로그인Ang tatlong taong kontrata nila ay tapos na, at doon pa nalaman ni Evelyn ang totoo: Hindi siya kailanman minahal ni Dominic. Ang mga mata ni Dominic ay para sa ibang babae. Napahiya at basag ang puso, napagdesisyon ni Evelyn na tapusin na ang kasal nila at bumalik sa dating buhay niya, magbalik sa pinaka-tuktok ng kanyang karera. Ngunit sinusubok muli si Dominic ng karisma ni Evelyn nang paulit-ulit, dahan-dahan na para bang gamo-gamo sa apoy. Noong iwan siya nito, doon niya lang napagtanto ang totoo. Nakalimutan niya pala ito hindi lang isang beses, kun'di dalawa... Nadurog siya ng pagsisisi, at ang daan upang kuhanin ito pabalik ay mahaba at mahirap. Kaya lang, tiningnan siya nito at sinabing, "Mr. Ex, ayoko ng maging asawa mo kailanman."
더 보기Ngayon ay ika-lima ng buwan. Gaya ng nakagawian, inatasan ni Dominic Del Rosario ang butler na dalhin si Evelyn Soriano sa master bedroom.
Tatlong taon na ang sikretong kasal nila, tumitira sa isang bubong ngunit hindi talaga nagsasama, paulit-ulit lamang ang gawain nila sa araw-araw.
Kahit ang kanilang pagtat*lik.
Noon pa man ay gustong-gusto niya ang malaking bintana sa master's bedroom, abot iyon mula sahig hanggang kisame. Mula roon, kitang-kita niya ang hardin sa ibaba na puno ng purong puting lilies, kabigha-bighani ang ganda.
Kaya lang ang tatlong taong kontrata nila ay tapos na. Ngayon ang huling araw.
Dumating siya hindi lang para sa huling pagkikita nila, kun'di ay bitbit niya rin ang annulment agreement.
Noong pagpasok niya sa kwarto, sakto ring papalabas sa banyo si Dominic.
Hubad ang pang-itaas, litaw ang malalapad nitong balikat at maliit na bewang, taglay nito ang V-shaped body na nagsusumigaw ng lakas kahit saang angulo. Maluwang ang pagkakaikot ng tuwalya sa bewang nito na halos malalaglag na habang ang patak na tubig ay tinalunton ang bawat hulma ng mucles nito. Ang mga pandesal nito sa tiyan ay malinaw ang pagkakahulma, at ang pababa ng V-line nitong nakatago sa tuwalya ay bibigyan ka ng nakaka-init na imahinasyon.
Ang mukha nito ay tila espesyal na hinulma ng panginoon.
Sa mga oras na iyon, ang manipis na mga labi nito ay nakapirmi, bahagyang namumula mula sa pagligo, ngunit wala ni ano mang kalambingang nakapinta sa mukha nito. Imbis ay pawang kalamigan at kaseryosohan na tila ba nagbabanta na layuan ito.
Walang sabing inangat nito si Evelyn sa mga braso nito at binuhat diretso sa kama.
Kumawala ang maliit na singhap mula kay Evelyn at awtomatikong umikot ang mga braso niya sa batok ni Dominic.
Walang binigkas na salita si Dominic. Agad itong dumukwang at siniil siya ng h*lik, inabot nito agad ang zipper ng kanyang damit.
Habang nakakapit sa batok ni Dominic, nasasamyo ni Evelyn ang pamilyar na amoy tobacco nito na may kaunting amoy ng alcohol. Bahagya siyang nakaramdam ng hilo dahil doon.
Ngayon, tila ubos na naman ang pasensya ni Dominic, marahas ito at puno ng intensidad. Siguro ay dahil matagal nilang hindi nakita ang isa't isa.
Ang mga h*lik nito ay may dahas, na tila ba gusto ng lamunin nang buo ang bibig niya.
Uminit ang temperatura sa kwarto.
Ang hangin ay tila ba nabalutan ng pinagbabawal na tensyon.
Sa tuwing ika-lima at ikadalawampu't lima lamang ng buwan ang napagkasunduan nilang mag-asawa na magsasama sila.
Sa mga araw na iyon, lagi siyang dinadala ng butler sa master bedroom, pero hindi sila nagsasama ni Dominic bilang mag-asawa sa bahay.
Naalala niya ang dalang annulment papers sa kanyang bag, naisip niya, iyon na ang tamang oras.
Siguro iyon ang kapalaran ng kasal niya. Hiniram niya lang si Dominic ng tatlong taon sa buhay niya.
Noong madaling araw na, nagising si Evelyn.
Ang lalaking nakat*lik ay wala na sa tabi niya, kahit ang init ng katawan nito ay hindi man lang naiwan sa kama.
Nananakit ang buong katawan niya. Nahirapan siyang umupo, nagsuot ng roba, at bumaba ng kwarto.
Sa baba ay bin*ti siya ng butler.
"Ma'am, gising na po pala kayo. Siguro ay gutom na kayo. Bago po umalis si Sir Dominic ay inutusan niya akong gawan kayo ng bird's nest porridge."
"Salamat."
Pagkaupo ay tahimik na kinain ni Evelyn ang lugaw.
Kaswal niyang tiningnan ang cellphone, at kita niya ang iilang trending na topic na lumitaw.
#Dominic Del Rosario Hosts a Multi-Million Birthday Banquet for the Mendoza Heiress#
#Wedding Bells Nearing, Dominic Del Rosario and Lydia Mendoza Set to Confirm in France
Naningkit ang mga mata niya. Talagang ginulat siya ng balita.
Lydia Mendoza.
Lydia, Lily.
Ito pala ang rason kung bakit maraming puting lilies sa hardin.
Ang babae ang rason ng mga bulaklak.
Agad na namula ang mga mata niya habang nakatitig sa gwapong lalaki sa larawan. Iyon ang asawa niya, si Dominic Del Rosario.
Hawak nito sa bewang ang dalaga habang malawak ang pagkakangiti.
Dati naisip niya na natural itong malamig makitungo at hindi marunong ngumiti.
Iyon pala, ayaw lang nitong ngumiti sa kanya.
Isang makinang na pulang carnelian necklace na hugis lily ang suot ni Lydia. Makita pa lang iyon ay humahapdi na ang mga mata niya.
Binaba niya ang kutsara at agad na umakyat sa itaas para magpalit ng damit.
Habang nakatingin sa malaking kama na walang laman, lalong lumamig ang titig niya.
Ang asawa niya ay masyadong maraming enerhiya. Kaninang hapon lang ay siya ang kasama, ngayong gabi naman ay nagawa pang pumunta ng France para ipagdiwang ang kaarawan ng paborito nitong babae.
Pagkatapos ng sampong minuto, bumaba muli si Evelyn at nagsabi sa butler na ihatid na siya pauwi.
Hinding hindi na siya babalik sa bahay na iyon.
Pagdating sa bahay, nilabas niya ang dalang annulment papers at tiningnan ang bawat pahina.
Noong nakaraang buwan pa niya pinagawa iyon at tinabi lang sa kanyang bag. Ang balak niya ay ibigay na iyon kay Dominic ngayong araw ngunit tinakbuhan naman siya nito.
Sa sumunod na araw ng hapon, nagising siya sa malakas na tunog ng cellphone niya.
Ang matalik niyang kaibigang si Rose ay higit bente na ang tawag, at mukhang nagpapanic.
Anong nangyari? Ayos lang kaya ang lahat?
Agad niya itong tinawagan pabalik.
"Sa wakas sumagot ka rin. Akala ko ay may masamang nangyari na sa'yo. Tinakot mo ko!"
Reklamo ni Rose, samantalang nawawalang pag-asang tinapik ni Evelyn ang noo niya.
"Huwag kang mag-alala. Mahal ko ang buhay ko at hindi ako ganoon ka-t*nga."
Matapos kasing makatulog nang maayos ay nabawasan ang bigat sa puso niya.
"Hintayin mo 'ko. Papunta na ako riyan," agarang saad ni Rose.
“Sige, Hihintayin kita.”
Matapos ang tawag ay naramdaman muli ni Evelyn ang kakulangan. Napatitig na lamang siya sa kisame at naalala ang mga panahong nakasama niya si Dominic.
Noong nagtransfer ito ng high school, sumunod siya. Noong nagpunta ng abroad, sumunod din siya. Pinili nitong mag-aral sa medical school kaya pinili niya rin iyon. Noong tumalon ito sa dagat, tumalon din siya.
Kaya lang, wala pa rin itong alaala tungkol sa kanya.
Tatlong taon na ang nakalilipas, na-aksidente si Dominic at nabulag. Ang first love kasi nito ay nagpunta ng abroad.
Sumunod naman siya dito.
Noong una, ayaw sa kanya ni Dominic. Kalaunan, nang dahil sa tulong ng matandang Del Rosario, naging totoong mag-asawa sila. Tapos ay nanghihingi na sa kanila ng anak kaya nagkaroon sila ng pagkikita ni Dominic buwan-buwan.
Naalala niya noong ikalawang taon ng pagiging mag-asawa nila, bumalik na ang paningin ni Dominic. Noong tingnan siya nito, malamig na titig at pandidiri ang bigay sa kanya.
Akala niya kaya niya itong amuhin.
Kaya lang hindi pala para sa kanya ang maningning na titig nito.
Muling tumunog ang cellphone niya kaya't nabalik siya sa reyalidad.
Sinagot niya iyon. Ang tao sa kabilang linya ay dalawang pangungusap lang ang sinabi at tinapos agad ang tawag.
Ang beyanan niyang si Mrs. Del Rosario ang tumawag at inuutusan siyang bumalik agad sa mansyon ng mga Del Rosario.
Masama ang pakiramdam niya rito, pero wala na siyang oras para mag-isip pa. Agad na lang siyang tumayo.
Alas kwatro ng hapon ay nakarating na siya sa mansyon.
Kilalang pamilya ang mga Del Rosario sa Manila. Malawak at makapangyarihan ang pamilya. Ang matandang Del Rosario ay may apat na anak, dalawang lalaki at dalawang babae. Si Dominic ang panganay na lalaking apo kaya't ito rin ang pinapahalagaan.
Pagdating niya sa pinaka-tanggapan ay agad na tumayo si Mrs. Del Rosario.
Galit itong tumitig kay Evelyn, "Nagpunta ka sa ama mo at nagreklamo, hindi ba? Hindi ko naisip na ganito ka katuso."
Tiningnan niya ito na may disgusto bago mahinahong nagsalita, "Mrs. Del Rosario, hindi ko alam ang sinasabi mo."
"Nasa study room si Dominic at pinapagalitan!"
"Ikaw na suwail, gusto mo pa rin ng annulment? Asawa ka pa rin niya! Hindi kita hahayaan na ipagkalat ang tungkol kay Lydia. Maglabas ka ng mensahe sa publiko at ayusin agad ito!"
"Paano ko naman po mako-kontrol ang nangyayari online? Hindi na kailangang magsayang pa ng oras ni Don Fernando na makipag-argumento sa internet."
*sampal*
Malakas na tunog ng sampal ang narinig nila mula sa loob ng study room.
Napaayos si Evelyn at kumatok agad sa pinto.
Pagbukas ng pinto ay niluwa noon si Don Fernando Del Rosario na mukha pang nasurpresa na makita siya.
"Lolo, huwag niyo na pong galitin ang sarili ninyo."
Giniya ito pabalik ni Evelyn sa study room at agad na binigyan ng magaang ngiti.
"Bakit nakatayo ka lang diyan? Humingi ka ng pasensya kay Eve," madiing utos ni Don Fernando kay Dominic.
Pumirmi ang mga labi ni Dominic, napuno ng disgusto. Hinintay niya ang tatlong taon na matapos bago ilabas ang balita sa paniniwalang mapapagtanto ni Evelyn ang dapat na lugar nito.
"Lolo, gusto ko pong makausap si Dominic nang mag-isa."
Naintindihan naman iyon ng matanda at agad na lumabas.
Tiningnan niya ang lalaki, "Dominic, ipawalang bisa na natin ang kasal natin. Papalayain na kita."
Bahagyang nagulat si Dominic at binigyan siya ng titig na para bang ibang nilalang siya.
Ang akala ni Dominic ay gagawa ito ng eksena o kaya ay magpapatulong sa Lolo niya. Hindi inasahan na mahinahon nitong sasabihin ang tungkol sa annulment.
Samantalang gusto ng bitawan ni Evelyn ang titulo bilang Mrs. Del Rosario.
Dagdag pa niya, "Pwede na natin simulan ang maglakad ng dokumento. Kung kailan ka madadalian, sabihan mo na lang si Lolo."
Natahimik sandali si Dominic bago nagsalita, "Anong gusto mong kapalit?"
"Walang kapalit. Tapusin natin ito nang malinis. Ito ang annulment agreement na pinagawa ko."
Malinaw niyang bigkas at walang alinlangan. Kinuha niya ang annulment papers mula sa bag niya at nilapag iyon sa mesa.
Napamaang si Dominic at malamig na tumitig sa kanya, "Tutal ay marunong kang makiramdam, itatrato kita ng patas. Bukas ng umaga, tatawagan ka ng kumpanya para pumirma. May abogado rin ako para ayusin ang annulment papers."
Sa madaling salita, wala siyang karapatang magreklamo sa ano man ang nasa papel.
“Sige. Pupunta ako.”
Binigyan niya ng malamig ding titig si Dominic bago lumabas ng study room.
Para sa kanya, ang maayos na pakikipaghiwalay ay ang tanging natitirang dignidad sa kasal nila.
Nanatili pa siya sa mansyon para sa hapunan. Noong paalis na ay niyakap niya ang matandang Del Rosario at tsaka umalis.
Sa oras na iyon, bumuhos ang ulan na tila ba nakikidalamhati sa kanya.
Nakailang hakbang pa lamang siya ay naramdaman na niya ang pagtusok ng sakit sa kanyang puson. Hanggang sa may mainit na likidong dumaloy.
Nanginig sa galit si Lydia, ngunit ang sabi ng isip niya ay huwag gumawa ng eksena.Humugot siya nang malalim na paghinga, sinusubukang kalmahin ang sarili, "Hindi ko alam ang sinasabi mo. May gagawin pa ako. Makiraan.""Huwag kang magmadali." Hinablot ni Rose ang palapulsuhan nito. Dum*ing si Lydia mula sa sakit.Dumukwang si Rose, nagsalita na sila lang dalawa ang makaririnig, isang malisyosong ngiti ang gumuhit sa labi niya."Miss Mendoza, nakapaganda ng suot mo ngayong gabi. Bakit hindi ka magtungo sa matandang Del Rosario at ipaalam ang presensya mo? Dinig ko na ang MK ay naghahanap ng bagong ambassador, at ang nangunguna sa pagpipilian ay si Miss Bianca. Kung wala kang gagawin, mawawala ang oportunidad na 'yon."Ang MK ay isa ng international luxury brand, at pagmamay-ari ito ng Del Rosario Group.Nanikip ang puso ni Lydia.Endorsement ng Del Rosario? Si Miss Bianca?Ang babaeng iyon ay ang pinakalamakas niyang karibal. Kapag nakuha ni Bianca ang posisyon, manganganib ang posisy
Nangyari lahat ng iyon sa kisapmata.Dalawang matangkad na pigura ang parang palaso na lumalapit, mula sa pagkakagulo ay tumatakbo ang mga ito sa direksyon ni Evelyn.Humaba ang oras nang walang hanggan.Ang inaasahang pagdurusa ay hindi dumating.Segundo lang bago umulan ng bubog, nakita niya ang puting pigura—Tapos ay malapad, at mainit na d*bdib ang bumangga sa likod niya, hinila siya nang mahigpit para sa isang yakap. Ang lakas ng epekto na halos masakal siya, ngunit napalitan iyon ng hindi maguguhong kaligtasan. Ang tunog ng mga nabasag na baso ay tumama sa sahig na parang fireworks, nakakabingi, ngunit naglaho dahil sa naging panangga. At ang tao na iyon ay ginamit ang katawan nito upang protektahan siya sa lahat.Unti-unting nawala ang ingay. Mula sa nanginginig na mga pilikmata ay napakurap siya at unti-unting minulat ang mga mata.Ang nagtagpuan ng paningin niya ay ang hulmadong panga ni Ryan Blackwood, at ang pag-aalala sa malalim nitong mga mata.Ang mga braso nito ay n
Sa mga sumunod na araw, halos hindi lumalabas ng bahay si Evelyn. Inabala niya ang sarili sa maliit niyang laboratoryo, ginugugol ang oras sa pag-research.Sabado ng gabi, ang pribadong daungan ng pamilya Del Rosario ay nabalutan ng ilaw, kasing liwanag na ito ng umaga.Isang colossal five-story na mamahaling yate ang dumaong doon, nakakamangha at puting-puti na parang niyebe. Mula ilalim ng ilaw, kumikinang ito na parang perlas.Hindi lang ito yate. Simbolo iyon ng kapangyarihan at yaman ng Del Rosario Group.Ngayong gabi ang selebrasyon para sa anibersaryo ng Del Rosario Group. Gaganapin iyon sa yate, na pinangalang Polaris.Sunod-sunod na dumating ang mga mamahaling sasakyan sa daungan. Kada pinto ay bumukas upang ipakita ang mga mayayaman, mga negosyante, sikat na tao, at artista mula cebu at iba pang parte ng bansa.May mga bitbit na gintong invitation card sa kamay, sumampa sila sa yate nang sunod-sunod at nasa ayos."Narinig mo ba? Gumastos ng malaki si Mr. Del Rosario ngayon.
Sa ibaba.Ang lalaking nakabulaklaking damit, na kanina ay nagyayabang, ngayon ay tulala.Bahagya itong nagyuko kay Evelyn, sumusukong ngiti ang nakapaskil sa mukha, ngunit ang tono ay may katapatan, "Natalo ako nang walang pandaraya."Humarap ito sa madla, tinaas ang kamay, at swabeng sumigaw, "Ang pustahan ay pustahan. Ngayong gabi, sasayaw ako para sa lahat. Lahat ng inumin ay ako ang magbabayad. Cheers!""YES!!!"Nag-ingay muli ang mga tao, may pumito at nalunod sa hiyaw ang paligid.Umakyat sa entablado ang lalaki at nagsimula sa sayaw nito base sa tugtog. Tumawa ang mga tao, nag-ingay, ngunit ang mga mata ay hindi naalis kay Evelyn.Lahat ng lalaki na namangha sa kakayahan ni Evelyn kanina ay lumapit sa kanila ni Rose."Binibini, pwede bang manghingi ng iyong pirma?""Isa kang dyosa, pwede bang mahingi ang numero mo?"Pinalibutan ng mga tao si Rose at Evelyn, sobrang sikip na halos wala ng daanan palabas.Kaya pang sumagot nang mangilan-ngilan ni Rose, pero si Evelyn ay hindi in






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.