Misha’s POVPahinga today sa training para kay Everett kasi nagpasya kaming mag-work muna at ayaw naman naming pabayaan ang kani-kaniyang company na hawak namin. Masaya akong nagmamaneho ng sasakyan ko. Hindi ko na need ng bodyguard kaya parang malaya na ako ngayon, basta ba dapat palagi akong handa sa lahat ng panganib. Ang saya nga kasi palagi na rin akong may dalang baril. Dito sa kotse, hindi rin ako nagpapawala ng ilang baril para in case kailanganin ko o makalimutan kong magdala ay mayroon akong magagamit sa panganib.Habang masaya akong nagmamaneho, may nakita akong parang kakaibang pangyayari sa gilid ng highway, napansin ko ang isang kotse na tila tumigil, at may grupo ng kalalakihan na nakapaligid dito. There was something off. Inayos ko ang sunglasses ko, pinagmasdan pa ng mas mabuti. Isa sa kanila, may suot na cap na parang pilit itinatago ang mukha.Then I froze, my heart lurching as I recognized her — Jaye.She looked trapped, cornered. Nakita ko kung paano siya nakatiti
Misha’s POVNakatayo ako sa gitna ng event area ng hotel dito sa Manila branch. Pinatawag ko ang lahat ng empleyado ng kompanya ko rito at pati na rin sa iba bang branch. Seryoso ang mukha ng bawat isa, lalo na nang makita nilang seryoso ang ekspresyon ko. Alam nilang hindi ko ugali ang basta-bastang magpatawag ng meeting, lalo na sa ganitong klaseng okasyon.Hindi lang ako ang gumawa nito, si Everett din, ngayon ay sabay kaming nagpatawag ng urgent meeting sa kani-kaniyang company na hawak ko para isagawa ang ganitong warning sa lahat.Ang mga ilaw ng event area ay dimmed, at ang nag-iisang spotlight ay nakatutok sa akin. May halong kaba at takot ang mga mata ng mga tauhan ko. Ang iba ay tahimik na nakaupo, ang ilan ay nagkatinginan, at ang iba naman ay halatang kinakabahan na.Sa loob-loob ko, hindi ko sila masisisi. Ilang linggo na ang nakalipas mula nang madiskubre kong may mga traydor sa kompanya. Hindi ko na rin matiis na hindi ito tugunan. Gusto kong ipakita sa lahat na hindi a
Misha’s POVAbala ako sa trabaho ngayon sa opisina ko, tinutukan ko ang bawat detalye ng mga papeles sa mesa ko. Ilang araw na akong nagtutuluy-tuloy sa trabaho—madaming kailangang asikasuhin sa kompanya, pero para sa akin, hindi ko ito alintana. Tuwing sabado at linggo na lang tuloy kami nakakapag-training ng asawa ko.Well, parte na ito ng pamumuhay ko, at wala akong ibang inaasahan kundi ang tagumpay naming mag-asawa sa negosyo namin, dahil alam naming para ito sa future ni Everisha at ng mga future son and daughter pa namin.Bigla na lang bumukas ang pinto ng opisina ko, at pumasok si Marie, ang executive assistant ko na pinsan ko rin. Halatang may kakaibang dalang balita si Marie, at agad ko itong napansin sa ekspresyon niya. Tumigil siya sa harap ng mesa ko, saglit na nagdadalawang-isip bago magsalita.“Naku, Tito Gerald ni Kuya Everett is here,” sabi niya nang may pag-aalangan.Napabuntong-hininga ako nang marinig ang balita niya. Alam ko na kung bakit siya nandito, at alam ko
Misha’s POVPagkatapos ng isang araw na puno ng trabaho, napagdesisyunan kong magpunta sa park para magpahinga. Nais ko lang makalanghap ng sariwang hangin at maglaan ng oras para sa sarili ko. Ang parkeng ito ang paborito kong puntahan; tahimik, malapit sa opisina, at maraming puno na nagbibigay lilim. Kasama ng malamig na ihip ng hangin, nakakadagdag ng gaan sa pakiramdam ang hawak kong iced coffee.Umupo ako sa isang bakanteng bench sa ilalim ng isang malaking puno. Nagpakawala ako ng buntong-hininga at ipinikit ang aking mga mata saglit.Nami-miss ko na ang anak ko, si Everisha. Grabe, siguro big girl na siya ngayon. Alam kong nagtatampo na siya dahil panay ang pangako namin ni Everett na malapit na malapit na siyang umuwi sa Pinas. Nakakailang pangako na kami at nakakahalata na rin siyang puro pangako na lang kami. Gusto ko nang matapos ang lahat ng gulo para maging masaya na kami. Kung bakit ba naman kasi mga baliw ang pinsan ni Everett, isama ang tito at tita niya. Nakakabuwisi
Misha’s POVHabang unti-unti kong hinahagod ng kuko ang zip tie na nakatali sa kamay ko, ramdam ko ang bawat hiblang nagkakalas.“Kung hindi kita natuluyan sa ilog, puwes ngayon, sisiguraduhin kong mabubuta ka na talaga sa mundong ito, Ma’am Misha,” sabi niya habang panay ang sampal sa akin.“Ang weak ay weak na, huwag kang umastang malakas, Belladonna,” sagot ko para maasar ko siya lalo.“Weak pala, puwes, malalaman natin mamaya kung sino ang weak!”Malapit na ako sa kalayaan nang bigla kong naamoy ang matapang na amoy ng panyo na mabilis na itinakip ni Belladonna sa ilong at bibig ko. Pilit kong nilalabanan, ngunit ilang segundo lang ay nawalan ako ng malay at tuluyang nilamon ng kadiliman ang lahat.Nang muli akong magising, ramdam ko ang matinding sakit sa bawat himaymay ng katawan ko. Unti-unti kong binuksan ang mga mata ko at agad kong namalayan ang masangsang na amoy ng kalawang at dumi. Nasa loob ako ng isang lumang bodega, nakatali ang mga kamay ko sa isang mabigat na upuan a
Misha’s POVPagmulat ng mga mata ko, ang unang bumungad sa akin ay ang malambot na puting ilaw ng ospital. Akala ko nasa langit na ako kasing puting-puti ang lahat. Amoy ko ang antiseptic sa hangin, at naramdaman ko ang mga nakatusok sa braso ko. Napansin ko rin ang lamig ng aircon na sumisingit sa bawat balat ko. Para akong latang-lata na parang inaapoy ng lagnat. Dama ko rin ang kasakitan ng katawan ko. Bumagal ang paghinga ko habang pilit kong inuunawa kung nasaan ako.Sa gilid ng kama, nakita ko ang pamilyar na anyo ni Everett—ang asawa kong palaging nasa likod ko sa kabila ng lahat ng unos. Nakakunot ang noo niya, puno ng pag-aalala. May hawak siyang tasa ng kape na halatang matagal nang malamig.Nang makita niya akong gising na, halos matapon pa ang tasa nang kape nang ibaba niya ito bigla sa lamesa. “How are you feeling? Are you okay now?” tanong niya, halos pabulong, pero ramdam ko ang tensyon sa boses niya. Ang mga mata niya, namumugto at tila ba hindi pa rin nakakabawi mula
Everett’s POVHindi ko inaasahang mararamdaman ko ang ganitong klaseng galit sa dalawang tao na minsan kong inakala na mabubuting kaibigan ng asawa kong si Misha. Habang naglalakad ako sa tahimik na hallway ng ospital, papunta sa private room ni Misha, naramdaman ko ang bigat ng bawat hakbang ko. Hindi lamang dahil sa stress na nalaman ko kanina kay Tito Gerald, kundi dahil sa bigat ng emosyon na bumalot sa akin nang makita ko sina Jaye at Conrad, ang mga dati niyang pinakamatalik na kaibigan.Tumigil ako sa paglalakad at napatingin sa kanila. Halata sa mukha nila ang pag-aalangan nang makita ako. Si Jaye, na tila hindi makatingin ng diretso, at si Conrad, na kunwaring walang pakialam, ngunit bakas sa kilos ang tensyon. Nilapitan ko sila nang hindi inaalis ang titig ko sa kanilang dalawa. Ang malamig na galit sa loob ko ay unti-unting pumupuno sa katahimikan sa pagitan namin.Simula nung masunod ang swimming pool resort ni Misha pati na rin ang farm nila, doon nag-umpisang lumayo ang
Misha’s POVPagmulat ng mga mata ko, tumambad agad ang malamlam na liwanag ng araw na pumapasok mula sa kurtina ng aming kuwarto. Ramdam ko pa rin ang kirot sa bawat galaw ng katawan ko, na para bang paalala ng lahat ng pinagdaanan ko nitong mga nakaraang araw. Pero alam kong hindi ito panahon para magpahinga.Kahit gustuhin kong manatili sa kama, wala akong karapatang gawin iyon ngayon. Lalo na’t alam kong may paparating na unos. Ang Tito Gerald ni Everett—galit na galit sa amin. Namatay ang lahat ng anak niya, at nakakulong pa ang asawa niya. Ang huling banta niya ay malinaw na malinaw sa isip namin. Kaya alam kong dapat naming paghandaan ito.Napatingin ako sa kaliwang braso ko, balot ng benda at may bahagyang dugo sa gilid. Sa kabila ng lahat, kailangang umusad. Kailangang maghanda.Lumabas ako ng kuwarto at nakita ko si Everett sa bakuran, nakatayo sa gitna ng tatlong assassin na na-hire ko. Dalawang lalaki, malalaking katawan, at isang babae na may hawak na maliit ngunit mapangan
Samira POVPagkatapos kong linisin at gamutin ang sugat ni Ahva, hinawakan ko ang kamay niya saglit. “Dito muna kayo ni Mama Ada, okay? Don’t worry, we’ll be back soon,” sabi ko. Tumango lang siya, hawak pa rin ang tela sa sugat niya habang si Mama Ada ay umupo na sa tabi niya, kita sa mukha nito ang pagod at pati na rin ang takot dahil sa nangyaring pag-atake ng mga tauhan ni Vic.“Let’s go,” sabi ni Miro nang masiguro naming sapat na ang mga soldiers niya na maiiwan dito kina Mama Ada at Ahva.Paglabas namin, agad kaming sumakay sa sasakyan. Pinatakbo ito ng driver ni Miro sa pinakamabilis na paraang kaya niya para mabilis kaming makarating sa kinaroroonan nila Ramil.Pero sure akong hindi sila pababayaan ng mga tito namin kahit ma-late kami. Pero para ma-sure, kailangan pa rin naming pumunta dahil baka marami silang sumugod doon.Habang umaandar ang sasakyan, tumahimik muna kaming dalawa ni Miro. Pero, siyempre, dapat alisto pa rin, parehong matatalas ang mga mata namin, nakaabang
Miro POVIto ‘yung ayoko, stress na may kasamang gigil at takot. Pagdating namin sa tapat ng mansiyon kung saan naroon sina Mama Ada at ang kapatid kong si Ahva, halos sabay kaming bumaba ni Samira sa van. Kasunod din ang iba kong mga soldiers.“No more warnings,” mariing sabi ko habang tinitingnan ang paligid. “Take them all down.”Tumango si Samira. “Let’s end this quickly.”Hindi na kami nag-aksaya ng oras. Bago pa man makalapit sa pintuan ng mansiyon, sumalubong na sa amin ang mga putok ng baril. Ang mga tauhan ni Vic, halatang sanay at mabagsik. Pero mas sanay kami, iyon ang dapat kong isipin. Mas determinado dapat kami kaya nag-focus akong mabuti sa mga naging training ko sa kamay ng mga tito ko.Nag-slide kapagdaka si Samira sa likod ng isang sementadong harang habang binunot ang dalawang baril mula sa thigh holsters niya. Sabay niyang pinutukan ang dalawang kalaban na sumisilip mula sa likod ng van.Bang! Bang!Tumama ang bala sa helmet ng isa, sapul ang mukha. ‘Yung isa, sa d
Samira POVPagkatapos ng putukan, halos hindi pa rin humuhupa ang kaba sa dibdib ko. Habang sakay kami sa bulletproof van, mahigpit kong hinawakan ang kamay ni Manang Cora habang nakahiga siya sa stretcher. May mga balot na ng gasa ang balikat niya pero kitang-kita pa rin ang patak ng dugo na hindi mapigil. Ang mga mata niya, nakapikit at masyado nang maputla. Tahimik lang siya, humihinga ng mababaw. Sa tabi niya, nakaupo si Miro, hawak ang cellphone at panay ang utos sa mga tauhan niya.Nandito na rin sina Tito Zuko, Tito Sorin at Tito Eryz, sila na ang nasa harap ng van, isa sa kanila ang driver.“Make sure the area is clear. Double the guards until further notice,” utos ni Miro habang seryoso ang ekspresyon ng mukha.Habang umaandar ang van papuntang ospital, tinignan ko ang iba pang mga manang na kasama namin sa loob. Tahimik lang silang lahat. Si Manang Luz, nakapikit at tila nagdarasal. Si Manang Luciana, panay ang himas sa palad ni Manang Percy na hindi pa rin makapaniwalang ga
Miro POVKanina pa ako nakatanggap ng report mula sa isa kong soldier. Tumawag siya direkta sa secure line, at sa tono pa lang ng boses niya, alam ko nang hindi ito simpleng ulat lang.“Boss, may dalawang motor at isang van na pabalik-balik sa harap ng mansion. Same plate numbers, same route. Parang minamanmanan ang mansiyon ng mga manang,” sabi niya habang ang boses at klarong nasa ilalim ng tumutubong tensyon. Sila, hindi basta-basta magre-report kung hindi sila siguradong banta ito sa buhay ng mga manang.Hindi na ako nag-aksaya ng oras.“Send reinforcement. Double the guards. I want snipers on the roof and checkpoints within a kilometer radius. Now.”Kaagad akong tumayo mula sa leather chair ko sa opisina. Tinawagan ko rin agad si Samira.“Something’s wrong,” sabi ko ng diretsyo sa kaniya. Bawal maglihim, magagalit siya kaya kahit mag-panic siya, mas okay kasi ang mahalaga, alam niya agad ang nangyayari. “We need to go there. Now.”Hindi na ako nagtaka sa sagot niya.“I’m coming w
Samira POVIsang malakas na katok sa pinto ang gumising sa akin.“Samira! Samira!” boses iyon ni Miro na kanina pa pala gising kasi ako na lang ang natira dito sa kuwarto namin.Napabangon tuloy agad ako. Sa boses pa lang kung paano niya ako tawagin, kinabahan na rin talaga ako. Binuksan ko ang pinto at sinalubong ako ng seryosong tingin ni Miro.“Two of the manangs are missing,” mabilis niyang sabi. “Manang Percy and Manang Cora. They’re gone.”Nanlaki ang mga mata ko. “What do you mean gone?” tanong ko habang mabilis na sinusundan siya pababa ng hagdan.“This morning, hindi sila nakita sa kuwarto nila. Manang Luciana said they were last seen last night, pero ngayong umaga ay nawala na sila sa mansiyon.”Pakiramdam ko ay biglang sumakit ang ulo ko. Dalawang matatanda pa talaga ang nalawa. Hindi pa naman sila puwedeng lumabas ng mansiyon dahil delikado.Mabilis kaming sumakay sa sasakyan ni Miro at saka tumuloy sa lumang mansiyon kung saan pansamantalang nakatira ang mga manang.**Pa
Samira POVPagbalik namin ni Ramil sa loob ng mansiyon, napansin kong lalong tumindi ang seguridad. May mga bagong CCTV cameras na naka-install sa bawat sulok, mga guard na may earpiece at mga patrol vehicles na umiikot sa perimeter.Sinulyapan ako ni Ramil at ngumiti ng payapa.“I see Miro’s already tightening the defenses,” sabi niya.“He’s taking no chances,” sagot ko, proud sa fiance ko.Tumayo kami sa malawak na hallway, sa ilalim ng grand chandelier. Ang saya sana kung ang pinaghahandaan ngayon ay ang kasal namin ni Miro, hindi ang nalalapit o darating na malaking labanan na naman.“You need to be ready for anything,” Ramil said.“I am,” sagot ko habang ramdam ko ang apoy sa loob ng puso at katawan ko.He chuckled slightly. “You sound like a soldier.”I smiled. “Maybe I am now.” una palang naman kasi ay parang sundalo na ako. Sa mga nangyaring training ko kina Tito Sorin, Tito Zuko at Tito Eryx, para na akong sundalong atat na atat maging malakas.Humakbang siya palapit sa akin
Samira POVMainit na ang sikat ng araw nang lumabas ako ng mansiyon. Kasalukuyan akong may hawak na malamig na lemonade habang pinagmamasdan si Ramil na naglalakad sa hardin. Malayo na talaga ang narating niya mula noong iligtas siya nila Miro mula sa pagtatago sa masukal na gubat na iyon. Ngayon, nagkakalaman na ang pisngi niya at kahit medyo mabagal pa ang kilos niya, ramdam mo ang unti-unting pagbabalik ng lakas sa kaniyang katawan.Lumapit ako sa kaniya, sabay abot ng isang tuwalya para pamunas ng pawis niya.“You’re doing great,” sabi ko.Ngumiti si Ramil, kinuha ang tuwalya at pinunasan ang leeg niya. “Thank you, Samira!” sagot niya na medyo paos pa rin ang boses. Nitong nagdaang araw kasi ay nilagnat pa siya.Naglakad kami ng mabagal sa gilid ng hardin, kung saan may mga anino ng puno na nagbibigay ng kaunting lamig sa paligid. Habang naglalakad kami, napansin ko ang seryosong ekspresyon sa mukha ni Ramil.“Is something bothering you?” tanong ko.Huminto siya sandali, tumingin
Samira POVTahimik ang gabing iyon. Pero hindi pa ako makatulog.Nakahiga na rin si Miro sa kama, nakapikit pero alam kong gising pa siya. Marahan akong bumangon mula sa kama at naupo sa gilid. Nakita kong napadilat siya nang maramdaman ako“Bakit bumangon ka pa?” mahinang tanong ni Miro.Huminga ako nang malalim bago lumingon sa kaniya. “Miro,” bulong ko, “can we talk?”Umupo siya na parang nag-aalala. “Of course. What’s wrong?”Lumapit ako sa kaniya at hinawakan ang kamay niya. Tinitigan ko siya, siniguradong mararamdaman niya kung gaano kaseryoso ang sasabihin ko sa kaniya.“I want to build a secret hideout,” sabi ko na halos bulong ulit. “Underground. Just for the manangs. A place only we know about. Somewhere safe… in case Vic targets them.”Hindi siya nagsalita agad. Tinitigan lang niya ako habang tahimik na nag-iisip. Ilang saglit pa, ngumiti siya at walang alinlangang tumango.‘Let’s do it,” sagot niya. “Whatever you need, love. I’ll make it happen.”Nang marinig ko ‘yon, para
Samira POVNasa loob ako ng kuwarto ni Ramil ngayon. Busy sina Miro ngayon, kami lang nila Mama Ada at Ahva ang naiwan dito sa manisyon. Naisip ko naman na puntahan si Ramil kaya dinalhan ko siya ng pagkain—isang tray na may sinigang na baboy, kanin, at manggang hilaw na may bagoong.“You need to eat more,” sabi ko habang iniaabot ko sa kaniya ang tray. “You need strength, Ramil. Hindi ka puwedeng injury na lang habang buhay. Ikaw na ang nagsabi, kailangan nating maghanda kaya magpalakas ka rin.”Ngumiti lang siya sa akin. “Salamat, Samira. Huwag kang mag-alala, ito na, nagpapagaling at nagpapalakas na ako. Baka sa susunod na linggo, makalakad na ulit ako.”Habang kumakain na siya, pinagmamasdan ko lang siya, napansin ko, tila may gusto siyang itanong pero hindi niya agad masabi. Hanggang sa maya-maya'y nagsalita rin siya.“Ang mga manang pala, kumusta na sila?” tanong niya habang nakasandal sa mga unan.Napatingin ako sa kaniya. Biglang lumabas ang ngiti sa mga labi ko. Hindi pa nga