LOGINSEASON 2 is up! Yes, may season 2, pero kuwento naman ito ni Everisha at ni Czedric. I promise na ibang-iba ‘to sa kuwento nila Everett at Misha. At sana support niyo pa rin gaya nang pag-support ninyo sa mga magulang ni Everisha. Saka, iklian lang natin, napansin ko kasi na umay kayo kapag mahaba ang mga ganap, promise ko na mag-e-enjoy kayo dito kasi kakaiba ang magiging leading man dito ni Everisha. Abangan niyo si Czedric at kung ano ang pagkatao niya. Anyway, guys, sudlong na agad dito para hindi na ako mag-apply pa ng new story at maghintay pa ng matagal, para tuloy-tuloy na po agad ang update. NAKU, SANA SUPPORT PA RIN KAYO. KUNG OO, MARAMING SALAMAT PO, KUNG HINDI NAMAN AY AYOS LANG, MAHAL KO PA RIN KAYO. ABANGAN SINA EVERISHA TANI AT CZEDRIC BORROMEO
Lumi POVHumigpit ang kapit ko sa kumot habang unti-unting nagigising ang diwa ko. Iba ang pakiramdam ngayon at masasabi kong magaan na kaysa kahapon. Hindi na rin ako nanlalata o nakakaramdam na parang may lagnat.“Lumi.”Nagulat pa ako nung mapatingin ako sa gilid ko. Nandito pa rin pala si Sorin, dito rin siya natulog at binantayan ako buong magdamag. Sabagay, hindi rin naman kasi siya makakauwi dahil sa taas ng baha sa labas.Tumayo siya at hinawakan ang noo ko. Napangiti siya nung maramdaman na wala na ang sainat ko.“Sorin, bakit hindi ka umuwi kagabi? Hindi ka ba nahirapan sa pagtulog dito sa gilid ng kama ko habang nakabayukyok?” tanong ko sa kaniya.“Huwag mo akong alalahanin, okay naman ang tulog ko,” sagot niya agad.Umupo ako nang dahan-dahan, tinulungan niya ako. Okay, medyo naninibago pa ang katawan ko, pero wala na talaga ‘yung sakit. Wala na ‘yung bigat. Parang walang nangyari. Parang hindi ako nalubog sa baha, parang hindi ako nakainom ng maruming tubig, at parang hin
Lumi POVNagmulat ako ng mga mata na parang may mabigat na nakapatong sa talukap ko. Ang liwanag na nakakasilaw sa kisame ang bumungad sa akin. Saglit akong napapikit ulit, pilit kong inaayos ang paningin ko habang unti-unting bumabalik ang ulirat ko.Amoy ko agad ang antiseptic. Nagtaka pa ako kung nasaan ako. Ang lawak kasi nung room. Akala ko bahay pero alam kong hindi dahil amoy ko sa buong kuwarto ang amoy ng ospitalOo, tama nga, alam kong nasa ospital ako.Gumalaw na ako at tumingin sa paligid. Doon ko lang napansin na nandito pala si Sorin.Nakatayo siya malapit sa kama ko, basang-basa pa rin ang buhok, kahit na tila natuyo na ang suot niyang damit. May bahid ng pagod sa mukha niya, ngunit nang magtagpo ang mga mata namin, parang may kung anong biglang nabuhay sa kanya.“Lumi.”Halos pabulong ang boses niya, pero malinaw ko pa ring narinig. Doon ko lang naramdaman na nanginginig pala ang katawan ko. Dahil siguro sa panlalamig.Doon ko na naalala ang baha. Ang malalim, maruming
Lumi POVSobrang lakas ng ulan. May bagyo, kaya nagsarado kami ng Spa ngayon. Ang problema lang ay na-stranded na ako rito sa Main branch ng Sorin spa. Lahat ng kasama ko ay umuwi na, ako na lang ang naiwan dahil kailangan kong tapusin ang ilan sa mga paper works.Tumawag ako sa driver kong si Manong Tetet, pero na-stranded din daw siya sa isang lugar dahil sa taas ng baha. Sasaglit palang na umulan, baha agad.Sa tingin ko, dito ata ako magpapalipas ng gabi sa Sorin Spa. Pero kasi, natatakot ako na baka pausin ako ng baha dito sa loob. Sa lakas ng ulan at hangin, pakiramdam ko ay tataas pa nang taas ang baha.Pumasok muna ako sa loob. Naupo ako sa office room ko habang nag-iisip kung ano bang dapat kong gawin. Pinag-isipan ko kung lalangoy na lang ba ako para makaalis ako dito o hahayaan ko na lang na dito matulog.Pero naisip ko, iba pa rin kapag sa bahay ni Sorin matulog, malambot ang kama, malamig at comportable kaya bahala na. Iniwan ko na lang ang bag ko sa office. Sinara ko ang
Lumi POVBack to work, back to stress naman din agad. Pagkapasok ko kasi ngayon sa main Sorin Spa ay maraming problema. May mga absent na staff, bigla raw nagkasakit. Tapos, may mga sirang gamit. Bumagal tuloy ang service, kapag wala talaga ako, walang nagkukusa, kaya ngayong umaga, naging masungit ako.Wala akong pinapansin, wala akong kinikibo. Sa tuwing lalabas ako ng office ko, nagdadabog ako. Nang sa ganoon, makita at malaman din nilang hindi sa lahat ng oras, aba, mabait ako.Ramdam ko naman na parang takot sila. Lalo na ang baklang si Bidang na hindi ako kinikibo. Ngayon, sa tuwing titignan ko, napapayuko.“May mga sira na palang gamit, wala manlang nag-report sa akin kahit sa group chat manlang natin,” sermon ko sa kanila sa tuwing may lalabas na customer.“Tapos, may absent at biglang nagkasakit. May sakit ba talaga o may lakad lang? Inuna pa ang lakad kaysa sa work. Alam namang fully booked tayo ngayon, isasabay pa ang kasiyahan,” sabi ko pa. Nakita ko kasi ang post ni Chech
Lumi POVGising na ako nung bandang alas kuwarto ng madaling-araw. Umalis na ako sa tabi ni Sorin para hindi ako maabutan nila Nanay at Tatay na doon ako tumabi sa kaniya ng pagtulog.Pagbalik ko sa kuwarto ko, isip-isip ko ang ginawa namin ni Sorin. Lalo na ang pagputok niya ulit ng semilya niya sa loob ko.Hindi ko alam kung bakit this time ay naduwag ako. Kahit ang plano naman talaga ay magpabuntis ako sa kaniya para matali na ako sa kaniya. Siguro ay napagtanto kong mapapagalitan ako nila Nanay at lalo na ni Tatay kapag nalaman nilang nilalandi ko si Sorin.Hindi na ako nakatulog pagkahiga ko sa kama ko, kaya pagdating ng alas singko ng umaga ay bumangon na ako. Gising na sina Tatay at Nanay. Nasa kusina na sila at kapwa may ginagawa. Si Tatay ay gumagawa ng sabaw, ganiyan iyan kapag may hang-over, habang si Nanay naman ay nagluluto ng fried rice, marami na naman sigurong natirang kanin kagabi.“Kumusta ang tulog mo?” tanong ni Nanay nang makita ako.“Okay naman po, na-miss ko ang
Lumi POVNaunang tumba si Tatay Atlas. Naiwan na lang si Sorin sa sala, lungayngay na rin.“Anak, ikaw na bahala kay Tito Sorin mo ah?” sabi ni Nanay Yumi. Tumango ako habang inaalalayan na niya si Tatay Altas papunta sa kuwarto nila. Hinintay ko lang na tuluyang makapasok sila sa kuwarto, pagkatapos ay saka ko na nilapitan si Sorin.“Oy, anong plano mo? Diyan ka na ba matutulog sa salas namin? Inaantok na kasi ako. Ikaw na lang talaga ang hinihintay ko,” sabi ko sa kaniya habang naghihikab pa.Tumingin siya sa akin. Mapungay na ang mga mata. Pagkatapos ay saka ito ngumiti. “Hinintay kasi magkatabi ba ulit tayong matulog?” tanong niya habang malakas ang bibig.“Hoy, huwag kang maingay, baka marinig ka ni Nanay,” sita ko sa kaniya habang tinatakpan ko ng kamay ang bibig niya.Ang ginawa ko, pinatayo ko na siya at inakay. Umakbay siya sa akin habang gegewang-gewang ang lakad namin. Lasing na lasing na naman siya.“Uy, Lumi, tabi tayo ah,” pag-uulit pa niya kaya tinakpan ko ulit ang bibi
Misha’s POVTahimik ang biyahe ko papunta sa kulungan kung saan nakakulong si Tita Maloi. Stress na sa kakaisip si Everett kung sino ba ang nanggugulo, kaya naisip kong kausapin na nang masinsinan si Tita Maloi.Ang araw ay maaliwalas, ngunit tila mas mabigat ang hangin sa paligid ko. Sa mga huling li
Misha’s POVSa kabila ng dapat ay masayang selebrasyon, nanatili akong nakaupo sa harap ng laptop, ramdam ang bigat sa dibdib habang pinapanood ang video ng babaeng nagrereklamo laban sa M&E skincare. Sa video, nanginginig pa siya habang ipinapakita ang namumula, namamantal, at sugat-sugat niyang bal
Misha’s POVNakalabas na sa ospital si Jaye. Kausap ko na ang parents niya, sinabi ko na ako munang bahala sa kaniya, habang sila ay lumipad na sa ibang bansa dahil sa business meeting nila, tamang-tama, ilang buwan silang mawawala kaya ako na muna ang bahala sa kaibigan ko.Nasa sala si Jaye, naka-re
Everett’s POVSa unang hakbang pa lang pababa ng sasakyan ko, naramdaman ko agad ang bigat ng katahimikan sa paligid. Hindi ito iyong karaniwang gabing dinadaanan ko. May kaba sa dibdib ko na hindi ko mawari, kaya nang bumukas ko ang pinto at lumabas ako sa madilim na kalye papunta sa harapan ng mans







