The Governor Obsession

The Governor Obsession

last updateTerakhir Diperbarui : 2026-11-23
Oleh:  Author VeeBaru saja diperbarui
Bahasa: Filipino
goodnovel18goodnovel
Belum ada penilaian
4Bab
3Dibaca
Baca
Tambahkan

Share:  

Lapor
Ringkasan
Katalog
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi

Blurb : "I’ll never take ‘no’ for an answer, Ms. Rossi. Whether you like it or not, you will be mine!"— Killian Cross Isa lang naman ang gusto ni Alexandra, ang tumulong sa mga kapus-palad. Pero hindi niya aakalain makukuha niya ang pansin ng isang tao si Killian Cross—ang gobernador ng lalawigan ng santa clara. Kilala bilang ruthless billionaire at matanglawin ng bayan. Dahil sa pagananais niya makuha muli ang boto ng mamamayan ng santa clara, kinakailangan niya ang tulong ni Alexandra. Ang foundation na itinayo niya na may kakayahang himukin ang mga nasa laylayan. Pero hindi lang ang foundation ang gusto ng Gobernador, pati ang founder ng grupo gusto din niyang angkinin. Pero paano nga ba mapapasunod ng gobernador ang isang ‘single mom’ na iba ang hangarin sa nais niya? Si Killian na kapangyarihan ang ninanais, samantala si Alexandra tunay na malasakit ang gusto matupad. Sa dalawang magkaibang hangarin, sino ang unang susuko? May puwang nga ba ang pag ibig sa kanila? Kung ang isa sa kanila ay gagamit ng dahas, makuha lang ang gusto.

Lihat lebih banyak

Bab 1

Chapter 1

CHAPTER 1

ALEXANDRA’S POV

Pinagmamasdan ko ang mukha ng lalaking nasa harapan ko. Matangos ang kanyang ilong, chinito at mestiso ang kulay ng balat. Para siyang isang Greek God na nababasa ko sa mga libro. Masasabi kong gwapo nga siya, pero hindi paghanga ang nararamdaman ko sa lalaking ito, kundi pagkainis.

Nakaupo ako habang katapat si killian Cross, ang kasalukuyang Gobernador ng Santa Clara. Nandito kami ngayon sa isang VIP room sa isang sikat na restaurant ng bayan para pag-usapan ang ino-offer niya na lalo kong ikinagagalit. Habang seryoso siyang nakatingin sa aking nakikita ko ang amusement sa mga mata niya. Namumula ang mukha ko sa pagtitimpi nna hindi siya batuhin ng platong nasa harapan ko.

Sino ba kasing matinong politiko ang magsasabi ng ‘Be my woman, Ms. Rossi.’? Hanggang ngayon nasa utak ko pa rin ang mga salitang iyon! Ang kapal din talaga ng mukha niya. Akala siguro ng lalaking ito, kagaya ako ng ibang mga babaeng nagkakandarapa sa kanya. Nakita ko nga ang gulat sa mukha niya ng mag ‘NO’ ako, ngek-ngek niya no! Akala ko pa naman kaya niya ako gustong makausap dahil sa foundation.

"Sa tingin mo ba, basta na lang akong papayag na 'no' ang sagot mo, Ms. Rossi?" Diretso ang mata niya nakatingin sa akin, hindi ko mabasa kung ano ang nasa isip niya.

Kung staff ko siguro ang nandito at kausap siya, siguradong kakabahan na. Pero sa dami-dami ng nakilala kong politiko, bakit ako matatakot sa isa pang buwaya? Tinaasan ko siya ng kilay at sinalubong ng titig ang mga matang matiim na nakatingin sa akin.

"I'm sorry to disappoint you, Mr. Cross. I know what you want! Hindi ko alam kung nag-jojoke ka lang ba sa sinasabi mo, pero kahit ano pa iyon, hindi pa rin ako papayag na gamitin mo, o ng kahit sino sa inyo, ang foundation na pinaghirapan ko nang mahigit isang taon. I will still say 'no' to your damn offer, Mr. Governor!"

Hindi ko na hinintay na sumagot pa siya, tumayo ako para tumalikod. Wala akong panahon makipag-usap sa mga kagaya niya na sarili lang ang iniisip.

"Hindi ako tumatanggap ng pagkatalo, Ms. Rossi. At sinisiguro ko sa iyo, whether you like it or not, you will obey me," madiin niyang sabi.

Napabalik ang tingin ko sa kanya, Nakapaskil sa mga labi niya ang isang nakakatakot na ngisi. Bahagya akong kinilabutan, pero hindi ko ipinahalata.

"At sisiguraduhin kong hindi mangyayari iyon," matapang kong sagot sa kanya.

Lalong lumawak ang ngiti niya. "Trust me, Darling. Wanna bet?"

Nakasalubong ang mga kilay ko, habang nakikipag-tagisan parin ako ng tingin sa kanya. May kaunting takot na gumapang sa katawan ko, sino ba naman kasi ang hindi matatakot? Kaharap ko ang isa sa pinaka-kinatatakutan at pinakamakapangyarihang tao sa buong lalawigan, may balita pa nga na isa itong sekretong mafia boss. Pero hindi ako dapat matakot sa kanya.

"No need!" masungit kong sabi, saka siya tuluyang tinalikuran.

Naiinis akong lumabas ng restaurant. Paglabas ko, agad akong pumara ng taxi para makauwi na. Habang nasa byahe ako, nakakuyom pa rin ang mga kamao ko sa kandungan, dahil sa halo-halong emosyon.

Ipinapangako ko sa sarili ko, ito na ang huling beses na makikita at makakausap ko ang lalaking iyon. Isa siya sa mga dapat kong iwasan, at hindi na dapat mag-krus pa ang mga landas namin.

—-

Pagkarating ko sa bahay, nagtaka ako kung bakit walang batang sumalubong sa akin. Madalas kasi, bago ko pa mababa ang bag ko, may yakap na akong natatanggap at may nagtatanong na kung ano ang pasalubong ko, pero walang bata sa harapan ko.

Hinubad ko ang tsinelas ko at lumapit kay Mama, na nakaupo sa sala habang may hawak na remote. Kunot ang noo niya nang makita ako.

"Oh, bakit nandito ka?" tanong ni Mama.

Tumaas ang kilay ko. "Ano bang klaseng tanong iyan, Ma? Pinapalayas mo na ba ako?" Tumingin ako sa paligid. Saan na naman kaya nagtatago ang batang iyon? "Where's Patricia, Ma?"

"Teka nga, Alexandra. Akala ko ba nasa mansion ka ng mga Cross? Hindi ba kayo magkasama ni Patricia?" puno ng pagtataka ang mukha ni Mama, siya lang ako nakaramdam ng pag-aalala.

Natigilan pa ako nang mabanggit niya ang apelyido ng gobernador na iyon. "Ma, wait! What are you talking about? Ano naman ang gagawin ko sa mansion—"

"May sumundo kay Patricia kanina rito, itim na sasakyan, dalawang lalaking naka-barong," mabilis na paliwanag ni Mama, at nagsisimula nang mag-alala ang mukha niya. "Sabi nila, ipinapasundo ka raw ni Gov para sa meeting, at isinasama mo pa nga raw si Patricia. Pinakita pa nila ang ID nila, kaya tiwala ako. Akala ko, para sa foundation mo—"

Naputol ang sasabihin ni Mama nang mag-ring ang cellphone ko. Pareho kaming napatingin sa bag ko kung saan nakalagay ang cellphone ko. Parang may tambol sa dibdib ko ng pagkakuha ko at makita ang ‘UNKNOWN NUMBER.’ Nanlalamig ang mga kamay ko, at hindi ko alam kung bakit, pero parang kilala ko na kung sino ang tumatawag. Lalo pa nga bumilis ang tibok ng puso ko pagkasagot ko ng tawag at marinig ang baritono niyang boses mula sa kabilang linya, ang lalaking ayaw ko nang makita at marinig pa ang boses.

"H-hello?"

"Hi, Alexandra." Nahihimigan ko ang amusement sa boses niya.

"You! Paano mo nalaman ang number ko? Ah… Whatever, just don't call me again, you asshole!" Akmang ibababa ko na ang tawag nang muli siyang magsalita.

"Oh, by the way… mayroon pala akong hindi nasabi sa iyo kanina."

Inirapan ko siya, kahit alam kong hindi niya ako nakikita. "Hindi ka pa ba tapos sa gusto mong sabihin? Alam mo, Mr. Killian Cross, wala na akong panahon sa mga kaek-ekan mo, kaya please—"

"Nasa akin ang anak mo." Kalmado ang boses niya, parang nag-aanunsyo lang ng schedule. Pagkatapos ay narinig ko ang pag-buntong-hininga niya. "Damn, Why are you so noisy."

Parang may kung anong pumigil sa paghinga ko. Nanginginig na hindi ko inaasahan. "What? Anong ginawa mo sa anak ko? Nasaan siya—"

"Shut up!" naiirita nang sabi ni Killian. "Come to my mansion if you want to see her."

"Hello! Cross!" sigaw ko nang babaan niya ako ng tawag.

Nanginginig ang kamay kong may hawak sa cellphone. Ang baliw na iyon! Hindi talaga ako titigilan hangga't hindi nakukuha ang gusto niya. Dinamay pa niya ang isang inosenteng bata.

"Alexandra, anak, ano'ng nangyayari?" tanong ni Mama, hawak ang braso ko.

Tinapik ko ang kamay ni mama ng marahan. "I need to go ma,"

Hindi ko na hinintay ang sagot niya. Isa lang ang umiikot sa isip ko habang kinuha ko muli ang bag na binitawan ko kanina at tumakbo palabas ng p***o.

Damn you, Killian Cross!

Tampilkan Lebih Banyak
Bab Selanjutnya
Unduh

Bab terbaru

Bab Lainnya

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


Tidak ada komentar
4 Bab
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status