The Billionaire's Precious Diamond

The Billionaire's Precious Diamond

last updateHuling Na-update : 2025-11-27
By:  BleedingInk29In-update ngayon lang
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Hindi Sapat ang Ratings
16Mga Kabanata
14views
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
I-scan ang code para mabasa sa App

Harrison Cale Ellison - Don Ramon's grandson and the heir of his entire wealth. He is known as a cold-hearted businessman and mercy isn't part of his vocabulary- only power, control, and dominance. He's untouchable.... except when it comes to Psyche. Psyche Azalea Ellison - Don Ramon's adoptive granddaughter. She's a treasured princess of the old man and in a world where Harrison feared nothing...she was his only weakness. How long can they keep running from the truth burning inside them? Harrison - the man who spent years pretending she didn't exist, as if she were nothing but air in his world. And Psyche - the woman who hid in the shadows, too afraid to even meet his gaze, too scared of the storm he carried with him. And what if Psyche's childhood crush, Brent comes back- ready to make her fall in love again? But emotions like theirs...they don't stay buried forever. Eventually, the walls crack. And when they do - everything shatters.

view more

Kabanata 1

Prologue "The Orphanage"

---

ST. JOHN ORPHANAGE

Huminto ang isang Cadillac Escalade sa tapat ng St. John Orphanage. Bumaba mula sa front seat ang isang lalaking nakaputing polo at itim na slacks—malinis, disente, at halatang hindi karaniwang bisita. Sinalubong siya ng isang babaeng may maamong mukha—si Miss Mary, ang tagapangasiwa ng orphanage.

“Good morning, sir,” bati ni Miss Mary na may magalang na ngiti.

Tipid na tumango ang lalaki bago binuksan ang passenger seat.

Mula roon ay dahan-dahang bumaba ang isang may edad na lalaki—suot ang itim na suit, may tungkod sa kaliwang kamay, at aura ng kapangyarihan sa bawat hakbang. Si Don Ramon Ellison, kilalang negosyante at philantropist. Isang sulyap pa lang, halata nang mayaman at may mataas na pinanggalingan.

“Good morning, Don Ramon. Welcome to St. John Orphanage. Isang karangalan po ang inyong pagbisita,” ani Miss Mary, halos nangingiti sa kaba.

“Let’s get down to business. I don’t want to waste time,” malamig na tugon ng Don.

Pinangunahan ni Miss Mary ang Don papunta sa kanyang opisina. Umupo ito nang dahan-dahan, tinulungan ng kanyang assistant, si Roel.

“Did you receive the documents my assistant sent?” tanong ng Don.

“Yes, Don Ramon,” sagot ni Miss Mary.

“Our lawyer will send the hard copy soon. I want everything to be legal—and confidential.”

“Makakaasa po kayo, Don Ramon. Tutuparin namin ang nakasaad sa kasunduan.”

“How is she? Does she know?”

“Wala pa po siyang alam… pero handa na ang lahat,” sagot ni Miss Mary, sabay abot ng isang folder.

“All her information is there. If you have further questions, you may call me.”

Tahimik ang Don habang pinagmamasdan ang dokumento.

“Can I see her?”

Miss Mary opened the blinds. Sa labas, sa hardin, makikita ang mga batang abala—may nagwawalis, may nagdidilig ng halaman.

Ipinaturo ni Miss Mary ang batang may mahabang buhok na nakapulupot sa tirintas, suot ang pulang bestida. Maputi, mahinahon, may malungkot na tingin sa mga mata.

“That’s Psyche Azalea. Tahimik, mabait, pero madalas gustong mapag-isa,” sabi ni Miss Mary.

Tahimik lang na tumango ang Don.

“Roel, handa na ba ang lahat sa bahay?” tanong ni Don Ramon.

“Opo, Don Ramon. Lahat ay nakahanda—maliban kay young master,” tugon ng assistant.

“I’ll be the one to tell him,” matipid na sabi ng Don.

---

SA HARDIN

Matapos magdilig, naupo si Psyche sa lumang bench. Tumabi si Michelle, isa sa mga matagal nang bata sa orphanage.

> “Nakita mo ba ‘yung magarang sasakyan sa harap?” tanong ni Michelle, halos pabulong.

“Hindi,” tipid na sagot ni Psyche, nakatingin sa mga bulaklak.

“Narinig ko sina Miss Letty at Miss Mary—mayaman daw ‘yung bisita. Mag-aampon daw ng isa sa atin!”

“Ganun ba?” malamig na tugon ni Psyche.

“Hindi ka ba excited? Baka ikaw ang mapili!”

“Ayokong umasa. Madaling masaktan kapag umaasa,” sagot ni Psyche.

“Eh ako, umaasa pa rin,” tugon ni Michelle, ngumiti ng mapait. “Matagal na akong nandito, Psy. Gusto ko nang magkaroon ng totoong pamilya.”

Tumakbo ang isang batang lalaki papunta sa kanila, hingal na hingal.

> “Psy! Pinatatawag ka ni Miss Mary—bilisan mo raw!”

“Ako?” turo ni Psyche sa sarili.

“Oo! Bilis!”

Kumaway si Psyche kay Michelle bago sumunod sa batang lalaki, kaba ang nararamdaman. Pagdating sa opisina, pinagbuksan siya ni Miss Mary.

---

PSYCHE’S POV

Pagpasok ko pa lang, biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Nandoon si Miss Mary—seryoso ang mukha, at sa tapat niya, isang matandang lalaki na nakaupo sa sofa, may tungkod, at kasamang lalaki sa likod. Iba ang presensya niya—nakakapanliit.

“Don Ramon, this is Psyche,” pakilala ni Miss Mary.

Sumenyas ang Don, at inalalayan ako ng kanyang assistant papalapit. Nang makalapit ako, marahan niyang hinaplos ang ilang hibla ng buhok ko.

“Don’t be afraid, hija,” mahinahong sabi ng Don. “From this day on, I’ll be your guardian. I’ll take care of you as if you were my own granddaughter.”

“P-po?” halos hindi ako makapaniwala.

“Roel, ihanda ang gamit ng apo ko. Uuwi na tayo.”

“Opo, Don Ramon.”

Wala akong nagawa kundi sumunod. Ilang sandali pa, nasa loob na ako ng magarang sasakyan, katabi ang Don. Tahimik lang ang biyahe—ang tanging naririnig ko ay ugong ng makina at mahina niyang pag-ubo. Hindi ko namalayang nakatulog ako.

---

ELLISON MANSION

Pagmulat ko, nasa isang malawak at marangyang silid na ako. Makinis ang kumot, malambot ang kama, at mabango ang paligid. Sa gilid, may dalawang babaeng naka-uniporme.

“Magandang gabi, señorita,” bati ng isa. “Ako si Manang Elena, ang mayordoma. Ito naman si Melai, personal maid mo.”

“Gabi na?” tanong ko, bahagyang nagulat.

“Opo. Nakatulog daw kayo sa biyahe. Bilin ng Don—hayaan daw kayong magpahinga. Kapag gising na, bumaba raw kayo sa dining room.”

---

SA HAPUNAN

Pagdating ko sa dining area, nakita ko agad si Don Ramon sa dulo ng mahabang lamesa. Tumayo ang mga katulong nang pumasok ako.

“Magandang gabi po. Pasensya na po kung natagalan ako,” mahina kong sabi.

“Walang problema, hija,” ngiti ng Don. “Masasanay ka rin sa lugar na ‘to.”

Umupo ako sa kaliwa niya, at naglagay si Melai ng pagkain sa plato ko. Bigla na lang bumukas ang pinto—isang binatang naka-school uniform ang pumasok, seryoso ang tingin.

“Nag-ampon ka raw ng bata, Lolo?” tanong niya, malamig at diretso.

“Maupo ka muna, hijo,” sabi ng Don, kalmado pa rin.

“Magandang gabi, Señorito Harrison,” bati ng mga katulong.

Tumaas lang ang kilay ng binata, pero umupo rin.

“Mag-uusap tayo mamaya, Harrison Cale,” sabi ng Don, habang kumukuha ng gulay.

“We must, Lolo,” tugon ng binata, malamig ngunit magalang.

---

GARDEN OF ELLISON MANSION

Pagkatapos ng hapunan, nasa hardin ako—tahimik, malamig, at puno ng bituin ang langit. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o matakot. Baka bigla nila akong ibalik sa orphanage.

Nakatulog ako sa lounge chair—hanggang sa maramdaman kong may nakatingin. Pagmulat ko, nandoon siya—ang apo ng Don. Matangos ang ilong, matalim ang mga mata, pero maganda ang tindig.

“Sorry po!” mabilis akong tumayo.

“Cut the ‘po,’” sabi niya, malamig pero hindi bastos. “I’m only sixteen. Ilang taon ka na?”

“Eight,” sagot ko, mahina ang boses.

“In front of Lolo, call me kuya. Pero kapag tayong dalawa lang, Harrison lang. Understood?”

“O-okay… Harrison.”

“Good. Starting today, you’ll be Psyche Azalea Walton Ellison. My only sibling.”

“Thank you, Harrison.”

“Pumasok ka na. Malamig na, baka sipunin ka pa,” sabi niya, sabay ngiti.

Tahimik akong tumalikod papasok sa mansion. Napangiti si Harrison habang pinagmamasdan akong lumalakad—ang batang tila biglang nagdala ng kakaibang liwanag sa malamig na tahanan ng mga Ellison.

---

Palawakin
Susunod na Kabanata
I-download

Pinakabagong kabanata

Higit pang Kabanata

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Walang Komento
16 Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status