Ada POVAng bango.Halos hindi pa ako nakakapasok nang tuluyan sa kusina ni Mishon, pero ang amoy ng bagong lutong pizza ay parang yakap na mainit sa akin at nakakagutom talaga sa pang-amoy. Nasanay na ako na sa tuwing dadalaw ako sa mansiyon niya, palaging may nakahandang pizza na siya mismo ang gumagawa. Alam na alam ni Mishon ang paborito kong pagkain.Pero may kakaiba ngayon. Nakatayo siya sa harap ng lamesa sa dirty kitchen, abala sa paglagay ng toppings sa nilulutong pizza. “This is a new flavor,” aniya nang makita niya akong dumating. Isang mabilis na sulyap lang ang ibinigay niya sa akin bago bumalik sa ginagawa niya. “I made this especially for you.”Napangiti ako at lumapit sa kanya. “What’s the flavor this time?”Hinila niya ang apron niya at nagbigay ng maliit ngiti sa akin. “You’ll see. It’s a surprise.”Umupo ako sa high chair na nasa gilid ng lamesa habang pinagmamasdan siyang magtrabaho. Ang sarap panoorin ni Mishon habang nagluluto—maayos, malinis at parang may sarili
Ada POVHindi ako makapagsalita. Pakiramdam ko, biglang may sumakal sa lalamunan ko. Hindi dahil sa iyak, kundi sa biglaang buhos ng galit at pagkabigo na nararamdaman ko sa mama ko ngayon. Nanginginig ang kamay ko habang nakatitig sa screen ng phone ni Mishon. Kitang-kita ko ang mukha ni Mama sa video—eleganteng naka-make-up, naka-red dress at mukhang masaya. Hindi lang basta masaya. Kinikilig pa.Hindi ko kilala ang lalaking kasama niya. Mas bata ito sa kanya, siguro nasa late twenties o early thirties. Matangkad, matikas ang katawan at mukhang sanay sa marangyang buhay. Sa video, nakasandal ito sa upuan habang nakangiti, nakikinig kay Mama na tila aliw na aliw sa kuwento niya.At sa dulo ng video, dumating ang bill. Walang pagdadalawang-isip na kinuha ni Mama ang resibo, inilabas ang kanyang credit card at siya ang nagbayad. Ano ‘to, nagpapaka-sugar mommy siya sa binatang iyon? My God, nakakahiya si Mama.Nag-init talaga ang dugo ko. Akala ko napakatino niya pero may ganito palang
Ada POVPagkatapos ng dinner nila, naghiwalay na si Mama at ang lalaking iyon. Hindi ko pa rin alam ang pangalan niya—at hindi ko rin alam kung gusto ko siyang makilala. Ang alam ko lang ay hindi pa rito natatapos ‘to ang lahat. Hindi ko pa puwedeng bitawan ang araw na ito na wala akong nalalaman sa buwisit na kabit ng mama ko. Hindi pa puwedeng matapos ang gabing ‘to nang hindi ko nalalaman kung sino talaga siya.“Tara,” sabi ni Mishon habang mahina lang ang boses. “We follow him.”Tumango ako. ‘Yun din ang gusto kong mangyari. “Yeah. We need to know who he is.”Habang nakasakay pa rin kami sa sasakyan, sinundan namin ang lalaki. Hindi siya nagmamadali, pero halata sa kilos niya na aware siyang may nakatingin sa kanya. Ilang beses siyang palingon-lingon sa paligid, lalo na sa likod niya, na parang tinitingnan kung wala na bang nakasunod.Napakunot-noo si Mishon. “Something’s off.”Tumingin ako sa kanya. “What do you mean?”“He’s too cautious. He’s looking back too often, but not at u
Mishon POVHabang wala pa akong ibang pinagkakaabalahan, sinimulan ko na agad ang plano ko. Hindi ko hahayaang makatakas ang lalaking iyon—si Oliver—na hindi ko pa alam kung anong surname. Pero isang bagay ang sigurado ako. Filipino siya. At mukhang sanay na sanay siyang magpaikot ng mga mayayamang ginang.Sinimulan ko sa pinakamadaling paraan: surveillance. Nag-hire ako ng dalawang tauhan ko para sundan siya palagi. Kahit saan siya magpunta, siguradong may mata akong nakabantay sa kanya. Hindi ko hahayaan na hindi ko malaman ang baho ng lalaking ito.Ginagawa ko ito hindi lang dahil sa galit ko sa kanya, kundi dahil gusto kong tulungan si Ada. Kitang-kita at ramdam ko kasi na sobra siyang na-stress dahil sa nalaman niyang pangangabit ng mama niya.Hindi ko hahayaang masira ang pamilya niya nang dahil lang sa isang manloloko. At kung kinakailangang gibain ko ang mundo ng Oliver na ‘yon para protektahan si Ada, gagawin ko.Sa unang mga araw, walang masyadong kakaiba. Walang permanenten
Mishon POVSi Oliver, ang lalaking kabit ng mama ni Ada ay kasalukuyang nakapulupot sa isang lalaking hindi ko kilala. Ang lalaki ay matangkad, may malapad na balikat at walang suot na pang-itaas. Kitang-kita ang mga muscle nito sa ilalim ng dim na ilaw ng private room. Pero ang higit na nakapagpahinto ng paghinga ko ay ang paraan ng pagtingin nila sa isa’t isa—parang may isang lihim na mundo sila na hindi puwedeng pakialaman ng iba. Wala rin silang pake kahit nandito ako sa loob at nagse-serve ng alak. Siguro ay matagal na nila itong ginagawa kaya hindi na sila nahihiya.Parang bumagal ang oras habang pinagmamasdan ko sila habang kunyari ay inaayos ko ang mga alak at pagkain sa lamesa. Halos dumikit si Oliver sa katawan ng lalaki at kita kong nakangiti siya habang binubulongan ito. Ang isang kamay niya ay dumadausdos sa dibdib ng lalaki, at ang kabila naman ay nakapulupot sa leeg nito.Hindi nagtagal ay pinasok na ni Oliver ang kamay niya sa loob ng zipper ng pantalon ng lalaki.“Ugh
Ada POVIto ang klase ng event na hindi basta-basta matutunghayan ng kung sino lang. Isang grand opening ng pinakamahal at pinakaprestihiyosong luxury hotel sa Paris—isang landmark na tinaguriang The Crown Jewel of Parisian Luxury.At isa ako sa mga VIP guest. Pagdating ko sa venue, bumungad agad sa akin ang nakasisilaw na mga ilaw mula sa media. Ang buong lugar ay puno ng red carpet, mamahaling floral arrangements at isang golden chandelier sa mismong entrance. Sa bawat paglalakad ko, naririnig ko ang pag-click ng mga camera. Mga litratistang nagmamadaling makuha ang perpektong anggulo ng mga gaya kong big star na.I was wearing a custom Versace gown—deep red, elegant and sculpted perfectly to my figure. Sa bawat paggalaw ko, ang tela ay parang dumadaloy na tubig sa aking katawan. Classic. Timeless. Unforgettable.“Miss Ada! Look here!”“Ada, how does it feel to be invited as one of the top international models for this event?”“Who designed your gown tonight?”I smiled slightly, jus
Ada POVTahimik ang buong mansiyon nang magising ako kinabukasan. Walang ingay ng mga hakbang ng papa ko na kadalasan ay napakaingay talaga kapag gagayak. Wala ring malakas na boses ni Verena sa hallway kapag naghahanap ng mga gamit niya na nawawala. Ngayong umaga, kami lang ng mama ko ang nandito.Pagkalabas ko ng kuwarto, sinalubong ako ng sikat ng araw mula sa malalawak na bintana ng mansiyon namin. Ang amoy ng mamahaling kape at tinapay ay umaalingasaw mula sa dining area. Nakagayak na pala agad ‘yung inutos ko sa kasambahay namin na kape ko.Nang makita ako ng mama ko, agad siyang ngumiti, pagbaba ko sa hagdan.“Good morning, anak.” Nilapag niya ang tasa ng kape sa lamesa sa living area. “You were stunning last night.”Nasa mood ang magaling kong mama kasi nabigyan ko siya ng pera na sure akong binigay niya lang sa lintek na Oliver na iyon.Umupo ako sa tapat niya at kinuha ang baso ng orange juice. “Thank you. The event was amazing.”Napangiti siya habang tumutuloy sa pagsandok
Mishon POVNapasandal ako sa leather seat ng aking study habang nakatitig sa screen ng tablet. May ilang minuto na akong nagbabasa ng mga bagong updates mula sa team ko tungkol sa galaw ni Oliver, pero sa totoo lang, parang naubos na ang energy ko sa kakaisip tungkol sa lalaking iyon.Para bang ang buong mundo namin ni Ada ay umiikot na lang sa pagpapabagsak sa kaniya. Hindi ako nagrereklamo, syempre. Gusto kong matikman ni Oliver ang karma sa ginagawa niyang panloloko, lalo na sa mama ni Ada na inuto niya. Sa totoo lang, natatangahan din ako sa mama ni Ada. Nadamay lang talaga si Ada at ang perang pinaghihirapan niya.Pero habang tumatagal, parang unti-unting nawawala ang oras ko kasama si Ada bilang girlfriend ko na siya—at hindi lang bilang kakampi niya sa paghihiganti.Kaya ngayong gabi, napagpasyahan kong iba muna ang atupagin namin. A night for just the two of us. No revenge. No schemes. No Oliver. Just us.“Are you seriously making me wear this?” reklamo ni Ada habang tinitingn
Miro POVIto ‘yung ayoko, stress na may kasamang gigil at takot. Pagdating namin sa tapat ng mansiyon kung saan naroon sina Mama Ada at ang kapatid kong si Ahva, halos sabay kaming bumaba ni Samira sa van. Kasunod din ang iba kong mga soldiers.“No more warnings,” mariing sabi ko habang tinitingnan ang paligid. “Take them all down.”Tumango si Samira. “Let’s end this quickly.”Hindi na kami nag-aksaya ng oras. Bago pa man makalapit sa pintuan ng mansiyon, sumalubong na sa amin ang mga putok ng baril. Ang mga tauhan ni Vic, halatang sanay at mabagsik. Pero mas sanay kami, iyon ang dapat kong isipin. Mas determinado dapat kami kaya nag-focus akong mabuti sa mga naging training ko sa kamay ng mga tito ko.Nag-slide kapagdaka si Samira sa likod ng isang sementadong harang habang binunot ang dalawang baril mula sa thigh holsters niya. Sabay niyang pinutukan ang dalawang kalaban na sumisilip mula sa likod ng van.Bang! Bang!Tumama ang bala sa helmet ng isa, sapul ang mukha. ‘Yung isa, sa d
Samira POVPagkatapos ng putukan, halos hindi pa rin humuhupa ang kaba sa dibdib ko. Habang sakay kami sa bulletproof van, mahigpit kong hinawakan ang kamay ni Manang Cora habang nakahiga siya sa stretcher. May mga balot na ng gasa ang balikat niya pero kitang-kita pa rin ang patak ng dugo na hindi mapigil. Ang mga mata niya, nakapikit at masyado nang maputla. Tahimik lang siya, humihinga ng mababaw. Sa tabi niya, nakaupo si Miro, hawak ang cellphone at panay ang utos sa mga tauhan niya.Nandito na rin sina Tito Zuko, Tito Sorin at Tito Eryz, sila na ang nasa harap ng van, isa sa kanila ang driver.“Make sure the area is clear. Double the guards until further notice,” utos ni Miro habang seryoso ang ekspresyon ng mukha.Habang umaandar ang van papuntang ospital, tinignan ko ang iba pang mga manang na kasama namin sa loob. Tahimik lang silang lahat. Si Manang Luz, nakapikit at tila nagdarasal. Si Manang Luciana, panay ang himas sa palad ni Manang Percy na hindi pa rin makapaniwalang ga
Miro POVKanina pa ako nakatanggap ng report mula sa isa kong soldier. Tumawag siya direkta sa secure line, at sa tono pa lang ng boses niya, alam ko nang hindi ito simpleng ulat lang.“Boss, may dalawang motor at isang van na pabalik-balik sa harap ng mansion. Same plate numbers, same route. Parang minamanmanan ang mansiyon ng mga manang,” sabi niya habang ang boses at klarong nasa ilalim ng tumutubong tensyon. Sila, hindi basta-basta magre-report kung hindi sila siguradong banta ito sa buhay ng mga manang.Hindi na ako nag-aksaya ng oras.“Send reinforcement. Double the guards. I want snipers on the roof and checkpoints within a kilometer radius. Now.”Kaagad akong tumayo mula sa leather chair ko sa opisina. Tinawagan ko rin agad si Samira.“Something’s wrong,” sabi ko ng diretsyo sa kaniya. Bawal maglihim, magagalit siya kaya kahit mag-panic siya, mas okay kasi ang mahalaga, alam niya agad ang nangyayari. “We need to go there. Now.”Hindi na ako nagtaka sa sagot niya.“I’m coming w
Samira POVIsang malakas na katok sa pinto ang gumising sa akin.“Samira! Samira!” boses iyon ni Miro na kanina pa pala gising kasi ako na lang ang natira dito sa kuwarto namin.Napabangon tuloy agad ako. Sa boses pa lang kung paano niya ako tawagin, kinabahan na rin talaga ako. Binuksan ko ang pinto at sinalubong ako ng seryosong tingin ni Miro.“Two of the manangs are missing,” mabilis niyang sabi. “Manang Percy and Manang Cora. They’re gone.”Nanlaki ang mga mata ko. “What do you mean gone?” tanong ko habang mabilis na sinusundan siya pababa ng hagdan.“This morning, hindi sila nakita sa kuwarto nila. Manang Luciana said they were last seen last night, pero ngayong umaga ay nawala na sila sa mansiyon.”Pakiramdam ko ay biglang sumakit ang ulo ko. Dalawang matatanda pa talaga ang nalawa. Hindi pa naman sila puwedeng lumabas ng mansiyon dahil delikado.Mabilis kaming sumakay sa sasakyan ni Miro at saka tumuloy sa lumang mansiyon kung saan pansamantalang nakatira ang mga manang.**Pa
Samira POVPagbalik namin ni Ramil sa loob ng mansiyon, napansin kong lalong tumindi ang seguridad. May mga bagong CCTV cameras na naka-install sa bawat sulok, mga guard na may earpiece at mga patrol vehicles na umiikot sa perimeter.Sinulyapan ako ni Ramil at ngumiti ng payapa.“I see Miro’s already tightening the defenses,” sabi niya.“He’s taking no chances,” sagot ko, proud sa fiance ko.Tumayo kami sa malawak na hallway, sa ilalim ng grand chandelier. Ang saya sana kung ang pinaghahandaan ngayon ay ang kasal namin ni Miro, hindi ang nalalapit o darating na malaking labanan na naman.“You need to be ready for anything,” Ramil said.“I am,” sagot ko habang ramdam ko ang apoy sa loob ng puso at katawan ko.He chuckled slightly. “You sound like a soldier.”I smiled. “Maybe I am now.” una palang naman kasi ay parang sundalo na ako. Sa mga nangyaring training ko kina Tito Sorin, Tito Zuko at Tito Eryx, para na akong sundalong atat na atat maging malakas.Humakbang siya palapit sa akin
Samira POVMainit na ang sikat ng araw nang lumabas ako ng mansiyon. Kasalukuyan akong may hawak na malamig na lemonade habang pinagmamasdan si Ramil na naglalakad sa hardin. Malayo na talaga ang narating niya mula noong iligtas siya nila Miro mula sa pagtatago sa masukal na gubat na iyon. Ngayon, nagkakalaman na ang pisngi niya at kahit medyo mabagal pa ang kilos niya, ramdam mo ang unti-unting pagbabalik ng lakas sa kaniyang katawan.Lumapit ako sa kaniya, sabay abot ng isang tuwalya para pamunas ng pawis niya.“You’re doing great,” sabi ko.Ngumiti si Ramil, kinuha ang tuwalya at pinunasan ang leeg niya. “Thank you, Samira!” sagot niya na medyo paos pa rin ang boses. Nitong nagdaang araw kasi ay nilagnat pa siya.Naglakad kami ng mabagal sa gilid ng hardin, kung saan may mga anino ng puno na nagbibigay ng kaunting lamig sa paligid. Habang naglalakad kami, napansin ko ang seryosong ekspresyon sa mukha ni Ramil.“Is something bothering you?” tanong ko.Huminto siya sandali, tumingin
Samira POVTahimik ang gabing iyon. Pero hindi pa ako makatulog.Nakahiga na rin si Miro sa kama, nakapikit pero alam kong gising pa siya. Marahan akong bumangon mula sa kama at naupo sa gilid. Nakita kong napadilat siya nang maramdaman ako“Bakit bumangon ka pa?” mahinang tanong ni Miro.Huminga ako nang malalim bago lumingon sa kaniya. “Miro,” bulong ko, “can we talk?”Umupo siya na parang nag-aalala. “Of course. What’s wrong?”Lumapit ako sa kaniya at hinawakan ang kamay niya. Tinitigan ko siya, siniguradong mararamdaman niya kung gaano kaseryoso ang sasabihin ko sa kaniya.“I want to build a secret hideout,” sabi ko na halos bulong ulit. “Underground. Just for the manangs. A place only we know about. Somewhere safe… in case Vic targets them.”Hindi siya nagsalita agad. Tinitigan lang niya ako habang tahimik na nag-iisip. Ilang saglit pa, ngumiti siya at walang alinlangang tumango.‘Let’s do it,” sagot niya. “Whatever you need, love. I’ll make it happen.”Nang marinig ko ‘yon, para
Samira POVNasa loob ako ng kuwarto ni Ramil ngayon. Busy sina Miro ngayon, kami lang nila Mama Ada at Ahva ang naiwan dito sa manisyon. Naisip ko naman na puntahan si Ramil kaya dinalhan ko siya ng pagkain—isang tray na may sinigang na baboy, kanin, at manggang hilaw na may bagoong.“You need to eat more,” sabi ko habang iniaabot ko sa kaniya ang tray. “You need strength, Ramil. Hindi ka puwedeng injury na lang habang buhay. Ikaw na ang nagsabi, kailangan nating maghanda kaya magpalakas ka rin.”Ngumiti lang siya sa akin. “Salamat, Samira. Huwag kang mag-alala, ito na, nagpapagaling at nagpapalakas na ako. Baka sa susunod na linggo, makalakad na ulit ako.”Habang kumakain na siya, pinagmamasdan ko lang siya, napansin ko, tila may gusto siyang itanong pero hindi niya agad masabi. Hanggang sa maya-maya'y nagsalita rin siya.“Ang mga manang pala, kumusta na sila?” tanong niya habang nakasandal sa mga unan.Napatingin ako sa kaniya. Biglang lumabas ang ngiti sa mga labi ko. Hindi pa nga
Miro POVPagkapasok namin sa mansiyon, agad kong tinapik ang balikat ni Ramil bilang hudyat na sa wakas ay nandito na kami, tuluyan na namin siyang nauwi. May lumabas na bahagyang ngiti sa labi niya, pero habang naglalakad at inaalalaya siya ng mga tito ko, hindi niya maitago ang pagngiwi ng mukha, halatang nasasaktan siya.Lumapit agad si Ahva at Mama Ada para salubungin siya. Lahat kami, may saya sa pagdating niya, pero may bigat din sa dibdib naming makita siyang halos ‘di na makalakad ng maayos.“Prepare his room,” utos ko sa isa sa mga tauhan. “Make sure it’s comfortable. Ramil needs full rest.”Nagkatinginan kami ni Samira. Ramdam ko ang lungkot sa mga mata niya. Alam naming hindi madali ang pinagdaanan ni Ramil. Kaya naman agad kong tinawagan si Dr. Elson, ang private doctor namin.“Ramil, the doctor will be here in ten minutes,” sabi ko sa kaniya habang inaakay siya papunta sa inihandang kuwarto para sa kaniya.“Thanks, Miro. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin kung ‘d