Nanumbalik sa wisyo ang aking pag-iisip nang marinig ang tanong niya. Nakangiti akong yumuko para tingnan si Toki na kanina pa nagpupumilit na bumaba. Iginala ko ng tingin ang paligid at nang mapagtatantong nasa garden area na kami ay ibinaba ko na si Toki.
“I got it from Th—” natigilan ako nang ma-realize kong mae-expose kong magkasama kami ni Thunder buong maghapon. “From a friend. Yeah, from a friend.”
“Anyways, tara doon! May naiambag din naman kahit papaano ‘yong pag-uwi mo nang late.” Humakbang siya papunta sa likuran ko. Piniringan niya ako gamit ang panyo at saka inalalayan sa paglalakad.
Napanganga na lamang ako nang makita ang nagliliwanag na light bulbs na nakasabit sa hindi kataasang arc nang tanggalin ni Vhan ang panyong nakatakip sa aking mga mata. Sa tagal kong umuwi, malamang ay nagkaroon siya ng oras para gawin ito.
The arc served as the door papunta sa wooden table at bench. Mababa lang ang table at bench. Halos ilang inch lang ang taas ng mga iyon sa lupa. Naupo kami ni Vhan sa tig-isang bench. Natawa pa nga ako nang magkatitigan kaming dalawa. Ang sweet lang niya ngayong araw.
“Nanay? Lali?” pagtawag ko sa dalawang tao na papalapit sa amin ni Vhan bitbit ang tray ng mga pagkain. Ngumiti silang dalawa sa amin at inasar pa nga ako. Nang makaalis na silang dalawa ay inabot ni Vhan ang kamay kong nakapatong sa mesa saka iyon hinawakan nang mahigpit.
“Happy 200th, babe. Let’s be together ‘til we’re gray and old.”
Hindi ko alam ang sasabihin. I’m too overwhelmed to speak. Ngumiti ako sa akin and mouthed, “Happy 200th.”
“Let’s eat?” Tumango ako bilang pagsang-ayon.
“Ah, wait!” Natigilan si Vhan sa pag-aayos ng mga pagkain sa mesa.
Kinapa ko ang bulsa ko para sana kumuha ng picture pero wala akong natagpuang cellphone. Doon ko lang naalala na tanging si Toki lang ang bitbit ko nang lumabas ako sa kotse ni Thunder.
I left my bag and the stilettos on his car!
“What’s wrong?”
“Ha? Nothing! Let’s eat.”
It was just a simple dinner date pero pakiramdam ko, ang haba ng oras na magkasama kaming dalawa.
“Umalis na si Vhan?”
Pagkatapos naming mag-dinner ni Vhan ay nagpaalam na siyang aalis. May presentation daw siya bukas kaya kailangan niyang pag-aaralan iyon. Nilingon ko si Nanay Dolor na siyang nagsalita sa likuran ko. Tinapos ko na ang pagsasara sa pinto saka naglakad papunta sa direksyon niya.
“’Nay, may pantawag ka ho ba? May tatawagan lang ho sana ako.”
“May nakalimutan ba si Vhan?” tanong niya habang may kinukuha sa bulsa ng floral niyang duster. Inabot niya sa akin ang cellphone na agad ko namang tinanggap.
“Wala naman po. May nakalimutan lang ho ako sa bahay ng kaibigan ko,” sagot ko habang hinahanap sa contacts ni Cham. Sa kagustuhan kong hindi i-save sa contacts ang number ni Thunder ay sinaulo ko na lamang iyon para makilala ko kung sakaling kontakin niya ako.
“Siya nga pala, ‘yung aso mo nakatulog na. Ginawan namin ni Lali ng higaan kanina.” Dala ng pagkataranta ay tanging tango na lamang ang naisagot ko sa kaniya.
“Pumasok ka na’t mahamog dito.” Sumunod ako sa kaniya papunta sa main door ng bahay pero agad ding huminto nang marinig ang pag-accept ng tawag sa kabilang linya.
“Thun?” kinakabahan kong bati sa taong sumagot sa kabilang linya. Ilang minuto kaming binalot ng katahimikan. “This is Jehan, by the way.”
“Ah, Jey! Ikaw pala. Naiwan ‘yung mga gamit mo sa kotse ko kanina.”
“Kaya nga. Nasaan ka ba ngayon?” Humigpit ang pagkakahawak ko sa cellphone na nakatapat sa aking tainga. Huwag naman sana siya naroon sa bahay nila.
“Nasa motocross camp ako.” Nakahinga ako nang maluwag.
“Pupunta ako riyan. Send mo sa akin ‘yung address. Hihintayin ko.” Ibinaba ako ang cellphone saka patakbong hinabol si Nanay Dolor. Bahagya pa nga itong nagulat nang hawakan ko siya sa braso.
“Nay, hihiramin ko ho muna itong cellphone.” Hindi pa man siya pumapayag ay tumakbo na ako papunta sa kwarto upang kumuha ng jacket.
“Gabing-gabi na. Saan ka ba pupunta?” pahabol niyang tanong.
“Babalik din ho ako kaagad!”
Agad akong pumara ng taxi nang makalabas sa highway. Wala na ngang halo pang chismis, sinabi ko kaagad sa driver ang address na si-nend sa akin ni Thunder.
Ito ang unang beses na pupunta ako sa motocross camp ng gabi. Naisama na ako ni Vhan dito dati pero tirik na tirik ang araw noon. I wonder how the camp looks like at night. May mga nagkakarera pa ba kahit gabing-gabi na? Yumuko ako para bilangin ang dala kong pera at napamura na lamang ako nang mapagtanto kong maikli ang suot kong shorts.
Teka nga? Pwede ko namang ipahatid sa kaniya ang mga gamit ko sa bahay. Bakit pa ako nag-aksaya ng effort at pamasahe para puntahan siya rito?
As expected, nakabibingi ang ingay ng mga motorsiklo ganoon na rin ang sigawan ng mga tao. Nang makababa sa taxi ay agad na hinanap ng mga mata ko si Thunder. Kanina ko pa t-in-ext kung saan siya banda pero wala akong natatanggap na reply hanggang ngayon.
Maraming nakagaraheng sasakyan sa gilid. Iba’t ibang kulay at brand ng kotse at motorsiklo. Napaisip tuloy ako kung dito rin ba iginarahe ni Thunder ang kotse niya. Napaiwas ako ng tingin sa isang kotse ng mapansing tila ba may mga tao roon at may kung anong kahiwagaang ginagawa.
“Hey, pretty. Are you looking for me?” Napatalon ako sa gulat nang bigla na lamang may nagsalita sa bandang likuran ko kasabay ng pagpalo sa pang-upo ko. Ginapang ng takot ang dibdib ko pero nagawa ko pa rin siyang sungitan. Manyak!
Naglakad ako paalis nang mapansing wala siyang plano na tantanan ako. Maliban sa lalaking nambastos sa akin ay may isa pang naroon sa likuran niya. Mga mukha silang kinulang sa nutrition. Ang isa ay mahaba ang tila ba hindi nadaanan ng suklay ang buhok habang ang isa pa at siyang nambastos sa akin ay naubusan na ng buhok.
“Hoy, teka! Saan ka pupunta?”
Mas lalo kong binilisan ang paglalakad at hindi na lang sila pinansin. Nararamdaman kong sinusundan nila ako. Naririnig ko ang mahihina nilang mga tawa pati na rin ang pag-uusap nila tungkol sa kung gaano kaganda ng binti ko.
Napayuko ako’t sinisi ang sarili sa pagpupumilit kong pumunta rito. Wala na sana akong balak na huminto sa paglalakad. Malas lang at may nakabangga ako. Doon na tuluyang nanginig ang mga kamay ko, dala ng takot.
“P’re! Tapos na ang laban?” rinig kong tanong ng isang lalaki sa likuran ko.
Umatras ako palayo sa lalaking nakabangga ko nang hindi umaangat ng tingin. Iiwasan ko na lang sana siya pero noong akmang lalagpasan ko na siya ay hinila niya ang hood ng jacket na suot ko. Napilitan tuloy akong bumalik.
“Hm! Panalo raw si Ean. Pumusta ba kayo?” May kung ano sa boses niya na humaplos sa namumuong kaba sa dibdib ko. Umangat ako ng tingin at napangiti na lamang ng makilalang si Thunder itong nasa tabi ko.
“Tangina! ‘Tol, sayang! Sinabi ko naman sa iyo, kay Ean ka pumusta. Ang bobo mo talaga!” Pinalo ng mahaba ang buhok ‘yung kasama niyang kalbo. “Basta sa finals, sure ng sa iyo kami pupusta, p’re.”
“I’ll do my best to win!” Assurance naman ni Thunder sa kanila.
“Kita-kits sa finals!” paalam ng mga ito kay Thunder at tila ba nawala ako sa pangingin nila. Tumango naman si Thunder sa kanila.
“Teka, may naiwan kayo.”
Binitiwan ni Thunder ang hood ng jacket ko saka hinabol ang dalawa na hindi pa namang masyadong nakalalayo. Huminto ang mga ito para siguro alamin kung ano ba ang nakalimutan nila. Napapikit na lamang ako nang suntukin ni Thunder iyong kalbo. Bumagsak ito sa maalikabok na lupa.
“Anong problema mo?” tanong ng isa at dinaluhan ang kasamang nakabulagta sa lupa. Nilingon ako ni Thunder at mukhang matalino itong isa at nakuha niya ang ibig nitong iparating.
Don’t tell me, nakita ni Thunder kung paano ako binastos kanina?
Inalalayan nitong tumayo ang kasama at tahimik na umalis. Patakbo akong lumapit kay Thunder na hanggang ngayon ay nakakuyom pa rin ang mga kamay. Nanginginig ang kamay kong inabot ang kamay niyang ipinansuntok niya at sinuri iyon. Namumula ang kamay niya.
“Okay ka lang? Nasaktan ka ba?”
“Ako dapat ang magtanong sa inyo niyan. Tingnan mo, nasaktan ka!” naiiyak kong saad. Napahawak siya bigla sa dibdib niya saka umungol na para bang hindi siya makahinga.
“B-bakit? Thunder, anong nangyayari?” Nararamdaman ko na ang pressure sa ilong ko. Anytime, maiiyak na ako. Hindi ko mawari kung hahagurin ko ba ang likod niya o sisigaw ako ng tulong. Habang tumatagal ay mas lalo siyang nahihirapang huminga.
“I-inhaler. Jey, inhaler…” naghahabol ng hangin niyang paki-usap.
“Inhaler? Saan ako kukuha ng inhaler?” Tuluyan na ngang tumulo ang luha ko at luminga para humanap ng mapagkukunan. Maya-maya pa’y ipinatong niya ang kaniyang ulo sa kanan kong balikat.
“Thunder? Thunder Khaos?!” Inalog-alog ko siya pero hindi na siya nagreresponse. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at bigla ko siyang niyakap nang mahigpit habang umiiyak. Anong nangyayari sa kaniya?
“Jehan...”
“Huwag ka ng magsalita! Dadalhin kita sa ospital.” Kinapa ko ang cellphone sa bulsa ng shorts ko.
“It’s a prank.” Hindi ko natuloy ang balak ko sanang pagtawag kay Cham. Tarantang-taranta na ako, e. Sa inis ko ay tinulak ko siya palayo sa akin at hinabol ng hampas sa braso.
“Bwesit ka, sobra!” sigaw ko pero tinawanan lang niya ako. Pwersahan kong pinunasan ang aking mga luha at tumalikod sa kaniya.
“Tara? Naroon sa kotse ‘yung mga gamit mo.” Nagpatiuna na nga akong naglakad paalis, pabalik sa parking area.
“Hoy! Saan ka pupunta?” Huminto ako sa paglalakad at nilingon siya. Ihinilig niya pakaliwa ang kaniyang ulo, sa direksyon ng kotse sa gilid niya.
Taas-noo akong humakbang pabalik pero natigilan nang may mapansin akong dalawang pamilyar na tao sa unahan. Hinila ni Thunder ang braso ko, rason ng pag-iwas ko ng tingin sa dalawa. Sina Vhan at Aquinah ba iyon? Akala ko ba nagmamadali siyang umuwi kanina para pag-aralan iyong presentation niya bukas? Anong ginagawa niya rito?
“Okay ka lang?”
“Pwede ba?” Binawi ko ang braso ko mula sa pagkakahawak niya roon. “Tigilan mo na nga ang paulit-ulit na pagtanong kung okay ako?! Obvious naman ‘di ba?!” Napagtaasan ko siya ng boses. Luminga siya sa paligid siguro ay dahil sa pagsigaw ko. Tulad ko, naagaw din ng dalawa ang atensyon niya.
“Sorry.” Inirapan ko lang siya at kumusa na nga para buksan ang passenger seat. Nakapatong roon ang bag ko, pati na rin ang paper bag ng sandals.
“Ihatid mo na lang ako pauwi,” para bang nauubusan ng energy kong sabi. Kinuha ko ang mga gamit para ilipat ng pwesto saka naupo. Sumakay na rin si Thunder at agad na binuhay ang makina.
Tila ba kararating lang nina Vhan at Aquinah. Hindi kasi naka-park ng maayos ang kotse nila. Siguro ay hinihintay nilang may umalis para maipwesto na nila ito. Kapwa sila nakasandal sa kotse at tila ba may nakatatawang pinag-uusapan. Habang palapit kami nang palapit ni Thunder ay mas lalong sumisikip ang dibdib ko.
May karapatan naman akong magselos ‘di ba?
Umiwas ako ng tingin, eksakto namang sa pinagbalingan ko ay nagtama ang mga mata namin ni Thunder. Ngumiti siya sa akin sabay saklob ng hood ng jacket sa ulo ko. Tatarayan ko sana siya pero umiwas na lang ako ng tingin dahil nasa harap na kami ng sasakyan ni Vhan. Ihininto ni Thunder ang kotse kaya nagkunwari na lamang akong natutulog.
“P’re, nandito pala kayo,” rinig kong bati ni Thunder.
“Nahuli nga kami, e. Tapos na raw.” Alam kong may ilaw sa loob ng kotse pero nagbabakasakali lang naman akong hindi nila ako makikilala.
“May kasama ka?” Nararamdaman ko ang mga atensyon nilang nakapako sa akin.
“Ah, girlfriend ng kaibigan ko. Pinapasundo sa akin. Gala!” Pakiramdam ko mas lalo akong mabubuking sa kadaldalan nitong kasama ko. Malabo ba ang mata ni Vhan? Hindi ba niya ako nakikilala? Kahit na sa damit man lang? Wala pang isang araw mula ng umalis siya sa bahay, a!
“Mauna na kami, p’re,” sa wakas ay paalam ni Thunder. Hindi ko narinig na sumang-ayon si Vhan—siguro ay tumango na lamang.
Nanatili akong nakayuko roon na parang tanga. Nang makalayo na kami ni Thunder at makarating sa highway ay ginilid niya ang sasakyan saka ihininto.
“Okay ka lang?” Pambihirang tanong naman.
“Kita mo naman ‘di ba?!” sigaw ko sa kaniya na pumiyok pa nga sa dulo. “Isa ka rin, e. Bulag ka rin ba?”
“Kung may bulag man sa ating dalawa, ikaw ‘yun at wala ng iba.”
Thunder’s POV“You can’t. Bakit ba ang tigas ng ulo mo? Sinabi ko naman sa iyo na wala kang mapapala kahit pa makita mo siya!”“Why can’t I?!” sigaw ko.Nagtama ang mga mata namin ni Jheane na nagulat sa biglang pagtaas ng boses ko. Nakaupo siya sa itim na couch, salungat sa direksyon na kinauupuan ko. Nakipagtitigan siya sa akin. Ako na ang kusang umiwas ng tingin nang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Claud.They are my friends whom I met on the first day that I got here in the US to live with Tito Marco’s family. They happened to be dating each other.May bitbit na plastic bag ng canned soda sa kaliwang kamay si Claud at isang box ng pizza naman sa kabila. Maingat niyang isinara ang maingay na pinto at lumapit sa amin. Ibinaba ko ang mga paa ko na nakapatong sa mesa nang ilapag doon ni Claud ang mga dala niya. Nagkatinginan sila ni Jheane.Palagi na lang akong nagmumukhang third wheel
Charmaine’s POVAs much as possible, gusto kong sarilinin na lang ang kung ano mang nararamdaman ko para kay Xawarian.Desisyon kong pakawalan siya kaya wala akong karapatan na kunin siya sa taong nagmamahal sa kaniya. Besides, tita ko si Jayzel. Bunso siyang kapatid ni Papa na halos twenty years din ang agwat ng edad sa kaniya. I’ve known her since I was just a kid. I know, she’ll take good care of Xaw as much as she did to me during our childhood days.Nakilala ko si Xaw noong high school dahil kay tita Jayzel. Ipinakilala siya sa akin ni tita as a friend na taga-kabilang school na kinumpirma naman sa akin ni Xaw. Magkaedad sila at parehong ahead sa akin ng dalawang school year. Mula nang araw na ‘yun ay napadalas na ang pagkikita namin ni Xaw nang patago kay tita Jayzel.Bago ko pa man naging kaibigan sina Quin at Jey ay si tita ang una kong naging best friend. Ganun pa man, may kung ano sa akin na natatakot sabihin sa kaniya ang
Charmaine’s POVIf I deserve someone better, why can’t you be that someone who’s better?Ito ang mga katanungang lumilipad sa utak ko habang nakatitig kay Xaw. Nasa harap kami ng isang jewelry shop sa mall na siyang naging scape place naming dalawa nitong mga nakalipas na araw. Malagkit na nakatingin ang babaeng staff kay Xaw, na abala naman sa pagpili ng singsing. Nagtama ang mga mata namin ng staff na nahihiyang umiwas ng tingin.Bumuntong-hininga ako saka luminga upang muling maghanap ng pamilyar na mukha sa paligid. Baka kasi may kakilala kami na makakita sa amin na magkasama ngayon.Actually, it’s not a big deal. Alam ng lahat na ako ang paboritong asarin ni Xaw magmula pa noong unang araw ng pasukan. Ang ikinatatakot ko sa ngayon ay ang katotohanang hawak ni Xaw ang kamay ko.“This. Can I see this one?” Binalik ko ang aking atensyon kay Xaw nang magsalita siya. Ngumiti ang babae sa kaniya at kinuha ang singsing na i
Thunder’s POVKanina pa ako pabalik-balik sa paglalakad yakap ang unan na nadampot ko sa kama bago ako nagpasyang lumabas ng kwarto. Ilang oras na ang lumipas mula nang dumating kami rito sa bahay galing sa maghapong driving lesson.Jehan is a fast learner. Maliban pa roon ay may kaunti na siyang kaalaman sa pagda-drive kaya hindi ako nahirapan. Huminto ako sa paglalakad nang marinig ang tunog ng pagpihit ng knob. Bumukas ang pinto at bahagyang napatalon sa gulat si Jehan nang makita ako. Katulad ko ay naka-pajamas na rin siya.“Gising ka pa?” tanong niya nang makabawi. Humakbang siya palabas ng kwarto. Lumapit ako sa kaniya at itinapon ang bitbit kong unan sa direksyon ng kama niya. Mabuti na lang at hindi iyon gumulong at nahulog sa sahig.“Hindi pa ako inaantok.” Nginitian ko siya. Ngumiti rin siya pabalik at tuluyan na ngang sinara ang pinto.“Magtitimpla ako ng gatas. Gusto mo rin ba ng gatas?”“Hm?” Tinaas
Jehan’s POVI opened my eyes in a slow motion. Bumungad sa akin si Thunder na nakatayo pa rin sa harapan ko at hawak ako sa magkabilang pisngi. We are both catching our breathes while Toki stares at us innocently. Bakas sa mga mata ni Thunder ang pag-aalala pero hindi ko alam kung bakit ako natawa. Ang rupok ko talaga pagdating sa kaniya.“Hey! Don’t scare me like that. Okay ka lang?”Paano ko bibitiwan ang lalaking ito nang hindi ko pagsisisihan sa huli?Sa halip na sagutin ang tanong niya ay umatras ako palayo at inilapag si Toki sa sahig. Tumakbo naman ang aso paalis na akala mo ay hahabulin siya ng isa sa amin. I looked back at Thunder, teary-eyed. I smiled at him which made him confused for I don’t know how many times already. I cupped his face and tip toed to reach for his lips.I hate the smell of cigarettes but its taste from his lips makes me addicted. A simple peck suddenly went deeper and deeper until his tounge make its way to search for mine. Nanghihi
Jehan’s POVHalos marinig ko na ang paghinga ng bawat isa sa sobrang tahimik. May pare-parehong reaksyon sa mga mukha nila—nagtatanong kung bakit nasa labas si Thunder. Kahit ako, hindi ko rin naman alam. Nanay Dolor broke the silence by shutting off the main door. Aquinah then coughed and Mommy wet her lips. Hindi pa rin nila inaalis ang mga tingin nila sa akin.“H-hinatid lang ho ako ni Thunder.” Maging ako ay nag-cringe sa kasinungalingan ko. Mabuti na lang talaga at hindi ako sa mismong gate ng bahay bumaba kanina pagkahatid sa akin ni Vhan. Hindi siya nakita ni nanay nang pagbuksan niya ako ng pinto ng gate.“Oh, bakit hindi mo pinatuloy?” sumbat ni mama. Akala ko ako ang pinapagalitan niya pero nang lingunin ko siya, nakita kong kay tito siya nakatingin.“Inalok ko siyang pumasok kaso tumanggi. Uuwian daw muna niya si Toki sa bahay nila.” Sa sinabi ni tito, bumalik tuloy ang atensyon ng lahat sa akin.“Hindi mo muna pinakain ‘yung aso bago ka pumunta rito?”
Jehan’s POVBakit sila magkasama? Magkakilala ba sila?I feel like a masochist while looking at them who are happily staring at each other’s eyes. Mabigat sa pakiramdam na makita siyang nakangiti nang gano’n sa iba. Kahit nanlalabo na ang paningin ko ay hindi ko magawang alisin ang mga tingin ko sa kaniya. Natatakot na baka sa isang kisap-mata ay mawala siya sa paningin ko.Akala ko okay kami… akala ko lang siguro.Ito ba ang pinagkakaabalahan niya nitong mga nakaraang araw kaya napapadalas ang pag-alis niya? At isinasama niya pa si Yves? Na-curious tuloy ako sa kung anong ikinukwento ng babae. Sinabi kaya nito na pumunta ako sa bar ni Corbi kanina kasama si Liane at hinahanap siya?Ngayon ko lang ulit nakitang ngumiti nang ganoon kalawak si Thunder magmula nang magsama kami sa iisang bahay. Now that I mentioned it, marami ng nagbago mula nang sumama ako sa kaniya.Humakbang ako nang tatlong beses paatras at pagkatapos ay tuyuan na nga silang tinalikuran. Wala
Jehan’s POV “Anong gagawin natin dito?” Walang kibo na iginarahe ni Liane ang kinasasakyan naming kotse sa parking lot ng isang bar na pamilyar sa akin. This bar holds a huge significance to Thunder and my story. Ang Secret Paradise bar na pag-aari ni Corbi. Inabot ni Liane ang cellphone niya at dahil hindi niya sinagot ang nauna kong tanong ay napilitan akong silipin ang kung ano mang tinitipa niya roon. Kanina pa magmula nang umalis kami ng bahay ko siya inuulan ng tanong pero wala ni alin man doon ang sinagot niya. She tapped her phone’s default messenger icon. Pagkatapos ay pinindot niya ang palitan nila ng messages ni Yves, na hindi ko na tiningnan basta ang alam ko ay nag-compose siya ng message para rito. Bumuntong-hininga siya at isinandal ang kaniyang ulo sa headboard ng upuan. Mariin siyang pumikit. Saktong pagmulat niya ay nahuli niya akong nakatitig sa kaniya. “Tirik na tirik ang araw. Anong ginagawa natin dito?” Inunahan ko na siyang magsalita. M
Jehan’s POVMariin akong napapikit nang makita ang motorbike ni Thunder na nakaparada sa garahe. He’s here. Naunahan niya akong umuwi. Alam kong hindi magandang ideya na umuwi nang madaling araw ngayon lalo na at medyo ilag kami sa isa’t isa magmula noong nagpagupit ako ng buhok, two days ago. Ganoon pa man, nagawa ko pa ring buksan ang pinto para pumasok sa bahay; hindi alintana ang malakas na tambol ng puso ko.“Late ka na yata.” Bahagya akong napatalon sa gulat nang marinig ang boses niya. At dahil nahuli na niya ako, wala ng rason para magmadali ako sa paghubad ng suot kong black high-heeled boots.Nakangiti akong umangat ng tingin para harapin siya. Expected ko ng hindi siya matutuwa. Nakasandal siya sa wall sa bukas na pintuan papunta sa kusina at nakahalukipkip. Suot pa rin ang parehong damit na suot niya kanina nang magpaalam siyang aalis para pumunta sa motocross camp. Nang maitabi ko ang boots ay tumuloy ako papunta sa salas at naupo sa couch.Bumuntong-hin