共有

Kabanata 2

作者: MeteorComets
last update 公開日: 2026-02-23 14:25:38

PAAAAAK! Isang malakas na sampal ang sumalubong sakin nang makauwi ako samin.

“Anong ginawa mo?” Sabay duro sakin ni tito. Galit na galit.

“Bakit ka nakipaghiwalay kay Raizen? Nababaliw ka na ba?”

Hindi ako makasagot dahil totoo ang sinabi niya. Nakipaghiwalay na ako sa lalaking yun.

“Hindi ba malinaw ang inutos ko sayo kahapon?”

Kumuyom ang kamao ko. “Na ano po tito? Na akitin siya ng sa ganoon hindi niya ako iwan?”

Si tito Hunk at tita Irish ang nagpalaki sakin mula ng mamatay ang magulang ko kaya utang ko ang buhay ko sa kanila.

Pero no’ng tumuntong ako sa saktong taong gulang, doon ko namalayan that they only see me as a mere tool for business expansion through marriage alliance.

That’s why na-engage ako kay Raizen Rozanov.

“Is that too much Klare? He’s your fiancé! Ano naman kung may mangyari sa inyo bago ang kasal?”

So gusto nga niya akong ibugaw.

Gusto kong matawa. Hindi ako makapaniwala na naririnig ko ito mula sa kaniya.

“Hindi ako bugaw, tito.”

Halos malukot ang mukha niya. “Bugaw? I only ask you to please him. At kung may mangyari sa inyo, ano naman? Doon rin naman ang punta niyo!”

Alam ba niya anong kalokohan ang ginagawa no’ng Raizen na yun?

“Tito, that man is-”

“Klare!”

Sinapawan ako ni tita Irish. Lumapit siya at hinawakan ang kamay ko.

“Klare, you know what’s happening to our company. Alam mong kailangan natin ang marriage alliance na ito para hindi tayo mabunkrupt.”

“Pero tita, Raizen cheated. Hindi ko kayang pakasalan ang kagaya niya.”

Kapatid ni mama si tita Irish at umaasa akong maiintindihan niya ko.

“But Klare, we need his family’s wealth and influence. Without him, mawawala ang lahat ng satin.”

“But tita,” halos magmakaawa ako dahil ayoko na talagang balikan si Raizen. Sobra ang ginawa niya.

“How about Lanny, your cousin… He’s so young, Klare. Anong buhay ang mabibigay namin sa kaniya ng tito mo kung mawala na itong kumpanya natin?”

Natigilan ako.

Lanny is close to me and I love him so much.

Ayoko ring makitang mahirapan siya oras mawala ang kumpanya.

“Please Klare… alam mong wala ng ibang paraan para masalba ang kumpanya natin.”

Mariin akong napapikit. What choice do I have?

Kahit labag sa kalooban ko, unti-unti akong tumango.

Umaliwalas ang mukha ni tita at niyakap ako. “Thank you, Klare.”

At tumikhim naman si tito Hunk sa tabi.

“Klare, fix this mess. Ayokong umabot sa ama ni Raizen itong ginawa mo. We cannot afford to offend them.” Sabi niya bago umalis.

Si tita naman ay hinawakan ako sa pisngi ko.

“I am proud of you. And I'm sure magiging proud rin ang mama mo sayo at lumaki kang mabait at masunurin."

Ang bigat ng loob ko. I'm not sure kung proud ba talaga si mama sakin sa gagawin ko.

"Excuse me tita, magpapahinga lang po ako."

Umalis na ako at nagpunta sa kwarto ko, then nakita ko si Lanny sa ibabaw ng kama at naglalaro.

He's probably waiting for me.

“Ate!”

Ngumiti ako, lumapit sa kaniya at niyakap siya.

Kitang kita sa mukha niya na tuwang tuwa siya na makita ako.

“Ate, bakit wala ka sa room mo kanina?”

“Nagsleepover kasi si ate sa friends niya.” Palusot ko at alam kong magtatampo siya kasi hindi ko siya isinama.

“Bakit hindi mo ko sinama?”

Natawa ako at inupo siya sa lap ko. “Kasi baby ka pa at bawal.”

“Big boy na kaya ako ate!”

Napatitig ako sa kaniya when he’s pouting at narealize na tama ang sinabi ni tita.

Bata pa si Lanny at hindi ko maatim tignan na nahihirapan siya dahil sa makasariling desisyon ko.

Gusto ko siyang bigyan rin ng magandang buhay. Gusto kong makapag-aral siya sa private school, makakakain ng masarap at makuha ang mga laruan na gusto niya.

Kung mawawala ang family business namin, imposible na yung mangyari.

Somehow, parang nagkaroon ako ng lakas ng loob para kalimutan ang sarili at pride ko.

Kung itong sakripisyo ko ang makapagbibigay ng maayos na buhay dito kay Lanny then kaya kong makipagbalikan kay Raizen at kalimutan ang ginawa niya.

“Lanny, puntahan mo muna ang mama mo.”

“Huh? Why?”

“Kasi busy si ate. May gagawin ako ngayon.”

“I can help ate…”

Umiling ako. “Aalis ako at hindi ka pwedeng sumama. Bawi nalang si ate sayo sa susunod ah?”

Tinulak ko na siya palabas ng room ko kahit na ayaw niyang umalis at saka nagmamadali akong maligo dahil hahanapin ko si Raizen.

I stalk his social media account and I found him at Ivory Stallion Ranch with his circle of friends.

Nagpunta ako agad doon, wearing only a white t-shirt and simple jeans then backpack na may lamang spare clothes.

I paid for my entrance f*e na sobrang mahal.

I went to my cabin first para iwan ang backpack na dala ko at saka ko hinanap si Raizen.

Dahil sa myday niya e naka-feature ang isang ilog, iyon ang una kong hinanap.

I told to myself na lulunukin ko ang pride ko, na makikipagbalikan ako sa kaniya pero nang makita ko siya, mas lalo lang sumiklab ang galit ko.

I saw him with a girl on his lap and they are kissing habang yung mga kaibigan niya sa tabi e chini-cheer sila.

His friends knew about me. Yung iba pa sa kanila e nagagawa pang makipag-usap sakin at ngitian ako.

Then, suportado pala nila ang kat@rantaduhan ng kaibigan nila.

Ang kakapal ng mukha.

'Totoo nga yung kasabihan that your boyfriend's friends are not your friends.' Sabi ko sa sarili ko.

Lumapit ako, maintaining my posture. Nang makita ako ng mga kaibigan niya, bigla silang tumahimik.

Nang mapatingin naman si Raiden sakin, namilog sandali ang mata niya ngunit maya-maya lang ay ngumisi ng nakakaloko.

At hinaIikan pa niya ng isang beses yung babae na nasa kandungan niya. Deliberately telling me na hindi siya natatakot kahit na nahuli ko siyang may iba.

Grabeng pambabastos. He's humiliating me in front of his friends.

Kahit iyong babae e ngumisi rin. Hindi man lang siya nagulat sakin, na para bang alam niya kung sino ako sa buhay ni Raizen.

Then his friends, who just went silent earlier cheered again. Tumawa pa yung iba sa kanila.

They are mocking me.

Hindi ko alam paano ko sila haharapin. Kung sasaktan ko ba si Raizen o aalis nalang ako.

Kung mag-iskandalo ako, pati ako ay malalagay sa kahihiyan. Kung aalis naman ako, alam kong pagtatawanan lang nila lalo ako. I wouldn't save my face after this.

At ramdam ko na ang luha ko na nagbabadya ng tumulo.

Their laughters grew even louder too.

Hanggang sa may isang boses ang nagpatigil sa kanila.

"We met again," ang sabi.

Natigilan ako.

Dahan-dahan akong lumingon sa likuran ko at halos manlaki ang mata ko nang makita siya.

Yung gwapong lalaki kagabi.

Si Peres.
この本を無料で読み続ける
コードをスキャンしてアプリをダウンロード

最新チャプター

  • Seducing My Ex-Fiancé's Billionaire Enemy   Kabanata 99

    Klare’s POVNasa sasakyan na kami ni Peres, hindi ko alam saan niya ako dadalhin ngayon dahil hindi ito ang daan pauwing condo.Mabilis pa rin ang tibok ng puso ko matapos ang tagpo kanina with Catelyn.Nadisappoint talaga ako ng konti at akala ko dini-deny ako ni Peres. When he said no, I thought n

  • Seducing My Ex-Fiancé's Billionaire Enemy   Kabanata 98

    Peres’ POVI crossed my arms while waiting for Klare. She didn’t reply to any of my messages nor even greeted me a good morning earlier.Halos puntahan ko na siya sa hospital kanina para dalhin sa office ko.Mas gusto ko yung lagi siyang nakadikit sakin. Yung lagi ko siyang nakikita, lagi kong nahah

  • Seducing My Ex-Fiancé's Billionaire Enemy   Kabanata 97

    Umagang umaga pa lang, pumasok na ako sa trabaho. I didn’t wait for Peres dahil gusto kong ako mismo ang magpunta ng hospital na walang kasama.Natatakot kasi ako na baka mamaya e hindi ko magustuhan ang magiging bungad ng mga tao doon at ayokong makita niya na epektado ako.[Where are you? You didn

  • Seducing My Ex-Fiancé's Billionaire Enemy   Kabanata 96

    Hindi ko maipaliwanag ang galit na nakikita ko sa mga mata ni Peres habang nakipagtagisan nang tingin kay Floyen.Kinabahan ako dahil nandito kami sa bahay ng mommy nila.Kung mag-away sila, parang ako yung mahihiya lalo’t ang pinagmulan nito ay yung pasimple lang na paglapit ni Floyen sa tenga ko.

  • Seducing My Ex-Fiancé's Billionaire Enemy   Kabanata 95

    Hiyang-hiya ako habang nakaupo sa harapan ng mommy ni Peres.Iniwan niya ako dito dahil lang sa kadahilanang ayaw niya akong umiyak na naman sa condo kung iwan niya ako mag-isa.Ginawa niyang tagabantay ang mommy niya.Kung ako ni tita, baka na offend na ako pero hindi.Natuwa pa yata siya nang maki

  • Seducing My Ex-Fiancé's Billionaire Enemy   Kabanata 94

    “I don’t like seeing you like this.” Umiiling na sabi ni Peres habang hinahatid niya ako sa bahay ng mommy niya.Ngumuso ako.“Ano ka ba naman. Hindi na yun kailangan. I am okay.”Sinamaan niya ako nang tingin na animo’y isang kasinungalingan ang sinasabi kong okay lang ako.“May okay bang umiiyak?”

続きを読む
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status