Share

Chapter 2

“Kapag sinabi kong ayaw ko, ayaw ko!” bulyaw sa kaniya ni Elise.

Hindi nagustuhan ni Riguel ang inasal ni Elise kaya naman marahas niya itong hinawakan sa braso at inipit ang paa nito gamit ang kaniyang tuhod. 

“R-Riguel, nasasaktan ako. Ano ba? Pakawalan mo ako!” pakiusap ni Elise at tuluyan nang napaluha. Ni hindi niya nga malaman kung bakit siya umiiyak– kung dahil ba sa sakit na dulot ng pagtataksil ng asawa niya o dahil sa pisikal na sakit na dala ng pagkahulog sa hagdan kanina sa ospital.

Pakiramdam niya ay siya na ang pinakamalas na babae sa mundo dahil wala nang magandang nangyari sa buhay niya simula ng bata pa lang siya. A few years ago, she was homeless. Her father, who was supposed to be her support system, married another woman and was only good at her stepsister. Noong nasa kolehiyo naman ay niloko lamang siya ng una niyang naging nobyo. At ngayon, kung kailan naman gusto niyang paibigin sa kaniya ang asawang si Riguel, ay saka naman bumalik ang unang babaeng minahal nito. 

Ang babaeng karibal niya.

“P-Please… let me go…” pagmamakaawa niya sa asawa.

Pinakawalan siya ni Riguel. Bumangon ito at binuksan ang ilaw ng kwarto. He noticed that something was wrong with her and so he grabbed the duvet to check on her. Doon niya nakita ang namamagang paa ni Elise. 

“What happened to your foot?” kunot ang noo ni Riguel nang itanong ‘yon.

Nanginginig na bumangon si Elise at sinandal ang likod sa headboard ng kama. 

“N-Nahulog ako sa hagdan,” iyak niya  at hinilamos ang mga palad sa kaniyang mukha. 

“Why didn’t you tell me?” iritableng tanong ni Riguel.

Inalis niya ang mga palad sa mukha at galit na tiningnan ang lalaki.

“Ano ba ang magbabago kung sasabihin ko sa ‘yo?” inis niyang wika.

“Don’t give me that tone, woman. You should’ve told me what happened,” malamig na sabi ng asawa niya pagkatapos ay naglakad papuntang cabinet. 

Kinuha nito ang medicine kit doon at saka lumuhod sa gilid ng kama. Marahan nitong kinuha ang magang paa ni Elise. She didn’t say a word. Pinanood niya ang asawa sa paglalagay ng ointment sa mga pasa na natamo niya. 

Hindi niya maiwasang tingnan si Riguel. Naka-itim itong roba, bahagyang lantad ang matipunong dibdib. Napakagwapo nito… matangos ang ilong at may pagka-chinito. Walang imperpeksyon sa panlabas nitong anyo. 

“Aray!” Mariing nakagat ni Elise ang ibabang labi. 

“Stay still. This will sting a bit,” ani Riguel at patuloy na ginagamot ang maga niyang paa. 

“D-Dahan-dahan…” aniya.

“Does it still hurt?” Riguel looked at her.

Tumango siya at nag-iwas ng tingin. “Oo, masakit.” 

Hindi niya magawang maging masaya nang sobrang sa pinapakita ni Riguel ngayon. Her heart was totally struggling because of what she found out. Alam niyang ngayong nagbalik na ang first love nito ay itatapon na lang siya nito na parang basura. 

Kung bakit ba naman kasi nahulog ang puso niya sa lalaking ‘to… 

Kung sana ay bato na lang ang puso niya.

“It will take days for it to heal. Huwag ka munang gumalaw-galaw.” Hinipan ni Riguel ang mga pasang nalagyan ng ointment. 

Suminghap si Elise at sinulyapan itong muli. Hindi niya mapigilang mamula dahil sa pag-aalala nito sa kaniya, bagay na minsan lamang kung mangyari. 

“I know,” sabi niya at dahan-dahang inangat ang magang paa sa kama. 

Kinastigo niya ang baliw niyang puso, lalo pa’t nagtataksil na ang asawa sa kaniya. She couldn’t fall for his one-time tenderness. Pare-pareho lang ang mga lalaki. Ginawa na ‘to sa kaniya noon ng una niyang nobyo. 

Lahat ng mga lalaki ay hindi makuntento sa isa… 

“Are you okay?” marahang tanong ni Riguel at pinagmasdan siya. 

Tumango lamang siya at hindi na nagsalita. Humiga siya sa kama at tinalikuran ang asawa.

Tumayo si Riguel at akmang hahalikan ang kaniyang noo pero iniwasan niya ito. 

“Gusto ko ng matulog, Riguel,” malamig niyang sabi. 

Samantala, nangunot ang noo ni Riguel sa kinikilos ni Elise. Ito na nga ang tinulungan na gamutin ang paa, ito pa ang may ganang magsungit? Tahimik siyang nahiga sa kama at niyakap si Elise.

“Mainit. Ano ba? Bitiwan mo ako,” ani Elise at inaalis ang kamay niyang nakayakap sa beywang nito. 

Pinagpatuloy niya ang pagyakap sa babae. Sa tuwing yakap niya ito sa gabi ay nakakatulog siya nang maayos. 

“If you dare to move again, you’re going to regret it,” sabi ni Riguel sa malamig na tono. Mariin niyang idiniin ang katawan sa likuran ni Elise at pinaramdam dito ang matigas niyang pagkalalaki. 

“Riguel!” impit na saway ni Elise sa kaniya. 

Pipikit na sana siya nang biglang mag-ring ang kaniyang phone. 

Binitiwan niya ang asawa at bumangon para tingnan kung sino ang tumatawag. After seeing the caller ID, he then looked at his wife.

Nilingon siya ni Elise. Malungkot ang mga mata nito. 

“Gusto mo na bang makipaghiwalay sa akin?” diretsong tanong ni Elise na ikinagulat niya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status