Hi, Guys. Annouce ko lang po, may new story po pala ako. Check niyo po ang For Rent: Groom For The Billionaire. Daily update po siya, sana suportahan niyo rin po sina Zain, Tahlia at Axton. Maraming salamat po.
Ada POVHindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Napapikit ako at saglit na hinigpitan ang hawak sa phone.Mabilis ang tibok ng puso ko habang isa-isa kong binubuksan ang viral pictures ni Mishon.Mainit sa tenga ko ang ingay ng mga kaibigan ko sa paligid.Pero wala akong pakialam. Lahat ng atensyon ko, nasa screen ng phone ko.Tatlong picture ‘yun ni Mishon. Tatlong nakakalokang larawan ni Mishon.Basang buhok. Pawis na balat. Defined muscles.At isang tingin ko pa lang, alam mong walang dudang pinagkaguluhan ito sa social media.Sa comment section, nagkakagulo ang mga tao. May mga babaeng malalandi. Sila ang pinakamaraming nag-react sa post ni Mishon.“He’s so hot!!!”“I need a Mishon in my life!!!”“Ada, you’re so lucky!! Your man is a god!!”Pero may mga comments din na, napakunot ang noo ko.“Damn, I wanna taste him.”“I’ll fly to South Korea just to see him.”“If Ada won’t marry him, I will!!”My grip tightened on my phone. Napipikon ako. Hindi ko alam kung kanino ako naiinis—k
Ada POVNakahiga ako sa kama habang mahigpit na nakayakap sa unan ko, patuloy ang paghagulgol.Hindi ko alam kung gaano katagal na akong umiiyak. Nanghina na lang ako, pero kahit anong pilit kong pigilan, hindi humihinto ang luha ko.Hanggang sa biglang ko na lang narinig na bumukas ang pinto ng kuwarto ko.At bago ko pa maitaas ang ulo ko, naramdaman ko ang mainit na yakap nina Lili at Ardella.“Shh… it’s okay, Ada,” bulong ni Lili habang hinihimas ang likod ko.“Just let it out,” sabi naman ni Ardella.Pero si Sozia—hindi siya lumapit.Nang tumingin ako sa kanya, nasa may pintuan lang siya, nakapamewang at bakas sa mukha niya ang inis.At alam kong… deserve ko ‘yun."He gave up on me."“I messed up,” bulong ko ng mahina pero damang-dama ko ang sakit sa bawat salita.Lili tightened her hold on me. “Ada—”“He gave up on me,” putol ko.Nanginginig ang boses ko, parang mababasag ako sa bigat ng sinasabi ko.“I ended it. I pushed him away, and now… he’s gone.”Dama ko ang pagluwag ng yak
Ada POVNakatulala lang ako sa pinggan ko habang nilalaro ang natitirang pagkain gamit ang kutsara.Pilit kong inuubos ang hapunan ko, pero sa totoo lang, wala na akong gana.Hindi dahil sa heartbreak—well, siguro malaking parte ‘yon, pero siguro dahil mas may dahilan ito sa isang bagay na bumabagabag sa isip ko.At si Sozia iyon.Sa makalawa o bukas, malapit na akong umalis ng South Korea, pero hindi ko kayang umalis nang hindi siya kinakausap.Ayokong umalis nang hindi kami nagkakaayos.Pagkatapos ng hapunan, bumalik ako sa kuwarto ko. Pero hindi ako nanatili roon.Dahil ilang minuto lang ang lumipas, lumabas din ako para puntahan si Sozia.Huminga ako nang malalim bago kumatok sa pintuan niya.“Come in,” sagot niya pero halatang wala siyang gana.Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at pagpasok ko, nakita ko siyang nakahiga na sa kama.Gising siya—halatang hindi pa natutulog—pero nakapikit siya, tila ba nagkukunwaring tulog.Pero hindi ako nagpatinag."I'm sorry."“Sozia…” tawag ko
Mishon POV Hawak ko ang phone ko, tinitingnan ang huling message na ipinadala ko kay Ada. Sa totoo lang, kahit ako, nasaktan sa pagsusulat niyon. Pero plano ito ni Sozia. Sinabi niya sa akin na kailangan kong umarte na galit para gumalaw si Ada, para ma-realize niya kung ano ang mawawala sa kanya. At alam kong totoo 'yon. Kung hindi ko siya itutulak palayo, baka tuluyan na lang siyang sumuko. At hindi ako papayag na mangyari 'yon. Kaya ngayong umaga, alam kong paparating na sila. Sina Sozia, Ardella, Lili… at si Ada. Habang naghihintay, paulit-ulit kong kinusot ang mata ko, pilit na pinaluluha ang sarili ko. Dapat may bakas ng lungkot, ng sakit, kailangan nilang makita na apektado ako sa nangyari. At totoo naman. Masakit naman talaga. Pero ngayon, may kaunting pag-asa akong nararamdaman. Dahil kahit na masakit ang nangyari, kahit na muntik nang bumalik si Ada sa Paris, andito siya ngayon. Papunta siya sa akin. At may tiwala ako kay Sozia, alam kong gagawin niya ang lahat p
Ada POVPagkatapos naming magkaayos, back to normal na ulit kami ni Mishon. Yehey, kami na ulit at magkabati na kami.Nang magkaayos na kami, pinabura ko na agad kay Mishon ang hot post niya sa social media na halos abutin ng million reaction. Kaasar kasi lalo siyang naging famous dahil sa post niyang iyon.Pinagsabihan ko siya na huwag nang ulitin iyon, pero pinagsabihan niya rin ako na huwag na ring uulitin ang pagiging mataas ang pride, matigas ang ulo at pagpo-post ng picture na may kasama akong iba.Pareho kaming nagkasundo na sundin ang mga ayaw at gusto namin.Pagkatapos, nag-bonding-bonding na kami kasama ng mga kaibigan ko.“Damn, Mishon, are you a prince or something?” pabirong sabi ni Lili habang pinagmamasdan ang paligid.Si Ardella naman, panay ang picture, habang si Sozia, kahit mukhang composed na halatang impressed din.Ako? Mas namangha ako. Hindi dahil lang sa yaman ni Mishon. Pero dahil nandito ako ngayon, kasama siya.Sa totoo lang, nawala na ‘yung bigat sa puso ko
Mishon POVPagkapasok namin sa kuwarto, hindi ko maiwasang mapangiti habang nakatingin kay Ada. Nakapangalumbaba siya sa kama, nakatingin sa akin na para bang may gustong sabihin. Pero bago ko pa siya matanong, gumapang siya palapit sa akin at yumakap sa bewang ko."Are you sure about this?" tanong ko habang marahang hinahaplos ang kanyang buhok. Baka kasi gusto na niyang matulog at inaantok na.She nodded eagerly, her eyes filled with warmth. "Of course. I miss this... I miss you."Wala na akong nasabi pa. Yumuko ako at hinalikan siya, binuhat ko siya upang ihiga sa kama, ngunit sa isang iglap, biglang nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya."Mishon..." bulong niya at bago pa siya tuluyang mawalan ng malay, nakita ko kung paano umiikot ang kanyang paningin. Buti na lang at nasalo ko siya bago siya bumagsak sa sahig."Ada!" sigaw ko habang nanginginig ang kamay ko habang sinasapo ang kanyang mukha. Hindi siya sumasagot. "Somebody, help!"Agad kong tinawag ang driver namin. Hindi ko na n
Ada POVPagkarating namin sa mansyon ni Mishon, halos hindi pa rin ako makapaniwala. Tulala akong nakaupo sa gilid ng kama, hawak-hawak ang aking tiyan.Totoo ba ito?Buntis ako?Grabe talaga, kaya pala ibang-iba ang timpla ng utak ko nitong mga nagdaang linggo. Masyado akong manipis, mabilis magtampo at mabilis ding magalit.Akala ko rin ay dahil sa kakakain ko ng pizza kaya parang nalaki ng kaunti ang tiyan ko, iyon pala ay may baby nang nabuo. OMG! Isa itong malaking balita sa mundo ng mga fashion model.**Kinabukasan, hindi ko na pinatagal. Agad kong pinaalam kina Lili, Ardella, at Zosia ang balita."Guys, I have something to tell you," sabi ko habang ka-video call sila.Napatingin silang tatlo sa akin na halatang curious kung ano ang sasabihin ko."I'm pregnant," diretsong sabi ko.Nanlaki ang mga mata nila."Oh my God, Ada! Are you serious?" sigaw ni Lili."Yes! One month pregrant!" sagot ko na habang nakangiti sa kanila. At ngayon palang, alam ko na agad na lahat sila ay magni
Ada POVNagising ako ng madaling araw na may matinding hilo at parang may kung anong bumabaliktad sa sikmura ko. Hindi ko na kinaya at agad akong bumangon, nagmamadaling tumakbo papunta sa banyo. Pagdating ko roon, napakapit ako sa lababo, pero hindi ko na napigilan—sumuka ako. Pakiramdam ko ay parang sinasakal ako ng sarili kong katawan, parang walang natitirang lakas sa akin.Habang patuloy akong sumusuka, naramdaman kong may mainit na palad na lumapat sa likod ko. Mahinang hinagod ni Mishon ang likod ko at narinig ko ang boses niyang punong-puno ng pag-aalala."Ada, are you okay? I'm here, baby. Just breathe..."Umiling ako at napapikit, sinusubukang kontrolin ang matinding pagkahilo at pagsusuka. Hinawakan niya ang buhok ko para hindi dumikit sa mukha ko, habang patuloy akong sumusuka sa lababo. Nang sa wakas ay tumigil na, iniabot niya sa akin ang isang basong tubig at isang panyo. "Here, rinse your mouth. Do you want to lie down?" tanong niya habang maingat na tinutulungan akon
Miro POVIto ‘yung ayoko, stress na may kasamang gigil at takot. Pagdating namin sa tapat ng mansiyon kung saan naroon sina Mama Ada at ang kapatid kong si Ahva, halos sabay kaming bumaba ni Samira sa van. Kasunod din ang iba kong mga soldiers.“No more warnings,” mariing sabi ko habang tinitingnan ang paligid. “Take them all down.”Tumango si Samira. “Let’s end this quickly.”Hindi na kami nag-aksaya ng oras. Bago pa man makalapit sa pintuan ng mansiyon, sumalubong na sa amin ang mga putok ng baril. Ang mga tauhan ni Vic, halatang sanay at mabagsik. Pero mas sanay kami, iyon ang dapat kong isipin. Mas determinado dapat kami kaya nag-focus akong mabuti sa mga naging training ko sa kamay ng mga tito ko.Nag-slide kapagdaka si Samira sa likod ng isang sementadong harang habang binunot ang dalawang baril mula sa thigh holsters niya. Sabay niyang pinutukan ang dalawang kalaban na sumisilip mula sa likod ng van.Bang! Bang!Tumama ang bala sa helmet ng isa, sapul ang mukha. ‘Yung isa, sa d
Samira POVPagkatapos ng putukan, halos hindi pa rin humuhupa ang kaba sa dibdib ko. Habang sakay kami sa bulletproof van, mahigpit kong hinawakan ang kamay ni Manang Cora habang nakahiga siya sa stretcher. May mga balot na ng gasa ang balikat niya pero kitang-kita pa rin ang patak ng dugo na hindi mapigil. Ang mga mata niya, nakapikit at masyado nang maputla. Tahimik lang siya, humihinga ng mababaw. Sa tabi niya, nakaupo si Miro, hawak ang cellphone at panay ang utos sa mga tauhan niya.Nandito na rin sina Tito Zuko, Tito Sorin at Tito Eryz, sila na ang nasa harap ng van, isa sa kanila ang driver.“Make sure the area is clear. Double the guards until further notice,” utos ni Miro habang seryoso ang ekspresyon ng mukha.Habang umaandar ang van papuntang ospital, tinignan ko ang iba pang mga manang na kasama namin sa loob. Tahimik lang silang lahat. Si Manang Luz, nakapikit at tila nagdarasal. Si Manang Luciana, panay ang himas sa palad ni Manang Percy na hindi pa rin makapaniwalang ga
Miro POVKanina pa ako nakatanggap ng report mula sa isa kong soldier. Tumawag siya direkta sa secure line, at sa tono pa lang ng boses niya, alam ko nang hindi ito simpleng ulat lang.“Boss, may dalawang motor at isang van na pabalik-balik sa harap ng mansion. Same plate numbers, same route. Parang minamanmanan ang mansiyon ng mga manang,” sabi niya habang ang boses at klarong nasa ilalim ng tumutubong tensyon. Sila, hindi basta-basta magre-report kung hindi sila siguradong banta ito sa buhay ng mga manang.Hindi na ako nag-aksaya ng oras.“Send reinforcement. Double the guards. I want snipers on the roof and checkpoints within a kilometer radius. Now.”Kaagad akong tumayo mula sa leather chair ko sa opisina. Tinawagan ko rin agad si Samira.“Something’s wrong,” sabi ko ng diretsyo sa kaniya. Bawal maglihim, magagalit siya kaya kahit mag-panic siya, mas okay kasi ang mahalaga, alam niya agad ang nangyayari. “We need to go there. Now.”Hindi na ako nagtaka sa sagot niya.“I’m coming w
Samira POVIsang malakas na katok sa pinto ang gumising sa akin.“Samira! Samira!” boses iyon ni Miro na kanina pa pala gising kasi ako na lang ang natira dito sa kuwarto namin.Napabangon tuloy agad ako. Sa boses pa lang kung paano niya ako tawagin, kinabahan na rin talaga ako. Binuksan ko ang pinto at sinalubong ako ng seryosong tingin ni Miro.“Two of the manangs are missing,” mabilis niyang sabi. “Manang Percy and Manang Cora. They’re gone.”Nanlaki ang mga mata ko. “What do you mean gone?” tanong ko habang mabilis na sinusundan siya pababa ng hagdan.“This morning, hindi sila nakita sa kuwarto nila. Manang Luciana said they were last seen last night, pero ngayong umaga ay nawala na sila sa mansiyon.”Pakiramdam ko ay biglang sumakit ang ulo ko. Dalawang matatanda pa talaga ang nalawa. Hindi pa naman sila puwedeng lumabas ng mansiyon dahil delikado.Mabilis kaming sumakay sa sasakyan ni Miro at saka tumuloy sa lumang mansiyon kung saan pansamantalang nakatira ang mga manang.**Pa
Samira POVPagbalik namin ni Ramil sa loob ng mansiyon, napansin kong lalong tumindi ang seguridad. May mga bagong CCTV cameras na naka-install sa bawat sulok, mga guard na may earpiece at mga patrol vehicles na umiikot sa perimeter.Sinulyapan ako ni Ramil at ngumiti ng payapa.“I see Miro’s already tightening the defenses,” sabi niya.“He’s taking no chances,” sagot ko, proud sa fiance ko.Tumayo kami sa malawak na hallway, sa ilalim ng grand chandelier. Ang saya sana kung ang pinaghahandaan ngayon ay ang kasal namin ni Miro, hindi ang nalalapit o darating na malaking labanan na naman.“You need to be ready for anything,” Ramil said.“I am,” sagot ko habang ramdam ko ang apoy sa loob ng puso at katawan ko.He chuckled slightly. “You sound like a soldier.”I smiled. “Maybe I am now.” una palang naman kasi ay parang sundalo na ako. Sa mga nangyaring training ko kina Tito Sorin, Tito Zuko at Tito Eryx, para na akong sundalong atat na atat maging malakas.Humakbang siya palapit sa akin
Samira POVMainit na ang sikat ng araw nang lumabas ako ng mansiyon. Kasalukuyan akong may hawak na malamig na lemonade habang pinagmamasdan si Ramil na naglalakad sa hardin. Malayo na talaga ang narating niya mula noong iligtas siya nila Miro mula sa pagtatago sa masukal na gubat na iyon. Ngayon, nagkakalaman na ang pisngi niya at kahit medyo mabagal pa ang kilos niya, ramdam mo ang unti-unting pagbabalik ng lakas sa kaniyang katawan.Lumapit ako sa kaniya, sabay abot ng isang tuwalya para pamunas ng pawis niya.“You’re doing great,” sabi ko.Ngumiti si Ramil, kinuha ang tuwalya at pinunasan ang leeg niya. “Thank you, Samira!” sagot niya na medyo paos pa rin ang boses. Nitong nagdaang araw kasi ay nilagnat pa siya.Naglakad kami ng mabagal sa gilid ng hardin, kung saan may mga anino ng puno na nagbibigay ng kaunting lamig sa paligid. Habang naglalakad kami, napansin ko ang seryosong ekspresyon sa mukha ni Ramil.“Is something bothering you?” tanong ko.Huminto siya sandali, tumingin
Samira POVTahimik ang gabing iyon. Pero hindi pa ako makatulog.Nakahiga na rin si Miro sa kama, nakapikit pero alam kong gising pa siya. Marahan akong bumangon mula sa kama at naupo sa gilid. Nakita kong napadilat siya nang maramdaman ako“Bakit bumangon ka pa?” mahinang tanong ni Miro.Huminga ako nang malalim bago lumingon sa kaniya. “Miro,” bulong ko, “can we talk?”Umupo siya na parang nag-aalala. “Of course. What’s wrong?”Lumapit ako sa kaniya at hinawakan ang kamay niya. Tinitigan ko siya, siniguradong mararamdaman niya kung gaano kaseryoso ang sasabihin ko sa kaniya.“I want to build a secret hideout,” sabi ko na halos bulong ulit. “Underground. Just for the manangs. A place only we know about. Somewhere safe… in case Vic targets them.”Hindi siya nagsalita agad. Tinitigan lang niya ako habang tahimik na nag-iisip. Ilang saglit pa, ngumiti siya at walang alinlangang tumango.‘Let’s do it,” sagot niya. “Whatever you need, love. I’ll make it happen.”Nang marinig ko ‘yon, para
Samira POVNasa loob ako ng kuwarto ni Ramil ngayon. Busy sina Miro ngayon, kami lang nila Mama Ada at Ahva ang naiwan dito sa manisyon. Naisip ko naman na puntahan si Ramil kaya dinalhan ko siya ng pagkain—isang tray na may sinigang na baboy, kanin, at manggang hilaw na may bagoong.“You need to eat more,” sabi ko habang iniaabot ko sa kaniya ang tray. “You need strength, Ramil. Hindi ka puwedeng injury na lang habang buhay. Ikaw na ang nagsabi, kailangan nating maghanda kaya magpalakas ka rin.”Ngumiti lang siya sa akin. “Salamat, Samira. Huwag kang mag-alala, ito na, nagpapagaling at nagpapalakas na ako. Baka sa susunod na linggo, makalakad na ulit ako.”Habang kumakain na siya, pinagmamasdan ko lang siya, napansin ko, tila may gusto siyang itanong pero hindi niya agad masabi. Hanggang sa maya-maya'y nagsalita rin siya.“Ang mga manang pala, kumusta na sila?” tanong niya habang nakasandal sa mga unan.Napatingin ako sa kaniya. Biglang lumabas ang ngiti sa mga labi ko. Hindi pa nga
Miro POVPagkapasok namin sa mansiyon, agad kong tinapik ang balikat ni Ramil bilang hudyat na sa wakas ay nandito na kami, tuluyan na namin siyang nauwi. May lumabas na bahagyang ngiti sa labi niya, pero habang naglalakad at inaalalaya siya ng mga tito ko, hindi niya maitago ang pagngiwi ng mukha, halatang nasasaktan siya.Lumapit agad si Ahva at Mama Ada para salubungin siya. Lahat kami, may saya sa pagdating niya, pero may bigat din sa dibdib naming makita siyang halos ‘di na makalakad ng maayos.“Prepare his room,” utos ko sa isa sa mga tauhan. “Make sure it’s comfortable. Ramil needs full rest.”Nagkatinginan kami ni Samira. Ramdam ko ang lungkot sa mga mata niya. Alam naming hindi madali ang pinagdaanan ni Ramil. Kaya naman agad kong tinawagan si Dr. Elson, ang private doctor namin.“Ramil, the doctor will be here in ten minutes,” sabi ko sa kaniya habang inaakay siya papunta sa inihandang kuwarto para sa kaniya.“Thanks, Miro. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin kung ‘d