Mishon POVTumahimik siya ng ilang segundo matapos akong umamin. Para bang sinisiguro niya kung tama ba ang narinig niya. Pero sa halip na awkwardness, ngumiti siya nang malambot.“I appreciate your honesty, Mishon,” sabi niya. “But I hope you understand… I don’t want to rush into anything. I think it’s best if we take the time to get to know each other better.”Hindi ko napigilan ang ngumiti. Hindi ako na-reject.“Of course,” sagot ko agad. “I’m fine with that. I’m not in a hurry. I’m just happy to know that we’re okay.”Ngumiti rin siya, at tila gumaan ang paligid namin pareho. “We are. And thank you for these flowers. They’re beautiful.”Pagkatapos ng tensyon na iyon, tumigil kami sa pag-uusap at nagsimula nang kumain. Proud na proud ako sa mga bagong pizza flavors na ginawa ko. Habang hinahati ko ang unang pizza, tiningnan ko siya.“This one is prosciutto with figs and gorgonzola. It’s a bit fancy, but I think you’ll like it,” sabi ko habang natutuwa sa paghiwa ng pizza para sa ka
Ada POVPagkatapos kong basahin ang project proposal na ipinadala ng aking agency, hindi ko maiwasang mag-isip kung gaano kalaki ang poject na ito. Isang sikat na singer dito sa Paris ang gagawa ng music video at isa ako sa mga napiling guest na magiging bahagi ng produksyon. Bukod doon, makakasama ko pa ang isang pangalan na matagal ko nang naririnig—si Yuri Scott, isang tanyag na international fashion model na gaya ko.Matagal ko nang nakikita si Yuri sa mga magazine at fashion week, at hindi ko inaasahang makakatrabaho ko siya ngayon. Hindi ko maiwasang kabahan, pero kaakibat ng kaba ang excitement na parang bumabalot sa buong katawan ko. Ang guwapo kaya ni Yuri. Yes, masasabi kong isa siya sa mga crush kong fashion model. Hindi naman maiiwasan sa isang babae na magkaroon ng crush. Crush lang naman ay parang paghanga, ganoon.At kapag nalaman ito ni Taris ay tiyak na aandar na naman ang pagiging inggitera niya.Sa isang sosyal na conference room ng isang hotel sa gitna ng Paris ako
Ada POVUmaga pa lang, nakaupo na ako sa malaking dining table ng mansiyon habang nakatitig sa tasa ng kape na nasa harap ko. Sa tabi ng kape, naroon ang paborito kong croissant na binili pa ng butler namin kahapon mula sa isang sikat na bakery sa dito Paris.Sa gitna ng katahimikan ng aking pagkain ng almusal, napatingala ako nang marinig ang malalakas na yabag sa marmol na sahig.“Ada! Ano ‘tong nabalitaan ko?” galit na tanong ng mama ko habang pasugod sa akin. Nakasuot siya ng silk robe at ang kaniyang matalim na mata ay walang dudang masesermunan na naman ako ng malala. Nakasunod sa kaniya si Verena, ang kapatid kong tila ba may masamang balak na namang hatid sa akin.“Good morning, Mama,” mahina kong bati habang nilalapag ang tinidor ko sa lamesa.“Don’t good morning me! Bakit walang pumasok na pera sa bank account ko?” Lumapit siya sa harap ko at inirapan ako.Naguluhan ako. Hindi ko alam kung paano niya nalaman na dapat may payment na pumasok para sa proyektong kakatapos ko lan
Mishon POVMadaling-araw pa lang ay gising na ako, inaayos na namin ang mga gamit na dadalhin ni Ada para sa shooting niya ngayong araw. Nag-insist akong samahan siya, hindi dahil kailangan niya ng driver, kundi dahil wala siyang kahit anong security o kahit assistant na puwedeng sumama sa kaniya ngayon. Ayaw niyang ipaalam sa mama niya o sa kapatid niyang si Verena kung nasaan siya, kaya nga siya tumutuloy ngayon sa bahay ko para makaiwas sa gulo. Nahihiya rin siguro siya na baka dito gumawa ng gulo ang mama niya.Si Marlo, ang assistant ko, ang nagprisintang magmaneho para sa amin. Ako naman, ginawa ko ang sarili kong personal bodyguard ni Ada. Hindi ko siya kayang iwanan sa sitwasyon niya ngayon, lalo na’t vulnerable pa siya matapos ang nangyari kahapon.Pagdating namin sa set, agad akong na-amaze sa laki ng production. Ang daming tao, may nag-aayos ng ilaw, may nag-iinspect ng cameras at may mga assistant na tila takbuhan nang takbuhan para sa iba’t ibang props. Isang malaking sta
Ada POVPagkarating namin sa mansiyon ni Mishon, ramdam ko ang ginhawang hatid ng katahimikan ng lugar. Hindi tulad ng bahay namin, walang galit na sigaw ng mama ko, walang sermon at walang sulsul ng kapatid kong si Verena. Para bang ito ang klase ng tahanang matagal ko nang hinahanap—puno ng kapayapaan at maaliwalas pa ang hangin dahil sa grapes farm na katabi nitong bahay.Agad akong naupo sa sofa sa sala. Napakalamig ng aircon, bagay na bagay sa pagod kong katawan mula sa maghapong shooting. Napansin kong dumiretso si Mishon sa kusina, pero hindi ko na inusisa kung ano ang ginagawa niya. Sa sobrang pagod, ipinikit ko muna ang aking mga mata at hinayaan ang sarili kong makatulog kahit saglit.Enjoy naman ang shooting kanina kasi ang galing ng ka-partner ko. Smooth ka-work si Yuri. At sa tingin ko rin ay magaganda ang shot namin kanina.Pagdilat ng aking mga mata, napansin kong may baso ng fruit shake sa lamesa sa harap ko. Napatingin ako kay Mishon, na kasalukuyang nakatayo sa tabi
Mishon POVTirik na tirik na ang sikat ng araw habang naglalakad ako sa mga makikitid na kalsada ng Paris. May kakaibang aliw talaga ang lungsod na ito—ang tahimik na mga umaga, ang halimuyak ng tinapay mula sa mga bakery at ang ingay ng mga taong abala sa kanilang araw. Pero ngayong araw na ito, wala akong ibang iniisip kundi ang espesyal na request ni Ada: pasta at pizza para sa merienda namin mamaya. Wala na naman siyang work, today, kaya maghapon na naman kaming magba-bonding. Ang saya nga kasi parang gusto niyang sa mansiyon ko na siya tuluyang tumira habang buhay kasi kita ko na masayang-masaya siya kapag nasa bahay ko.Sa akin ay ayos lang naman, hinihintay ko lang na magsabi siya.Kahit na simpleng pagkain lang ang hinihiling niya, hindi ko mapigilang gawing espesyal ang bawat pagkakataon para sa kanya. Kaya bago pa man ako pumunta sa grocery store, napagdesisyunan kong dumaan muna sa flower shop ni Ginang Franceska.Pagpasok ko sa shop, agad kong nakita si Ginang Franceska n
Ada POV Ang bango ng freshly baked pizza at creamy pasta na inihain ni Mishon sa dining table ay agad na nagdala ng init at saya sa buong paligid. Ang buong pamilya niya—si Everisha, si Czedric, at ang cute nilang anak na si Czeverick—ay abala sa pagtikim at pagtawa habang nagkukuwentuhan. Kasama ako sa hapag-kainan nila ngayon at habang pinagmamasdan ko sila, hindi ko maiwasang mag-isip…Kung ganito lang sana ka-saya ang pamilya ko, hindi siguro ako lumalayo sa kanila. Habang kumakain, hindi nawala ang maaliwalas na ngiti sa labi ko. Napakagaan ng pakiramdam na parang bahagi na ako ng pamilya nila. Si Mishon naman, mukhang masaya ring nakikita ang lahat na nag-e-enjoy. "Alright, everyone," sabi ni Mishon habang nakaupo sa head of the table, hawak ang isang slice ng pizza. "Honest opinions. How’s my cooking? Start with the pasta." Agad namang sumagot si Ate Everisha niya na may sauce pa sa gilid ng labi niya. "It’s amazing, as always, little brother. Creamy, flavorful and perfec
Mishon POVHindi mawala ang ngiti ko habang papunta kami nina Everisha at Czedric sa flower shop ni Aling Franceska. Iniwan muna namin si Czeverick sa kasambahay ko para makapaglibot nang maayos. Si Everisha ay halatang excited gumala, habang si Czedric naman ay abala sa pagtingin ng mga video reference sa cellphone niya habang nagkukuwentuhan kami tungkol sa music video niyang mangyayari na soon.Pagdating namin sa shop ni Aling Franceska ay agad na bumungad sa amin ang halimuyak ng sari-saring bulaklak. Ang tindahan ni Aling Franceska ay parang isang maliit na hardin sa gitna ng syudad—punong-puno ng kulay at sigla. Nang makita niya kami, agad siyang ngumiti nang malaki."Ah, Mishon! It’s so good to see you again!" bati ni Aling Franceska habang pinupunasan ang kanyang kamay gamit ang apron. Pagkatapos, napatingin siya kay Czedric at parang bigla itong napanganga. "Oh my! Is this… Czedric? The famous singer?"Tumawa si Czedric at iniabot ang kamay niya kay Aling Franceska. "Yes, ma’
Miro POVWala akong ibang inisip kundi ang gantihan si Vic. Kung akala niya ay kami lang ang puwedeng guluhin niya, nagkakamali siya. Hindi ko hahayaang makalampas lang ang ginawa niyang pananakit kay Manang Cora at ang tangkang pag-atake sa pamilya ko. Kaya ngayon, kami naman ang gagawa ng gulo sa lahat ng alam naming mansiyon, negosyo, at hideout nila. Tang-ina, ipapatikim ko rin sa kaniya kung paano ako magalit.“Deploy everyone. I want ten teams, each with ten soldiers. We hit every known property tonight,” utos ko kay Tito Eryx.“Okay. Coordinates locked. Ready in fifteen minutes,” sagot naman niya.Tumango lang ako at nilingon si Samira na nasa likuran ko. May hawak siyang tablet kung saan kita ang mga security feeds at mapa ng mga target naming lugar. Nakatingin siya sa akin, seryoso ang mukha, pero alam kong kapwa namin gustong tapusin na ang lintik na labanang ito. Pero, kasi, wala pa kaming idea kung nasaan si Vic. Nasa Pinas na ba o nasa ibang bansa pa rin?“You sure you wa
Samira POVPagkatapos kong linisin at gamutin ang sugat ni Ahva, hinawakan ko ang kamay niya saglit. “Dito muna kayo ni Mama Ada, okay? Don’t worry, we’ll be back soon,” sabi ko. Tumango lang siya, hawak pa rin ang tela sa sugat niya habang si Mama Ada ay umupo na sa tabi niya, kita sa mukha nito ang pagod at pati na rin ang takot dahil sa nangyaring pag-atake ng mga tauhan ni Vic.“Let’s go,” sabi ni Miro nang masiguro naming sapat na ang mga soldiers niya na maiiwan dito kina Mama Ada at Ahva.Paglabas namin, agad kaming sumakay sa sasakyan. Pinatakbo ito ng driver ni Miro sa pinakamabilis na paraang kaya niya para mabilis kaming makarating sa kinaroroonan nila Ramil.Pero sure akong hindi sila pababayaan ng mga tito namin kahit ma-late kami. Pero para ma-sure, kailangan pa rin naming pumunta dahil baka marami silang sumugod doon.Habang umaandar ang sasakyan, tumahimik muna kaming dalawa ni Miro. Pero, siyempre, dapat alisto pa rin, parehong matatalas ang mga mata namin, nakaabang
Miro POVIto ‘yung ayoko, stress na may kasamang gigil at takot. Pagdating namin sa tapat ng mansiyon kung saan naroon sina Mama Ada at ang kapatid kong si Ahva, halos sabay kaming bumaba ni Samira sa van. Kasunod din ang iba kong mga soldiers.“No more warnings,” mariing sabi ko habang tinitingnan ang paligid. “Take them all down.”Tumango si Samira. “Let’s end this quickly.”Hindi na kami nag-aksaya ng oras. Bago pa man makalapit sa pintuan ng mansiyon, sumalubong na sa amin ang mga putok ng baril. Ang mga tauhan ni Vic, halatang sanay at mabagsik. Pero mas sanay kami, iyon ang dapat kong isipin. Mas determinado dapat kami kaya nag-focus akong mabuti sa mga naging training ko sa kamay ng mga tito ko.Nag-slide kapagdaka si Samira sa likod ng isang sementadong harang habang binunot ang dalawang baril mula sa thigh holsters niya. Sabay niyang pinutukan ang dalawang kalaban na sumisilip mula sa likod ng van.Bang! Bang!Tumama ang bala sa helmet ng isa, sapul ang mukha. ‘Yung isa, sa d
Samira POVPagkatapos ng putukan, halos hindi pa rin humuhupa ang kaba sa dibdib ko. Habang sakay kami sa bulletproof van, mahigpit kong hinawakan ang kamay ni Manang Cora habang nakahiga siya sa stretcher. May mga balot na ng gasa ang balikat niya pero kitang-kita pa rin ang patak ng dugo na hindi mapigil. Ang mga mata niya, nakapikit at masyado nang maputla. Tahimik lang siya, humihinga ng mababaw. Sa tabi niya, nakaupo si Miro, hawak ang cellphone at panay ang utos sa mga tauhan niya.Nandito na rin sina Tito Zuko, Tito Sorin at Tito Eryz, sila na ang nasa harap ng van, isa sa kanila ang driver.“Make sure the area is clear. Double the guards until further notice,” utos ni Miro habang seryoso ang ekspresyon ng mukha.Habang umaandar ang van papuntang ospital, tinignan ko ang iba pang mga manang na kasama namin sa loob. Tahimik lang silang lahat. Si Manang Luz, nakapikit at tila nagdarasal. Si Manang Luciana, panay ang himas sa palad ni Manang Percy na hindi pa rin makapaniwalang ga
Miro POVKanina pa ako nakatanggap ng report mula sa isa kong soldier. Tumawag siya direkta sa secure line, at sa tono pa lang ng boses niya, alam ko nang hindi ito simpleng ulat lang.“Boss, may dalawang motor at isang van na pabalik-balik sa harap ng mansion. Same plate numbers, same route. Parang minamanmanan ang mansiyon ng mga manang,” sabi niya habang ang boses at klarong nasa ilalim ng tumutubong tensyon. Sila, hindi basta-basta magre-report kung hindi sila siguradong banta ito sa buhay ng mga manang.Hindi na ako nag-aksaya ng oras.“Send reinforcement. Double the guards. I want snipers on the roof and checkpoints within a kilometer radius. Now.”Kaagad akong tumayo mula sa leather chair ko sa opisina. Tinawagan ko rin agad si Samira.“Something’s wrong,” sabi ko ng diretsyo sa kaniya. Bawal maglihim, magagalit siya kaya kahit mag-panic siya, mas okay kasi ang mahalaga, alam niya agad ang nangyayari. “We need to go there. Now.”Hindi na ako nagtaka sa sagot niya.“I’m coming w
Samira POVIsang malakas na katok sa pinto ang gumising sa akin.“Samira! Samira!” boses iyon ni Miro na kanina pa pala gising kasi ako na lang ang natira dito sa kuwarto namin.Napabangon tuloy agad ako. Sa boses pa lang kung paano niya ako tawagin, kinabahan na rin talaga ako. Binuksan ko ang pinto at sinalubong ako ng seryosong tingin ni Miro.“Two of the manangs are missing,” mabilis niyang sabi. “Manang Percy and Manang Cora. They’re gone.”Nanlaki ang mga mata ko. “What do you mean gone?” tanong ko habang mabilis na sinusundan siya pababa ng hagdan.“This morning, hindi sila nakita sa kuwarto nila. Manang Luciana said they were last seen last night, pero ngayong umaga ay nawala na sila sa mansiyon.”Pakiramdam ko ay biglang sumakit ang ulo ko. Dalawang matatanda pa talaga ang nalawa. Hindi pa naman sila puwedeng lumabas ng mansiyon dahil delikado.Mabilis kaming sumakay sa sasakyan ni Miro at saka tumuloy sa lumang mansiyon kung saan pansamantalang nakatira ang mga manang.**Pa
Samira POVPagbalik namin ni Ramil sa loob ng mansiyon, napansin kong lalong tumindi ang seguridad. May mga bagong CCTV cameras na naka-install sa bawat sulok, mga guard na may earpiece at mga patrol vehicles na umiikot sa perimeter.Sinulyapan ako ni Ramil at ngumiti ng payapa.“I see Miro’s already tightening the defenses,” sabi niya.“He’s taking no chances,” sagot ko, proud sa fiance ko.Tumayo kami sa malawak na hallway, sa ilalim ng grand chandelier. Ang saya sana kung ang pinaghahandaan ngayon ay ang kasal namin ni Miro, hindi ang nalalapit o darating na malaking labanan na naman.“You need to be ready for anything,” Ramil said.“I am,” sagot ko habang ramdam ko ang apoy sa loob ng puso at katawan ko.He chuckled slightly. “You sound like a soldier.”I smiled. “Maybe I am now.” una palang naman kasi ay parang sundalo na ako. Sa mga nangyaring training ko kina Tito Sorin, Tito Zuko at Tito Eryx, para na akong sundalong atat na atat maging malakas.Humakbang siya palapit sa akin
Samira POVMainit na ang sikat ng araw nang lumabas ako ng mansiyon. Kasalukuyan akong may hawak na malamig na lemonade habang pinagmamasdan si Ramil na naglalakad sa hardin. Malayo na talaga ang narating niya mula noong iligtas siya nila Miro mula sa pagtatago sa masukal na gubat na iyon. Ngayon, nagkakalaman na ang pisngi niya at kahit medyo mabagal pa ang kilos niya, ramdam mo ang unti-unting pagbabalik ng lakas sa kaniyang katawan.Lumapit ako sa kaniya, sabay abot ng isang tuwalya para pamunas ng pawis niya.“You’re doing great,” sabi ko.Ngumiti si Ramil, kinuha ang tuwalya at pinunasan ang leeg niya. “Thank you, Samira!” sagot niya na medyo paos pa rin ang boses. Nitong nagdaang araw kasi ay nilagnat pa siya.Naglakad kami ng mabagal sa gilid ng hardin, kung saan may mga anino ng puno na nagbibigay ng kaunting lamig sa paligid. Habang naglalakad kami, napansin ko ang seryosong ekspresyon sa mukha ni Ramil.“Is something bothering you?” tanong ko.Huminto siya sandali, tumingin
Samira POVTahimik ang gabing iyon. Pero hindi pa ako makatulog.Nakahiga na rin si Miro sa kama, nakapikit pero alam kong gising pa siya. Marahan akong bumangon mula sa kama at naupo sa gilid. Nakita kong napadilat siya nang maramdaman ako“Bakit bumangon ka pa?” mahinang tanong ni Miro.Huminga ako nang malalim bago lumingon sa kaniya. “Miro,” bulong ko, “can we talk?”Umupo siya na parang nag-aalala. “Of course. What’s wrong?”Lumapit ako sa kaniya at hinawakan ang kamay niya. Tinitigan ko siya, siniguradong mararamdaman niya kung gaano kaseryoso ang sasabihin ko sa kaniya.“I want to build a secret hideout,” sabi ko na halos bulong ulit. “Underground. Just for the manangs. A place only we know about. Somewhere safe… in case Vic targets them.”Hindi siya nagsalita agad. Tinitigan lang niya ako habang tahimik na nag-iisip. Ilang saglit pa, ngumiti siya at walang alinlangang tumango.‘Let’s do it,” sagot niya. “Whatever you need, love. I’ll make it happen.”Nang marinig ko ‘yon, para