Home / Romance / Seducing My Hot Ninong Everett / 0756: Season 5 (Chapter 59)

Share

0756: Season 5 (Chapter 59)

last update Huling Na-update: 2025-08-03 23:59:45

Ahva POV

Lunes na naman. Bumalik na rin sa normal ang pakiramdam ko at nakabalik na rin ako sa school. Medyo may kaunting bigat pa rin sa katawan pero kaya na. Nanghihinayang din kasi ako sa mga ganap sa school, lalo na’t marami na ang mga kaibigan ko.

Maaga akong nagising kanina, naligo ako agad at nagbihis ng bitch mode ulit, siyempre. Hindi ko alam kung anong mangyayari ngayong araw na ‘to, pero sure akong magiging masaya na naman kasi magkakasama na naman kami nila Amon, Cael, Nyra at Penumbra.

PAGDATING ko sa dorm, nakangiti pa ako habang binubuksan ang pinto namin ni Penumbra. Akala ko’y siya ang bubungad sa akin, kaya nagpa-cute pa akong pumasok.

Pero hindi siya ang nakita ko sa loob.

“Uy—” naputol ang pagbati ko nang matanaw ko kung sino ang bruhang naroon.

Si Kara.

Nasa loob siya ng dorm namin, naka-upo sa kama ni Penumbra at nakapulupot ang mga braso niya sa dibdib niya. Matalim ang tingin niya sa akin, parang gusto akong lamunin nang buo. Kay aga-aga, demonyita ang kauna-un
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (4)
goodnovel comment avatar
rico guma
salamat po Author sa Bago mung updates...kumuxta kana po?.. aabangan Ko ulit Yung susunud mong updates..thank you po.
goodnovel comment avatar
CabansagMary Rose
More updates Pa po please ingsi naman...
goodnovel comment avatar
Susan Maranan
up dates pa more please......
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • Seducing My Hot Ninong Everett   0761: Season 5 (Chapter 64)

    Ahva POVMadaling-araw na nang maalimpungatan ako. Tahimik na tahimik ang buong dormitoryo bago ako nakatulog kanina at ang tanging maririnig lamang ay ang mahinang ugong ng aircon at ang tik-tak ng wall clock namin ni Penumbra.Napadilat talaga agad ako. Pinakiramdaman ko ang paligid, kasi may mga narinig akong boses ng kababaihan.At habang tumatagal, parang palapit nang palapit ang boses nila.Bumangon na ako mula sa kama ko kasi sure akong may mga tao sa labas at tila may nangyayaring hindi maganda.Bumaba ako ng kama, kinuha ko ang maliit na kutsilyo sa ilalim ng unan ko, ugali ko na ‘yon simula pa lang nung mag-aral ako dito. Nang hawak ko na ang patalim, dahan-dahan akong lumapit sa pintuan. Nung una, nakinig muna ako, kasi baka ibang ingay lang iyon o baka may student na maagang aalis ng school.Pag-silip ko sa labas, nakita ko sila. Nagulat ako nang makita kong nandoon si Kara. Walanghiya talaga. Kasama niya si Diana Liryo, rank 3. Si Aeries Dela Noche, rank 5, at si Selene N

  • Seducing My Hot Ninong Everett   0760: Season 5 (Chapter 63)

    Ahva POVNag-enjoy ako sa pagkain ng popcorn, iyon nga lang, nasasayang ang iba kapag napapasigaw ang mga katabi ko, pati kasi ang popcorn ko ay damay. “Kung si Peachy sana ang katabi ko, nakaka-enjoy lalo ang movie na ito,” dinig kong sabi ni Amon.“Kasi, siya ang yayakapin mo, gaya nang ginagawa mo sa akin ngayon,” sagot bigla ni Cael kaya nakita kong bumaklas bigla ng yakap si Amon kay Cael.Kahit tuloy takot na takot ang katabi kong sina Penumbra at Nyra, natawa sila sa usapan ng dalawang boys namin.“Mabuti ka pa, parang wala lang sa iyo ang pinapanuod natin,” sabi ni Nyra.“Oo nga, kahit sa mga ganitong palabas, matapang pa rin ‘yang si Peachy,” sabi naman ni Penumbra.Pagkatapos ng sine, nagutom kaming lahat kaya nagpunta kami sa isang samgyupsal restaurant. Hindi kami tumigil sa kakakain hanggang hindi umusok ‘yung mga grills.“Ay, jusmiyo, ginutom ako doon sa kakasigaw!” sabi ni Penumbra na hanggang ngayon ay maputla pa rin ang mukha dahil sa takot.“’Yung isa diyan, bakla at

  • Seducing My Hot Ninong Everett   0759: Season 5 (Chapter 62)

    Ahva POVKinabukasan, walang masyadong gagawin sa school, pero may training sa hapon. Kaso, tungkol lang naman ‘yon sa bagong mga pasok na estudyante kaya hindi rin kami required um-attend. Kaya naman napagkasunduan naming lima na mag-mall na lang para bumili na ng mga kakailanganin sa bago naming dorm. Kahapon kasi, halos inabot na kami ng gabi sa paglilinis at pagpipintura, maayos na maayos na ang buong dorm, gamit na lang talaga ang kulang.“Oh, tara na,” sabi ko habang inaayos ang strap ng bag ko. “Mas maaga tayong makalabas, mas matagal tayong makakapili ng mga gamit natin.”“Sana may cute na kama doon,” sabi ni Nyra habang pormadong-pormado siya. “’Yung may canopy, parang mukhang prinsesa ako sa dorm natin,” sabi pa niya pero biro lang niya iyon para magpatawa sa amin.“Basta ako minimalist lang,” sagot ni Penumbra habang naglalagay ng lipstick. “Ayokong matawag na maarte, pero classy dapat.”“Ito naman, pinapatawa ko lang kayo,” sagot tuloy ni Nyra kaya natawa kami nila Amon at

  • Seducing My Hot Ninong Everett   0758: Season 5 (Chapter 61)

    Ahva POV“Saan ka pupunta?” walang student sa paligid, pero nakita ko si Tito Eryx na nakaabang sa may parking area malapit sa kotse ko. Mukhang alam niyang paalis ako.“Bibili ng pagkain ng mga kasama ko, pagod at gutom na, nililinis kasi namin ang malaking inabandonang classroom ngayon.”Lumapit siya sa akin at saka hinawakan ang leeg ko. Natakot tuloy ako na baka may makakita sa amin. “Mabuti naman at wala ka nang lagnat,” sabi niya.“Sige na, doon ka na, baka may makakita sa atin,” sabi ko sa kaniya. Ako naman ang nag-iingat ngayon, habang siya, natatawa lang habang tinataboy ko siya.Nung umalis na siya, umalis na rin ako.Dalawang kanto lang naman mula sa school ang milktea shop, kaya’t hindi ako nagtagal.Pagdating ko roon, agad akong pumila at um-order ng five large milk tea, dalawang classic pearl milk tea, isang wintermelon, isang cookies and cream, at isang Okinawa. Habang inaayos ang drinks na order ko, nilakad ko na rin ang katabing bakery.Napangiti ako sa mga mamon na b

  • Seducing My Hot Ninong Everett   0757: Season 5 (Chapter 60)

    Ahva POVTapos na ang bangayan namin nila Kara, move on na, talo ang gaga, e.Focus naman ako sa unang mission naming magkakasama dito sa school.Simula na ng pag-aayos ng bagong magiging dorm namin nina Cael, Amon, Penumbra at Nyra. At hindi lang basta dorm ito, malaki, maluwag at talagang kasya kahit sampung student. Abandonado raw dati pa ang malaking classroom na iyon dito sa school, pero sa totoo lang, napakaganda pa rin ng loob nito. Kailangan lang ng konting linis, konting ayos at kaunting lambing na rin siguro.Pumayag naman si Sir Eryx na gawin namin itong bagong dorm, pero siyempre, dahil iyon sa ‘kin. Hindi naman sa nagyayabang, pero halatang-halata na malakas na ako sa kaniya. Nag-iingat lang kaming dalawa, kasi sinabihan niya ako na hindi kami puwedeng maging sobrang kampante sa pagiging sweet dito sa school.Pagkarating ko sa room na iyon, naroon na agad sina Cael at Amon, parehas pawisan na sa pagbubuhat ng mga lumang lamesa at upuan palabas.“Hoy!” sigaw ko. “Ang aga n

  • Seducing My Hot Ninong Everett   0756: Season 5 (Chapter 59)

    Ahva POVLunes na naman. Bumalik na rin sa normal ang pakiramdam ko at nakabalik na rin ako sa school. Medyo may kaunting bigat pa rin sa katawan pero kaya na. Nanghihinayang din kasi ako sa mga ganap sa school, lalo na’t marami na ang mga kaibigan ko.Maaga akong nagising kanina, naligo ako agad at nagbihis ng bitch mode ulit, siyempre. Hindi ko alam kung anong mangyayari ngayong araw na ‘to, pero sure akong magiging masaya na naman kasi magkakasama na naman kami nila Amon, Cael, Nyra at Penumbra.PAGDATING ko sa dorm, nakangiti pa ako habang binubuksan ang pinto namin ni Penumbra. Akala ko’y siya ang bubungad sa akin, kaya nagpa-cute pa akong pumasok.Pero hindi siya ang nakita ko sa loob.“Uy—” naputol ang pagbati ko nang matanaw ko kung sino ang bruhang naroon.Si Kara.Nasa loob siya ng dorm namin, naka-upo sa kama ni Penumbra at nakapulupot ang mga braso niya sa dibdib niya. Matalim ang tingin niya sa akin, parang gusto akong lamunin nang buo. Kay aga-aga, demonyita ang kauna-un

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status