MasukLumi POVUmuulan pa rin nang malakas ngayong gabi. Rinig na rinig ko pa rin ang tuloy-tuloy na pagbuhos ng ulan sa bubong ng mansion ni Sorin habang nakaupo ako sa sala niya.Kumakalabog pa minsan ang kulog sa labas pero imbes na kabahan ako, parang lalo lang naging komportable ang pakiramdam ko.“Anong tingin mo?” tanong niya habang nilalapag ang sizzling plate sa center table.Napakurap ako nang maamoy ko ang pork sisig.“Uy,” halos nagulat ako. “Talaga bang ikaw ang nagluto nito?”Tumaas ang isang kilay niya nung tignan ako.“Multo ata ang nagluto nito, hindi ako,” prangkang sagot niya.Napailing ako habang napapatingin sa lamesa. Hindi lang pork sisig ang nandun. May sizzling tofu pa, crispy ulo ng baboy, tapos may platter pa ng prutas—apple slices, ubas, oranges, at kung ano-ano pa.“May pa-healthy pa talaga?” natatawa kong tanong.“Balance kasi dapat,” simpleng sagot niya.Ewan ko ba. May pa-balance-balance pa siyang nalalaman, e, alak naman na hindi healthy ang iinumin.Minsan
Lumi POVAmoy pa lang ng garlic at butter, parang gusto ko nang himatayin sa gutom.Nakasandal ako sa counter ng kusina habang nakapamewang, pinapanood si Sorin na abala sa harapan ng stove. Hanggang ngayon hindi ko pa rin ma-process nang maayos na itong lalaking nasa harap ko na nakasanayan kong masungit, seryoso at bossy ay kasalukuyang nakasuot ng itim na apron.“Bakit ganiyan ka makatitig?” seryoso niyang tanong habang hindi man lang lumilingon sa akin. Sanay na yata siyang alam ang galaw ko kahit hindi ako nagsasalita.Napakurap ako. “Ina-assess kita.”“Assess?”“Oo.” Tinaasan ko siya ng kilay. “Baka kasi mamaya lasunin mo ako.”Natawa lang siya. Iyong mahina lang. Halos hindi marinig. Pero kitang-kita ko ang pag-angat ng gilid ng labi niya.“Kung gusto kitang lasunin, matagal ko nang ginawa.”“Impyernes, dumadaldal ka na rin.”Naglakad ako palapit sa counter kung saan nakahilera ang mga ingredients.“Wait.”Nanlaki mata ko habang isa-isang tinitingnan ang mga seafood na nakahand
Lumi POVKahapon lang ay maganda na ang sikat ng araw, pero ngayon, makulimlim. Kulay abo ang langit, at parang may bagyo na naman. Talaga ngang panahon na ng mga bagyo kapag ganitong buwan.Napaupo ako sa kama habang inaabot ang cellphone ko. Sunod-sunod ang notifications na nakita ko. Mga balita. Mga videos ng baha. Mga bahay na inanod. Mga evacuation center. At karamihan sa mga lugar na nababanggit na mas malakas ang bagyo ay parteng Mindanao.Parang alam ko na ang mangyayari. Mukhang mag-uuwian ang mga kusinera ng mansion. Mga taga Mindanao pa naman ang mga ito.Pagkababa ko sa kusina makalipas ang ilang minuto, halos manibago ako sa katahimikan ng mansion. Tama na nga ang hula ko. Nalaman ko na lang na nag-uwian muna ang mga kusinera.At dahil wala pa rin naman akong pasok sa Sorin Spa ngayong araw dahil suspendido rin ang operations, napaisip ako. Dalawa lang kami ni Sorin ngayon sa mansion, att mukhang wala ring magluluto.“Ako na magluluto.”Ewan ko ba. Simula nang maging mala
Lumi POVMay kasunod agad na bagyo, kaya tuloy-tuloy ng tatlong araw na sarado ang buong city. Wala tuloy akong work at nasa bahay lang din kami ni Sorin sa loob ng tatlong araw na iyon.Sa balita, patuloy pa ring pinapababa ng mga tao sa city ang baha. Sabi pa ng ilan ay mukhang aabutin ng ilang araw bago tuluyang humupa ang baho. Isama pa na nagkalat at naglutang na rin ang mga basura, kaya marami-rami ang dapat na linisin.“Nabo-boring na ako rito sa mansion, Sorin,” sabi ko nung lapitan ko siya sa sala. Tinigil niya ang pagkakatutok ng mata niya sa laptop niya para tignan ako.“Marami kang puwedeng gawin kung gusto mo. Ikaw na lang ang bahalang mag-isip. May sinehan naman dito, gym, swimming pool, library, gaming room, sauna at kung ano-ano pa. Samantalahin mo habang wala pang pasok sa city, hindi ‘yung parang naaadik ka na sa kaka-work,” sagot niya sa akin kaya natameme ako.“Aba, ikaw itong may sabi na magsipag ako sa business na pinapahawak mo, ngayon naaadik na nga ako sa kaka
Lumi POVHumigpit ang kapit ko sa kumot habang unti-unting nagigising ang diwa ko. Iba ang pakiramdam ngayon at masasabi kong magaan na kaysa kahapon. Hindi na rin ako nanlalata o nakakaramdam na parang may lagnat.“Lumi.”Nagulat pa ako nung mapatingin ako sa gilid ko. Nandito pa rin pala si Sorin, dito rin siya natulog at binantayan ako buong magdamag. Sabagay, hindi rin naman kasi siya makakauwi dahil sa taas ng baha sa labas.Tumayo siya at hinawakan ang noo ko. Napangiti siya nung maramdaman na wala na ang sainat ko.“Sorin, bakit hindi ka umuwi kagabi? Hindi ka ba nahirapan sa pagtulog dito sa gilid ng kama ko habang nakabayukyok?” tanong ko sa kaniya.“Huwag mo akong alalahanin, okay naman ang tulog ko,” sagot niya agad.Umupo ako nang dahan-dahan, tinulungan niya ako. Okay, medyo naninibago pa ang katawan ko, pero wala na talaga ‘yung sakit. Wala na ‘yung bigat. Parang walang nangyari. Parang hindi ako nalubog sa baha, parang hindi ako nakainom ng maruming tubig, at parang hin
Lumi POVNagmulat ako ng mga mata na parang may mabigat na nakapatong sa talukap ko. Ang liwanag na nakakasilaw sa kisame ang bumungad sa akin. Saglit akong napapikit ulit, pilit kong inaayos ang paningin ko habang unti-unting bumabalik ang ulirat ko.Amoy ko agad ang antiseptic. Nagtaka pa ako kung nasaan ako. Ang lawak kasi nung room. Akala ko bahay pero alam kong hindi dahil amoy ko sa buong kuwarto ang amoy ng ospitalOo, tama nga, alam kong nasa ospital ako.Gumalaw na ako at tumingin sa paligid. Doon ko lang napansin na nandito pala si Sorin.Nakatayo siya malapit sa kama ko, basang-basa pa rin ang buhok, kahit na tila natuyo na ang suot niyang damit. May bahid ng pagod sa mukha niya, ngunit nang magtagpo ang mga mata namin, parang may kung anong biglang nabuhay sa kanya.“Lumi.”Halos pabulong ang boses niya, pero malinaw ko pa ring narinig. Doon ko lang naramdaman na nanginginig pala ang katawan ko. Dahil siguro sa panlalamig.Doon ko na naalala ang baha. Ang malalim, maruming
Everett’s POVThe sun had just barely risen, casting a golden hue over the skyline as I stared out the floor-to-ceiling windows of my office. Today’s the day. I could feel the anticipation building in my chest, a sense of triumph that I hadn’t felt in a long time. The final step had been taken. I had
Misha’s POVAng dami-daming lugar rito sa company na puwede naming pagkitaan, dito pa talaga sa loob ng banyo na kung saan ay tanging kaming dalawa lang ang naroon. Natakot na naman ako. Masamang tao ang isang ‘to, iyon na ang tumatak sa isip ko kaya hindi puwedeng ‘di ako kakabahan. Mamaya niyan, bi
Everett’s POVAs the night progressed, I took the stage. The music died down, and the crowd turned their attention towards me. Standing in front of everyone, I felt the weight of the moment—but not in a burdensome way. It was a reminder of how far I’d come, how far we all had come.“Good evening, ever
Everett’s POVPagdating ko sa coffee shop, agad kong hinanap si Teff. Nakaupo siya sa isang sulok, nagkakape at abalang nakatutok sa cellphone niya. Kapag nakikita ko siya, nag-iinit ang dugo ko. Kailangan kong harapin ang isa ‘to at hindi ko puwedeng palampasin ang pinaggagagawa niya. Hindi siya bas







