Share

Chapter Seven

CHAPTER SEVEN: VIDEO GAME

"HOY! Yadiel,kakain na!." Binuksan ko ang pinto ng k'warto ni Yadiel, lagi siyang patawag nitong mga nakaraang araw ah!

"Saglit lang! Hindi pa ako tapos maglaro!." Nakahawak ako sa door knob ng k'warto ni Yadiel at nakapamewang,siya naman nakaharap sa computer at tutok na tutok.

"Ano ba 'yan huh? Tigilan mo na nga muna 'yan,kakain na!." Naiinis na sabi ko at lumapit sa kaniya,napasulyap naman ako sa nilalaro niya at hindi ko alam kung guni-guni ko lang o hindi ng mahilo ako ng napatingin do'n.

"Yadiel,kain na tayo mamaya na 'yan." Hinawakan ko sa balikat si Yadiel pero nabawi ko agad 'yun ng may kung anong p'wersa ang kumalat sa katawan ko.

"Ano ba 'yan! Namatay tuloy! Ang epal mo naman kasi eh!." Nagulat ako sa mga sinabi ni Yadiel,oo nga't magkaasaran kami pero hindi siya ganito magsalita sa akin.
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status