เข้าสู่ระบบLumi POVFirst day ngayon ni Nanay Yumi dito sa mansion, at hindi ko maipaliwanag kung bakit parang ako pa ang mas excited kaysa sa kaniya. Kanina pa ako paikot-ikot sa loob ng bahay, tinitingnan kung okay na ba ang kuwarto niya, kung kumpleto na ba ang mga gamit niya, at kung may kailangan pa ba siyang idagdag. Para bang ako ang nag-a-adjust sa bago niyang buhay, kahit ang totoo, siya naman ang bagong titira rito.Pero masaya ako. Sobrang saya. Kasi sa unang pagkakataon, hindi ko na kailangang isipin kung paano ko aalagaan ang sarili ko habang buntis.Nandito na si Nanay. Kasama ko na siya, at higit sa lahat, gusto ko iyong idea na maranasan din niya kung paano mamuhay sa ganitong klaseng bahay. Hindi naman habang-buhay, pero kahit ilang buwan lang habang kailangan ko siya, gusto kong maranasan niyang hindi niya kailangang magpakapagod sa lahat ng bagay.Nasa dining area kami nang makita kong nakaupo si Nanay Yumi habang tahimik na pinagmamasdan ang mga taong abala sa paligid. May is
Sorin POVSinundan ko sa labas ang Tatay ni Lumi. Kahit natatakot ako at kinakabahan, tinapangan ko ang sarili ko.Nadatnan ko siyang nakaupo sa may tabi ng gate. Nakita kong bigla itong napasindi ng yosi.“Hindi ba’t hindi ka na puwede sa yosi?” tanong ko habang pinipigilang kong manginig ang boses ko.Tinapunan niya ako nang tingin bigla. Galit, matalim ang mata at halos parang hinihintay kong sasapakin na lang niya ako.“B-bakit biglang ganoon, Sorin? Mag-tropa tayo, pero bakit nauwi sa ganiyan?” seryosong tanong niya.Ayokong sabihin ang totoo. Na si Lumi ang unang lumapit at nanglandi sa akin. Kaya ang ginawa ko, iniba ko na lang.“Bilang ama ka na ng babaeng gusto ko, makikipag-usap ako bilang mababa na rin. Ang totoo, hindi ko rin inaasahang darating ito. Na mai-inlove ako at mamahalin si Lumi. Bigla na lang, gusto ko na siya. Gusto kong alagaan, gusto ko ang pagiging mabait niya, gusto ko ang pagiging caring niya, lahat-lahat, gusto ko sa kaniya.”Tumingin ulit siya nang seryo
Lumi POVHindi ko alam kung sino sa amin ni Sorin ang mas kinakabahan. Ako ba o siya?Pero kung pagbabasehan ko ang paraan ng pagkakahawak niya sa manibela kanina pa, parang gusto kong sabihin na baka siya.Yes, dalawang buwan na akong buntis ngayon. Sa loob ng dalawang buwan na iyon ay sobrang boring talaga dahil naka-stay lang ako sa mansion.At ngayong araw na ito, heto na, napagdesisyunan na naming sabihin na sa mga magulang ko ang tungkol sa amin ni Sorin.Hindi na puwedeng kami lang ang nakakaalam. Kapag pinatagal pa namin ito, baka magalit pa sila lalo. Saka, excited na rin kasi akong marinig mismo nina Nanay Yumi at Tatay Atlas ang balita mula sa amin. Oo, alam kong may galit moment pa rin pero alam ko ring magiging okay din sila sa huli. Sana, kasi minsan, mahirap din silang basahin.Tinignan ko ulit si Sorin. Wala siyang kangiti-ngiti sa mukha ngayon. Halata siya masyado. Halatang kabado. Pero, gusto ko na rin kasing ipaalam sa kanila ang tungkol sa amin. Na ang magiging ama
Lumi POVNapadala na ni Sorin kay Nanay at Tatay ang mga kahon-kahon na grocery. Kaya heto, napakahaba ng message ni Nanay sa akin ngayong umaga.“Anong sabi?” tanong ni Sorin sa akin habang nag-aalmusal kami ngayong umaga. Ngiting-ngiti pa siya.Simula nung malaman niyan nung isang araw na buntis ako, hindi na nawawala ang ngiti niya kapag magkasama kami at magkausap. na para bang excited na rin talaga siyang magkaanak.“Sabi nila, para raw akong nasa ibang bansa. Grabe ka rin daw. Gusto mo raw ba silang magtayo ng grocery doon?”“Oh, anong sagot mo naman?” tanong pa niya.“Sabi ko, ikaw kakong lahat ang namili nun. Ikaw lahat ang nag-isip, hindi ako.”Lumaki ang mga mata niya. “Bakit kasi sinabi mo pa iyon!”“Hayaan mo na, para alam nila. Iyon naman kasi ang totoo. Saka, para alam mo na, para kapag sinabi na natin sa kanila ang tungkol sa pagbubuntis ko ay medyo mabawasan na ang alam mo na, galit nila at pagkagulat,” sagot ko habang kumakain ng papaya. Tapos na kasi akong mag-almusa
Lumi POVAng unang bagay na naramdaman ko nang magising ako ay ang malamig. Hindi iyong ordinaryong lamig ng aircon sa kuwarto. Mas malamig, at may kakaibang amoy din. Parang gamot.Dahan-dahan kong dinilat ang mga mata ko. Doon ko nakita ang puting kisame.Nasaan ako? Bakit ang tahimik?Tinangka kong igalaw ang kamay ko, pero may nakakabit na maliit na IV line sa kamay ko.Napatingin ako roon at napakurap ako.“What the?!”Dahan-dahan kong inilibot ang tingin ko. May nakita akong puting kurtina, hospital bed, at saka si Sorin. Nasa tabi siya ng kama ko, nakaupo, at tahimik. Seryoso rin ang mukha niya. Diretso siyang nakatingin sa akin na para bang matagal na niya akong hinihintay na magising.“S-sorin?”Napatayo siya nang marinig ang boses ko.“You’re awake.”Napatingin ulit ako sa paligid. “Bakit ako nasa ospital?” Hindi siya agad sumagot, kaya mas lalo akong kinabahan. “Ano bang nangyari?”Naalala ko ang huling nangyari. Nag-aayos kami ng mga kahon ng grocery na ipapadala sa mga m
Lumi POVPagod na pagod ako nang makauwi ako sa mansion nang gabing iyon. Buong araw akong nasa main branch ng Sorin Spa dahil sa commercial shoot. Simula umaga, halos paikot-ikot ako sa bawat room para siguraduhing maayos ang lahat. Nakipag-usap ako sa director, sa videographers, sa stylist, sa models at maging sa staff namin.Kaya ang tanging nasa isip ko pagkapasok ko sa mansion ay maligo, kumain at humiga.Pero pagpasok ko pa lang sa living area, agad akong napahinto sa nakita ko.May mga malalaking kahon sa gitna ng sala.Hindi lang isa, dalawa o tatlo, halos limang malalaki at matitibay na kahon ang magkakatabing nakita ko roon. May ilan pang grocery bags sa paligid, at sa gitna ng lahat ng iyon, nakita ko si Sorin kasama ang ilang kasambahay na nagtutulong-tulong ayusin iyon.Abala silang naglalagay ng mga grocery sa loob ng mga kahon.Napakunot-noo ako. Ano na naman ito?“Anong mayroon, Sorin?”Napalingon agad siya nang makita ako.“Oh, you’re home.”“Anong ginagawa ninyo?” ta
Ahva POVNakaupo ako ngayon sa kama ko, habang tahimik na nag-iisip. Kanina, bago kasi ako umalis sa manisyon ni Tito Eryx ay may nalaman ako kay Yaya Dolores. Ang sabi niya, nakukulitan na si Tito Eryx sa akin. Nalasing daw kasi ito nung isang gabi at panay ang sabi na kung pupunta pa ulit ako sa
Ahva POVBitbit ko na ang ilan sa mga gamit ko habang papunta sa Silent Fang School. Gamit ang address na binigay ni Miss Belinda, hindi na ako naligaw pa, hindi gaya nung una, natagalan bago ko mahanap ang lugar. Sa harapan ng gate pa lang, ramdam ko na agad na parang may kakaibang mangyayari ngay
Ahva POVSa wakas, nagsimula na ang unang training ko dito sa Silent Fang School.First day ng training para sa mga unranked student, at isa ako sa kanila. Twenty kaming lahat na bago. Halos lahat ay seryoso ang mukha, mga kabado, mga hindi alam ang i-expect. Pero ako? Chill na chill lang, ganda-ga
Eryx POVPagbukas ko pa lang ng pinto ng kuwarto ko, may naamoy na agad akong kakaiba. Hindi iyon galing sa akin. Hindi rin mula sa kahit sinong tauhan sa bahay ko. Kilala ko na ‘yon.Pabango ni Ahva.Mainit pa ang hangin sa loob. Parang may kalokohang naganap habang wala ako. Hindi ko na kailangan







