Share

Chapter 3

Hindi sinagot ni Riguel ang tanong niya at tahimik na lumabas ng kanilang kwarto. 

Suminghap siya at tahimik na napaiyak. Hindi niya matanggap na gano’n na lang kung ipawalang-bahala ng asawa niya ang nararamdaman niya. How could he answer calls from his mistress behind her back?

Dahil hindi niya malaman kung ano ang dapat maramdaman ay bumangon siya mula sa kama. Dahan-dahan siyang naglakad palabas ng kwarto at nagtungo sa guest room kung saan siya madalas na matulog noong bago pa lang silang kasal. 

“Huwag mo nang isipin… matatapos din ito,” bulong niya sa sarili nang makahiga sa kama, sunod-sunod na luha ang pumapatak mula sa kaniyang mga mata, bago niya tuluyang ipikit ang mga ito para magpahinga. 

Kinabukasan, dahil hindi niya alam kung paano haharapin si Riguel ay sinadya niyang tanghali na bumangon. Sabado rin at hindi niya kailangan pumunta sa accounting firm kung saan siya nag-o-ojt. Pagkababa sa dining ay napansin niyang wala kahit ang anino ni Riguel. 

Madalas magluto si Riguel ngunit walang pagkain ang nakahain sa mesa nang mga oras na ‘yon. Suminghap siya at pinilit na umakyat sa master’s bedroom. Nanlumo ang mga balikat niya ng mabungaran ang tahimik na kwarto.  Mukhang hindi ‘yon natulugan simula nang umalis siya para matulog sa guest room kagabi. 

Kinagat niya ang ibabang labi sa pag-iisip na hindi umuwi si Riguel kagabi. 

Nagkita ba sila ng kabit niya? Natulog ba ito katabi ang babaeng ‘yon?

May nangyari ba sa kanilang dalawa?

May kirot sa puso niya habang ini-imagine ang matamis na ngiti ng asawa niya kapiling ang babae nito…

Sa galit, binuksan ni Elise ang aparador doon at padabog na kinuha ang kaniyang maleta.  Marahas niyang nilagay ang mga damit sa loob nito. 

Kung gagawin ni Riguel ang gusto nito kahit mali pa iyon, pwes ay gagawin din niya ang lahat ng gusto niya. Hindi na niya gustong isipin kung ano pa ang mga kabalastugan na ginagawa nito sa likuran niya. 

She just wanted to leave the house as she didn’t want to see him again!

***

Sa dormitory,

“Oh, Elise. Bakit naman biglaan ka yatang nag-alsabalutan? Akala ko ba ay hindi ka pwedeng mag-dorm?” gulat na tanong ni Penelope nang makita siya roon dala ang kaniyang maleta.

Si Penelope ay schoolmate niya sa kolehiyo. Pareho silang graduating pero magkaiba ang block na kinabibilangan. Pareho din silang nag-o-ojt sa accounting firm na malapit sa Manila. 

“Nagbago na isip ko, Pen. Dito na muna ako sa dorm para mabilis din akong makapunta sa work. Malapit na kasing matapos ojt natin. Kailangan ko magpakitang gilas para ma-absorb ako bilang full-time employee,” paliwanag niya ngunit may mas malalim pang dahilan ang puso niya. 

Inokupa niya ang bakanteng kama at nilagay doon ang maleta. Isa-isa niyang nilabas ang mga damit at napabuntonghininga. Nanghihina ang kalooban niya sa desisyon. Hanggang ngayon ay si Riguel pa rin ang nasa isip niya.

Nahiga si Penelope sa kabilang kama at ngumuso. “Sa tingin mo ma-a-absorb kaya tayo? Dami kasi nating kalaban na ibang istudyante na galing sa mas malalaking school.”

“Patas naman ang kumpanya. Huwag ka munang magpaka-nega. Let’s just do our best.”

“Hay, sana nga, Elise. Ako pa naman ang inaasahan ng Mama ko,” pahayag ni Penelope. 

***

Madilim na ang buong kwarto nang magising si Elise. Gabi na pala at hindi na niya namalayan ang oras. Awtomatiko niyang inabot ang kaniyang phone, ngunit wala ni isang tawag o text mula kay Riguel. 

Parang binibiyak sa dalawa ang puso niya. Alam naman niya na wala siyang laban sa unang babaeng minahal ni Riguel ilang taon na ang nakalilipas. Bakit pa ba siya umaasa?

Bumangon siya sa kama at lalabas na sana nang biglang mag-ring ang phone niya. 

Nang makitang si Riguel ‘yon ay agad niyang sinagot ang tawag nito. 

“Where are you?” malamig na tanong ng asawa niya mula sa kabilang linya. 

“Dito muna ako sa dorm. Huwag mo na ako alalahanin,” sagot niya sa matapang na boses, pilit na tinatago ang sakit na dulot ng pambabae ni Riguel. 

“I need you to come home right now. We have something to discuss about,” maawtoridad nitong utos. 

“Ayokong umuwi,” inis niyang wika. Hindi niya gusto ang tono nito. Ito na nga ang may kasalanan, ito pa ang matapang?

“We’re getting an annulment.”

Naestatwa sa kinatatayuan si Elise nang marinig iyon. Para siyang binuhusan ng ilang balde ng malamig na tubig.

“A-Anong sabi mo?” Suminghap siya at naramdaman ang mainit na likido sa sulok ng kaniyang mata.  Alam niyang hinamon niya ito ng hiwalayan kagabi, ngunit hindi niya inaasahang tototohanin ‘yon ni Riguel. 

Gusto na talaga siyang hiwalayan ng asawa niya… 

“I need to send the papers to court on Monday,” matigas na wika ni Riguel.  “You need to sign them first.”

Huminga nang malalim si Elise, pinipigilan ang pagkawala ng kaniyang hikbi. 

“Sige. Magkita tayo sa korte sa Lunes. Our marriage certificate is in the closet. Dalhin mo ‘yon.”

Pagkasabi niyon ay galit niyang binaba ang phone. Bumalik siya sa kama at binaon ang mukha niya sa unan habang humahagulgol ng iyak. 

Bakit ba umaasa pa rin siya? 

Klaro naman na hindi talaga siya minahal ni Riguel. He never took her seriously. Isa lamang siyang parausan!

Kung sana ay nagkaroon sila ng anak… baka sakali… baka sakaling mag-iba ang trato nito sa kaniya at hindi na siya hiwalayan kahit pa bumalik ang babaeng ‘yon…

Saglit na tumunog ang kaniyang phone. Tiningnan niya ‘yon sa pag-aakalang babawiin ni Riguel ang mga sinabi nito ngunit mas lalo pang nayurak ang mundo niya sa nakita. 

Isang picture…. Si Riguel at ang babae niya habang masayang kumakain sa isang restaurant.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status