Everett’s POVHabang nakaupo kami sa matigas na bangko sa labas ng operating room, halos hindi na gumagana ang utak ko. Isang salita lang ang umiikot sa isipan ko—Misha. Pilit kong tinatanggal ang imahe ng duguan niyang katawan sa kalsada, pero parang pilit itong bumabalik sa akin. Hanggang ngayon, hindi pa rin nawawala ang kaba na nararamdaman ko. Kanina, inalok ako ng kape ng mga kasama ko, pero tumanggi ako dahil baka lalo lang akong kabahan.“Everett, you should rest,” sabi ni Conrad na nakaupo sa tabi ko. Siya ‘yung kanina pa inom nang inom ng kape para lang hindi antukin.“I can’t,” sagot ko. Hindi ko na kayang ngumiti o magkunwari. “Not until I know she’s okay.”Hindi ko matiis ang lungkot at pag-aalala sa mukha ng mga magulang ni Misha. Sa kabila ng sitwasyon, kailangan kong maging matatag para sa kanila. Si Everisha naman, kahit tahimik, ay halatang namumugto na ang mga mata sa kakaiyak.“Sir Everett,” bungad ng isa sa mga bodyguard namin na nasa tabi ko. “May room na po para
Misha’s POVIlang araw na akong nandito sa ospital, kahit pa paano, nagpapasalamat ako kay Lord kasi unti-unti na akong lumalakas. Mula sa malambot na kama ng private room dito sa ospital, naramdaman kong unti-unting bumabalik ang lakas ko. Ang puting kurtina ay sumasayaw sa ihip ng malamig na hangin mula sa aircon. Sa wakas, hindi na bigat ng kaba ang nararamdaman ko kundi gaan ng kasiyahan dahil tapos na ang kaguluhan.Ang daming taong nagmamalasakit sa akin. Hindi ako nawawalan ng bisita—mula sa mga staff ng hotel ko, mga business partners, at mga kaibigan. Halos araw-araw, may pumapasok sa kuwartong ito na may dalang bulaklak, prutas, o pagkain.Pero ngayong araw, isang espesyal na bisita ang nagdala ng kakaibang saya.“Misha!” malakas na boses ni Ayson mula sa pinto, bitbit ang dalawang malalaking basket ng prutas at isang box na halatang puno ng pagkain.“Wow,” sabi ko na hindi mapigilang mapangiti. “Parang catering service na ‘yan ah!”Tumawa si Ayson habang inilalapag ang mga
Misha’s POVPaglabas ko ng ospital, sobrang excited ko kasi sa wakas, makakauwi na ako sa manisyon. Sobrang miss ko na rin kasi ang higaan namin ni Everett.Ang init ng araw na sumasalubong sa akin sa labas ng ospital ay tila yakap ng buhay na matagal kong hindi naramdaman. Isang sikat ng araw na parang nagsasabi na tapos na ang dilim, tapos na ang mga gulo, tapos na ang mga problema dahil nakakulong na ngayon si Teff.Sa tabi ko, hawak-hawak ni Everett ang kamay ko habang nakaalalay siya sa bawat hakbang ko. Si Everisha naman ay masayang tumatakbo paikot sa amin, parang hindi mauubusan ng enerhiya. Isa rin siya sa masaya na uuwi na ako kasi araw-araw at oras-oras na raw niya akong makakasama. Halatang miss na miss na rin niya. Saglit lang kasi siya palagi sa ospital, bawal siyang magtagal at ayoko namang makasagap siya ng sakit doon.“Mommy, you’re finally out!” masiglang sigaw ni Everisha, halos sumayaw pa habang hawak ang laruang teddy bear na binigay ng isang bisita sa ospital.“Y
Everett’s POVHabang minamaneho ko ang kotse papunta sa bahay nina Tito Gerald at Tita Maloi, hindi ko mapigilang mag-isip-isip. Hindi naging madali ang relasyon namin. May mga hindi pagkakaunawaan, tampo, at sama ng loob na tumagal ng mga taon. Pero ngayong anibersaryo ng kasal namin ni Misha, gusto kong gawing espesyal hindi lang para sa kaniya kundi para sa aming pamilya. Wala nang natitira ngayon kina Tita Maloi at Tito Gerald, wala na silang mga anak na kasama kaya hindi naman siguro masama kung makipag-close na kami sa kanila, baka sakaling ito na rin ang tamang oras para maging maayos na ang lahat.Pagdating ko sa harap ng bahay nila, huminga muna ako nang malalim bago bumaba ng sasakyan.“Oh, Everett!” Bungad ni Tita Maloi habang binubuksan ang pinto ng bahay nila. Kita ko sa mukha niya ang gulat at tuwa. “Anong ginagawa mo rito?”“Hi, Tita at Tito Gerald,” bati ko sa kanya at sa asawa niyang sumilip mula sa sala. “May gusto lang sana akong sabihin sa inyo.”Lumapit sila pareh
Misha’s POVPuno ng excitement ang dibdib ko habang nakaupo sa business class seat ng eroplano. Katabi ko si Everett, abalang nakikinig sa isang podcast tungkol sa negosyo. Sa kabilang banda naman, si Everisha ay masiglang nanonood ng cartoon sa kaniyang tablet. Sa wakas, matutupad na rin ang isa sa mga pangarap kong makapagbakasyon kasama ang pamilya ko sa South Korea.“Are you excited, babe?” tanong ni Everett habang tinatanggal ang earphones niya.“Excited is an understatement,” sagot ko nang nakangiti. “I feel like I’m dreaming.”Ngumiti siya, hinawakan ang kamay ko, at sinabing, “This is just the beginning. You deserve this, love.”Paglapag namin sa Incheon International Airport, sinalubong kami ng malamig na hangin at kakaibang amoy ng bagong lugar. Sa kabila ng pagod namin sa biyahe, hindi ko maikakaila ang saya at pagkasabik kong makalapag dito. Puno ng mga turista ang paliparan, at kahit saan ako lumingon, may mga bagong tanawin at karanasang naghihintay. Pagkalabas namin, a
Misha’s POVPagmulat ng mga mata ko, hubu’t hubad na katawan ni Everett ang bumungad sa akin at ang napakagandang tanawin sa labas. Kung ganito ba naman ang tanawin mo sa umaga, napakasarap gumising ng umaga.“Good morning, Honey,” bati ni Everett habang ngiting-ngiti ngayong umaga. Palibhasa’t nakadalawang round kami kagabi. Iba kasi ang saya ko kaya pinagbigyan ko kahit may jetlag ako.“Good morning,” sagot ko sabay bangon na. “Ang ganda dito, Everett. Hindi pa tayo nagsisimula, pero pakiramdam ko, sulit na agad ang bakasyon na ito.”Nakangiti siyang umupo sa tabi ko. “Just wait. Today will be unforgettable.”Pinagayak ko na siya agad para maaga kaming umalis, siya na ang naunang maligo, habang ako naman ay inasikaso muna si Everisha. Ganoon talaga, nanay na ako kaya ako ang huling gagayak.**Paglabas namin ng mansyon, nandoon na ang aming luxury van na magdadala sa amin sa unang destinasyon—ang Gyeongbokgung Palace. Habang nasa biyahe, masaya naming pinapanood si Everisha na abala
Misha’s POVMaagang-maaga pa lang, naririnig ko na ang mahinang halakhak ni Everisha mula sa kabilang kuwarto. Napakagandang simula ng araw, naisip ko, habang unti-unting dumilat ang mga mata ko. Napansin kong wala na pala si Everett sa tabi ko, kaya tumayo ako at sumilip sa veranda ng kuwarto namin.Nasa hardin si Everett, masaya niyang hinihilera ang mga makukulay na rosas na tinanim ng mga hardinero kahapon. Si Everisha naman ay agad nakababa at nasa tabi niya, naglalaro ng mga petals na nahuhulog sa damuhan.“Good morning, honey!” sigaw ni Everett nang makita niya ako.“Good morning!” sagot ko habang pababa sa hagdan. “What are you two up to this early?”“We’re just preparing the garden for today. Alam mo namang espesyal ang bawat araw na nandito tayo,” sagot niya habang binigyan ako ng halik sa noo.“I’m hungry, mommy!” sigaw ni Everisha habang yumayakap sa akin.“Let’s eat breakfast, baby. Ang dami nating pupuntahan today,” sagot ko sabay haplos sa kaniyang buhok.Matapos ang ma
Misha’s POVSanay na sanay na kami na sa tuwing umaga, ganito, para kaming nasa palasyo. Nakaupo kami sa dining area ng mansyon namin habang naghahanda ng agahan ang private chef naming Koreano. Sa harapan namin ay may isang lamesa ng mga Korean dishes tulad ng samgyeopsal, kimchi pancakes, at mainit na soybean soup.“This looks delicious!” sabi ko habang inaabot ang chopsticks. Gets ko na kung bakit kapag nanunuod ako ng korean drama ay sarap na sarap kumain ang mga koreano ng mga pagkain nila, totoo naman pala kasing masasarap ang pagkain nila dito.“Kain lang nang kain, wala akong pakelam kahit tumaba ka pa,” sagot ni Everett, sabay ngiti.“Mommy, can I have more of this egg roll?” tanong ni Everisha habanghawak ang kaniyang plato.“Of course, baby. Eat as much as you like,” sagot ko habang iniabot ang isang bagong hiwa ng tamagoyaki.**Matapos kumain, pumunta kami sa Nami Island, isa itong sikat na lugar sa South Korea na kilala sa mala-postcard nitong tanawin. Habang papasok kami
Samira POVPagkatapos kong linisin at gamutin ang sugat ni Ahva, hinawakan ko ang kamay niya saglit. “Dito muna kayo ni Mama Ada, okay? Don’t worry, we’ll be back soon,” sabi ko. Tumango lang siya, hawak pa rin ang tela sa sugat niya habang si Mama Ada ay umupo na sa tabi niya, kita sa mukha nito ang pagod at pati na rin ang takot dahil sa nangyaring pag-atake ng mga tauhan ni Vic.“Let’s go,” sabi ni Miro nang masiguro naming sapat na ang mga soldiers niya na maiiwan dito kina Mama Ada at Ahva.Paglabas namin, agad kaming sumakay sa sasakyan. Pinatakbo ito ng driver ni Miro sa pinakamabilis na paraang kaya niya para mabilis kaming makarating sa kinaroroonan nila Ramil.Pero sure akong hindi sila pababayaan ng mga tito namin kahit ma-late kami. Pero para ma-sure, kailangan pa rin naming pumunta dahil baka marami silang sumugod doon.Habang umaandar ang sasakyan, tumahimik muna kaming dalawa ni Miro. Pero, siyempre, dapat alisto pa rin, parehong matatalas ang mga mata namin, nakaabang
Miro POVIto ‘yung ayoko, stress na may kasamang gigil at takot. Pagdating namin sa tapat ng mansiyon kung saan naroon sina Mama Ada at ang kapatid kong si Ahva, halos sabay kaming bumaba ni Samira sa van. Kasunod din ang iba kong mga soldiers.“No more warnings,” mariing sabi ko habang tinitingnan ang paligid. “Take them all down.”Tumango si Samira. “Let’s end this quickly.”Hindi na kami nag-aksaya ng oras. Bago pa man makalapit sa pintuan ng mansiyon, sumalubong na sa amin ang mga putok ng baril. Ang mga tauhan ni Vic, halatang sanay at mabagsik. Pero mas sanay kami, iyon ang dapat kong isipin. Mas determinado dapat kami kaya nag-focus akong mabuti sa mga naging training ko sa kamay ng mga tito ko.Nag-slide kapagdaka si Samira sa likod ng isang sementadong harang habang binunot ang dalawang baril mula sa thigh holsters niya. Sabay niyang pinutukan ang dalawang kalaban na sumisilip mula sa likod ng van.Bang! Bang!Tumama ang bala sa helmet ng isa, sapul ang mukha. ‘Yung isa, sa d
Samira POVPagkatapos ng putukan, halos hindi pa rin humuhupa ang kaba sa dibdib ko. Habang sakay kami sa bulletproof van, mahigpit kong hinawakan ang kamay ni Manang Cora habang nakahiga siya sa stretcher. May mga balot na ng gasa ang balikat niya pero kitang-kita pa rin ang patak ng dugo na hindi mapigil. Ang mga mata niya, nakapikit at masyado nang maputla. Tahimik lang siya, humihinga ng mababaw. Sa tabi niya, nakaupo si Miro, hawak ang cellphone at panay ang utos sa mga tauhan niya.Nandito na rin sina Tito Zuko, Tito Sorin at Tito Eryz, sila na ang nasa harap ng van, isa sa kanila ang driver.“Make sure the area is clear. Double the guards until further notice,” utos ni Miro habang seryoso ang ekspresyon ng mukha.Habang umaandar ang van papuntang ospital, tinignan ko ang iba pang mga manang na kasama namin sa loob. Tahimik lang silang lahat. Si Manang Luz, nakapikit at tila nagdarasal. Si Manang Luciana, panay ang himas sa palad ni Manang Percy na hindi pa rin makapaniwalang ga
Miro POVKanina pa ako nakatanggap ng report mula sa isa kong soldier. Tumawag siya direkta sa secure line, at sa tono pa lang ng boses niya, alam ko nang hindi ito simpleng ulat lang.“Boss, may dalawang motor at isang van na pabalik-balik sa harap ng mansion. Same plate numbers, same route. Parang minamanmanan ang mansiyon ng mga manang,” sabi niya habang ang boses at klarong nasa ilalim ng tumutubong tensyon. Sila, hindi basta-basta magre-report kung hindi sila siguradong banta ito sa buhay ng mga manang.Hindi na ako nag-aksaya ng oras.“Send reinforcement. Double the guards. I want snipers on the roof and checkpoints within a kilometer radius. Now.”Kaagad akong tumayo mula sa leather chair ko sa opisina. Tinawagan ko rin agad si Samira.“Something’s wrong,” sabi ko ng diretsyo sa kaniya. Bawal maglihim, magagalit siya kaya kahit mag-panic siya, mas okay kasi ang mahalaga, alam niya agad ang nangyayari. “We need to go there. Now.”Hindi na ako nagtaka sa sagot niya.“I’m coming w
Samira POVIsang malakas na katok sa pinto ang gumising sa akin.“Samira! Samira!” boses iyon ni Miro na kanina pa pala gising kasi ako na lang ang natira dito sa kuwarto namin.Napabangon tuloy agad ako. Sa boses pa lang kung paano niya ako tawagin, kinabahan na rin talaga ako. Binuksan ko ang pinto at sinalubong ako ng seryosong tingin ni Miro.“Two of the manangs are missing,” mabilis niyang sabi. “Manang Percy and Manang Cora. They’re gone.”Nanlaki ang mga mata ko. “What do you mean gone?” tanong ko habang mabilis na sinusundan siya pababa ng hagdan.“This morning, hindi sila nakita sa kuwarto nila. Manang Luciana said they were last seen last night, pero ngayong umaga ay nawala na sila sa mansiyon.”Pakiramdam ko ay biglang sumakit ang ulo ko. Dalawang matatanda pa talaga ang nalawa. Hindi pa naman sila puwedeng lumabas ng mansiyon dahil delikado.Mabilis kaming sumakay sa sasakyan ni Miro at saka tumuloy sa lumang mansiyon kung saan pansamantalang nakatira ang mga manang.**Pa
Samira POVPagbalik namin ni Ramil sa loob ng mansiyon, napansin kong lalong tumindi ang seguridad. May mga bagong CCTV cameras na naka-install sa bawat sulok, mga guard na may earpiece at mga patrol vehicles na umiikot sa perimeter.Sinulyapan ako ni Ramil at ngumiti ng payapa.“I see Miro’s already tightening the defenses,” sabi niya.“He’s taking no chances,” sagot ko, proud sa fiance ko.Tumayo kami sa malawak na hallway, sa ilalim ng grand chandelier. Ang saya sana kung ang pinaghahandaan ngayon ay ang kasal namin ni Miro, hindi ang nalalapit o darating na malaking labanan na naman.“You need to be ready for anything,” Ramil said.“I am,” sagot ko habang ramdam ko ang apoy sa loob ng puso at katawan ko.He chuckled slightly. “You sound like a soldier.”I smiled. “Maybe I am now.” una palang naman kasi ay parang sundalo na ako. Sa mga nangyaring training ko kina Tito Sorin, Tito Zuko at Tito Eryx, para na akong sundalong atat na atat maging malakas.Humakbang siya palapit sa akin
Samira POVMainit na ang sikat ng araw nang lumabas ako ng mansiyon. Kasalukuyan akong may hawak na malamig na lemonade habang pinagmamasdan si Ramil na naglalakad sa hardin. Malayo na talaga ang narating niya mula noong iligtas siya nila Miro mula sa pagtatago sa masukal na gubat na iyon. Ngayon, nagkakalaman na ang pisngi niya at kahit medyo mabagal pa ang kilos niya, ramdam mo ang unti-unting pagbabalik ng lakas sa kaniyang katawan.Lumapit ako sa kaniya, sabay abot ng isang tuwalya para pamunas ng pawis niya.“You’re doing great,” sabi ko.Ngumiti si Ramil, kinuha ang tuwalya at pinunasan ang leeg niya. “Thank you, Samira!” sagot niya na medyo paos pa rin ang boses. Nitong nagdaang araw kasi ay nilagnat pa siya.Naglakad kami ng mabagal sa gilid ng hardin, kung saan may mga anino ng puno na nagbibigay ng kaunting lamig sa paligid. Habang naglalakad kami, napansin ko ang seryosong ekspresyon sa mukha ni Ramil.“Is something bothering you?” tanong ko.Huminto siya sandali, tumingin
Samira POVTahimik ang gabing iyon. Pero hindi pa ako makatulog.Nakahiga na rin si Miro sa kama, nakapikit pero alam kong gising pa siya. Marahan akong bumangon mula sa kama at naupo sa gilid. Nakita kong napadilat siya nang maramdaman ako“Bakit bumangon ka pa?” mahinang tanong ni Miro.Huminga ako nang malalim bago lumingon sa kaniya. “Miro,” bulong ko, “can we talk?”Umupo siya na parang nag-aalala. “Of course. What’s wrong?”Lumapit ako sa kaniya at hinawakan ang kamay niya. Tinitigan ko siya, siniguradong mararamdaman niya kung gaano kaseryoso ang sasabihin ko sa kaniya.“I want to build a secret hideout,” sabi ko na halos bulong ulit. “Underground. Just for the manangs. A place only we know about. Somewhere safe… in case Vic targets them.”Hindi siya nagsalita agad. Tinitigan lang niya ako habang tahimik na nag-iisip. Ilang saglit pa, ngumiti siya at walang alinlangang tumango.‘Let’s do it,” sagot niya. “Whatever you need, love. I’ll make it happen.”Nang marinig ko ‘yon, para
Samira POVNasa loob ako ng kuwarto ni Ramil ngayon. Busy sina Miro ngayon, kami lang nila Mama Ada at Ahva ang naiwan dito sa manisyon. Naisip ko naman na puntahan si Ramil kaya dinalhan ko siya ng pagkain—isang tray na may sinigang na baboy, kanin, at manggang hilaw na may bagoong.“You need to eat more,” sabi ko habang iniaabot ko sa kaniya ang tray. “You need strength, Ramil. Hindi ka puwedeng injury na lang habang buhay. Ikaw na ang nagsabi, kailangan nating maghanda kaya magpalakas ka rin.”Ngumiti lang siya sa akin. “Salamat, Samira. Huwag kang mag-alala, ito na, nagpapagaling at nagpapalakas na ako. Baka sa susunod na linggo, makalakad na ulit ako.”Habang kumakain na siya, pinagmamasdan ko lang siya, napansin ko, tila may gusto siyang itanong pero hindi niya agad masabi. Hanggang sa maya-maya'y nagsalita rin siya.“Ang mga manang pala, kumusta na sila?” tanong niya habang nakasandal sa mga unan.Napatingin ako sa kaniya. Biglang lumabas ang ngiti sa mga labi ko. Hindi pa nga