Hiding His Child

Hiding His Child

last updateLast Updated : 2025-11-09
By:  PreviousSophiaUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
5Chapters
12views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Hindi ko inaasahang magbubunga ang pagkakamali ko noong gabing iyon. Pareho kaming lasing at nalulunod sa alak ng gabing iyon. Natulog ako sa tabi ng kilalang congress man at may nangyari sa amin. Ngayon, I'm bearing his children, but I have to runaway to keep our secret that no one should ever know.

View More

Chapter 1

1

"Buntis ako," mabilis na sabi ko at pumikit habang nakayuko. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon niya. Natatakot akong malaman ang magiging reaksyon niya.

"What did you say?" Unti-unti akong napa-angat ng tingin dito at bigla nalang nanlamig dahil sa nakakamatay nitong tingin sakin. Kung patalim lang ang tingin niya ay malamang nakahandusay na ko dito.

"Buntis ako," ulit ko sa sinabi ko kanina pero ngayon ay mahina nalang, sapat na para marinig niya.

Bahagya akong napatalon nang may mabasag na kung ano. Ito na nga ba ang ikinatatakot ko. May ideya na ko na ganito ang magiging reaksyon niya pero umasa pa rin ako na sana matanggap niya.

"Why did you let this happen? I thought you were smart, December, so why didn't you take pills?" Malamig at nakakatakot na sabi niya. Ramdam ko na din ang panginginig ng mga kamay ko at nanlalamig na din ako.

"A… aren't you h… happy? M… magka ka-anak na tayo, Sage."

"BULLSH*T!" Literal na kong napatalon nang hinagis niya sa dingding na malapit sakin ang picture frame na nasa tabi niya. Naluluha naman akong napatingin sakanya. Inisang hakbang lang niya ang paglapit sakin at mahigpit akong hinawakan sa magkabilang braso ko. Sa sobrang higpit akala ko madudurog na ang mga buto ko.

"A... aray," mahinang daing ko pero ni hindi manlang niya pinansin at masama paring nakatitig sakin. "You're really asking me kung masaya ba ko? Are you that stupid?! How can I be happy if you are the mother of my child? May mga plano na ko para sa amin ni Leandra pero masisira 'yon dahil diyan sa kapabayaan mo!" Pasigaw na sabi niya at niyugyug-yugyug pa ko. Tuluyan na din akong napa-iyak dahil una ay nasasaktan na ko sa mahigpit niyang hawak at pangalawa nasasaktan ako dahil pinapamukha na naman niya sakin na hindi ako ang babaeng mahal niya.

"Abort that child. December. Wag mong hintayin na ako pa ang gumawa ng paraan para mawala ang batang yan." Bawat salita niya ay may diin at nakatiim bagang na din siya. Galit na galit na siya pero nanghihina lang ang mga tuhod ko dahil sa sinabi niya.

Abort my child? How can I do that? Hindi ko magagawang pumatay ng isang inosenteng bata. Hindi ko kayang patayin ang sarili kong anak.

"N… no. Ayoko!" Pasigaw na sabi ko at kumawala sa mahigpit niyang hawak. Pinunasan ko ang mga luha sa mga mata ko at galit na tumingin sa kanyang malalamig na mga mata.

"Hindi ko kayang patayin ang anak ko, Sage. Kung ikaw kaya mo, pwes ako hindi! Wala na akong paki-alam kung hindi mo siya tanggapin," galit na sabi ko sakanya at napasalampak nalang sa sahig dahil sa sobrang panghihina ng mga tuhod ko. "Alam ko naman e… alam ko naman na hindi mo ko mahal dahil may iba ng nilalaman ang puso mo… pero Sage… anak mo rin to. Sariling laman at dugo mo kaya pano… pano mo nagagawang sabihin na ipalaglag ko ang batang to? Ganon kana ba kawalang puso pati bata idadamay mo?!"

Wala na kong paki-alam kung anong gawin niya sakin dahil sa mga oras na ito ipaglalaban ko ang anak ko. Hindi ko hahayaan na mangyare ang gusto niya. Kung hindi niya matanggap ang bata, pwes ako tatanggapin ko. Bubuhayin ko ang anak ko ng ako lang mag-isa.

December's POV

Malakas na music ang sumalubong sa akin pagkapasok ko palang sa Elite Bar. May tumawag kasi sakin na nandito siya at sobrang lasing na kaya susunduin ko na. Kahit papano masaya ako dahil ako ang tinawagan kasi pwede namang hindi ako diba pero ako ang napili.

Kung hindi lang dahil sakanya ay hindi ako pupunta dito dahil isa 'to sa mga lugar na ayaw kong puntahan. Una ay masyadong maingay, pangalawa amoy alak at pangatlo ayaw ko lang talaga sa lugar na ito.

Napangiti ako ng matanaw ko na ang kinaroroonan niya. Nasa bar counter siya at nakadukduk na sa mesa. Agad naman akong lumapit dito.

"Sage." Medyo may kalakasan kong tawag sakanya para marinig niya dahil sa sobrang lakas ng music dito. Pero ano pa nga bang aasahan ko sa isang lasing na kagaya niya.

Mabuti na nga lang at walang babaeng lumapit sakanya dahil for sure pinagtatabuyan lang niya. One thing that i like from him is he's not a playboy. Oo nga't maraming babae ang nagkakandarapa sakanya pero ni isa sa mga 'yon ay hindi siya pumapatol and i like him for that kasi para sakin stick to one lang siya.

"Oi gumising kana diyan. Ihahatid na kita." Sabi ko at niyugyug pa siya. Umungol lang siya at umalis sa pagka kadukduk sa mesa saka tumingin sakin gamit ang namumungay niyang mga mata. Lasing na nga talaga.

"W.. who are you? *hik* hindi ikaw ang h.. hinihintay ko. *hik* kaya umalis kana kung sino ka man. Hindi ikaw ang k.. kailangan ko. *hik*" sinisinok na sabi niya.

Mapait akong napangiti dahil pinamukha na naman niya sakin ang masakit na katotohanan.

Alam ko naman e. Alam ko naman na hindi ako ang kailangan niya pero hayaan niya sana akong alagaan siya sa ganitong kalagayan niya. At alam ko din na hindi darating ang hinihintay niya.

"Sage halika na at iuuwe na kita. Masyado ka ng lasing." Aniya ko at aakayin na sana siya patayo pero itinulak lang niya ang kamay ko.

"Aish! Ano bang gagawin ko sayo? Maglalasing-lasing ka tas hindi mo naman kaya." Inis na sabi ko at napa hilot sa sentido dahil sumasakit na ang ulo ko sakanya. Bumaling nalang ako sa bartender para makisuyo ng tulong. "Uhm kuya pwede po bang patulong? Dalhin po natin sa kotse." Tumango naman ito at tinulungan ako.

Ayaw pa sana ni Sage pero wala din siyang nagawa. Nagpasalamat ako kay kuyang bartender bago pumasok sa driver seat at nagmaneho.

PABAGSAK kong inihiga sa kama ang tulog na ngayong si Sage. Ang bigat niya talaga. Nahirapan din akong akayin siya dahil patuloy siya sa pag tulak sakin dahil ayaw niya kong alalayan siya pero wala din naman siyang nagawa.

Nagsuka pa nga siya kanina kaya ang baho na niya. May suka din kasi niya ang damit niya kaya no choice ako kundi ang palitan siya. Bahala na kung magalit siya pero para din naman sakanya 'to.

Dahan-dahan kong in-unbottoned ang damit niya at bumungad sakin ang malapad at matipunong dibdib niya hanggang sa dumako sa may tiyan niya ang tingin ko.

'sh*t mga beh! 6 pack abs!'

Focus December! Just focus. Don't mind it.

Huminga muna ako ng malalim bago tanggalin ang damit niya pero sa di inaasahan ay hinawakan niya ang kamay ko kaya gulat akong tumingin sakanya. Nakamulat na din siya pero papikit-pikit nga lang.

"B.. bakit?" Utal na tanong ko. Nanlaki ang mga mata ko ng bigla niya kong hilahin kaya napadagan ako sakanya at mas lalong nanlaki ang mga mata ko ng dumampi ang labi niya sa labi ko.

Parang may nagkakarera sa loob ng dibdib ko dahil sa sobrang bilis ng tibok nito. Hindi ko inaasahan na gagawin niya ito at the same time ay nakakaramdam din ako ng saya. This is the first time that we've kiss.

Gumalaw ang labi niya kaya tinugunan ko din ang halik niya. Ganito pala ang pakiramdam na mahalikan mo ang taong mahal mo. Ang sarap lang sa pakiramdam.

Bumaba ang isang kama niya papunta sa bewang ko at 'yong isa naman ay napunta sa likod ng ulo ko para mas palalimin pa ang halikan namin.

I know it's wrong. Alam ko naman na kaya lang niya ito ginagawa dahil lasing siya at wala sa tamang pag-iisip pero hindi ko na mapigilan ang sarili ko.. ang nararamdaman ko.

Humiwalay sandali ang labi niya at tinitigan ako na parang kinikilatis ako kaya hindi ko maiwasang mamula dahil sa sobrang lapit ng mga mukha namin sa isa't-isa.

Sa isang kisap mata ay naihiga na niya ko sa kama at siya na ang nasa ibabaw ko. Inilapit niyang muli ang mukha niya sakin at pinagpatuloy ang naudlot naming halikan na tinugunan ko naman.

Hindi ko na muna iisipin ang magiging kahihinatnan ng desisyon kong ito. Sa ngayon pagbibigyan ko na muna ang sarili ko. Kahit sa ganitong paraan manlang ay maiparamdam ko sakanya kung gaano ko siya kamahal.

NAGISING ako dahil sa sobrang sakit ng katawan ko. Para akong nasagasaan ng ten wheeler truck sa sobrang sakit ng katawan ko lalo na ang gitnang bahagi ng katawan ko.

Lihim akong napangiti ng maalala ko ang nangyare kagabi. Ibinigay ko ang sarili ko sakanya kagabi at wala akong pinagsisisihan sa ginawa ko.

Nilingon ako ang katabi ko only to find out that he's not here beside me. Napanguso naman ako dahil hindi manlang niya ko hinintay na magising.

'Sino kaba para hintayin niya December? Remember ayaw niya sayo ikaw lang itong si tangang ibinigay ang sarili mo.'

"Your awake." Napa-angat ako ng tingin ng bumukas ang pinto ng C.R at lumabas don ang bagong ligong si Sage. Nakasuot na ito ng pantalon pero walang suot na pang-itaas na damit. Pinapatuyo din niya ang buhok niya gamit ang tuwalya.

"G.. good morning." Mahinang sabi ko at nagbaba ng tingin. Hindi ko kasi siya matignan sa mata dahil nahihiya ako.

"What's good in the morning if you are the one i see." Parang isang patalim ang salita niya na sumaksak sa kaibuturan ng puso ko. Ang sakit niyang magsalita. "Wag kang umasa na porket may nangyare na satin ay mag-iiba na ang trato ko sayo." Nanggilid naman ang luha ko. Masakit para sakin na marinig ang mga sinasabi niya.

'masama bang umasa na kahit konti ay bibigyan mo ko ng pansin? Masama bang umasa na kahit papano pakikitunguhan mo na ko ng maayos?'

"I.. i'm sorry." Tanging lumabas na salita sa bibig ko at napahikbi. 

"Tandaan mo kahit ilang libong beses ka pang humingi ng tawad hinding-hindi kita mapapatawad." Malamig at may galit na sabi niya saka siya lumabas ng kwarto. Tuluyan na din akong napahagulgol at niyakap nalang ang kumot na nasa katawan ko.

'hanggang kailan mo ba gagawin sakin 'to Sage? Kailan mo ba ko mapapatawad? Alam ko naman na nagkamali ako pero tama ba na tratuhin mo ko ng ganito?'

Ang sakit mo palang mahalin. Ang sakit sakit mong mahalin Sage.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
5 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status