Share

Kabanata 23

Wala nang mas sasakit pa sa isang ina kun'di ang malayo sa kan'yang anak.

Halos palitan na ni Lera ang driver ng bus na sinasakyan upang mabilis na makarating sa Sta. Ignacia. Hindi niya akalain na sa isang iglap matatagpuan sila ni Lucas at mababawi nito si Arim sa kan'ya nang walang kahirap-hirap.

Pinalis niya ang panibagong luha na tumulo sa kan'yang mga mata. Masakit na ang kan'yang ulo sa kakaiyak subalit kaya niyang indahin iyon kumpara sa sakit ng puso na nadarama niya.

Nangyayari na ang kinatatakutan niyang gamitin ni Lucas ang pera nito upang ipagdamot sa kan'ya ang bata.

"Papasukin mo ako! Kailangan ko'ng makuha ang anak ko!" Dumiretso siya sa mansyon ng mga Valle, kahit pa malalim na ang gabi.

Hinarangan siya ng mga tauhan ni Ginang Juana na makapasok sa mataas nitong bakod. Kung dati'y manghang-mangha siya sa ganda ng labas ng mansyon, ngayo'y tila impyerno na ang pagtingin niya dito.

"Lucas! Lucas! Ilabas mo ang anak ko!" Halos

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status