipaghiwalay? Ito ang nasa isip na tanong ni Julliane.Naguguluhan si Julliane pero pumasok na ito sa loob ng bahay.Naramdaman ni Julliane na sumunod na ang lalaki sa kanya papasok.Dimeretso sila sa kusina at nilapag n
Si Julliane ay lumapit kay Analou na nakangiti pa rin.Hindi siya makapaniwala sa sinabi nito, ang sustento at bills ni Crissia ay tinangal na rin pala ni Ismael dito."Hindi dapat manggaling sa akin ang salitang ito, pero matagal nang tinangal ni Ismael ang sustento niya sa babaeng iyon hija." Sabi ni Analou na nakatitig sa kanya.Si Julliane ay hindi na nagsalita pa at napatango na lang dito.Talaga nga na wala nang pakialam si Ismael kay Crissia, dahil sa nalaman niya ngayon.Bandang alas-diyes, lumabas sina Anlou at Julliane. Sumakay si Analou sa kotse ng pamilya at hinintay siya na makapasok."Mama, mauna ka na po. Makikipagkita pa ako sa kaibigan ko." Sabi ni Julliane dito."Ganon ba anak? Sige pero umuwi ka sa bahay para sa hapunan okay." Sabi nito sa kanya kaya napangiti si Julliane at agad na tumango.Alas tres pa lang naman ng hapon, may dalawang oras pa siya at nag-text kasi sina Mayi na mag-milktea sila kaya agad naman siyang pumayag dito.Pero kailangan muna niyang umuwi
Napatitig si Julliane kay Ismael at saka napailing."O gusto mo ng ibang klase ng bulaklak? O chocolate kaya? Ano ba ang gusto mo? Teddy bear?" Magkakasunod nitong tanong na hindi alam kung tama ba ang sinasabi nito o ano.Nag-iinit ang mga mata ni Julliane, ibinaba niya ang kanyang ulo at nag-isip sandali, pagkatapos ay sumagot. "Hindi ko gusto ang alinman sa kanila!""Then what do you like? I'll give it to you? You can continue to sue me." Niyakap siya nito at muling isinubsob ang mukha sa leeg niya.Bumilis ang tibok ng puso ni Julliane, at sa hindi malamang dahilan, nakaramdam siya ng bahagyang basa sa kanyang leeg.Siya...umiiyak? Hindi makapaniwala si Julliane sa kanyang natuklasan.Natakot si Julliane sa sarili niyang iniisip, lumingon siya at tumingin dito, ngunit wala siyang nakita, at pagkatapos ay hindi siya nangahas na kumilos.Sa sumunod na mga minuto, ang buong bahay ay tahimik, ang tanging naririnig lang ni Julliane ay ang mahinang tunong ng aircon dito sa kanyang sala.
Pero si Isagani ay tumawa na naman."Mali mahal ko, pumayag siya dahil mahal na mahal ni Ismael si Julliane noon pa man. Ayaw lang niyang aminin kaya nga binaling niya ang pagtingin kay Crissia noon." Sabi ni Isagani sa asawa na napatanga sa sinabi niya.Tumawa na lang si Analou at napailing.Totoo ang sinabi ng asawa niya, talaga lang na ma-pride ang kanilang anak kaya ngayon nahihirapan ito na paamuhin si Julliane."Kaya tignan mo ngayon, siya ang nahihirapan na kinin ang tiwala ni Julliane." Sabi ulit ni Isagani na napatawa habang inaalala ang huling pag-uusap nila ng anak.Talagang hindi pa rin nagbabago ang pagmamahal nito kay Julliane Dangan nga lang ay nagkamali talaga siya na ibaling ang pagtingin sa ibang babae.Alam naman niya na minahal rin ni Ismael si Crissia, pero ang babae mismo ang sumira sa kanilang dalawa."At ngayon magdusa siya. Kapag talagang umiyak si Julliane dahil sa kanya naku mapipingot ko talaga ang batang iyon." Inis na sabi ni Analou na naiinis sa anak."
Matapos itong sabihin ni Ismael ay hindi agad nakapagsalita si Julliane, iniisip pa rin ang sinabi ni nito."Kung ako rin ang magiging writer, pahihirapan kita sa kwento ko. Para kahit man lang doon ay makabawi ako sa'yo!" Inis na sabi niya rin dito na ikinatawa nito ng malakas."Is that counterattack?" Tanong nito sabay iling at nakatawa pa rin."Ismael Sandoval, isa kang demonyo!" Bumilis ang tibok ng puso ni Julliane pagkatapos marinig ito, pagkatapos ay tumayo siya at pinagalitan siya.Ang kalmadong aura sa mga mata ni Ismael ay nagparamdam sa kanya na kahit saan niya ito hampasin, babalik ito sa kanya. Nagsimula siyang gumala sa harap ng mesa, at pagkatapos ay pinandilatan siya ng galit gamit ang kanyang malinaw na mga mata.Nakaupo pa rin doon si Ismael na kasing-tatag ng bundok, na may payat at magandang pigura na walang kapintasan.Kahit na sa sandaling ito, ang kanyang malamig na mga mata ay nakapagtataka sa mga tao kung paano magkakaroon ng ganoon kagandang mga mata sa mun
Nahawakan na lang ni Julliane ang kanyang malamig na noo sa galit, pagkatapos ay tumingin sa kanya at nagtanong, "Ang ginawa mo ay isang counterattack, tama ba?""Oo!" Walang paligoy-ligoy na sagot sa kanya ni Ismael, habang nakalagay sa baywang nito ang isang kamay."Ano ngayon? Paano ang mga siomai na ito?" Wala sa loob na tanong sa kanya ni Julliane."Nilagyan ko ito ng gamot, at pagkatapos mong kainin, ihahagis kita sa kama, at pagkatapos..."Ang malaki at matayog na katawan ni Ismael ay nakasandal, ang kanyang magandang kaliwang kamay ay nakadikit sa gilid ng marble counter, ang kanyang itim na mga mata ay nakatitig ng diretso sa kanya.Parang kulog ang tibok ng puso ni Julliane, at hindi niya maiwasang tumingin sa kanya nang nagtatanggol."Maghugas ka na ng kamay at maghanda para sa hapunan!" Nasabi na lang niya.Alam naman niya na nagbibiro ito, at hindi ugali ni Ismael ang pwersahin siya.Sa mga nakalipas na buwan ay oo, hinahalikan, niyayakap sa gabi pero ni minsan hindi siya
Sa bahay ng mga Montes, nakikipagtalo si Crissia sa kanyang ama na halos lumabas na ang mga ugat sa sentido dahil sa galit."Hindi mo ba talaga mapapaamong muli ang Sandoval na iyan!" Galit nitong sigaw sa anak nito na hindi rin nagpapatalo sa kanya."Anong magagawa ko kung hindi na tumatalab ang mga drama ko!?" Sigaw rin ni Crissia sa ama."Napakahina mo talaga! Dapat talaga na mawala na sa landas nila ang babaeng iyon!" Sigaw pa rin ni Armando sa anak."So talagang dinaan mo sa pisikal ang pagbabanta kay Julliane!? Sa ginawa mo tignan mo ang ginawa nila daddy! Nawalan ka ng investor at malulugi ang kumpanya mo dahil sa padalos-dalos kang kumikilos!" Hindi na napigilan ni Crissia ang mapasigaw at halos mawalan siya ng hangin sa dibdib dahil sa galit sa ama.Ang mukha ni Armando ay biglang nandilim at bigla na lang sinampal si Crissia, si Cornelia ay nagulat sa ginawa nito sa anak.Habang sapo naman ni Crissia ang nasaktan nitong pisngi."This is the last time you will slap me! Wag na
"Nakwento ko na ba sa'yo na noon pa man ay gawain na niya ang magbigay ng bulaklak sa akin?" Tanong ni Julliane kay Evelyn na nakaupo na at humihigop ng milktea at napatingin sa kanya. Mabilis na naunawaan ni Evelyn ang ibig niyang sabihin at binaba ang hawak na baso at napatitig sa kanya. "Ito ba ay isang paalala para sa iyo na isipin siya araw-araw? Kung galit siya sa iyo ngunit hindi niya kayang saktan ka, hahayaan ka lang niyang mahulog sa bitag ng pag-ibig na itinakda niya?" Si Evelyn mismo ay medyo nalilito nang sabihin niya ang teoryang ito, ngunit sa wakas ay tumango sa sarili. Walang magawa si Julliane kundi ang mapabuntong hininga na lang, "Kahapon, humiling ang mga elder na bumalik at hiniling sa akin na bawiin ang demanda, na nagsasabing maaari lang kaming maghiwalay pagkatapos lumabas ang resulta ng DNA test ng anak ni Crissia Montes." "Uh!" Tanging nasambit sa kanya ni Evelyn. "Ngunit ito ay para lamang maantala ang oras. Anak ni Crissia iyon, sino pa kaya ito kung
Hindi alam ni Ismael kung ano ang binulong ng kanyang ina sa kanyang asawa, pero nang tumingin ito sa kanya ay nakangiti ito sa kanya.Ang damit nito ay bagay talaga dito, ang kanyang ina ay siyang bumili ng ilan sa mga damit nito na maayos na nakalagay sa kanyang closet.Pero kapag siya ang bumili ng damit dito ay hindi nito sinusuot, kaya ang kanyang ina ang pinapakiusapan niya na mamili ng damit para dito.Tungkol naman sa pagbili ng damit para sa kanya, hindi niya alam kung ilan na ang nabili niya.Sa dalawang palapag ng Seaview Apartment, ang lahat ng mga silid para sa mga damit ay puno ng mga damit, sapat na para sa kanya upang masuot ng ilang taon.Ngunit sinuot ba niya ang mga ito?Maging ang pares ng maliit na asul na sapatos na binigay niya ay minsan lang nasuot dahil pinilit niya ito.Ang alam kasi niya ay hindi nito gusto ang masyadong mamahalin na mga damit, napakasimple lang kasi nito.Ibang-iba talaga ito kay Crissia, ang babae ay nagpapabili pa sa kanya mismo ng mga de
Napaungol si Julliane sa sakit, ngunit agad na nanumbalik ang kanyang pakiramdam at itinaas ang kanyang kamay upang itulak ang kanyang dibdib. Hubad, malamig, at gumagalaw ang kanyang dibdib.Kaagad na binawi ni Julliane ang kanyang kamay, pagkatapos ay nagtago pabalik, inilayo ang kanyang mukha, at ibinaba ang kanyang mga mata.Gusto siyang halikan muli ni Ismael, ngunit hindi niya magawa. Kaya't ang kanyang mga itim na mata ay tumingin sa kanya ng diretso, hindi nasisiyahan, at kahit na may ilang pagkondena.Si Julliane ay hindi naglakas-loob na itaas ang kanyang mga mata, at narinig lamang niyang sinabi niya."Ang katapatan ko ay sapat na, tama ba?" Tanong nito kaya napakunot ang noo ni Julliane.Sino ang gusto ng ganoong katapatan?Medyo naiinis si Julliane, ngunit hindi naglakas-loob na pabulaanan.Iniisip na lang niya ng lihim sa kanyang puso na hinding-hindi siya dadamay sa kanya sa hinaharap.Ang mawalan ng kamay ay maaaring masakit para sa mga ordinaryong tao, ngunit s