PROLOGUE
Isang malakas na tunog ng kidlat ang nagpagising sa akin, napakurap ako habang pinipilit na pagisingin ng tuluyan ang aking sistema.Humikab ako at iniunat ang aking braso,natanaw ko sa aking glass window na gabi pa at malakas ang ulan.
Madilim ang aking k'warto dahil hindi ako sanay na natutulog ng buhay ang ilaw.Naramdaman ko ang lamig na pumapasok sa aking k'warto kaya't mabilis na nahanap ng mata ko ang dahilan.Napatayo naman ako sa aking kama at lumapit sa bintana ko na may siwang ng kaunti,hindi ko alam kung paanong nagkaroon ng siwang dito.Sa pagkakatanda ko ay naisarado ko namang mabuti ang mga pinto at bintana ko kagabi bago ako matulog.
Kitang-kita ko ang liwanag na nililikha ng kidlat kaya sinarado ko na agad ng tuluyan ang aking bintana.
Pabalik na sana ako sa aking kama nang agad akong napatigil"Tulong..." Mahina iyun subalit bumalot ang kakaibang kilabot sa aking katawan.Nahihirapan ang tonong 'yun at natitiyak kong ilang minuto nalang ang itatagal niya.Ipinilig ko ang aking ulo,marahil ay naghahallucinate lang ako dahil sa sobrang dami kong project na iniisip nitong mga nakaraang araw."Tulong..tulungan niyo ako.." Tuluyan na akong napatigilNasisiguro ko na hindi na iyun guni-guni! Nakikinig ko talaga ang boses na 'yun!Inilibot ko ang aking paningin sa loob ng aking madilim na silid, pero natitiyak ko na hindi nanggagaling ang boses sa loob ng aking k'warto. Marahil ay kung saan 'yun,marahil ay kung saang iskinita 'yun at nababagsakan ng malakas na ulan.Pero imposible! Paano ko makikinig ang boses ng kung sino na napakalayo ang pagitan sa akin!"You have to help her.." Naging alerto ako sa malamig na boses na iyun,napakalapit no'n sa akin. Naramdaman ko rin ang init sa aking batok,ibig sahihin may tao sa aking likuran.
Agad akong napatalikod at nakita ang isang babae na nakatayo sa aking likuran,hindi ko alam kung paano siya nakapasok sa aking k'warto,magnanakaw ba siya? Akyat bahay? Killer? Multo!?"Hindi ako isang magnanakaw,hindi din akyat bahay,hindi killer at hindi multo. Ang aking ngalan ay Leside." Pinagmasdan ko siyang mabuti, agaw pansin ang umiilaw na parang hugis snowflakes sa kaniyang noo.Teka -- paanong? Paanong nabasa niya ang aking nasa isip?"Hindi pa ngayon ang tamang panahon para sabihin ko ang lahat sa iyo," May kung ano siyang kinapa sa kaniyang likuran at bigla niyang inilahad ang kulay Purple na Mask sa aking harap
Nakakaindimate tingnan ang maskarang 'yun, nakakatakot."A-ano 'yan?."
"Maskara." I rolled my eyes dahil sa kapelosopuhan niya,alam kung maskara 'yun.
"Para saan?.""Brythe, you are the one I've been looking for,you are the chosen one. The one who possess such stronger power! Brythe, please save the woman. She needs you..." Kahit gaano kalamig ang kaniyang boses ay ramdam ko ang init ng kaniyang mga salita.
A-Ako? Paanong naging ako? Wala akong alam sa sinasabi niya."Wear this, and save the woman." Kahit na nalilito ako ay hinawakan ko na 'yun dahil sa naririnig kong paghina ng boses ng humihingi ng tulong.Siguro naman ay magigising ako bukas at sasabihin kong salamat at panaginip lang."Good bye chosen one, good luck." Hahabulin ko sana siya kaso napatigil ako ng biglang umilaw ang aking kanang braso at nagkaroon ng tattoo do'ng biglaan.Ito ang katulad ng nakita ko sa noo no'ng babae kanina.
Snowflake.CHAPTER ONE : VARIEGATEMABILIS akong tumakbo pababa ng aking k'warto. Hiniklat ko lang basta ang aking purple bag na may design na snowflakes at basta nalang ding isinuot ang aking boots."Teka,Brythe! Mag-almusal ka muna!." Nakinig ko ang sigaw ni Mama ng lumabas na ako ng bahay,napatigil ako at nakita siya sa may pinto. May hawak siyang lunch box.Mabilis akong lumapit sa kaniya at humalik sa kaniyang pisngi.Iniabot niya sa akin ang lunchbox kaya tipid akong ngumiti."Sa school na 'ma, I'm late." Tumango siya kaya tumakbo na ako palayo sa kaniya."Ibutones mo anak ang uniform mo!." Hindi ko na inintindi pa ang sinabi ni mama,sobrang late na ako. Pagagalitan na naman ako ng bakla naming teacher at parurusahan nang halos tatlong oras.Iniisip ko palang nangangalay na agad ako, kaya mas binilisan ko ang pagtakbo ko.Malapit na ako sa school gate namin ng makakita ako ng m
CHAPTER TWO : SAICOTT ALAGAD ng anino? Napatingin akong muli sa paligid, ano ng gagawin ko? "Afraid?." Napaayos tuloy ako ng tayo at ngumisi dito. "Nahh." Agad akong sumugod kasabay ng paglabas ng mahabang espada sa aking kamay. Nilabas niya ang kaniyang latigo na nakasabit sa kaniyang kanang bewang at agad itong winitik sa hangin. "Nagmamadali ka ata." Aniya ng medyo nakalapit na ako sa kaniya. Napatigil ako at umayos ng tayo. " Medyo, may klase pa kasi nakakaistorbo ka." Saad ko at muling sumugod sa kaniya. Patakbo akong sumugod at agad yumuko para maiwasan ang kaniyang magaspang na latigo ng makalampas sa kaniya ay agad ko siyang pinatid kaya napasalampak siya sa sahig. Masyadong mabilis ang kilos ko kaya 'di niya naiwasan ang pag-atake ko.Gusto ko sana siyang tawanan pero sige,'wag na lang muna. "Tunay ngang mabilis kang kumilos." Wika niya at agad namang t
CHAPTER THREE : REECENAKAHALUMBABA lang ako sa aking desk at hinihintay na pumasok ang aming guro,nitong mga nakaraang araw ay hindi na ako nalelate.Katakot kasi si Sir eh,baka parusahan ako ng bonggang-bongga."Good morning,class." Napatayo naman kami at bumati kay Sir na kapapasok lang din.Napasulyap ako sa pinto ng classroom namin ng may makita akong babae na nakatago sa likod no'n."Please take your seats now," Sinunod namin siya,pero ang mga mata ko ay nakatingin lang sa pinto. "Class,I would like to introduce you our transferee. Come here Iha,introduce your self." Hindi ko inaalis ang tingin ko sa babaeng papasok sa classroom namin.Ang ganda ng kulay ng balat niya,parang laking america. Ang kulot din nitong buhok na hanggang bewang siguro, ay shiney ang color black na kulay.In short,maganda siya.Naramdaman ko ang pag-init ng aking kanang bra
CHAPTER FOUR: COMRADE ILANG araw ng palaisipan sa akin ang huling sinabi ni Leside. Sumasakit na din ang ulo ko kakaisip, bahala na nga dadating din naman ako do'n. So since alam kong si Reece ang isa sa comrade ko I need to know her better. "Sabay tayo mag lunch, kung okay lang sayo." Wika ko sabay ngiti sa kaniya ng sobrang lawak. Hindi ko alam kung maweweirduhan siya sa ganoong way of act ko. 'Di kaplastikan 'yan sadyang napakalawak ko lang talagang ngumiti. Kasalukuyan kasing lunch break ngayon kaya naisipan ko siyang yayain para mas makilala ko pa siya, madaldal naman ako eh! Kaya okay lang 'yan. "Taga saan ka pala Reece?" Naisipan na tanong ko bigla sa kaniya habang naglalakad kami sa hallway. "Malapit lang d'yan lang sa susunod na kanto mga 10-15 minutong lakaran lang." Matamlay an
CHAPTER FIVE : SPIKE BLADE USER NANG matapos ang pang hapon namin na klase ay niyaya ko so Reece na pumunta sa bahay,sabi ko ay doon ko nalang sa kaniya i-eexplain ang lahat. "Nakauwi na si Brythe.." Nakasanayan na namin na sabihin ang ganoon kahit walang tao sa bahay,para ipaalam na nakauwi na kami. Niyaya ko naman si Reece papasok. "May bisita si Brythe.." Muling usal ko at tinanggal na ang aking boots,ganoon din naman ang ginawa ni Reece,inilagay namin sa shoe cabinet ang mga sapatos namin bago ko siya yayain sa itaas--kung saan ang aking k'warto. Nakita ko naman na sumilip si Mama mula sa kusina pero hindi nagsalita. Nang buksan ko ang pinto ng k'warto ko'y niyaya ko agad siya. "Pasok ka." Ngumiti siya sa akin kaya
CHAPTER SIX: KYST"AT sino ka naman?." Tanong ko ng matapos naming pataubin lahat. Napapunas pa ako sa noo ko dahil may kukunting dumi."Ako? Well ako lang namang ang hot at charming na si Kyst." At ngumiti pa siya ng napakatamis sabay kindat sa amin ni Reece.Agad kong nairap ang mga mata ko,hanu daw?Eh? Mayabang din 'tong isang 'to. Nagkatinginan kami ni Reece at parehong kunot ang noo, at sabay bumuntong hininga."Saan mo nakuha 'yang powers mo?" Prangkang tanong ko ng humarap ako ulit dito."From the mask? I guess. Nag-iiba anyo ko pagsinuot ko na 'to eh." Sagot niya habang nakatanaw sa kung saan. Napatingin naman ako sa maskara,nasabi din sa akin ni Leside a hindi naman gagana ang maskara sa hindi niya tunay na may ari."Kailan ka pa nagkaroon ng ganiyang kapangy
CHAPTER SEVEN: VIDEO GAME"HOY! Yadiel,kakain na!." Binuksan ko ang pinto ng k'warto ni Yadiel, lagi siyang patawag nitong mga nakaraang araw ah!"Saglit lang! Hindi pa ako tapos maglaro!." Nakahawak ako sa door knob ng k'warto ni Yadiel at nakapamewang,siya naman nakaharap sa computer at tutok na tutok."Ano ba 'yan huh? Tigilan mo na nga muna 'yan,kakain na!." Naiinis na sabi ko at lumapit sa kaniya,napasulyap naman ako sa nilalaro niya at hindi ko alam kung guni-guni ko lang o hindi ng mahilo ako ng napatingin do'n."Yadiel,kain na tayo mamaya na 'yan." Hinawakan ko sa balikat si Yadiel pero nabawi ko agad 'yun ng may kung anong p'wersa ang kumalat sa katawan ko."Ano ba 'yan! Namatay tuloy! Ang epal mo naman kasi eh!." Nagulat ako sa mga sinabi ni Yadiel,oo nga't magkaasaran kami pero hindi siya ganito magsalita sa akin.
CHAPTER EIGHT: FOURTH COMRADE"ANO ba 'yan Kyst! Hindi ko alam kung bakla ka o talagang ang arte mo! Sinabi ng bilis!." Napa-iling nalang ako dahil sa ingay ng dalawa,tapos na kaming mag-away kanina ni Kyst kaya hahayaan ko naman silang dalawa, and besides nakakapagod ding makipagtalo 'no.Linggo kasi ngayon so naisip namin na maggala muna sa bayan,at saka isa pa. Kailangan din naming nang break dahil sa sobrang daming projects and assessment 'no,hindi kami robot.Naupo kaming tatlo sa isang mahabang upuan na nakita namin,sa tapat namin ay may isang parang booth ng mga CD's. 'At di umano ang mga babae lamang ang nawawala pag sapit ng alas-sais sa paaralang ito. Madami ng magulang ang nagtataka at nagrereport sa mga pulis na nawawala ang kanilang mga babaeng anak,ano kaya ang tunay na dahilan ng pagkawala ng mga babaeng est