Share

Chapter Sixteen

AGAD akong inatake ng lamig pagpasok ko kotse niya. Napansin kong hininaan ni Andrew ang aircon pagkatapos ay binuksan niya ang drawer. Kumuha siya ng tissue at inabot sa akin. 

"Thank you," mahinang sambit ko. Pagkatapos kong ikabit ang seatbelt ay pinunasan ko ang mukha at braso. 

I looked at him. Napatingin ako sa kamay niya na nakahawak sa steering wheel ng sasakyan. Nakatupi hanggang siko ang long sleeve niya. Bumaba ang mga mata ko sa daliri niya. Mahahaba iyon at hugis kandila.

"Tell me if you still feel cold," Bahagya siyang sumulyap sa akin. "I'll turn off the aircon."

"Okay na." Bahagya akong ngumiti. "Hindi naman ako masyadong basa."

I saw him purse his lips. "Did you run in the rain?" 

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status