LOGIN"Pabigat ka Maya! Kinuha na ng bangko ang bahay na ito at ginamit ko na ang savings natin para sa bagong condo ni Chloe. Lumayas ka na!" Itinapon ako ng asawa ko sa gitna ng malakas na ulan pinalitan ng sarili kong best friend at iniwang walang wala habang nag aagaw buhay ang nanay ko sa ospital. I thought my life was completely over. Handa na sana akong sumuko. Hanggang sa huminto ang isang itim na Rolls Royce sa harap ko at bumaba ang lalaking magbabago ng buong mundo ko. "I need a wife to inherit my empire. You need money and a reason to live. Marry me and I will give you the power to crush everyone who put you in the mud. Deal?" Maya gave everything to her husband Anton only to be betrayed in the most painful way possible. Walang pera walang bahay at kailangang magbayad ng dalawang milyong piso para sa hospital bill ng kanyang ina. Naiwan siyang nag iisa sa madilim na kalsada. n Enter Heinrich Feldway. A cold ruthless and devastatingly handsome billionaire who rarely speaks but commands absolute power. Inalok niya si Maya ng isang marriage contract. Babayaran niya ang ospital at bibigyan niya ito ng yaman para maghiganti. Ang kapalit? Kailangan nitong magpanggap na tunay niyang asawa magbigay ng tagapagmana at sumunod sa nag iisang mahigpit na rule nila. Mandatory physical contact. Now Maya is back. Hindi na siya ang kaawa awang asawa na madaling tapakan. With the most powerful billionaire strictly holding her waist she is ready to make her ex husband and her traitor best friend beg on their knees. She is ready to become the queen of his dark empire. Pero paano kung sa kalagitnaan ay silay magkahulugan. Can they live up to it?
View More"Miss Maya, aabot na po sa dalawang milyong piso ang accumulated bill ng mommy ninyo. Kung hindi po kayo makakapag settle kahit man lang kalahati ngayong linggo, the hospital administration will be forced to cut off the life support. Wala na po kaming magagawa."
Paulit ulit na nag eecho sa utak ko ang sinabi ng babae sa billing department. Parang may napakabigat na bato na nakadagan sa dibdib ko habang naglalakad ako sa mahaba at malamig na hallway ng ospital. Amoy gamot. Amoy kamatayan. Nanghihina ang mga tuhod ko pero pinilit kong hakbangin ang bigat ng buong mundo. My vision is blurry from crying but I have to be strong.
Silip ko sa glass window ng ICU ang nanay ko. She looks so pale and fragile. Napakaraming tubo ang nakakabit sa katawan niya just to keep her breathing. Siya na lang ang meron ako sa mundong ito. She is the only family I have left ever since my father passed away. At ngayon, nag aagaw buhay siya dahil sa isang hit and run accident na hanggang ngayon ay hindi pa rin nabibigyan ng hustisya ng mga pulis.
Napahagulgol ako nang tahimik habang nakadikit ang palad ko sa malamig na salamin ng ICU. "Ma, lumaban ka naman please. Wag mo muna akong iwan. I will find a way. Gagawa ako ng paraan para mabuhay ka. Pangako ko yan sayo."
I aggressively wiped my tears away gamit ang nanginginig kong mga kamay. Kailangan kong maging matatag. Hindi pa katapusan ng mundo. May asawa ako. Nandiyan si Anton. Si Anton na tatlong taon ko nang kasama sa iisang bubong. The man who promised in front of the altar na sasamahan niya ako for better or for worse. Alam kong hindi niya ako pababayaan sa panahong pinakakailangan ko siya. May naiwan pa kaming ipon sa aming joint bank account na pinaghirapan namin pareho for our future. We can also mortgage our house kung kinakailangan. Gagawin ko ang lahat.
Kinuha ko ang cellphone ko sa loob ng bag para tawagan siya pero out of reach ang number niya. I tried dialing it five more times pero wala pa rin. Baka nasa important meeting lang siya sa opisina niya. Nagpasya akong umuwi na muna sa bahay namin para salubungin siya at makausap nang masinsinan about our financial crisis.
Bumuhos ang isang napakalakas na ulan habang nasa byahe ako pauwi. It feels like the heavens are crying with me. Nakikiramay sa nararamdaman kong matinding pighati. Pagbaba ko ng taxi ay basang basa na ang buong katawan ko nang tumakbo ako papasok sa gate ng bahay namin. Nanginginig ako sa lamig pero mas nangingibabaw ang kaba at pag asang tutulungan ako ng asawa ko.
Pero pagtapak ko pa lang sa living room, I sensed that something was terribly wrong.
Napakatahimik ng buong bahay pero bukas ang dim lights. May dalawang wine glass sa ibabaw ng aming glass center table. At ang mas nagpakaba sa akin ay ang mga nakakalat na pulang high heels sa sahig. My heart literally dropped. Mga sapatos na pamilyar na pamilyar sa paningin ko. Pamilyar dahil ako mismo ang sumama kay Chloe nang bilhin niya iyon sa isang luxury store last month. Si Chloe. My ultimate best friend since college. Ang babaeng naging sandalan ko rin nitong mga nakaraang linggo. She is the one always sending me food and comforting me habang umiiyak ako sa ospital.
Bakit nandito ang sapatos niya?
Kinabahan ako nang sobra. Parang may malamig na yelo na gumapang sa gulugod ko pababa sa aking mga paa. I tried to convince myself na baka dumaan lang siya para i comfort sana ako tapos inabutan siya ng ulan. Baka nagkwentuhan lang sila ni Anton sa baba. But my gut feeling is screaming loudly.
Dahan dahan kong inakyat ang hagdan patungo sa master bedroom namin. Bawat hakbang ko ay parang may punyal na tumutusok sa aking dibdib. Narinig ko ang mahihinang ungol mula sa itaas. Mga boses na nagtatawanan. Flirtatious giggles. Mga tunog na literal na dumurog sa kaluluwa ko into tiny pieces.
Nakabukas nang kaunti ang pinto ng kwarto namin. At doon sa mismong kama kung saan kami nangako ni Anton na magmamahalan habambuhay. Nakita ko silang dalawa.
Walang mga saplot. Naghahalikan nang buong init. Nagtatawanan na parang walang asawang nagdurusa at nagmamakaawa sa loob ng ospital.
"Anton," nanghihina kong tawag. Halos hindi lumabas ang boses ko sa sobrang paninikip ng dibdib ko pero sapat na iyon para matigilan silang dalawa sa ginagawa nila.
Napasinghap si Chloe at mabilis na hinila ang puting kumot para takpan ang katawan niya. Pero wala man lang bakas ng gulat o takot sa kanyang mukha. Sa halip ay may namumuong demonyong ngisi sa kanyang mga labi.
Si Anton na mismong asawa ko ay bumangon lang nang dahan dahan at walang emosyong nagsuot ng kanyang boxer shorts. Hindi siya nag panic. Hindi siya humingi ng tawad. Tiningnan niya lang ako gamit ang mga matang kasing lamig ng yelo.
"What the hell are you doing?" sigaw ko habang tuluyan nang bumuhos ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Pumasok ako sa kwarto at buong lakas na pinagsusuntok ang dibdib ni Anton. "Hayop ka! Asawa mo ako Anton! At ikaw Chloe? Best friend kita! Pinagkatiwalaan ko kayong dalawa tapos ganito ang gagawin niyo sa akin sa sarili kong bahay?"
Walang kahirap hirap na hinuli ni Anton ang mga pulso ko at itinulak ako nang napakalakas. Napasalampak ako sa matigas na sahig. Tumama ang siko ko sa gilid ng bedside table pero mas masakit ang nararamdaman ng puso ko. I am completely shattered.
"Tumigil ka nga Maya! Nakakabingi yang bunganga mo!" sigaw ni Anton na bakas ang pandidiri sa kanyang mukha habang nakatingin sa akin mula ulo hanggang paa. "Mabuti na ring nakita mo kami. Para matapos na itong kalokohan na ito."
"Anong matapos? Anton please I need your help. Ang nanay ko mamamatay na siya kapag hindi tayo nakapagbayad sa ospital ngayon linggo!" pagmamakaawa ko. Ibinaba ko ang lahat ng pride ko. Gumapang ako palapit sa kanya at hinawakan ang kanyang paa. Wala na akong pakialam kahit mukha akong basahan. Buhay ng nanay ko ang nakasalalay. "Yung savings natin. Yung bahay na ito. Please Anton tulungan mo naman ako."
Isang napakalutong na tawa ang narinig ko mula kay Chloe. Umupo siya sa gilid ng kama at nag cross legs habang pinagmamasdan akong nagdurusa. "Savings? Oh poor Maya. Wala na kayong savings. Ginamit na ni Anton para ibili ako ng bagong condo and a brand new car. Ayaw niya na raw kasi sa bahay na ito. It smells like hospital and depression daw."
Parang bombang sumabog sa harap ko ang sinabi ng best friend ko. Nanlaki ang mga mata kong tumingin kay Anton naghihintay na pabulaanan niya ito.
"Totoo ba Anton? Pera natin iyon! Pera ko iyon para sa future natin!" sigaw ko na pilit bumabangon mula sa sahig.
"Pera ko iyon Maya! Ako ang nagtatrabaho dahil ikaw puro ka bantay sa inutil mong nanay!" malamig na sagot ni Anton. "Sawang sawa na ako sa iyo alam mo ba iyon? Pabigat ka! Pabigat ang nanay mo! Ubos na ang pasensya ko sa pagbubuhat ng mga problema mo. I had enough of your burdens Maya. Hindi ako nag asawa para lang maging charity ward ninyo!"
"Kaya pinalitan mo ako? Sa best friend ko pa na nagpapanggap na mabait sa akin?"
Lumapit si Anton kay Chloe at hinalikan ito sa pisngi right in front of my face. "Si Chloe masaya siyang kasama. She is way more fun and she has ambition. Buhay na buhay siya. Eh ikaw? Tignan mo nga ang sarili mo sa salamin Maya. Mukha kang bangkay. Wala ka nang ibang dinala sa buhay ko kundi kamalasan at puro gastusin."
"Lumayas ka na sa pamamahay na ito," dagdag pa ni Anton na parang nandidiri sa presensya ko. "Kinuha na ng bangko ang bahay na ito dahil hindi na ako nagbayad ng mortgage. May bago na kaming titirhan ni Chloe simula bukas. Maiwan ka na sa mga problema mo. You are on your own now."
Bago pa ako makapagsalita ay kinaladkad na ako ni Anton pababa ng hagdan. Nagpupumiglas ako at umiiyak. Nagmamakaawa ako nang buong puso. Pero tinapon niya ako palabas ng main door na parang isang basurang walang halaga. Sumunod na itinapon sa mukha ko ang isang maliit na maleta ng mga lumang damit ko.
Sumara ang pinto. Narinig ko ang pag lock nito mula sa loob.
Naiwan akong nakasalampak sa semento. Basang basa sa napakalakas na ulan. Nanginginig ang buong pagkatao ko sa lamig at matinding sakit. Wala akong asawa. Wala akong kaibigan. Wala akong pera. Wala akong bahay. At anumang oras from now ay mawawalan na rin ako ng ina.
Sumigaw ako nang sumigaw sa ilalim ng ulan hanggang sa mapaos ang lalamunan ko. Gusto ko na lang mamatay. Kung puwede lang kainin na ako ng lupa ngayon din ay tatanggapin ko. Wala nang kwenta ang buhay ko. Wala nang natira sa akin kundi puro pasakit at panloloko.
Sa sobrang pagod at pighati ay hindi ko na namalayang naglalakad na pala ako papalabas ng subdivision namin. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Manhid na ang buong katawan ko. Nakayuko lang ako habang binabagtas ang madilim at basa na kalsada. Wala na akong pakialam sa paligid ko.
Isang nakakabulag na liwanag mula sa headlight ng isang sasakyan ang biglang tumama sa aking mga mata. Isang napakalakas na busina ang bumasag sa katahimikan ng gabi.
Bago pa ako makaiwas ay nakarinig ako ng malakas na pagpreno ng gulong sa semento at tuluyan nang bumagsak ang manhid kong katawan sa gitna ng malamig na kalsada.
Chapter 73: The Birth of the HeirAng bawat paghilab ng aking tiyan ay parang isang matalim na palakol na walang awang ibinabagsak sa aking mga buto.Napasigaw ako nang napakalakas isang atungal ng purong pisikal na pagdurusa na umalingawngaw sa madugong kwarto ng ICU. Nakakapit ang aking mga nanginginig na daliri sa malamig na bakal ng hospital bed habang ang aking mga tuhod ay nakalapat sa sahig na basang basa ng sarili kong dugo at panubigan.Wala na akong pakialam sa mga patay na katawan sa paligid ko. Wala na akong pakialam sa amoy ng pulbura at kamatayan na bumabalot sa hangin. Ang tanging mahalaga na lang ngayon ay ang batang pilit na kumakawala mula sa aking sinapupunan. Ang tagapagmana ng imperyo ng mga Feldway ang kaisa isang dugo ng asawa ko ay handa nang harapin ang magulo at madilim na mundo."Tulong" basag at paos na sigaw ko pilit na naghahabol ng hininga habang isa na namang napakalakas na sakit ang bumasag sa aking puson. "Tulungan niyo ako."Wala pang limang seg
Chapter 72: The Absolute WrathAng makapal at kulay berdeng usok ay dahan dahang bumabagsak mula sa malalaking air vents sa itaas ng kisame. Ang amoy nito ay parang nasusunog na kemikal at bulok na metal na mabilis na sumunog sa loob ng aking ilong at lalamunan. Sa unang paglanghap ko pa lang ay naramdaman ko na ang agarang pagkahilo at ang matinding paghapdi ng aking mga mata. Ang military grade na lason na ito ay ginawa para tunawin ang nervous system ng isang tao mula sa loob."Maya wag kang huminga nang malalim" nagpapanic na sigaw ng tatay ko.Mabilis niyang hinubad ang kanyang duguang coat at marahas niya itong itinakip sa aking ilong at bibig. Binalewala niya ang kanyang sarili at ang matinding sakit ng kanyang balikat na may tama ng bala. Ang tanging mahalaga sa kanya ay ang kaligtasan ko at ng batang nasa sinapupunan ko.Nagsimulang umubo ang tatay ko. Isang mabigat at tuyong ubo na naglalabas ng dugo mula sa kanyang bibig. Ang usok ay mabilis na pinupuno ang buong malawa
Chapter 71: The Blood of the KingAng mainit at malagkit na dugo ay marahas na tumalsik sa aking mukha. Isang patak nito ay gumapang pababa sa aking pisngi humahalo sa mga malamig kong luha. Ang nakakabinging ugong ng putok ng baril ay patuloy na nag eecho sa buong opisina pumupunit sa nakakasakal na katahimikan ng paligid.Tumigil ang pag ikot ng buong mundo.Naramdaman ko ang biglaang pagluwag ng malalaki at matitigas na kamay ni Heinrich sa aking leeg. Ang kanyang mga daliri na kanina lang ay handang baliin ang aking lalamunan ay dahan dahang nawalan ng lakas. Ang kumikinang na combat knife na hawak niya ay tuluyan nang nahulog mula sa kanyang palad. Tumama ang malamig na bakal sa sahig at lumikha ng isang matinis na tunog.Nanlaki ang mga madilim na mata ng asawa ko. Ang kanyang purong demonyong galit ay mabilis na napalitan ng isang blangko at nakakapasong gulat. Tinitigan niya ako ngunit hindi na ako ang nakikita niya. Ang kanyang paningin ay nagsimulang manlabo sa matinding
Chapter 70: The King Against The QueenNakatayo ako sa loob ng madilim na surveillance room. Ang aking mga mata ay nakatutok sa malaking monitor habang ang buong katawan ko ay nanlalamig. Pinapanood ko ang bawat galaw ng lalaking matagal kong minahal.Sa loob ng screen nakita ko kung paano binuksan ni Heinrich ang pinto ng kanyang kwarto gamit ang maliit na chip na ibinigay sa kanya ni Maxima.Dahan dahan siyang lumabas sa pasilyo. Ang kanyang puting hospital shirt ay basa ng pawis at ang kanyang mga tahi sa dibdib ay sariwa pa. Ngunit ang kanyang tindig ay hindi nagpapakita ng kahit anong kahinaan. Tumigil ang dalawang gwardiya sa paglalakad at mabilis na nagtaas ng kanilang mga armas nang makita siyang nakalabas.Bago pa man makapagsalita ang mga tauhan ko ay sumugod na si Heinrich.Ang kanyang paggalaw ay napakabilis parang isang anino na sumanib sa hangin. Hinawakan niya ang baril ng unang gwardiya at marahas itong inikot na nagdulot ng malakas na pagkabali ng braso ng lalaki
Chapter 8: The Crimson Queen and The Defiant SnakeAng sikat ng araw ay tila sumasamba sa akin habang dahan dahang humihinto ang itim na Maybach sa mismong tapat ng gusali ng kumpanya ni Anton. The Apex Tech Solutions. Dati itong kaharian ng aking asawa kung saan ako ay palaging nakayuko at nagmam
Chapter 7: The Master of the GameAng tunog ng pagbagsak ng mga papeles ni Anton ay umalingawngaw na parang isang napakalakas na kulog sa loob ng tahimik at napakalaking opisina ni Heinrich. Ang bawat pahina ng kanyang business proposal na pinagpuyatan at inasahan niyang magliligtas sa kanyang pap
Chapter 6: The Queen's PlaygroundAng mainit na sikat ng araw ay dahan dahang tumagos sa malalaking salamin ng penthouse. I gently opened my eyes and the first thing that hit my senses was the rich smell of freshly brewed dark espresso mixed with the expensive masculine scent of sandalwood.Buman
Chapter 5: A Game of ShadowsNaging bingi ang buong paligid ko nang marinig ko ang nanginginig na boses ni Anton. He looked like a miserable man who just saw a ghost rising from the grave. Ang kanyang mga mata ay nagpalipat lipat sa aking mukha pababa sa aking kumikinang na black and gold dress at


















Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.