Share

Infatuated to the Boss - Chapter 7

Infatuated to the Boss - Chapter 7

ISANG townhouse sa San Juan ang tinitirhan ni Monsour. Marahil, katulad ng sa opisina, pansamantala rin ang lugar.

Tila nag-iisa lang ang lalaki. Kaya walang opsyon si Samantha kundi ang samahan ang lasing hanggang sa loob.

Ginising niya ang natutulog na pasahero. Hinawakan niya ang isang balikat nito at inalug nang inalog.

"Sir? Sir, you're home now." Wisikan ko kaya ng tubig ang mukha nito? tanong niya sa sarili. But she disregarded the idea immediately.

Bumaba siya ng kotse at nagpalinga-linga sa paligid. Naghahanap siya ng sinuman na makakatulong. Namataan niya ang isang sekyu na galing sa pagroronda.

"Guard!" hiyaw niya habang kumakaway. "Patulong naman, o. Ipapasok lang natin ang boss ko sa loob ng bahay niya."

"Sino'ng boss mo?" tanong ng sekyu habang sinisino ang sasakyan. "A, si Mr. Castillo. Nalasing ba sa paggu-goodtime?"

"Oo,

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status